2

1938 Words
Kasalukuyan kaming nakain ngayon ng dinner, along with my parents. Bihira lang mangyari ito kaya pinagbigyan ko na din sina mama at papa ang kagustuhan nila na makasama sila sa hapag. Nakikinig lang ako sa kanilang pinag-uusapan. Tungkol sa negosyo. Kinukwento din nila tungkol sa mga experience nila. Kung hindi ako nagkakamali, may mga naging kaibigan ang pamilya namin sa pulitika. "Lyndy?" malambing na tawag sa akin ni mama. Bumaling ako sa kaniya kahit na hawak ko pa ang chopsticks at mangkok. Kinuha niya ang isang baso ng tubig. "Ni jian tian guo de zen me yang? (How's your day?)" tanong niya bago siya uminom ng tubig. Ngumiti ako sa kaniya na matamis. Alam na nila ang ibig kong sabihin doon. Through my facial expressions, malalaman din nila ang kasagutan ko sa bawat nilang tanong. "By the way, tama lang pala talaga na ipinagkasundo ka namin kay Zvonimir Ho. He's born in year of the Sheep, while you are born in year of the pig. According to the love compatibility in marriage, you are both a perfect match, as a result." nakangiting saad ni mama. Malumanay niyang ipinatong ang hawak niyang baso sa dining table. "Ji ran ni ding hun le, ni men liang ge dou yung gai que ding jie hun ri qi. (Since both of you are engaged, you both should identify the wedding date.)" Inilapat ko ang aking mga labi. Tango lang naging sagot ko. Oo nga pala, kailangan namin malaman kung ano ang petsa ng magiging kasal namin ni Zvonimir. Hindi ko man lang ito nabanggit sa kaniya kanina na nagkita kami sa restaurant dahil alam kong nagmamadali na din siya para kitain ang tinutukoy niyang kliyente kaya hinayaan ko nalang siyang umalis. Sa susunod nalang siguro. Kapag may libreng oras nalang siya dahil alam kong busy siya dahil alam ko, na isang tulad niya ay importante ang career. - Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatitig ako sa aking singsing na nasa middle finger. According to chinese traditions, the middle finger represents yourself. Also, chinese believes that since the woman is one in charge of the family household, her ring should be worn on the right hand because the right hand exerts more influence. Bigla din sumagi sa aking isipan ang sinabi niya sa akin kanina sa restaurant. Kapag nagmahal ang isang Hochengco, iisang babae lang. Hindi ko man maitindihan kung ano ba ang gusto niyang ipunto doon ay pilit ko nalang iyon balewalain. Umalis ako mula sa pagkaharap ko sa bintana saka sumampang na sa aking kama. Binuksan ko ang aking laptop. Ipagliliban ko muna ang aking panonood ng mga anime ngayon. Naisipan kong magstroll sa google. Maghahanap ako ng bagong gagawin sa buhay. Natype ko ang philippine community service projects. Nang lumabas ang mga results, may pumukaw ng aking atensyon. May nakalagay na 10 places in the Philippines Where You Can Volunteer. Napangiti ako, hindi ako nagdalawang-isip na i-click mismo ang website. Marami akong pagpipilian kung saan ako pupuwedeng mapapadpad. Meron sa Olongapo, sa Batangas, kahit sa mas malalayo pang lugar na nasasakupan ng ibang charities tulad sa Visayas at Mindanao. Teka, may charity din ba ang pamilya namin? Parang wala naman binabanggit ang pamilya ko tungkol doon. Share your blessings. Iyon ang umukit na sa aking isipan ng mga oras na ito. Tinikilop ko ang laptop saka lumabas sa kuwarto na dala ko ito. Nagmamadali akong pumunta sa Study Room kung nasaan si papa. Nang nasa labas na ako ng silid ay tumikhim ako't kumatok ng tatlong beses. Rinig ko ang kaniyang mula sa loob. Na nagsasabi na pupuwede akong pumasok. Pinihit ko ang seradura. Una kong nilusot ang aking ulo para sumilip kung anong ginagawa ni papa. Nadatnan ko siyang may hawak na mga papel at suot niya ang kaniyang antipara. