A silent love is not an ordinary one. Because you love him. You love him more than anything else. Whenever you see him, you have so many butterflies floating through your stomach. But they said, it is all about caring and being there for someone because you want to, not because you will get anything in return. When can say silent love is the deepest bond we can ever feel in this world. Love is a very beautiful feeling. Everyone fall in love for once in life... But, I can't tell that person that I love him. I can't tell him that I'm falling inlove with him. No. I can't...
Impossible, right? To be inlove with someone who doesn't even know you who you really are. But you know everything about him. Everything.
Everyone can tells me to get over it, that it'll never be happen. But for some odd reasons, my faith stays strong that one day, he'll love me too.
I hope...
Tumigil ako sa pagsusulat sa aking kuwaderno nang napukaw ng aking atensyon sa labas. Umaawang nang bahagya ang aking bibig dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. My face turns into sadness. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Yumuko ako't itiniklop ko ang kuwaderno. Hinawakan ko ang tasa ng kape saka ininom ko ito hanggang sa maubos. Inilapat ko ang aking mga labi nang ibinalik ko ang aking mga mata sa labas. Ang iba ay nagtatakabo sa gilid ng kalsada dahil natatakot silang mabasa sa ulan. Ang iba naman ay aligaga sa pagbuklat ng kani-kanilang mga payong.
Bakit natatakot yata silang mabasa ng ulan? Dahil sa natatakot silang magkasakit? Pero bakit ang iba ay tuwang-tuwa pa sa tuwing umuulan? Minsan pa ay naglalaro pa ang mga ito?
Ilang saglit pa ay tumayo na ako't niyakap ang aking maliit na kuwaderno. Itinulak ko ang pinto ng naturang Coffee Shop. Madalas akong narito sa Binondo.Tumigil ako saglit dahil may hinihintay ako. Rinig ko na may nagsara ng pinto ng sasakyan. Napatingin ako sa direksyon na iyon. May isang lalaking naka-corporate attire, nagmamadaling lumapit sa akin saka pinasilong sa akin ang hawak niyang malaking payong. Sinunod ko iyon. Todo-bantay pa niya dahil baka mabasa ako ng tubig-ulan pero binabalewala ko na iyon.
Maingat niya akong ipinasok sa backseat ng sasakyan. Huminga ako ng malalim, chineck ko ang hawak kong notebook na baka mabasa. Napangiti ako nang bahagya. Mabuti nalang ay hindi ito nabasa mula sa pagkayakap ko dito. Hinintay ko nalang na makasakay ng sasakyan ang lalakingnagsundo sa akin dito sa loob. Iba pa ang driver na kinuha ni mama at papa para sa akin.
Nang umusad na ang sasakyan ay tumunog ang aking cellphone. Text message. Kumunot ang noo ko dahil mula kay mama ang mensahe. Sinilip ko kung anong gusto niyang iparating sa akin.
FROM MAMA :
Lyndy, anak. Naulan ngayon. Huwag na huwag kang magpapakabasa ng ulan dahil kikitain pa natin ang mga Hochengcos mamayang gabi. Remember?
Kinagat ko ang aking labi saka nagtipa ng isasagot sa kaniya.
TO MAMA :
Yes, mama.
Then I hit send. Ibinalik ko sa bulsa ng aking bestida ang telepono. Dumungaw ako sa window pane ng sasakyan. Isinadal ko ang gilid ng aking ulo sa bintana.
Muntik ko nang makalimutan na ngayon ko na makikilala ang tinutukoy nilang fiancé. Nakikita ko naman siya sa mga pictures through newspapers and magazines, dahil sikat ang pamilya nila pagdating sa larangan ng negosyo. Isa din sila sa pinakamalaking stock holders. Ang pamilya ko ay isa sa mga share holders ng Hochengco Prime Holdings, pati sa food business ng mga ito.
Sana hindi man lang mapansin masyado ni Zvonimir dahil hindi ako nakakapagsalita. Yes, I have suffered mutism or should I say, selective mutism. Nangyari ito noong bata palang ako dahil sa hindi magandang karanasan sa buhay at ito ang bunga. Ilang beses na nila ako gusto magpatingin sa Psychiatrist pero ako lang ang ayaw dahil sa sobrang takot.
_
Wala sina mama at papa dito sa bahay dahil abala sila ngayon sa paghahanda sa engagement party. Palagi akong naiiwan dito sa bahay, kasama ang mga kasambahay. Isang lugar lang din ako pumupunta. Sa Coffee Shop sa may Binondo. Iyon ang masasabi kong comfort place ko, kapag hindi ko feel dito sa bahay. Sa harap ng mga magulang ko, tanging tango at iling lang din ang isasagot ko. Hindi rin ako nagbibigay ng opinyon kung may nakikita akong problema sa kumpanya. Pero kapag nag-iisa ako at alam kong walang tao sa paligid ko, doon lang ako nagkakaroon ng pagkakataon para magsalita.
Pagpasok ko sa malaking bahay ay agad ako sinalubong ng mga kasambahay. Yumuko sila't binati nila ako. Ngiti lang ang naging tugon ko.
"Lyndy!" masayang tawag sa akin ni Su fei, ang pinsan ko. Pero Sofie ang english name niya. "Wo hen gao xing ni hui lai le! (I'm glad you're back in time!)"
Ngumiti lang ako. Oo nga pala, kasali din pala siya sa tea ceremony mamaya. Niyakap niya ako't ginatihan ko din siya ng isang magipit na yakap. Ilang saglit pa ay kumalas na siya ng yakap sa akin.
"Zhuhe ni de dinghun. (Congratulation for your engagement)"
Nilabas ko ang aking cellphone at nagtipa. Ipinakita ko sa kaniya ang screen ng aking cellphone. Binasa niya kung akong ang tinayp ko doon. Kita ko ang pagngiti niya. Isinulat ko ng "Xie xie, Su Fei" sa screen.
"You should change and prepare for Ting Hun (Formal Engagement Party)." aniya.
Tumango ako. Nilagpasan ko na siya't umakyat na ako ng hagdan hanggang sa marating ko ang aking kuwarto. Sa pagpihit ng pinto ay tumabad sa akin ang pula (it means good luck and prosperity) at mahabang chang pao (traditional chinese dress) na hanggang sahig na ang haba nito. Makintab ang tela na ginamit para sa damit na ito. Maganda din ang pagkaburda ng Dragon at Phoenix bilang disenyo. Napangiti ako dahil may isang pares ng kulay pulang mga sapatos na iteterno sa damit na aking susuotin.
Ilang minuto na ako nakababad sa bath tub na may mga rose petals at gatas. Naging kaugalian na sa angkan namin ang ganito. Lalo na't ihaharap na ako sa magiging fiancé ko. Nasa labas lang ang apat na kasambahay, naghihintay sa paglabas ko.
Umahon na ako't nagsuot na ako ng roba hanggang sa nakalabas na ako ng banyo. Agad ako dinaluhan ng mga kasambahay. Inalalayan nila akong pinaupo sa harap ng dresser. Pinatuyo nila ang aking buhok. Sila pa mismo ang nagpahid ng lotion sa aking katawan. Sila din ang nag-ayos ng aking buhok at nagpahid ng make up sa mukha ko. Tahimik lang akong nanonood sa aking sarili habang inaayusan nila ako.
Sa Sharing-La Hotel gaganapin ang Formal Engagement Party. Kahit na kinakabahan ako, ay pilit ko iyon itinatago. Ayokong mapahiya sina mama at papa, lalo na ang buong angkan kapag may mali akong inasal sa harap ng pamilyang Hochengco. Today, no formal invitations will be printed or distributed for this occasion, still, the Hochengcos shall have it announced in a local chinese newspaper ad dahil kasali kami sa Filipino-Chinese Community.
Pagkatapos akong ayusan, sinundo na ako ni Su Fei. Siya ang magiging maid of honor ko kung sakali dahil kaming dalawa lang ang babae sa angkan. The rest, mga lalaki na kaya laking tuwa nina ahma at angkong dahil madadala ng mga pinsan kong lalaki ang apelyido namin.
Sumakay na kami sa sasakyan. Mabuti nalang ay tumila na ang ulan. Masasabi ko na blessings para sa akin ang ulan na naabutan ko kanina.
_
Hindi ko mapigilan ang sarili kong humawak nang mahigpit sa kamay ni Su Fei pagdating namin sa Sharing-La Hotel. Pinaghalong takot at kaba ang aking nararamdaman. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
"Bie danxin, Lyndy. (Don't be worry, Lyndy.)" pagpapalakas ng loob niya sa akin. "Ni zhen piao liang. Ni de xin lang hui xi huan ni, xiang xi wo. (You're beautiful. Your groom will like you, trust me)" then she offer me a smile.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Kahit papaano ay nabawasan ang mga negatibong pakiramdam na bumabalot sa akin. Huminga ako ng malalim, marahan kong ipinikit ang aking mga mata at tumango. Sinasabi ko sa aking sarili na makakaya ko ito.
Siya ang unang lumabas ng sasakyan. Nilahad niya sa akin ang kaniyang kamay. Mukhang ako na nga lang talaga ang hinihintay. Until we reached the massive door, isang malaking bulwagan ang nasa loob nito. Paniguradong lahat ng mga bisita ay naroon na, pati ang magkabilang angkan.
Tumalikod ako't magkahawak kami ni Su Fei sa isa't isa. Rinig ko na dahan-dahan iyon nagbukas.
"Kai shi le, Lyndy. (Here we go, Lyndy)" wika ng aking pinsan.
Tumango ako bilang tugon. I started to walk until we enters the ceremonial room walking backward. Yes, backwards. This is to avoid negative energy and to avoid from seeing the groom. I heard the applause around me. Nang nasa stage na kami, I turned three times clockwise by Su Fei. Pagkatapos n'on ay nagkaharap kami ni Zvonimir. Doon ako natigilan. Parang tumigil ang lahat nang nasa paligid ko ng mga oras na iyon.
"Ni hao, (Hello)" pormal niyang bati sa akin. He's wearing kung fu jacket and pants (chinese traditional clothes for men) though some of his family wearing a three-piece-suit.
Bahagya akong yumuko para suklian ang kaniyang bati. Nang muli nagtama ang mga tingin namin, kita ko ang pagkunot ng kaunti ng kaniyang noo. Ito ang unang beses na magkakaharap kaming dalawa. Maaaring may mga alam ako tungkol sa kaniya pero binabase ko lang sa mga nababasa at nababalita ko tungkol sa kaniya. Siguro, hindi niya alam na hindi ako makapagsalita. Na ang magiging asawa niya ay hindi magawang makapagsalita o makausap siya.
Binawi ko ang aking tingin at umupo na. Ganoon din siya. Hinahanap ng aking mga mata sina mama at papa. Nahagip sila ng aking paningin. Pareho silang nakatingin sa aking direksyon, bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan.
"Zhe li, (Here)" rinig kong boses ni Zvonimir saka may inabot siya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya. Bumaba ang aking tingin. He's holding an orange juice, it's a welcome drink, and which denotes good luck and happiness. Tinanggap ko iyon. Although I feel uneasy right now.
They served us while both two parties' representatives speaking. I started to be stiff or tense again.
"Are you alright?" bigla niyang tanong.
Mabilis akong tumingin sa kaniya. Lihim ko kinagat ang aking labi at umiling.
May kinuha siya sa kaniyang gilid. Isang panyo. "Pinagpapawisan ka na." aniya. "You feel tensed."
Lumunok ako. Pero nanlaki nang kaunti ang mga mata ko nang idinampi niya ang kaniyang panyo sa aking noo. Muli akong tumingin sa kaniya na may halong pagtataka at pagkabigla. Nagtama ang mga mata namin. A-ano itong nararamdaman ko? B-bakit parang hindi ako makahinga dahil medyo malapit ang mukha niya sa akin!
"Qing fang song, wo bu hi hui yao ni. (Please relax, I won't bite you.)" he said, then he offer me his small smile.
Tumango ako't inilabas ko ang aking cellphone. Tinipa ko iyon saglit saka ipinakita ko iyon sa kaniya. Taka siyang tumingin sa screen ng aking telepono. Tumaas ang dalawang kilay niya nang mabasa niya ang ibig kong sabihin. Tumingin siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi saka tumango na din siya. Lahat ng ngiti niya, pormal.
"Mei wen ti, piao liang. (You're welcome, beautiful.)"
They said, Zvonimir Hochengco is very powerful, dominant, intimidating and proud man which they scared so easily with his presence. But for me, I can define Zvonimir Hochengco as a pride of a man. Because pride is what will make a man give intense eye contact and powerful body language. That's what I feel when he keep closer to me at this moment.