Yakap-yakap ko ang binti ko. Nakaupo ako sa bintana ng aking kuwarto. Sa malayo ang aking tingin. Gustuhin man ako imbitahan ng Pulisya para hingiin ang statement ko dahil sa nangyari ay hindi ko magawa dahil nakaramdam ako ng pagod. Mabuti nalang ay naharangan agad iyon ng magpipinsang Ho. Sila ang nagvolunteer na magbigay ng statement. Lalo na sa pagkamatay ni Gela.
I shut my eyes. Kusang tumulo ang butil ng luha. Marahas iyon umagos sa aking pisngi. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang mga magulang niya. Kung papaano ako hihingi ng tawad sa kanila dahil nawala ang nag-iisa nilang anak. Napahamak pa sina Bram at Zvonimir nang dahil sa akin.
Mabigat sa loob ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit... Kung bakit kailangan nila akong iligtas? Una, si kuya. Sumunod naman sina Bram, Gela, lalo na si Zvonimir. Dahil ba sa pangako na binitawan nila kay kuya? Ano pang silbi ko sa mundong ito kung lahat nalang ng mga taong malalapit sa akin ay kinuha na? Mas tatanggapin ko pa na ako nalang... Na ako nalang ang kinuha, kaysa makita ko mismo kung papaano sila kinuha.
Dumilat ako. Tumingala ako't isinandal ko ang aking ulo sa pader. Huminga ako ng malalim. "Kuya, nadamay sila nang dahil sa akin..." kahit wala naman talaga ang presensya niya, nagawa ko pa rin siyang kausap sa pamamagitan ng hangin. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko..." bumaling ako sa picture frame na nakapatong sa side table, na katabi lang ng aking kama. Kinagat ko ang labi ko.
"Pinilit ko naman mabuhay, eh. Tulad ng sabi mo, kailangan kong mabuhay para hindi malungkot sina mama at papa. Pero bakit pakiramdam ko, habang nabubuhay ako... Mas nagiging mahirap?"
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ako gumalaw para buksan iyon. Nanatili lang ako sa aking puwesto. Mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa aking mga binti. Muli akong tumingin sa labas. Rinig ko na nagbukas iyon.
"Lyndy..." boses ni papa 'yon.
"Anak..." si mama na may bahid na pag-aalala sa kaniyang boes.
I heard their footsteps. They walking towards to me. Hindi ko sila magawang tingnan. Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Nag-uumpisa na naman ulit ako sa simula. Ang pakiramdam na palabas ka na, ay naudlot pa.
"Lyndy, nakilala namin kung sino ang kidnapper mo." malungkot na pahayag ni papa. "And yes, he's one of my employee before. Pero may dahilan talaga ako kung bakit ko siya tinanggal ng mga panahon na 'yon." rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Ninanakaw niya noon ang kinikita ng kumpanya. Noong una, hindi ako makapaniwala dahil mabuti siyang tao. Napagkakatiwalaan ko. Pero... Madami din pala nagkakapagsabi na totoo pala ang haka-haka noon."
Natigilan ako. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para tingnan sina mama at papa. Si mama ay naiiyak na. Si papa naman ay malungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Kaya, huwag mong sisihin ang sarili mo anak. Alam ko, may pagkukulang din ako bilang ama sa inyong dalawa ni Clay. Sa mga nakikita ko, sa mga napagtanto ko, I'm a failed father to both of you." tumulo ang isang butil ng luha sa mata ni papa. He reached me. Hinaplos niya ang aking kamao. "Patawarin mo ako, Lyndy, anak... Kung pinasan mo ang mabigat na reyalidad ng buhay. Patawarin mo ako kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na ito."
Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap nila. Gusto kong magalit, gusto kong ilabas ang lahat ng hinananakit ko pero tingin ko ay wala nang mapuntahan iyon kung ilalabas ko pa. Dahil lahat ng mga nangyari ay nangyari na. Wala nang maibabalik. Hindi na makakabalik sina Clay at Gela.
"Huwag mo rin sisihin ang sarili mo, anak. Nakausap ko ang nanay ni Gela, mas pinili ng kaibigan mo na sumama kung nasaan ang kapatid mo." humihikbing sabi ni mama. "Tanggap na nila kung ano ang desisyon ng kapatid mo pero alam ko, may parte sa kanila na hindi pa rin tanggap ang pagkamatay niya..."
Muli ko kinagat ang labi ko. Yumuko ako at humikbi. Kahit ako, hindi ko tanggap. Hindi ko pa matanggap ang mga nangyari.
-
Kinubukasan ay pinili kong lumabas sa bahay. Una akong pumunta sa lamay ni Gela. Ang akala ko ay hindi ako makakapasok o papasukin pero nagkamali ako. Tinanggap pa rin ako ng mga magulang niya. Sinamahan ko sila sa pagdadalamhati. Nagkukwentuhan kami ng kaniyang ina tungkol sa mga bagay noong nabubuhay pa ang bestfriend ko.
"Iyak nang iyak si Gela nang nalaman niyang hindi ka na raw nakakapagsalita, iha." mapait na pagkukwento ni Mrs. Jung. "Nagkulong din siya sa kuwarto. Tulad mo ay wasak na wasak din siya dahil sa mga nangyari. Kung may magagawa man siya para pabalikin ka niya sa pagsasalita at pagkanta." napasapo siya sa kaniyang bibig at pumikit ng mariin. Ilang saglit pa ay tumingin siya ng diretso sa akin. "Gagawin din namin ang ibinilin ni Gela. Kahit na wala na siya, patuloy pa rin maging magkaibigan ang pamilya ko sa pamilya ninyo."
"S-salamat po..." hindi ko alam kung anong eksaktong pasasalamat na gagawin ko. Sa totoo lang, nagiging lutang na ako sa taong nakakaharap ko. Pakiramdam ko ay dahan-dahan na akong nababalutan ng itim ang paligid ko..
-
Sunod kong pinuntahan ang Private Room sa Ospital. Kung nasaan si Zvonimir. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto. Tumambad sa akin si Verity na nakaupo lang sa couch na nasa tabi lang ng hospital bed. Agad siyang napatayo nang maramdaman niya ang presensiya ko. Ngumiti siya sa akin at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Kamusta ka na?" pinaghalong pag-aalala at tuwa nang tanungin niya iyon.
Isang mapait na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "A-ayos lang." bumaling ako kay Zvonimir na nanatili paring tulog, may mga nakasabit na aparato sa kaniyang katawan, nasa tabi din niya ang isang tangke na naglalaman ng oxygen. "A-anong sabi ng doctor?"
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang banggitin ko 'yon. Huminga siya ng malalim. "He got Traumatic Pneumothrax. Namataan ng bala ang isang baga niya. Kaya may mga nakasabit na aparato sa katawan niya para ma-inflate ang baga niya. The rest, okay na. Ang kulang nalang ay magising na siya. Successful naman ang surgery niya." paliwanag niya.
Pumikit ako ng mariin. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos ko marinig ang mga bagay na iyon. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng aking pakiramdam.
"Kung gusto mo, maiwan muna kita dito. Bibili lang ako ng meryenda sa ibaba, alright?"
Ngumiti ako. "Salamat, Verity."
Marahan siyang yumakap sa akin. "Kay Zvonimir ka mismo magpasalamat, lalo na kapag nagising na siya. May ipapasalamat din ako, kasi, hindi ka na bumalik sa dati." kumalas din siya ng yakap. Marahan dumapo ang mainit niyang palad sa aking pisngi. Kahit na nakangiti siya sa akin. I can feel her smile is very genuine. Walang halong kaplastikan. Walang halong galit dahil sa akin ay napahamak ang kaniyang kuya. "Habang nagpapalakas si kuya, mas ka pa dapat maging malakas, ha?"
Ewan ko kung bakit sa mga nabitawang salita ni Verity ay nahaplos ang puso ko. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako anumang oras. "B-bakit... Hindi kayo galit sa akin... Bakit, hindi ninyo ako sinisisi dahil napahamak siya?"
"Dahil mahal ka ni kuya. Pinili niya ito kahit alam niyang mapapahamak siya. Siguro dahil, isa nga naman siyang Hochengco. Na halos pati buhay at kaluluwa nila, iaalay para lang mailigtas nila ang babaeng pinakamamahal nila. Namana namin iyon sa mga magulang namin." mas lalo lumapad ang ngiti niya. "Oh siya, baka magkaiyakan pa tayo. Dito ka muna, ha? Babalik din ako."
Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalabas siya ng silid na ito. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, sunod kong ginawa ay nilapitan si Zvonimir. Ipinatong ko ang dala kong basket ng mga prutas sa side table. Umupo ako sa upuan na katabi lang nitong kama. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Mapait akong humingi. Marahan kong hinawakan ang kaniyang buhok. Sa huli ay ang kamay na niya ang hinawakan ko. Idinikit ko ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya.
"Zvonimir, narito ako... Para bumisita sa iyo." bakit ganoon? Kahit na sinabi na sa akin na nasa maayos na siyang kalagayan ay naiiyak pa rin ako? "Please, gumising ka na... Madami pa akong itatanong sa iyo. Kasi, nalaman ko na ang lahat sa kapatid mong si Vander. Sinabi niya sa akin ang totoo..." Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko kasabay na nanginginig ang labi ko at ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. "Iwinan na ako ni kuya... Iniwan na din ako ni Gela... Ang tanging meron nalang ako, sina mama at pa... Lalo ka na." nabasag na ang boses ko. Pumikit ako ng mariin. "You are my light and hope, Zvonimir. Binuhay mo ulit ang kaluluwa ko na matagal nang patay sa loob ng mahabang panahon. I'm so inlove with you... It's lonely here without you."
Yumuko ako. Sunod-sunod na kumawala ang mga luha ko.
"Miss na kita, Zvonimir... Miss na kita..." the next thing I said between my cries.
"I miss you too,"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Tumayo ako. Tiningnan ko kung hindi ba guni-guni ang narinig ko. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko na nadilat na siya ngunit namumungay pa ang mga iyon. "Z-Zvonimir..."
His eyes moved. Bumaling siya sa akin. "I miss you, my wife." bakas sa boses niya na nanghihina. Pilit na ngumiti.
Tumango-tango ako. Muli na naman ako naiiyak. "I miss you too." kusang gumalaw ang katawan ko. Yumuko ako't dinampian ko ang isang halik ang kaniyang noo. "Tatawag ako ng doctor, okay? Stay put and please, don't ever leave me. Please hold on the seconds."
"I will,"
Yes, tears of joy. Agad kong dinaluhan ang intercom. Sinabi ko na may malay na si Zvonimir. Nagkasabay na pumasok ang mga doktor at nurse dito sa private room pati na din si Verity. Nagkayakapan kaming dalawa habang tinitingnan ang mga doktor ang kalagayan ni Zvonimir. Kung anu-ano pang tinatanong at ginagawa para mas lalo siya naging maayos. Unang kumalas ng yakap si Verity, nagpaalam na tatawagan niya muna ang mga magulang pati ng mga kapatid niya. Ipapaalam niya sa mga ito tungkol sa kuya niya.
-
Nang dumating ang mga magulang ni Zvonimir ay kitang kita ko kung papaano nag-aalala ng husto ang kanilang ina. Kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kaniya, natatakot kasi ako na baka sisihin niya ako dahil sa nangyari. Na dahil sa akin ay napahamak ang kaniyang anak.
Naghihintay ako sa labas ng Opisina ng doktor na kinakausap nina Mr. And Mrs. Ho. Ginagapangan ako ng pangangamba. Ipinapanalangin ko na sana ay tuloy-tuloy na ang recovery ni Zvonimir kahit na gising na ito. Na sana ay bumalik na ang lahat sa dati.
Tumayo ako nang nagbukas ang pinto. Nagpasalamat ang mga magulang ng pinakamamahal ko sa doktor bago sila tuluyang aalis ngunit nakuha ko ang kanilang atensyon. Parehong may pagtataka sa kani-kanilang makuha. Kahit na bumibilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba ay pilit ko 'yon labanan.
"Ms. Yu? There's anything wrong?" tanong sa akin ni Mr. Vladimir Ho.
Bago man ako sumagot ay lumunok ako. Umaawang ng kaunti ang aking bibig. "G-gusto ko po sanang..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang nilalamon ako ng takot. Nanatili pa rin silang nakaabang sa susunod kong sasabihin. "G-gusto ko sanang... Humingi ng tawad..." sa wakas ay nasabi ko ang gusto kong sabihin. Dumapo ang tingin ko sa sahig ng Ospital. Hindi ko sila magawang tingnan nang diretso sa kani-kanilang mga mata dahil sa hiya at takot.
I heard some footstep. Hanggang sa makita ko ang isang pares ng mga paa sa aking paningin. Marahan na hinawakan ang isang kamay ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay si Mrs. Inez na ang tumambad sa akin. Isang mapait na ngiti ang kaniyang ibinigay. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, iha. Wala kang kasalanan. Ginusto ng anak ko na iligtas kahit labag sa kalooban ko. Dahil naranasan ko na kung papaano nawalan ng anak."
"M-Mrs. Ho..."
"Natatakot ako na... Maulit na naman ang dati. Malalaman mo din ang ibig kong sabihin kapag isa ka na ding ina." hinaplos niya ang aking pisngi. "Pero hanga ako sa iyo dahil mas malakas ka kaysa sa akin. I heard your story from my son. Ngayon alam ko na kung bakit tinanggap niya ang engagement party."
"Madame..." iyan lang ang tanging masasabi ko.
"Dahil mahal ka ng anak ko, mamahalin din kita bilang magiging parte ng pamilyang ito." she give me her sweetest smile. "Welcome to the family, iha. Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ang importante ay ligtas na si Zvonimir."
"Thank you po."
Malumanay siyang bumitaw sa akin. "Alam kong marami pa kayong pag-uusapan ni Zvonimir. By the way, sinabi sa amin ng doktor na anim hanggang walong linggo ang recovery time niya. So, pupunta kami ng asawa ko sa pharmacy para bumili ng gamot na kakailanganin niya habang nagpapagaling."
Tumango ako at ngumiti na din. Nilagpasan na niya ako. Humawak siya sa braso ni Mr. Ho. Hinatid ko lang sila ng tingin habang naglalakad sila papalayo.
"Ang bait mo talaga, ganda. Kaya mahal na mahal kita." rinig kong tawag ni Mr. Vladimir Ho kay Madame Inez. Kinurot naman siya nito. "Ito naman, totoo ang sinasabi ko."
"Ang tanda-tanda mo na, ang landi mo parin!"
Hindi mabura ang ngiti ko. Nakakatuwa naman ang samahan nilang dalawa. Makikita mo na mahal na mahal talaga ang isa't isa. Minsan umaandar ang kuryusidad ko kung ano ang love story nilang dalawa.
Binawi ko na ang aking tingin saka naglakad na ako sa direksyon papunta sa kuwarto ni Zvonimir.
-
Pagbalik ko ng private room ay naabutan ko si Zvonimir na gising na. Wala dito ang mga kapatid niya. Mukhang may pinuntahan. Marahan kong sinara ang pinto. Humakbang ako palapit sa kaniya. Maingat akong umupo sa gilid ng kama.
"Lyndy..." mahinang tawag niya sa akin.
Ngumiti ako. Marahan kong hinawakan ang isang kamay niya. "Kamusta na pakiramdam mo?" malumanay kong tanong.
Napangiwi siya. "My chest kinda lil bit hurts. But I can manage." he said.
I nod. "I want to asked if it's alright..."
"What is it?"
"Si kuya ba ang tinutukoy mo noon? Noong binanggit mo sa akin na... May kakompetensiya ka pero kaibigan mo." walang bahid na galit sa boses ko nang tanungin ko ang bagay na iyon.
Marahan siyang pumikit at tumango bilang tugon. "Yeah, he is. And I promise to him that I will take care of you."
"But you don't have to."
"Hindi lang ang pangako ko sa kuya mo ang dahilan kung bakit palagi akong nasa tabi mo. Because meeting you has been the highlight of my life. Yeah, before Clay Justine knows that I'm interested in his sister, you are the reason why my life feels so perfect. I wanted to be with you. Until I fall for you."
"... And I can't imagine my life without you, Zvonimir." wika ko. "I realized you're not only my hope and light. And yeah, I'm inlove with you, too. I want to spend all my tomorrows finding out more and more reasons to be inlove with you."
Natigilan siya sa sinabi ko. "L-Lyndy..."
"But, thank God. You're alive. I can have you while I'm fighting in this crazy battles in life, Zvonimir. If you want me to sing all over again, even your favorite lullabies, I will. Huwag mo lang akong iwan. Hmm?"
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Your voice is my favorite sound, my wife."
"And I want to marry you, Zvonimir. I want to be your wife. Gusto ko, ako naman ang mag-aalaga sa iyo." hinalikan ko ang kaniyang noo. Nagtama ang mga mata namin. "Mapagaling ka na, para maikasal na tayo. Remember what the feng shui expert told us, right? This year is our lucky year for marriage."
"Yeah, I will. I love you, Lyndy Yudatco."
"Mas mahal kita, Mr. Zvonimir Hochengco."