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Tumayo siya't ngumiti. "Oh, anak, pasok ka. May kailangan ka ba?" malumanay na tanong niya sa akin. Matamis akong ngumiti bago ako tuluyang pumasok sa loob. Alam kong nagtataka siya kung bakit bitbit ko ang aking laptop dito sa kaniyang Opisina. Tahimik kong inilapag ang hawak ko sa mababang mesa. Umupo siya sa sofa, magkaharap kami. Bago ako nagsimula ay kumuha ako ng isang papel at ballpen mula sa kaniyang desk. Binuklat ko ang laptop saka iniharap ko sa kaniya ang screen. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Isinulat ko sa papel ang gusto kong sabihin. Ipinakita ko iyon sa kaniya. "I want to go there, papa. I want to be one of the volunteers in this community service." Tumaas ang mga kilay niya. I know, he's lil bit surprise. "Anak... Hindi naman sa pagbabawal o pananakal dahil sa pagbabantay namin sa iyo, pero..." Muli ako nagsulat. "Papa, kasama ko naman si Bram, eh. Pati si Zvonimir." Umaawang ang kaniyang bibig. "Isasama mo si Zvonimir Ho? Papaano kung hindi siya papayag? Anak, baka makaistorbo tayo sa kaniya?" baka sa boses niya ang pag-aalala. "Alam mo naman ang mapapangasawa mo, masyado siyang focus sa kaniyang career bilang businessman." Hindi mawala ang aking ngiti. May isinulat pa ako't ipinakita ko sa kaniya. "Papa, ito na din ang paraan ko para makilala ko pa siya lalo. Kasi alam ko, sa oras na mag-asawa na kami, malamang ay hindi na kami masyado magkikita dahil sa pagiging abala niya sa negosyo. Though, I'm a heiress of this family, napagdesisyon na iaasa ko na din ang Zvonimir ang mga mamanahin ko mula sa inyo. Siya ang magtutuloy sa negosyo natin dahil imposibleng ako." ngumuso ako na parang nagpapakyut pa ako sa kaniya, nagmamakaawa na sana ay payagan niya ako. Malalim siyang nagbuntong-hininga. "Sige, ako na ang kakausap sa kaniya—" Agad akong tumanggi sa pamamagitan ng pagkaway ng palad. "Ako na po bahalang magkumbinsi sa kaniya, papa." sabi ko sa pamamagitan ng sulat. "P-papaano?" Muli akong ngumiti nang malapad. - Hindi mawala ang matamis kong ngumiti habang nakatingala ako sa matayog na gusali ng mga Hochengco sa aking harapan. Bagamat may kaba akong nararamdaman pero kailangan kong maging positibo. Kailangan kong makumbinsi ang isang Zvonimir Hochengco na sumama sa akin sa binabalak ko. Nakausap ko na din kanina si Bram tungkol sa gusto ko, wala naman daw siya magagawa dahil gagawin pa rin daw niya ang kaniyang trabaho dahil personal bodyguard ko nga siya. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag. Nagpakawala na ako ng hakbang papasok sa loob ng building. Ibinilin ko kay Bram na hintayin nalang niya ako sa lobby. Sumunod naman ito sa gusto ko. Dumiretso ako sa receptionist. "What can I do for you, ma'm?" nakangiting tanong sa akin ng isa.  Bago man ako sumagot, dinukot ko ang aking cellphone. Tinipa ko ang aking sasabihin saka ipinakita ko iyon sa kaniya. "Is Mr. Zvonimir is available at this moment? I need to talk to him. I am his fiancee, Lyndy Yu." Napaletra-O ang kaniyang bibig. "Oh! Hold on a minute, ma'm. Itatanong ko lang po." magalang niyang tugon. Binawi ko ang cellphone ko saka naghihintay ng sagot. Palinga-linga ako sa paligid. Maganda rin ang loob ng kumpanya nila. Hindi na ako magtataka dahil sa status ng pamilya nila pagdating sa larangan ng negosyo. "Ms. Yu, pupuwede na daw po kayong pumunta sa opisina ni Sir Zvonimir. Nasa 60th floor po ang kaniyang office. Maaassist po kayo ng kaniyang sekretarya." Ngumiti ako saka yuko ng kaunti para magpasalamat. Sinuklian din niya ako ng ngiti bago ko siya tinalikuran. Dumiretso ako sa elevator. Nagbukas iyon at bumungad sa akin ang elevator girl. Bumati siya sa akin sat tinanong niya ako kung saang palapag daw ako. Syempre, sinagot ko siya sa pamamagitan ng cellphone ko. Alam kong nawirduhan siya sa akin pero sa huli ay wala na siyang magawa pa't pinindot niya ang button kung saan ako pupunta. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa 60th floor. Agad kong hinanap ang sinasabing secretary ni Zvonimir. Mabuti nalang ay mabait ang isang ito. Naituro niya sa akin kung nasaan ang opisina. Pero pansin ko, limang pinto lang ang narito at magkakahiwalay pa. "Sir, narito na po si Ms. Yu." his secretary announced once we enter his office. Hindi ko maipagkaila ang kamanghaan dahil malawak ang opisina ni Zvonimir! "You can leave us, Rose. Thank you." isang seryosong boses ang sumalubong sa amin ng mga oras na iyon. Sumunod ang secretary niya. Nag-excuse pa siya sa akin bago siya tuluyang umalis dito sa opisina. Bumaling ako kay Zvonimir na ngayon ay palapit na sa aking direksyon. Ngumiti siya sa akin. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag. "Here, sit." nilahad niya ang kaniyang palad upang ituro ang sofa dito sa opisina. Sumunod ako't umupo na. "Anong gusto mong maiinom? Juice? Tea?" umupo siya sa tabi ko pero may kaunting espasyo sa pagitan naming dalawa. I sway my hand. Pagtatanggi. Hindi naman kasi ako magtatagal dito. Umiba ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Nagtataka. "Bakit ka pala napagawi dito? May problema ba sa engagement or something?" Agad akong umiling. Mabilisan kong inilabas ang aking cellphone. Ipinakita ko sa kaniya ang article ng isang blog. Inabot ko ang cellphone ko sa kaniya. Tinanggap niya iyon. Kahit na nagtataka ay sa huli ay nagawa pa rin niyang basahin ang nilalaman nito. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nagbabasa. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na naniningkit ang mga mata. "You want to go there?" tanong niya. Ngumiti ako saka tumango. Ibinalik niya sa akin ang cellphone. Nang nasa akin na ito ay agad kong tinipa ang mga gusto ko pang sabihin sa kaniya. Muli ko ito ipinakita sa kaniya. "Okay lang ba kung kasama ka? Hindi kasi ako mapapayagan nina mama at papa kung hindi ka rin kasama. Kasama din natin si Bram, ang bodyguard ko." "Bram? Your bodyguard?" umiba ang tono ng kaniyang boses. Muli akong tumango. "Okay lang naman kung hindi ka papayag, naiitindihan ko. Atleast, I tried." sabi ko pa mula sa aking mensahe. Saglit siya natahimik at napaisip. Pinaglalaruan ng hintuturo niyang daliri ang kaniyang pang-ibabang labi. Ewan ko kung bakit napatingin ako doon. Bakit... Bakit ang hot tingnan? Wait, bakit iyon ang naisip ko?! Hindi iyon ang ipinunta ko dito! Narito ako para kumbinsi ang fiancé ko na sumama sa akin sa community service! "Bakit kasama pa ang bodyguard mo?" medyo nairita siya nang tanungin niya iyon. Tinipa ko ang aking sagot. Ipinakita ko sa kaniya ang screen ng aking phone. "Mahigpit na bilin din kasi nina mama at papa. Wala naman sigurong masama. Tatlong araw lang naman tayo doon." "Kailan mo balak pumunta?" "Day after tomorrow, sana." Pumikit siya ng mariin. Hinilot-hilot ang kaniyang sentido. Maya-maya pa ay dinukot niya ang kaniyang cellphone mula sa loob ng kaniyang coat. May pinindot siya doon saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. "Hello, dad. Hindi ako papasok day after tomorrow. I have some errands to take care of. Yeah, ibibilin ko sa secretary ko ang mga dapat gagawin. Uhm, three days. Yes, sabihan mo nalang si Vander. Thanks." inilayo na niya ang kaniyang cellphone saka pinatay na niya ang tawag. Bumaling siya sa akin. "Everything is settled now. I can go with you." Ngumiti ako at pumalakpak dahil sa sobrnag tuwa na akala mo ay isang paslit. Huminga siya ng malalim. "Kailangan din kitang bantayan," aniya. Para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nagtama ang mga mata namin. A-anong... "Huwag mo akong pababaliwin nang sobrang selos doon, Lyndy." marahan niyang sambit. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. Paatras ako pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa sofa at nakakulong na sa pagitan ng kaniyang mga braso! Dahan-dahan din niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin pero lumihis iyon at tumapat ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Para sa iyo, magtitimpi ako, pero kapag may mali akong nakita, mapaparusahan kita nang wala sa oras." A-ano?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD