Nang mahimasmasan na ako ay naisip ko na ito na ang simula para makapagsalita na ako sa harap nila. Na kaya kong lumabas mula sa isang madilim at masikip na kahon. Nagbigay ako ng mensahe kay Gela na pumunta siya dito sa bahay para humingi na din ako ng tawad sa kaniya. Sana matanggap niya at sana ay pumunta siya dito. Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming lumabas na sa kuwarto ni Clay.
Sabay kaming lumabas ni Zvonimir. Tahimik kaming bumaba. Nakuha namin ang atensyon nina mama at papa na nakaupo lang sa sofa. Tila inaabangan nila kami. Agad tumayo si mama, dinaluhan niya kami na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko maitatanggi na madali mahalata na galing ako sa pag-iyak. Kaya hindi ko siya masisisi na mag-aalala siya.
"Anak, anong nangyari? Bakit ka umiyak?" nag-alalang tanong ni mama nang ikinulong ng mga palad niya ang aking mukha.
Bago man ako sumagot ay napukaw ang atensyon namin ang doorbell. Nilapitan iyon ng isa sa mga maid para buksan iyon. Tumambad sa amin na nagmamadaling si Gela. Parang hinihingal pa siya sa lagay na iyan. Kahit sina mama at papa ay nagtataka kung bakit biglang napadalaw dito ang kaibigan ko at ang dating fiancee ni Clay.
"Lyndy, anong nangyari?" may bahid sa kaniyang boses na pag-aalala. Kumunot ang noo niya dahil napansin din niya ang mga mata namumugto kong mga mata. "Teka, bakit ka umiyak?"
Bago ko man sagutin ang mga katanungin nila ay bumaling ako kay Zvonimir. Marahan na dumapo ang kaniyang maiinit na palad sa aking likuran. Napukaw din ng aking atensyon ang grand piano dito sa Salas. Humakbang ako palapit doon. Umupo ako sa upuan nito. I sit properly. Pumikit ako ng ilang segundo. 'Clay ahia, please give me strength. Sana makaya kong magsalita sa harap nila pagkatapos nito.' sa isip ko.
I started to play the piano infront of my parents, Zvonimir and Gela. Alam kong nagtataka pa rin sina mama, papa at Gela sa kinikilos ko. Pero naroon pa rin ang pagkagulat dahil matagal na panahon na akong hindi nakakapagtugtog ng instrumento sa harap nila. Matagal na nilang hindi naririnig ang mga tugtog ko. Na ang alam nila na ito ang passion ko, hindi ang paghawak ng kumpanya o anuman. Na hindi ako susunod sa yapak ni Clay.
I played Kataware Doki from Kimi No Nawa. In piano version, instrumental.
Sumilay ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi nang umpisahan kong pagtugtugin ang pyesa na pinakapaborito ni Clay. Alam kong alam nila tungkol sa bagay na iyon. Naalala ko pa noon na gusto ang kapatid ko na tugtugan ko siya sa tuwing stress siya sa kaniyang pag-aaral. Kapag tinugtugan ko siya ng piano, nababawasan o minsan pa nga daw ay nawawala ang problema niya. Naalala ko pa na siya mismo ang nagrequest sa akin na ako daw ang tutugtog para sa kasal nilang dalawa ni Gela.
"Sinabi sa akin ni Clay, mahal na mahal niya kayo." kusang lumabas sa bibig ko ang mga salita na 'yon. "Lalo ka na, Gela..."
Nilakasan ko ang aking loob na tingnan sila kahit na nagpapatuloy pa rin ako sa pagtugtog ng piano. Napasapo ng bibig si mama, si papa ay bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala. Si Gela ay naaninag ko ang mga namumuong butil ng luha sa kaniyang mga mata, nakaawang ang kaniyang bibig dahil sa hindi makapaniwala.
"L-Lyndy...?" tawag sa akin ni mama.
"Alam kong, nahirapan kayo sa akin buhat ng mga oras na ayaw kong magsalita. Dala-dala ko ang konsensya ko dahil sa akin, namatay si ahia. Nang dahil sa akin, nawala siya ng maaga... Nang dahil sa akin, hindi sila nagkatuluyan ni Gela..."
Napatigil ako sa pagtugtog nang biglang hinawakan ni Gela ang isang kamay ko. Pinaharap niya ako sa kaniya. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin nang tuluyan, imbis ay binigyan niya ako ng isang mahigpit ng yakap. Rinig ko ang paghagulhol niya. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. Napatulala ako.
"Wala kang kasalanan, Lyndy... Ginusto ni Clay na iligtas ka mula sa mga kidnapper mo." nanghihina niyang sambit. "Tinawagan niya ako bago ka man niyang sundan sa probinsiya kung saan ka man dadalhin ng mga walanghiyang iyon, may ibinilin siya sa akin... Iyon ay bantayan kita... Sa oras man na may mangyari sa kaniya na masama..." kumalas siya ng yakap sa akin. Nagtama ang aming paningin. "Tanggap ni Clay kung anong mangyayari sa kaniya. Wala siyang pakialam basta mailigtas lang niya ang nag-iisa niyang kapatid at ikaw iyon, Lyndy. Kaya hindi kita sinisisi sa nangyari."
Hindi ko namalayan na umagos na pala ang isang butil ng luha sa aking pisngi. Pinunasan iyon ni Gela. Ngumiti siya sa akin kahit na patuloy pa rin ang bumabagsak ang mga luha niya.
Kaya ba ganoon pa rin ang trato sa akin ni Gela pagkatapos namin magluksa sa pagkawala ni Clay? Dahil tinupad niya ang hinihiling ng kuya ko?
Napayuko ako dahil marahan na hinawakan ni Gela ang mga kamay ko. "Lyndy, we need to move forward. Pakawalan na natin ang masasakit na nangyari noon. Alam mong iyan ang gusto ng kuya mo, hindi ba? Kaya mas pinili niyang mabuhay ka nalang. Huwag natin sayangin ang sakripisyo niya..."
"Gela..." mahinang tawag ko sa kaniya.
Pumikit siya ng mariin... Mas lalo siya naiyak. "Salamat, Lyndy. Salamat... Dahil nakapagsalita ka ulit. Salamat dahil narinig ko na naman ang boses mo."
Doon na rin ako nilapitan nina mama at papa. Pareho nila akong niyakap. Ginatihan ko iyon. Sa wakas, nagawa kong magsalita sa harap nila. Salamat dahil sa kabila ng mga negatibong namumuo sa aking isipan, hindi pa rin umiba ang pakikitungo nila sa akin. Na hindi nila ako sinisisi dahil sa pagkawala ni Clay. Ngayon ko lang din napagtanto kung bakit gusto ng kapatid ko na mabuhay ako. Dahil sa oras na pati ako ay nawala, paniguradong mamatay sa sobrang lungkot si mama at papa. 'Yung tipong hindi na nila kaya na mabuhay o umusad sa buhay. Mas maigi na ang ganito, siya man nawala, narito pa naman ako.
-
Nagising ako na hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Tinanggal ko ang comforter sa aking ibabaw. Bumangon ako. Dinaluhan ko ang walk in dresser ko. I touch my chin while choosing my attire for today until I decided to wear a floral vintage dress and floral flat shoes. Inihanda ko ang mga damit sa ibabaw ng kama. Sunod ko naman ginawa ay naligo ako. Para akong bata na nagpapalobo habang nakalusong ako dito sa bathtub. I blew the rose petals sa paligid ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon buhat kagabi.
Kahit tapos na ako sa pagligo at pagbihis ay napapaligiran ako ng positive vibes sa paligid. Pagkatapos kong maglagay ng make up. Lumabas na ako ng kuwarto. I do a skip walking until I reached the Dining Area.
"Good morning!" masigla at punung-puno ng saya nang batiin ko sina mama at papa dito.
Natigilan sila. Pareho nakaawang ang kanilang bibig habang nakatingin sa akin. Tila hindi sila sanay na nagsasalita na ako sa harap nila. Maski ang mga maid na naririto ay hindi rin makapaniwala. Binalewala ko ang mga iyon. Dumiretso ako dining chair kung saan ako madalas umuupo.
"A-anak... M-may lakad ka ba?" naninibago pa rin si mama.
Binigyan ko sila ng pinakamatamis kong ngiti. "Balak ko po sanang dumalaw sa opisina ni Zvonimir. Magpapasama po ako sa kaniya sa feng shui expert para malaman kung kailan po kami magpapakasal." masigla kong sagot sa kanila.
Nagkatinginan sila ni papa. Mahina akong tumawa. "K-kumain ka ng marami, anak, ha?" sabi ni mama, ngumiti siya na parang maiiyak. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.
Tumango ako. "Okay po." mag-uumpisa pa sana ako kumain pero natigilan ako dahil may napansin ako. Muli akong tumingin kina mama at papa na may pagtataka. "M-may problema po ba?"
Agad silang umiling. "Wala, anak. Masaya lang kami ng papa mo para sa iyo." si mama ang sumagot.
Muli akong ngumiti. Tumayo ako. Pumagitna ako kina mama at papa. Inakbayan ko silang dalawa. "Thanks, ma, pa... Dahil hindi kayo sumuko sa akin."
Kinilig naman ako sa sunod nilang ginawa nila. Binigyan nila ako ng kiss sa makabilang pisngi ko.
Kuya, aasahan mo, aalagaan ko sina mama at papa para sa iyo.
-
Pagkatapos kong kumain, nagpasya na akong umalis. Nagpaalam ako sa kanila. Nauna akong lumabas ng bahay. Nadatnan ko sa entrahada ng bahay si Bram. Nakatayo at naghihintay sa akin. Nakabukas na din ang pinto ng backseat ng sasakyan. Ngumiti ako at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Bago man ako tuluyang nakasakay ay sumulyap ako sa kaniya. "Salamat, Bram."
Natigilan siya saglit bago ulit nanumbalik sa ulirat. "Y-you're welcome, young lady."
