3

1888 Words
Nakapagdesisyon na ako. Gagawa ako ng sarili kong charity. Nasabi ko na din kina mama at papa tungkol dito. Walang problema kay papa, sa katunayan pa nga ay natuwa pa siya dahil nawawala na ang dating ako na puro pagmumukmok lang sa kuwarto ang tanging alam ko. Si mama naman ay hindi daw niya maiwasang nag-aalala dahil sa sitwasyon ko na hindi nakakapgsalita. Pero ipinaliwanag at kinumbisi siya ni papa na magiging ayos lang daw ako, lalo na't kasama ko sina Zvonimir at Bram sa proyekto na ito. Maiksi na ang tatlong araw para sa amin, kasama na din ang byahe. Sa bandang Zambales naman ang pinili kong location. Pinili kong tulungan ang Aeta Tribe sa probinsiya na iyon. Nakontak ko na din kung sino ang pupwede kong makontak doon. Ang nakausap ko doon ay ang pinuno ng tribo. Nasabi ko sa kaniya ang vision ko at agad din niyang napaunlakan ang aking proposal. Sabihan ko lang daw siya kung kakailan daw kami pupunta para makapaghanda daw sila. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatapos kong mag-impake. Lumapad ang aking ngiti. Tama na siguro na isang malaking back pack lang ang dala ko. Naasikaso na din daw ni Bram ang mga bibilhin na mga laruan at school supplies para sa mga bata. Si Zvonimir naman daw, nakaready na daw ang sangkap na lulutuin niya para sa feeding program. Nakakatuwa lang dahil parang team kami sa lagay na ito. Kinuha ko ang teacup sa aking gilid at humigop ng kaunti. Ibinalik ko ang tasa sa pinanggalingan nito. Sumapang ako sa kama. Binulak ko ang aking laptop para machat ko through f*******: si Gela, ang isa sa mga kaibigan ko. Nasabi ko din sa kaniya ang plano ko na bubuo ako ng isang Charity. Nakakatuwa lang dahil willing daw siya tumulong at kasalukuyan siyang nangongolekta ng mga lumang damit na pupuwede pang magamit ng mga aeta na pagbibigyan namin. May mga kasama din kami sa pagpunta doon, ipinasama ni papa sa akin ang iilang tauhan niya mula sa kumpanya para may katuwang na din kami pag-akyat namin ng bundok. Excited na ako para bukas! First time ko ito at sana ay hindi ako pumalpak! Ilang saglit pa ay pinatay at itiniklop ko na ang aking laptop. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan... "I wanna tell you this, kapag nagmahal ang isang Hochengco, iisang babae lang at handa magbuwis ng oras at buhay para sa babaeng iyon para mapasaya lang ito." Agad akong umiling para mawala sa isipan ko ang mga linya na iyon. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata saka huminga ng malalim. Hinawi ko ang comforter at humiga na. Nagsign of the cross ako at nagdasal sa pamamagitan ng aking isipan. Humihingi ako ng gabay na sana ay maging ligtas ang byahe namin bukas. - Alas kuwatro palang ng umaga ay gising na ako. Mabilis akong kumilos. Naligo ako't nagbihis ng simple lang, 'yung tipong magiging komportable ako habang nasa byahe ako hanggang sa marating namin ang komyunidad ng mga aeta. Usapan din namin ni Zvonimir ang oras na iyon at susunduin niya kami. Siya daw ang may dala na sasakyan. Sinuot ko ang aking back pack bago man ako tuluyang nakalabas na ang aking kuwarto. Sa aking paglabas ay si Manang Laida na ang unang bumungad ng umaga ko. Mukhang bagong gising pa siya sa lagay na iyan. "Oh, anak. Ganitong oras ba kayo magkikita ng fiancé mo?" Ngumiti ako't tumango bilang sagot. Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa. Nagtipa ako doon saka ipinakita ko sa kaniya ang sinabi ko. "Susunduin niya po kami kasi, at saka nakakahiya naman po kung magpapaimportante ako sa kaniya." "Ay, ganoon ba?" hinawakan niya ang aking balikat. "Basta, mag-iingat ka sa byahe ninyo ni Bram, ha? Kapag napabayaan ka ng batang iyon, isumbong mo sa akin." Hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi dahil sa mga paalala ni Manang Laida. Naputol lang iyon nang tinawag ako ni Bram at papalapit sa amin. Sinasabi niya na nariyan na si Zvonimir sa labas mismo ng bahay namin! Yumakap ako kay Manang Laida bilang pagpapaalam. Siya na rin ang magsasabi kina mama at papa na umalis na kami dahil ayoko silang gisingin dahil may trabaho pa sila mamaya. O hindi kaya ay itetext ko nalang sila sa oras na gising na sila at nag-aalmusal na. Pinagbuksan ako ni Bram ng pinto hanggang paglabas namin ng gate. Tumambad sa amin si Zvonimir na ngayon ay nakasandal sa kaniyang sasakyan at nakahalukipkip. Simple nga ang kaniyang damit pero bakit tingin ko ay kahit bihisan mo pa siya na pang-pulubi ay guwapo pa rin? Nang makita niya kami ay umiba na naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Lumipat ang tingin niya sa kasama kong si Bram. Bakit naman ganyan? Sa mga tingin niyang iyon ay parang binabalaan niya si Bram na hindi ko alam. Nang bumaling ako kay Bram ay ganoon ding tingin ang isinukli niya kay Zvonimir. Mukhang naghahamon ng away sa isa't isa! "Tara na po, young lady." maski ang boses ni Bram ay umiba na din! Mariin iyon at mukhang naiirita. Sabay silang dalawa na papunta sa mga pinto. Binuksan ni Bram ang pinto sa backseat habang si Zvonimir ay binuksan ang front seat. Natigilan naman ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupuwesto. "Young lady?" tawag sa akin ni Bram. "Lyndy," mas matigas na sambit ni Zvonimir sa pangalan ko. Nakuha niya ang atensyon nang ganoon kadali. "Hop in. You are my fiancee." talagang binigyang-diin niya ang salita na fiancee. Napangiwi ak. Tahimik akong kumawala ng hakbang palapit kay Zvonimir. Inaalalayan niya akong makaupo sa frontseat. Nang isinara na ang pinto ay lihim akong nag-obserba sa dalawa habang nagkabit ng seatbelts. Tinapunan ni Zvonimir si Bram ng isang mala-demonyong ngisi na daig mong nanalo sa isang kompetisyon. Bumuntong-hininga nalang ang kasama ko saka sumakay siya sa backseat na wala siyang magawa. Pinapanood ko kung papaano umikot sa harap si Zvonimir hanggang sa nakaupo na din siya sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina at humarurot siyang nagpatakbo. Rinig ko ang daing ni Bram sa likuran ko. Napasinghap ako dahil napasubsob siya sa likuran ng upuan ko. "Sorry, dude. Badtrip kasi ako." walang emosyong wika ni Zvonimir sa kaniya. Laking pasasalamat ko dahil hindi na nagsalita pa si Bram, hindi nalang niya pinatulan itong isa. Naiiling-iling ako't inilabas ko ang cellphone ko, tinext ko si Gela kung nasaan na siya. Wala pang limang minuto ay nakatanggap na ako ng mensahe mula sa kaniya. Ang sabi niya ay mauuna na lang daw siya sa Zambales at nakaconvoy daw siya sa truck na nirenta niya dahil naroon ang mga dala namin. "Kumain ka na ba, Lyndy?" kaswal na tanong ni Zvonimir sa akin. Bumaling ako sa kaniya. Magtitipa sana ako ng sagot sa telepono ko nang si Bram ang nagsalita. "Hindi pa siya nakapag-almusal." "Kailan naging Lyndy ang pangalan mo, pre?" naiirita na namang tanong ni Zvonimir sa kaniya. "Alam mo naman ang kondisyon ni young lady, hindi ba? Papaano ka naman niya sasagutin?" Tss." pasupladong pahayag ni Bram sa kaniya. Kira ko ang pag-igting ni Zvonimir ng kaniyang panga. Naobserbahan ko din na humigpit ang pagkahawak nito sa manibela. Ibinaling nalang niya ang kaniyang atensyon sa pag-andar ng stereo. Shivers by Lucy Rose kicks in. Mas lalo ako napangiti nang marinig ko ang kanta na pinapatugtog ngayon. Opening song siya ng Mushishi! 'Yung anime! Hayys, ang saya naman nito! Lalo gumanda ang umaga ko dahil sa kanta! Ewan ko, hinding hindi ako nagsasawa sa kanta na 'yan. Pakiramdam ko kasi, nakakarelax siya. - Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Gumalaw ako ng bahagya. Agad akong bumaling sa driver's seat. Umawang ang bibig ko dahil wala na si Zvonimir doon. Mabilis akong lumingon sa backseat, wala na din si Bram! Medyo aligaga ako na iginala ang aking paningin sa paligid. Parang nasa gubat kami. Or nasa paanan kami ng bundok. Hala! Nakatulog ako sa byahe! Nakakahiya! Nagpupungas-pungas ako bago ako bumaba. Isinara ko din ang pinto. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang dalawa kong kasama na abala sa pakikipag-usap sa grupo ng mga kalalakihan. Kausap din nila si Gela! "Lyndyyy!" bulalas niya sabay kaway sa akin nang makita niya ako. Pati ang mga kausap niya ay napatingin sa gawi ko. Agad iniwan ni Gela ang mga iyon saka nagmamadali na lumapit sa akin. Siniunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. "I miss yaaa!" Dahil sa hindi ko magawang magsalit ay ang tanging magagawa ko lang ay ang ginantihan siya ng yakap saka mahina kong tinapik-tapik ang kaniyang likod. Agad din siyang kumalas mula sa pagkayakap. Hindi pa rin nagbabago ang isang ito kahit hindi ako nagparamdam sa kaniya ng ilang buwan. Gela Ortiz is very cheerful, reliable and approachable. Ang totoo niyan ay kaibigan ko na talaga siya noon pa man bago man siya naging girlfriend ni- "Young lady, puwede na daw po tayo umakyat." biglang nagsalita si Bram sa gilid ko. Tumango ako saka ngumiti. Pero bakit nakaramdam ako ng isang itim na enerhiya sa paligid. Nang dumako ang tingin ko sa direksyon ni Zvonimir ay hindi ko mapigilang mapalunok nang matindi. Matalim siyang nakatingin sa direksyon namin. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya sa akin sa office niya! Sa lagay niya ngayon para siyang halimaw na anumang oras ay pupuwede na siyang umatake sa kaniyang biktima! Ako na din ang bumawi ng tingin. Bumaling ako kay Gela sabay turo ko sa kaniya ang mga kahon na kailangang buhatin sa pag-akyat sa bundok. Mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin. Kaya pumalakpak siya't ngumiti. Hinawakan niya ako sa isang kamay. - Hindi ko ininda ang pagod habang umaakyat kami ng bundok. Nakahawak lang ako sa strap ng aking back pack. Ganito pala ang pakiramdam kapag aakyat ka ng bundok. Ang sabi din sa amin ng guide ay aabutin ng dalawang oras pag-akyat bago man namin marating ang kumyunidad ng mga Aeta na bibisitahin namin. Tumigil ako sa paglalakad. Dinukot ko ang aking sanrio sa bulsa. Pinusod ko ang aking buhok. Pinunasan ko ang aking mukha na nababalutan na ng pawis sa pamamagitan ng face towel. Huminga ako ng malalim bago ulit ako nagpatuloy sa paglalakad. "Okay ka lang ba, Lyndy?" si Zvonimir ang biglang nagtanong sa akin. Pansin ko na siya ang kusang tumigil para hintayin ako. "Young lady?" tawag ni Bram na tulad ni Zvonimir ay may pag-aalala sa kaniyang mukha. Binigyan ko sila ng thumbs up saka ngumiti. Ipinapakita ko na ayos lang ako. Pero nanatili lang silang nakatingin sa akin. Pinaninkitan niya ako ng mga mata. "Are you sure?" paniniguro ni Zvonimir. Tumango ako. Bago man niya ako sagutin ay pinahubad niya sa akin ang suot kong back pack. Walang sabi na biniay niya iyon kay Bram. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagtataka. "Dalhin mo 'yan." utos niya kay Bram. Kumunot ang noo nito sa kaniya. Kahit siya ay nagtataka. Pero mas nawindang ako dahil biglang tumalikod sa akin si Zvonimir at yumuko. "Here, I'll give you a piggy-back-ride." aniya. Pakurap-kurap ako sa kaniya. Nagkatinginan kami ni Bram, napangiwi siya pero sa huli ay naiiling-iling. Ngumiti siya sa akin. "Mas maigi nga po 'yan, young lady." aniya. Lumunok ako. Sumakay nga ako sa likod niya. Nang hawakan niya ang magkabilang binti ko at umangat ay naamoy ko ang mabango niyang amoy. Lalaking lalaki. Teka, bakit ganito ang naramdaman ko? Tingin ko kasi, mas napapadalas na yata na pagiging malapit ko sa kaniya? Muli kami nagpatuloy. Naunang naglakad si Bram. Nakasunod lang kami ni Zvonimir sa kaniya. "Siopao," biglang sabi niya. Siopao? Gutom na ba siya? "Malambot." dagdag pa niya. "At masarap." Anong pinagsasabi niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD