Pabalik na sana ako ng kuwarto nang may isang kamay na humawak sa isang braso ko. Natigilan ako't tumingin sa nagmamay-ari ng kamay na 'yon. Si Zvonimir. Muling nagtama ang mga mata namin. Parehong nakaukit sa aming mukha ang hindi makapaniwala. Dahil sa inakto ni Zvonimir ay ramdam ko ang paghuhuramentado ng aking puso. Imbis na sambitin ko ulit ang kaniyang pangalan ay hindi ko magawa. Ayaw muli lumabas ang aking boses.
Kita ko na nanumbalik ang kaniyiang ulirat. Agad niyang binitawan ang braso ko. Siya ang unang bumawi ng tingin. Inilipat niya iyon sa ibang direksyon. "S-sorry..." he said.
Lumapat ang tingin ko sa sahig. Tumango ako. Ibig kong iparating na ayos lang at walang kaso. Hindi naman ako nagulat nang sobra. Kaunti lang. Siguro dahil sa hindi ako sanay na ganyan ang kinikilos niya. Ngumiti ako sa kaniya. Niyuko ko nang bahagya ang aking ulo para magpaalam na't dumiretso na ako sa guest room.
Tagumpay akong nakapasok sa kuwarto. Napasapo ako sa aking dibdib. Alam ko, nabigla siya nang narinig niya ang boses ko. Sa loob ng maraming taon ay ngayon ko lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob para makapagsalita sa iba. Ang unang nakarinig ng boses ko ay si Zvonimir. Pero sana, huwag na muna niyang sabihin sa pamilya ko tungkol doon dahil malaking adjustment para sa akin ang bagay na ito.
Sumampang ako sa ibabaw ng kama. Nakipagtitigan ako sa kisame. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang may sumagi sa aking isipan. Dumapo ang hintuturo kong daliri sa aking mga labi. Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung anong kagagahan ang nagawa ko kanina!
Mabilis akong bumangon. Napahawak ulit ako sa mga labi ko.
NAHALIKAN KO SI ZVONIMIR!
I cover my face. Nakakahiya! Ano nalang ang mukha na maihaharap ko sa kaniya bukas?! Mabibigyan kaya niya ng kulay ang ginawa kong iyon?!
-
Nagluto ako ng egg rolls, broiled fish, rice balls, tsukemono (Japanese pickles) at sea weed for breakfast. Sinadya ko talaga na gumising ng maaga para naman makapaghanda ako. Iniisip ko kasi na ayos ang trato sa akin ni Zvonimir sa akin nang pinatuloy niya ako dito resthouse nila. Ito nalang siguro ang naisip kong sukli sa kabutihan na ipinakita niya.
"Good morning,"
Hindi ko alam kung bakit biglang tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Mabuti nalang ay naipatong ko na ang seaweed soup sa mesa dahil kung hindi, paniguradong matatapon lang ito. Dagdag aberya pa!
Lumingon ako sa kaniya at napangiwi. Tumango ako bilang balik-bati sa kaniya.
Natigilan siya nang makita niya ang hapag sa mesa. He looked surprised. "Marunong ka pala magluto." rinig kong kumento niya.
Ngumiti ako saka tumango bilang sagot. Hinila niya ang isang upuan saka umupo doon. Hihilahin ko na sana ang upuan na sa tabi niya pero bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at hinila ako hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kaniyang kandungan! Namilog ang mga mata ko't bumaling sa kaniya. Heto na naman ako, hindi na naman ako makahinga kapag talaga masyado siyang malapit sa akin!
"Ang sweet ng fiancee ko," nakangiti niyang sabi. "Arigatou. (Thank you)" kinuha niya ang chopstick.
Una niyang tinikman ang egg rolls na gawa ko. Napalunok ako. Masarap kaya? Alam kong magagaling magluto ang nasa angkan ng Hochengco. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako ng mga oras na ito! It feels like, it's my judgement day!
"Hmm, masarap." aniya.
Pakurap-kurap akong nakatiitg sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin. He give me his sweetest smile. "Alam mong pinagkaiba ng luto ko sa luto mo?" he asked. Umiling ako. "Nagluluto ako para sa mga costumers, ang sa iyo, mararamdaman mong homey. Espesyal ang luto mo."
Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Ibig sabihin, positive ang comment niya doon? Wala siyang malasahan na mali sa mga luto ko? Approved na sa kaniya?
"Pwedeng pwede ka na talaga maging asawa ko." dagdag pa niya.
Mas lalo ako natigilan sa narinig ko. Mas bumilis ang t***k ng aking puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit umiiba na naman? Nagiging abnormal na yata ako. Ang buong akala ko kasi, kaya lang naman ako naging fiancee ng isang Zvonimir Ho is for convenience. Dahil sa negosyo, wala nang iba. Pero bakit ganito?
Nanumbalik ang ulirat ko nang itinapat sa akin ni Zvonimir ang dulo ng chopsticks na may broiled fish. "Here, kumain ka na din. Mamaya, aalis ako para kitain ang client. Parating na din ang mga nahired kong bodyguards. Para may kasama ka na din habang wala ako."
Huh? Saan naman siya pupunta?
Naputol ang usapan naming dalawa nang biglang may nagdoorbell. Sabay kaming napalingon doon. "Oh, dumating na pala ang delivery." he said.
Mabilis akong umalis sa kaniyang kandungan. Tumayo na din siya. Nauna siyang lumapit sa entrahada ng bahay na ito. Nakasunod lang ako sa kaniya. Pinapanood ko lang siya na buksan niya ang pinto. Tumambad sa amin ang isang lalaki. May hawak itong dalawang kahon.
"Delivery po, galing Japan!" masiglang sabi ng lalaking nagdeliver.
Japan?!
Ipinasa na niya kay Zvonimir ang mga kahon saka ipinatong niya iyon sa gilid ng pintuan. Pinapirma din siya ng papel na tanda na nakuha na nito ang mga kahon. Inabutan din niya ng lalaki ng pera bilang fee. "Salamat po!" saka umalis na ito sa harap namin. Umatras ako ng kaunti dahil isasara na ang pinto.
Bumaling siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Para sa iyo ang delivery na 'yan. Alam kong matutuwa ka kapag nakita mo ang mga laman niyan." pahayag niya.
Ewan ko kung bakit nabuhay ang excitement sa aking sistema. Hindi ko mapigilang mapangiti Nasasabik akong buksan ang mga kahon. Nang buksan ko iyon, hindi ko mapigilang magtatalon-talon sa tuwa nang makita ko ang laman. Mga anime costumes! Nilabas ko ang mga items. Waitress costume ni Princess Elizabeth sa Seven Deadly Sins! Meron ding Maid Café uniforms, Attack On Titans costumes! 'Yung kay Mikasa!
Masaya akong bumaling kay Zvonimir. Dahil sa umaapaw na emosyon ay hindi mapigilan ang sarili kong mayakap siya ng mahigpit. Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya! Ilang saglit din ay kumalas na ako mula sa pagkayakap ko sa kaniya. Inangat ko ang aking mga tingin. Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko na naman magawa. Sa halip ay ngumiti ako.
"Nagustuhan mo ba?" masuyo niyang tanong.
Tumango ako pero hindi nabubura ang ngiti sa aking mga labi.
-
Pagkatapos namin kumain ay sunod kong ginawa ay naligo ako at nagbihis. Ganoon din si Zvonimir dahil ngayong umaga daw ang meeting niya sa kaniyang client. Simpleng porma lang ang suot ko. Nakajumper na may simpleng printed shirt sa loob nito. Tanging fluffy slippers ang sapin ko sa paa dito sa loob ng bahay.
Ipinakilala din niya sa akin ang tatlong bodyguards na nahired niya. Dalawang lalaki at isang babae. Personal daw niyang nirequest 'yon. Galing pa ito sa RTS Protection, Incorporation ang mga nakuha niyang bodyguards. Nabilinan na din niya ang mga ito kung ano ang mga gagawin habang narito ako sa resthouse. Babalik din daw siya kaagad pagkatapos ng meeting. Isipin ko nalang daw na si Bram ang mga ito.
Pwede ba akong sumama sa iyo, Zvonimir? Pwede bang isama mo nalang ako?
Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salita na 'yon pero hindi ko na naman magawa. Kaya sa huli ay wala na akong magawa kungdi pumayag nalang. Siguro magkukulong nalang ako sa guest room habang wala siya.
Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalayo ang sasakyan. Nang nawala na ito sa aking paningin ay doon na ako nagpasyang pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa guest room. Nilock ko ang pinto bago ko man daluhan ang kama. Umupo ako sa gilid ng kama na may kasamang buntong-hininga. Ilang minuto lang nawala si Zvonimir ay nakaramdam ako ng lungkot.
Ano ka ba naman, Lyndy? Nangako siyang babalikan niya ako dito! Uuwi daw siya agad.
Marahas akong humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ang mabuti pa siguro ay matulog nalang ako habang hinihintay ko siya sa kaniyang pag-uwi...
"L-Lyndy..." nanghihinang tawag sa akin ng isang lalaki. "T-tumakbo ka na..."
Sige pa rin ang iyak ko. Umiling-iling ako't nagsisigaw ng tulong ngunit dahil sa madilim ang gubat, at hindi masyadong nadadaanan ito ng mga tao, bigo ako. Sinabi ko na ayoko, hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari.
"S-sabihin mo kay G-Gela... M-mahal na mahal ko siya..."
Humigpit ang pagkahawak ko sa tela ng kaniyang damit. Sige pa rin ang iling ko. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko siya kasama. Kailangan pareho kaming uuwi. Hindi bale ang mga malalaking sugat na natamo namin, basta pareho kaming buhay pagkabalik namin ng Maynila!
"A-anong sabi ko sa i-iyo...? M-makinig ka sa a-akin... D-dahil para sa iyo itong... Ginagawa ko..."
Hanggang sa dahan-dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata ko. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko tanggap na wala na siya. Ayoko! Ayokong mawala siya sa buhay ko! Ayokong kunin siya sa akin!
"Gusto ninyo pala ng tagu-taguan, ha? Pwes, pagbibigyan ko kayo..."
Natigilan ako nang narinig ko ang boses na 'yon. Gustuhin ko man na tumakbo na kasama ang bangkay ay hindi ko magawa. Wala na akong mapagpipilian. Tulad ng sabi niya ay kinakailangan kong tumakbo para mabuhay.
Naiwan ko ang bangkay at tumakbo ako ng mabilis sa kabila ng aking panghihina. Kahit wala akong masyadong maaninag ay sige pa rin ang aking pagtakbo. Kailangan kong makarating sa kabihasnan para masabi ko ang nangyari sa amin.
Biglang may sumabunot sa aking buhok. Napahiga ako sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang mukha ng lalaking nakahuli sa akin. Isang mala-demonyong ngiti ang iginawad niya sa akin. Anumang oras ay pupwede na niya akong patayin!
"Lyndy? Lyndy? Wake up!"
Agad akong napadilat. Napasinghap at mabilis na bumangon. Si Zvonimir ang bumungad sa akin, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Taas-baba ang aking dibdib at naliligo na ako ng pawis.
"You're crying," he added.
Dahan-dahan kong iginala akong aking paningin. Nasa isang tabi ang mga bodyguards. Tulad ni Zvonimir ay nakaukit din sa kanilang mukha ang pag-aalala. Inutusan ang mga ito na lumabas muna. Sumunod ang mga ito. Nanginginig ako dahil sa takot. Mas lalo ako naiyak hanggang sa naramdaman ko nalang ang yakap niya.
"Shh... Nandito na ako." he said while he gently tapped my back. Sunod ay hinaplos niya ang aking buhok.
Napakapit ako sa kaniyang polo. Humigpit ang pagkahawak ko doon. "N-natatakot ako..." garagal kong sambit.
"L-Lyndy..." dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin.
Sinikap kong tumingin sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. Nakaukit ang pagkagulantang sa kaniyang mukha. Hindi makapaiwala na sa pangalawang pagkakataon, nagawa ko ulit magsalita. Umiling ako kahit na humihikbi. "H-huwag kang umalis... Pakiusap...H-huwag..." pagmamakaawa ko.
Rinig kong matigas na pagmura niya. Masuyo niya akong hinalikan sa noo. Sunod niyang hinalikan ay ang likod ng aking palad. Umiling siya. "Hinding hindi ko gagawin 'yon. Pangako." pinunasan niya ang mga luha sa aking mukha. "You still remember what I've told you, right? I'm just right here. I'll protect you. No one can harm you."
Humihikbi akong tumango.
"I know you're strong, Lyndy. You can recover from all what happened to you from your past." namamaos niyang sabi.
Kinagat ko ang aking labi. "I... I... Want... To leave it... There... I... Want to start... Over..." I finally said it.
"Of course you will." marahan niyang idinapo ang mga palad niya sa aking mga pisngi. "Sasamahan kita habang nagpapagaling ka."
Pumikit ako ng mariin. "Pwede ba tayong... Bumalik ng Maynila? G-gusto kong... Bumisita kay... Clay..."
"W-who's Clay?" nagtataka niyang tanong.
"My late... Brother..." mahina kong tugon.
Tama, siya ang nakakatanda kong kapatid. Na siya dapat ang magmamana ng lahat na imbis ay ako. Ang lalaking dapat papakasalan noon ni Gela, ang lalaking pinakamamahal niya. Ang kapatid ko na nagligtas sa akin mula sa nakaraan. Na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang pagiging konsensya ko kung bakit hindi ko man lang siya nailigtas noon...