Pumasok na ako sa loob. Natatarantang isinara ni Bram ang pinto saka lumipat na siya sa frontseat, sa tabi ng driver ko. Hindi rin nagtagal ay umusad na ang sasakyan. Dumungaw ako sa bintana na may ngiti sa aking mga labi. Ewan ko ba pero excited na akong makabisita sa opisina ni Zvonimir para siya naman ang kamustahin ko. Sinadya ko talaga na huwag mag-iwan ng mensahe para sa kaniya. Surprise na din. Hehe.
Ilang minuto ay nakarating na kami sa gusali kung saan nagtatrabaho si Zvonimir. Hindi mawala sa mga labi ko ang saya. Dinaluhan ko ang reception. Tinanong ko sa kanila kung available ba ang boss nila. Kung hindi ako nagkakamali, natatandaan pa yata niya ako. Medyo naninibago pa siya dahil kinakausap ko siya. As in nagsasalita ako. Sa huli ay sinabi niya sa akin na available ang boss nila ngayon. Nagpasalamat ako bago ko pinuntahan ang elevator.
Habang naghihintay ay inayos ko ang buhok ko. Baka kasi magulo ito sa oras na nakaharap ko na ang fiancé ko. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Nagpasalamat ako sa elevator girl bago tuluyang nakalabas. I walked in the Hall. Natanaw ako ng sekreatrya ni Zvonimir. Tumayo siya't nilapitan ako.
"Good morning, Ms. Yu..."
Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Bibisita sana ako kay Zvonimir..."
Napasinghap siya. "N-nagsasalita na po kayo..." hindi makapaniwalang sambit niya.
I pressed my lips and nod.
"Wala naman pong meeting or appointment si Sir Zvonimir. Pupwede po kayong pumasok, Miss Yu."
"S-salamat."
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago ako pumasok.
"Lyndy?" he lil bit surprised nang makita niya ako dito sa opisina niya. Tumayo siya saka dinaluhan niya ako. "May problema ba?"
Isang matamis na ngiti na ang umukit sa aking mga labi. "Wala naman, gusto ko lang bumisita... At magpasalamat." sambit ko.
Ngumiti na din siya. Hinawi niya ang takas kong buhok. "I'm glad you're getting well, Lyndy." masuyo niyang sabi.
"At saka... Narito din ako para sabihin tungkol sa feng shui expert na kakausapin natin? Kung kailan ang kasal natin..." bigla ako nabuhayan ng hiya dahil sa sinabi kong 'yon. Nakakahiya! Bigla kong naopen up sa kaniya ang tungkol sa kasal!
I heard him chuckled. He gently hold my hand. Marahan niya akong hinila at pinuntahan namin ang sofa dito. Nauna siyang umupo. Tinapik niya ang kaniyang hita na dahilan para manlaki ang mga mata ko. A-anong—gusto niya akong paupuin d'yan?! "Here, sit, siopao."
Siopao?!
Bago man ako tumanggi ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo na sa kaniyang kandungan! Mas malapit na naman ang kaniyang mukha sa akin! Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, hindi lang 'yon. Bumilis na naman ang t***k ng aking puso! Parang nakikipaghabulan ito! "Before we discuss about marriage, I want to ask you one thing."
"A-anong naman 'yon?" tanong ko na hindi makatingin sa kaniya nang diretso.
"Can I have you?" seryoso niyang tanong.
Nang marinig ko ang tanong na 'yon natigilan ako. Kasabay na nagwawala na din ang sistema ko, hindi lang dahilan sa kaniyang tanong, pati na din sa sobrang lapit na ng kaniyang mukha sa akin na kulang nalang ay mahahalikan na talaga niya ako! "B-by have you... Mean?" mahina kong tanong.
Before he answer, he hold my hand gently. He interlock his fingers into mine. He plant a kiss on the back of my palm. He darted his eyes on me. "Let you be my everything. Care for you, watch over you, make you happy, and always be there for you. I want to be yours... And for you to be mine." sunod niyang dinampian ng halik ay ang balikat ko.
"Z-Zvonimir..."
"May paraan pa naman ako para makuha ko ang oo mo." saka ngumisi siya.
"H-ha?"
"I booked a flight. We're going to Japan. My mom's birthday is coming. Doon tayo magsecelebrate kasama sila. Naroon din sina dad pati ang mga kapatid ko. If I'm not mistaken, you want to go in Thousand Sunny, right?"
"A-a... Are you serious?!" I exclaimed. "Hindi nga?! Huwag ka magbiro ng ganyan, Zvonimir."
He chuckled. "Hindi ako nagbibiro. So..."
"Oo!" bulalas ko. "Sinasagot na kita!" masaya akong yumakap sa kaniya.
"From now on, I'll never let you go, siopao."
Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Kumunot ang noo ko. "Siopao? Ginugutom ka ba? Gusto mo bang mag-order tayo?" hindi ko na alam ang pinagsasabi niya!
Umiling siya. "Huwag ka na mag-order. Nasa harap ko na ang siopao na tinutukoy ko." wika pa niya na may kasamang ngisi na nakakaloko.