Hindi ko na namalayan kung ilang box ng tissue na ang naubos ko dahil sa kakaiyak sa pinapanood ko. Bakit kasi nagawa kong iyakan ang isang barko?! Kainis, kahit na anime itong pinapanood ko, nadala ako nang sobra. Wala na! Wala na si Going Merry! Ano na ang gagamiting barko ng Strawhat crew nito kung sakali?! Gagawan na ba sila ng Galley-La ng bagong barko?!
"Oh, umiiyak ka na naman..." puna sa akin ni Manang Laida, papalapit siya sa akin. May dala siyang tray na may juice at sandwiches. Inilapag niya iyon sa mababang mesa dito sa kuwarto ko.
Ngumuso ako habang nagpupunas ng luha. Kinuha ko ang aking tablet sa aking tabi. May sinulat ako doon saka ipinakita ko iyon kay Manang Laida. "Nakakaiyak po kasi." iyan ang isinulat ko. Nilapag ko ito ulit sa aking tabi. Kumuha ako ng isang sandwich pagkatapos ay sumubo ng kaunti dahil bigla akong ginutom dahil sa pag-iyak.
"Oh siya, maiwan na muna kita dito, at maglalaba muna ako. May pupuntahan ka ba mamaya?"
Ngumuso ako habang nag-iisip. Sa huli ay nagkibit-balikat ako bilang tugon. Hindi kasi ako sigurado kung aalis ba ako o hindi. Fifty-fifty din ang desisyon ko. Baka mamaya kasi pupunta ulit ako ng Coffee Shop para tumambay, kung sakaling mabobored ako dito sa bahay. At saka, abala pa sina mama at papa sa kumpanya dahil sa pagkaalam ko ay may kikitain silang mga bagong kliyente na galing pang Taiwan. Hindi nga lang ako sigurado kung anong oras sila makakauwi mamaya.
Pinatay ko muna ang laptop ko para matulog muna. Kahit wala naman akong ginagawa ay napagod ako sa kakaiyak.
Hapon nang nagising ako. Napagpasyahan kong lalabas muna ako ng bahay. Mamasyal muna ako bago ako tatambay sa Coffee Shop. May kasama akong pumunta doon. Ang bodyguard at ang driver ko. Mahigpit kasing bilin nina mama at papa sa kanila na hindi sila pupwedeng mapalingat sa pagbabantay sa akin. Hindi ako makakalabas ng bahay na hindi ko sila kasama. Dati, hindi naman talaga ganito ang buhay ko. Sobrang malayang malaya ako dahil nagagawa ko ang gusto ko. Nakakapunta ako kung saan-saan kahit wala akong bitbit na bodyguards o ng driver. Nagawa ko pang makihalubilo sa mga tao pero dahil sa insidenteng iyon, nagbago ang ikot ng buhay ko. Pero, naiitindihan ko naman sina mama at papa, gusto lang nila ako protektahan at ayaw na nilang maulit ang pait ng kahapon sa buhay ko.
Nagsuot ako ng off shoulders summer dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Itinerno ko ito sa isang pares ng doll shoes. Nag-apply ako ng CC cream, eyebrows cheek at lip tinit sa aking mukha. Ngumiti ako habang nakaharap ako sa salamin ng dresser. Nagsuot na din ako ng straw sun hat. Pinuntahan ko ang couch at kinuha ko doon ang nakapatong kong shoulder tote bag bago ako lumabas ng kuwarto.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko pa si manang Laida na may hawak siyang basket. "Oh, aalis ka pala. Mag-iingat ka sa lakad mo."
Muli akong ngumiti at tumango. Kumaway pa ako sa kaniya bago ko man siya nilagpasan. Para akong bata habang pababa ako ng hagdan. Nadatnan ko si Bram na nasa pinto lang at nakatayo. Tila inaabangan niya ako. Malapaad akong ngumiti sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin siya sa akin. Sanay na ako sa ekepresyon ng kaniyang mukha. Hindi na ako nagtataka dahil kasama ito sa kaniyang trabaho. At saka, kaedaran ko lang siya. Teenager palang ay naninilbihan na siya sa amin. Pareho sila ng kaniyang ama na nagtatrabaho sa amin bilang bodyguard.
"This way, young lady." pormal niyang wika, nilahad niya ang kaniyang palad para ituro sa akin ang daan patungong garahe, kung nasaan ang sasakyan na gagamitin sa aking pag-alis.
Sumunod ako sa kaniya. Nauna siya't pinabuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako sa backseat. Siya din ang nagsara ng pinto bago man siya sumakay sa frontseat.
Nilabas ko ang aking cellphone at nagleave ako ng mensahe kay mama na ako'y aalis na muna para mamasyal. Para hindi na rin siya magtaka o mag-alala kung madadatnan nila na wala ako sa bahay.
I hit send.
Sunod ko naman ginawa ay nagtipa ako ng mga letra sa aking cellphone. Kinalabit ko si Bram. Ipinabasa ko sa kaniya ang nakasulat. Isinulat ko kasi kung saan kami pupunta.
"Sige po, young lady." aniya.
Ngumiti ako't umupo ng ayos dito sa backseat. Inexit ko ang application, pagkatapos ay ibinalik ko na ito sa aking bag.
Marami akong nabili sa comic alley na mga anime souvenirs. Nasa likuran ko lang si Bram at siya ang tagadala ng mga pinamili ko. May expected delivery din ako ngayong linggo dahil bumili ako ng mga anime costumes at manga (japanese comic) mula pa sa Japan. Sa totoo lang ay never pa akong nakakasali sa mga anime convention dahil sa kalagayan ko. Kapag nag-iisa din ako, mag-isa akong kumakanta ng mga anime original soundtracks pero syempre, hindi ko pinaparinig sa iba. Sinisigurado ko na ako lang ang makakarinig ng boses ko. Panay kolekta at nood lang ang magagawa ko. Ewan ko, masasabi kong isa ang anime sa nagiging treatment ko. Kahit intorvert ako sa tingin nila, basta makakanood ng anime at makababasa ako ng manga, masayang masaya na ako.
Pinapangarap ko din na makarating ako ng Japan dahil gustong-gusto kong mapunta ang Strawhat ship na si Thousand Sunny! Sa oras na makarating na ako doon, pakiramdam ko ay nanalo ako ng jackpot ng mga oras na iyon!
Kahit sina mama at papa ay tuwang tuwa dahil may napagkakaabalahan na ako hindi tulad noon nahalos ayaw ko silang makita kahit nasa iisang bubong man lang kami. Iiwan lang nila ang pagkain sa labas ng kuwarto ko at ako na mismo papasok ng mga 'yon sa kuwarto.
"May pupuntahan pa po ba tayo, young lady?" tanong ni Bram.
Ngumuso ako't umiling. Humigpit ang yakap ko sa binili kong stuff toy na si Chopper. Kyut na kyut talaga ako sa isang ito.
Pinauna niya akong maglakad. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, baka kasi may makita ako na pupuwede ko pang mabili bago man ako umuwi ng bahay at manonood ulit ako ng anime sa laptop. Seven Deadly Sins ang susunod kong papanoorin dahil nainlove ako kay Meliodas-sama!
Tumigil lang ako sa paglalakad, may pumukaw ng aking atensyon. Tinagilid ko ang aking tingin. Umawang ang aking bibig nang matanaw ko mula sa labas ng restaurant na ito ang lalaking sinasabi na mapapangasawa ko, si Zvonimir Ho. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako agad makaalis, dahil siguro ang lalaking mapapangasawa ko ang nasa loob. Seryoso ang mukha nito at may kausap siyang babae.
Bumaling ako kay Bram. Nagbigay ako ng senyales na mauna na muna siya sa Parking Lot at magpapasundo nalang ako. Noong una ay tumanggi pa siya dahil talagang devoted siya sa kaniyang trabaho. Pero itinuro ko ang direkyon kung nasaan si Zvonimir. Doon siya natahimik. Aware naman siya na ikakasal na ako kaya nang makita niya si Zvonimir sa loob ay sa huli ay wala na siyang magawa pa.
Pumasok ako sa loob. Mas humigpit ang pagkayakap kay Chopper. Sinalubong ako ng waiter.
"Any reservations, ma'm?" magalang nitong tanong sa akin.
Dinukot ko ang cellphone ko at nagtipa. Ipinakita ko sa kaniya ang isinulat ko. Sinabi ko na wala pero kakain ako.
"Oh, this way, ma'm..." aniya. Alam kong nagtataka siya bakit hindi ko man siya magawang sagutin through vocal.
Hinatid niya ako sa mesa na may dalawang upuan. Actually, nasa likuran ako mismo ni Zvonimir. Umupo ako doon. Inabot sa akin ng waiter ang menu. Tumingin-tingin ako. Bumaling ako sa waiter. Dahil sa hindi ako nagsasalita, itinuro ko sa kaniya ang pagkain na gusto ko. Pasta with red tea.
"Just a seconds, ma'm." aniya.
Tumango ako bilang tugon.Tumuwid ako ng upo. Natigilan ako sa aking narinig.
"You're kidding, right, Zvonimir?" rinig kong boses ng isang babae. Siguradong ito ang kausap ni Zvonimir ngayon.
"Yeah," bakas na tamad sa boses niya nang sagutin niya iyon.
"I thought, you love me? Bakit biglang ganito?" nasasaktan na tanong nito. "Bakit bigla ka nalang magpapakasal out of the sudden? Really?"
"It's not my responsibility to answer your questions, Jalana." mas lalo sumeryoso si Zvonimir. "If I were you, stay away from me bago man malaman ng iba at mabigyan nila ng kulay ang eksenang ito."
"Gusto kong marinig na mahal mo ako..."
"I don't." mas dumiin ang sagot nito.
Ilang segundo pang hindi nagsalita ang babae. Umaawang ang bibig ko na bigla itong tumawa na may panunuya. "We're almost lovers, Zvonimir. Kulang na nga lang, commitment, eh. Tapos, sasabihin mo sa akin, hindi mo ako mahal? Wow, Zvonimir! Just wow!"
"You need to go home, Jalana. May kikitain pa akong kliyente pagkatapos nito."
"You didn't answer my questions yet!" lumakas ang boses nito, tama lang na makuha nito ang atensyon ng ibang costumers dito. Hindi ko magawang lumingon.
"We're good friends. Walang hihigit ang pagtingin ko na iyon sa iyo. Hindi ako ang paasa, ikaw ang umaasa—" hindi na niya magawang dugtungin pa ang sinasabi niya dahil bigla syang sinabuyan ng tubig. Ramda ko kasi ang kaunting tubig sa likod ko.
"How dare you! Ang buong akala ko pa man din, seryoso ka dahil isa kang Hochengco!" bulyaw nito. "I won't forget this, Zvonimir!" I heard her foot steps. Maybe she's walking away.
Sumilip ako kung tuluyan na bang nakaalis ang tinutukoy ni Zvonimir na Jalana. Nakita ko na ito sa labas, galit na galit dahil mabibigat an hakbang ang pinapakawala nito. Sunod kong tiningnan si Zvonimir na nanatiling nakaupo. Huminga ako ng malalim at tumayo. Inilabas ko ang aking panyo mula sa aking bag. Humakbang ako hanggang sa gilid niya ako.
Nakuha ko ang atensyon niya. Tumingala siya sa akin. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil bigla man lang ako sumulpot sa kaniyang paningin. Isang maliit na ngiti ang aking binigay. Inangat ko ang isang kamay ko't inabot ko sa kaniya ang hawak kong panyo. Dumapo ang tingin niya doon. Naalinlangan siyang tanggapin ang inooffer kong panyo pero sa huli ay tinanggap niya iyon. Pinunas niya iyon sa kaniyang sarili. Nakatingin lang ako sa kaniya.
Sunod ko naman nilabas ang aking cellphone at nagtipa. Ipinakita ko iyon sa kaniya. "Girlfriend mo?"
"Nope," mabilis niyang tugon.
Tumangu-tango ako na parang nakukuha ko ang lahat. Ibig sabihin, hindi talaga palusot ang sinabi ni Zvonimir. Tutal, hindi rin naman niya alam na nasa likuran niya lang ako. Talagang pinanindigan niya ang sagot niyang iyon.
In short, nakaramdam ang Jalana na iyon ng one sided love.
"Bakit ka nga pala narito?" siya naman ang nagtanong.
Muli ako nagtipa sa aking telepono saka ipinakita ko sa kaniya. "May binili lang ako dito sa Mall, nakita lang kita bigla. Nacurious ako, at dahil sa gutom na din ako, kakain sana ako." binawi ko ang aking cellphone. Binura ko an isinulat at pinalitan ko iyon ng bagong mensahe. Ipinakita ko ito ulit sa kaniya. "Okay ka lang ba?"
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan." sagot niya.
Natigilan ako't napalitan ng pagtataka sa aking mukha.
"Ikaw ang fiancee ko, Lyndy Yu. Narinig mo ang lahat. Medyo natatakot ako dahil baka masaktan kita dahil sa mga narinig mo."
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Pakurap-kurap at lihim ko kinagat ang aking labi. Ilang saglit pa ay isang pilit na ngiti ang aking ibinigay. Umiling ako bilang sagot.
"What a relief," aniya na muli kong ipinagtaka. "I wanna tell you this, kapag nagmahal ang isang Hochengco, iisang babae lang at handa magbuwis ng oras at buhay para sa babaeng iyon, mapasaya lang ito."
E-eh?!