7

2604 Words
Nanatili akong nakapikit, magkadikit ang mga palad ko, at marahan na nakayuko habang nasa harap ako ng altar sa courtyard ng templo habang nasa tapat ko ang nakasinding insenso. Ang sunod kong ginawa ay pumasok ako sa templo. I make sure to step in with my right foot first, it shows as politeness toward the higher being who resides in the temple. Kasama ko si Zvonimir sa pagpasok dito. Lumunod kami sa harap ni Buddha, kneeling is generally more effective to get our prayers heard. We place our palms and our forehead against the ground three times as part of a deep bowing motion. Nangangalangin ako kay Buddha na sana ay bigyan pa niya ako ng sapat na lakas ng loob para tuluyan na akong makapagsalita. Ipinagdadasal ko din na sana maging maayos na si Clay sa piling niya. Tulad ng kaniyang gusto, binabantayan ko ang pinakamamahal niyang si Gela, hindi ko ito pinapabayaan. Tulad ng sinabi ko kanina na binisita ko ang kaniyang puntod. 'Ahia, kung nasaan ka man ngayon, hinding hindi ko makakalimutan ang mga bilin at ang mga itinuturo mo sa akin pero sa ngayon ay kailangan ko munang labanan ang problema na kinahaharap ko ngayon—kailangan kong magsalita ulit.' After that, we move on to the next deity, so on and so forth. When we prayed and paid respect to Buddha and the other deities and guardians, lumabas na kami sa templo with the left foot first. Tahimik kamig bumalik sa Parking Lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago ako nakaupo sa front seat. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Habang hinihintay ko siya na makapasok ay ako na ang nagsuot ng seatbelts. Nang nakapasok na siya dito sa loob ay sinuot na din niya ang kaniyang seatbelts. Binuhay niya ang makina. Ihahatid na kasi niya ako sa bahay para daw makapagpahinga na daw ako dahil mahaba ang byahe namin mula pa Baguio dahil dito kami dumiretso. Yes, I miss the chance to participate in anime convention pero naisip ko na marami pa naman akong pagkakataon na makasali sa mga ganoon. Hindi nga lang siguro ngayon, sa susunod pa. Pagdating namin ng bahay ay hindi pa yata inaasahan nina mama at papa na nakauwi na ako. Hindi ko nalang pinansin ang kanilang reaksyon. Dinaluhan ako ni mama para bigyan ng isnag mahigpit na yakap. "Oh, I thought both of you having a short time vacation in Baguio?" aniya. Nang kumalas ako ng yakap mula sa kaniya ay ngumiti ako saka umiling. Mukhang nakukuha nila ang ibig kong sabihin. Bumaling ako kay Zvonimir na nasa likuran ko lang. Nakipagpalitan siya ng bati sa mga magulang ko. Walang sabi na hinawakan ko ang isa niyang kamay na alam kong ikinagulat nila. Tumingin ako kina mama at papa sabay tumuro ako sa itaas. Nagtipa ako ng eksaktong sasabihin sa kanila. Ako : Sa kuwarto lang kami. This is urgent and please don't disturb us. Napasinghap si mama. Bago man sila mag-react ni papa ay mabilis kong hinila si Zvonimir. Umakyat kami sa malapad na hagdan hanggang sa marating namin ang dating kuwarto ni Clay. Pinapasok ko siya doon. Ako na ang nagsara ng pinto. Sumandal ako sa pinto. Pinapanood ko muna si Zvonimir na iginala ang kaniyang paningin dito sa loob ng silid. Walang pinagbago sa kuwarto na ito. Linggo-linggo ay pinapalinis ni mama ang kuwarto ni Clay, alam ko, hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa pagkawala ng nakakatanda kong kapatid. Alam kong naiwan siya na may sugat sa puso. "Lyndy...?" nag-alalang tawag sa akin ni Zvonimir. Yumuko ako't kinuyom ko ang aking mga kamao. I gritted my teeth when I suddenly remember exactly what happened ten years ago. Oo matagal na pero hindi mabura-bura sa isipan ko ang karumal-dumal na pangyayari na iyon sa buong buhay ko. "Ito ang dating kuwarto... Ni Clay." mahina kong saad. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi. Nakatitig lang siya sa akin, tila inaabangan pa niya ang susunod kong sasabihin. "He's twenty when he died." Sinikap kong humakbang palapit sa kaniya. Nang malapit na ako sa kaniya, tiningnan ko siya ng diretso sa kaniya mga mata. "Dapat ako 'yon... Dapat, ako ang namatay at hindi siya..." sambit ko na basag ang boses. "Namatay siya... Dahil niligtas niya ako." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Noong nabubuhay pa si Clay, hindi siya nagkulang sa akin bilang isang nakakatandang kapatid. Ako ang tanging bunso sa buong angkan. Si Su Fei naman ay pang-apat sa mga nakakatanda sa aming magpipinsan. Itinuring nila akong bunso, prinsesa... Pero nakakatuwa lang dahil isa sa amin ay walang nagtanim ng sama ng loob. Walang inggit. At ng mga araw ding iyon ay masasabi ko na malaya ako ng mga araw na iyon sa edad kong kinse anyos. Kahit na binigyan ako nina mama at papa ng kalayaan ay naging huwarang anak pa rin ako. Umuuwi ako ng maaga, kapag may oras si Clay ay sinusundo niya ako sa eskuwelahan kapag maaga ang labas niya mula sa klase pero nagkataon lang na kailangan kong gabihin ng uwi. Nagpapraktis kasi ako ng kanta kasama ang voice coach ko, may sinalihan kasi akong kompetisyon ng mga panahon na 'yon. Pero hindi, dahil ang voice coach ko ang mismong kidnapper ko. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para makuha ako. Itinakip niya sa aking mukha ang panyo niya na may gamot pampatulog. Nagising nalang ako na nasa inabandonang gusali ako. Nakita ko noon ang voice coach ko, may mga kasama siya. Tatlo sila... Bumaba ang tingin ko, nakagapos ako habang nakaupo ako dito sa sahig. Nakabusal din ang aking bibig. "Mabuti at gising ka na..." isang mala-demonyong ngisi ang binigay niya sa akin habang humahakbang siya palapit sa akin. Doon na ako nagsimulang umiyak, lalo na't itinutok niya sa akin ang hawak niyang baril sa aking sentido. Itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Pasensya pero nangangailangan kami ng pera ngayon. Sa oras na makuha namin ang pera, huwag na huwag mong sasabihin tungkol sa amin, dahil kapag ginawa mo 'yon, huling gabi mo na sa mundong ito." Sige pa rin ang paghikbi ko. Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon. Pumikit ako ng mariin dahil sa takot. Ipinalangin ko na sana panaginip nalang ang lahat. Na sana hindi ito totoo... Sana mailigtas ako ng pamilya ko mula sa bangungot na ito. Lumipas ang tatlong gabi ay bihag pa rin ako. Naiitindihan ko kung bakit hindi agad rumesponde ang mga magulang ko dahil masyadong malaki ang hinihingi nilang ransom. Alam kong humihingi din ng tulong sina mama at papa sa Filipino-Chinese Community. Tanging tinapay lang ang pinapakain nila sa akin. Nalaman ko nalang nasa isang probinsiya kami. Naririnig ko din ang usapan nila na balak nila akong gamitin in human trafficking na mas lalo ko kinakatakutan. "Lyndy... Wake up..." Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bahagya kong iginalaw ang aking ulo. Nanlalaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ng isang lalaki na nasa aking harap. Si Clay ahia! Inilapat niya ang kaniyang hintuturong daliri sa kaniyang mga labi, na sinasabi na huwag akong magsalita o mag-ingay. P-papaano siyang nakarating dito? Mabilis niyang kinalas ang tali na nakagapos sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang isang kamay ko. Kasalukuyang natutulog ang mga bumihag sa akin dahil sa kalasingan. Maingat kaming nakalabas sa abandonadong building. Doon na kami tumakbo ng mabilis sa abot ng aming makakakaya pero naputol iyon nang biglang tinamaan ng bala si Clay sa kaniyang tagiliran. "Kuya!" malakas kong tawag sa kaniy nang bumagsak siya sa lupa. Dinaluhan ko siya't inakay pero tumanggi siya. Tumakbo pa rin siya sa kabila ng tama ng bala. Dahil sa nangangapa kami sa dilim ay bigla kaming nahulog sa bangin ng kagubatan na ito. Pareho kaming napadaing dahil sa sakit. Kahit na masakit ang katawan ko ay pilit ko pa rin bumangon, inakay ko ulit si Clay saka naghanap kami ng puwesto na hindi kami maabutan ng mga lalaking bumihag sa akin. Inihiga ko siya sa lupa at nahaharangan kami ng mga malaking bato. Tama na siguro ito, para hindi kami makita. Nag-aalala akong tumingin sa kapatid ko. Taas-baba ang kaniyang dibdib habang nakasapo siya sa kaniyang tagiliran. Para na siyang malalagutan ng hinihinga sa lagay na iyon. Maraming dugo na ang nawawala sa kaniya! "K-kuya..." mahina kong tawag sa kaniya. "S-sinabi sa akin ni Gela... Ang nangyari sa iyo... A-ako ang una niyang tinawagan... Nang makita ka niyang ipinasok ka ng voice coach mo... sa kotse niya... Na wala kang malay." nanghihinang sambit niya. "I-ibinilin ko kay... Gela na sabihin sa pamilya natin... Ito... Lyndy..." "K-kuya..." hindi ko mapigilang humikbi sa harap niya. Bumaling siya sa akin. Marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa akin pisngi. Pilit niyang ngumiti kahit hirap na hirap na siya. "K-kailangan mong mabuhay, Lyndy." usal niya. A-anong ibig niyang sabihin? "L-Lyndy... T-tumakbo ka na..." wika pa niya. Sige pa rin ang iyak ko. Umiling-iling ako. Hinawakan ko ang kamay kamay na dumapo sa aking pisngi. "Tuloooonggggg! Tulungan ninyo kami!!" "S-sabihin mo kay G-Gela... M-mahal na mahal ko siya..." Humigpit ang pagkahawak ko sa tela ng kaniyang damit. Sige pa rin ang iling ko. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko siya kasama. Kailangan pareho kaming uuwi. Hindi bale ang mga malalaking sugat na natamo namin, basta pareho kaming buhay pagkabalik namin ng Maynila! "A-anong sabi ko sa i-iyo...? M-makinig ka sa a-akin... D-dahil para sa iyo itong... Ginagawa ko..." hanggang sa dahan-dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ko. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko tanggap na wala na siya. Ayoko! Ayokong mawala siya sa buhay ko! Ayokong kunin siya sa akin! "Gusto ninyo pala ng tagu-taguan, ha? Pwes, pagbibigyan ko kayo..." Natigilan ako nang narinig ko ang boses na 'yon. Gustuhin ko man na tumakbo na kasama ang bangkay ng kapatid ko ay hindi ko magawa. Wala na akong mapagpipilian. Tulad ng sabi niya ay kinakailangan kong tumakbo para mabuhay. Naiwan ko si Clay at tumakbo ako ng mabilis sa kabila ng aking panghihina. Kahit wala akong masyadong maaninag ay sige pa rin ang aking pagtakbo. Kailangan kong makarating sa kabihasnan para masabi ko ang nangyari sa amin. Biglang may sumabunot sa aking buhok. Napahiga ako sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang mukha ng lalaking nakahuli sa akin. Isang mala-demonyong ngiti ang iginawad niya sa akin. Anumang oras ay pupwede na niya akong patayin! "Huli ka ngayon!" wika ng kinikilala kong voice coach na hindi mawala ang ngisi sa kaniyang mga labi. Mas lalo bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot. Ayoko, ayoko pang mamatay. Tulad ng bilin ni Clay, kailangan kong mabuhay. Hindi lang para sa sarili ko... Nanlalaki ang mga mata ko dahil balak niya akong saksakin pero natigilan siya nang biglang siyang tinututukan ng mga ilaw na galing sa mga sasakyan. Nabitawan niya ang patalim at balak niyang tumakbo pero may isang lalaki na sumulpot sa harap nito. Nagawa niyang hulihin ang bumihag sa akin gamit ay ang martial arts. Bumagsak ang suspek sa lupa habang mga kamay nito ay nasa likuran. Dinaluhan sila ng mga pulis saka pinosasan. "Lyndy Yu, are you alright?" Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Siya ang lalaking nakahuli sa suspek. Ang isa sa mga nagligtas sa akin... Yumuko siya't nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Tumitig ako sa kamay niya. Dahan-dahan gumalaw ang isang kamay ko para tanggapin iyon... "Lyndy! Anak!" boses ni mama mula sa likuran ko. Agad akong lumingon doon. Tumayo ako. Tumakbo palapit sa direksyon sina mama at papa. Sinunggan nila ako ng isang mahigpit na yakap. Napakapit ako sa damit ni mama. Pumikit ako ng mariin kasabay na humagulhol ako sa piling nila. "Si kuya... Si kuya...." hindi ko na matuloy pa ang sasabihin ko dahil sa takot, kaba at pagdadalamhati sa pagkawala ni Clay. - The smell of incense smoke, wilting flowers, and the sweat and perfume of visitor combined into a heady, sickly sweet mixture in the air. Umaalingawngaw ang iyak nina mama at Gela sa isang gilid. Alam kong hindi pa rin nila tanggap na wala si Clay. Alam kong biglaan ang pagkawala niya sa mundong ito. Si papa ay nasa isang gilid lang, tahimik pero sa alam ko sa loob-loob niya ang pagdadalmhati. Malaki ang inaasahan ni papa kay Clay na balang araw ay maipapasa niya ang posisyon niya sa kumpanya. Kinuyom ko ang aking kamao, kasabay na kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tumayo ako. Narating ko ang Hall. People around me who are already here don't know how quite to look at me. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang sinisisi nila ako kung bakit nawala si kuya? Kung bakit maaga siyang kinuha sa amin. How irritating it was to have all these strangers intrude on such a personal tragedy. Hindi ba puwedeng malaman din nila kung ano ang pinagdaanan ko ng mga oras na iyon? Mukhang wala... Kaya mas mainam na manahimik nalang ako. Na walang makakaalam na nasasaktan ako, na nagiging masaya ako. I remember how deeply overwhelming everything was. How angry, lost, sad, scared and frightened I felt. Hindi na ako magtataka kung bakit nabigla ko sila na hindi na ako nagsasalita sa harap nila. Lalo man umiyak si mama dahil sa nangyari sa akin ay pakiramdam ko ay namamanhid ako. Ilang beses man nila ako dahil sa psychiatrist pero ilang beses na akong tumanggi, sa halip ay nagkulong pa ako sa kuwarto. Ayokong makita kung sinuman. Yakap-yakap ko ang aking mga binti habang nakaupo ako sa gilid ng bintana ng kuwarto ko. Nakadungaw lang ako sa labas. Ang hardin dito sa bahay ang natatanaw ko. Napatulala ako. Parang pinipiga ang puso ko nang naalala ko kung saan kami madalas naglalaro ni Clay noong mga bata palang kami. Nagkukulitan lalo na't nagkakabukingan na kami tungkol sa crush. Kapag iiyak ako kapag bumaba ang grades ko, tapos, siya pa ang magcocomfort sa akin. Pinapalakas nya ang loob ko... "I always needed time on my own I never thought I'd Need you there when I cry And the days feel like years when I'm alone And the bed where you lie Is made up on your side..." "When you walk away I count the steps that you take Do you see how much I need you right now?" Parang pinipiga ang puso ko. Parang hindi ako makahinga ng mga oras na ito. Kahit na ganoon ay pilit ko pa rin ilabas ang tunay kong nararamdaman. Kahit ilan na sa mga luha ko ay kumawala na. "When you're gone The pieces of my heart are missin' you When you're gone The face I came to know is missin', too When you're gone The words I need to hear To always get me through the day And make it okay... I miss you..." Pagkabigkas ko sa huling pangungusap ay doon na nabasag ang boses ko. Yumuko ako't isinubsob ko ang mukha sa aking mga tuhod. My shoulders were shaking. Walang humpay ang iyak ko. Sana ako nalang, sana ako nalang ang nabaril at namatay sa gayon, hindi masasaktan ang mga magulang namin. Isang mainit na yakap na bumalot sa akin pagkatapos kong ipahayag ang totoong nangyari sa akin. Masuyo niyang dinampian ng halik ang aking noo. Hinaplos niya ang aking buhok. Wala akong makuhang sagot mula sa kaniya. Sa pamamagitan ng yakap niyang iyon pumikit ako. Kahit nakikinig lang siya sa masakit at mapait kong nakaraan ay kahit papaano ay nabawasan ang bigat na iniinda ko sa loob ng sampung taon. "Everything will work out, Lyndy." he said softly. Marahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Whenever you cry, I will always offer my shoulder to cry on." "Z-Zvonimir..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. "If you ever feel alone, don't, because I am right here." pinunasan niya ang mga luha ko. "Because I can't give up on you. So please don't give up on yourself." Sumagi ulit sa isipan ko ang sinabi ni Clay noon. Kahit na nasasaktan pa rin ako dahil sa nakaraan, nagawa ko pa rin ngumiti sa kaniya. "Salamat. Salamat..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD