epilogue

2363 Words
Tumayo ako ng tuwid, nasa likuran ko ang mga kamay ko. Tahimik akong nakayuko dahil sa hiya. Nakahilera kaming magpipinsan sa harap ng Grande Matriarch, si Madame Eufemia Hochengco. Abala niyang tinitingnan ang mga grades namin ngayong taon. Sa totoo lang ay ako lang ang nakayuko sa aming lahat dahil may ibig sabihin iyon. "Zvonimir," matigas na tawag sa akin ng Grande Matriarch. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon para iangat ang aking tingin. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak niya ang aking card. "You got the lowest grade." she muttered. Kahit na hiyang-hiya ako ay pilit ko pa rin itago iyon. "O-opo..." mahina kong sagot. Taas-noo niya akong tiningnan. "Do I deserved this kind of grade and performance from you, Zvonimir?" mas matigas pa niyang turan. Umiling ako. "H-hindi po." nakakatakot talaga siya, kahit kailan! "If you want to be a real businessman, you should be the best. Hindi pwedeng pwede na. Hinding hindi ako tumatanggap ng pasang-awa." bakas na sa kaniyang boses ang galit. Her monster side! "Do you deserved to be a Hochengco?" tanong niya muli. Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung bakit umiba ang pakiramdam ko nang banggitin ng Grande Matriarch ang tanong na iyon. Simpleng tanong, pero nakaramdam ako na panliliit sa sarili. Sa aming magpipinsan, I'm always a loser way back, then. I'm always ask myself, being a Hochengco is a good thing? Being born in this family, is a blessings? Do I really need to feel this kind of pressure? Siguro, dahil kapag sinabing Hochengco, magaling at hinding hindi nagpapatalo. Kung sabagay, pagdating sa business world, maingay ang apelyido namin. Ilang beses na hinirang ang pamilya namin bilang isa sa mga pinakamamayamang negosyante sa Pilipinas. Hindi pwedeng hindi. Kaya pagtuntong ko ng kolehiyo, ginawa ko ang lahat para humanga naman kahit kakarampot ang Grande Matriarch sa akin. Na kaya ko ding makipagsabayan sa iba ko pang pinsan. Malapit na... Malapit ko nang makukuha ang gusto kong pabuya para sa sarili ko pero biglang may sumulpot sa daan ng aking tagumpay—si Clay Justine Yudatco. Tulad ko, ay kumukuha din siya ng Business Management. Naiinis ako dahil mas magaling siya sa akin. Mas matalino at mas madiskarte pa siya kaysa sa akin. Yeah, siya ang masasabi ko na malaking kakompetensya ko. Nagkataon lang na naging kapartner ko siya sa isang report. Napapansin ko ay parang kalmado lang siya, samantalang ako, halos gumapang na ako para makahagilap pa ng mga impormasyon na idadagdag namin sa report. Bakit hindi rin siya naghihirap tulad ko? Halos magkapareho lang naman kami ng gawain kung tutuusin. "Tuloy ka pare," nakangiting sabi ni Justine nang nakapasok na kami sa kanilang bahay. Sinabi kasi niya na dito kami gagawa ng report dahil kailangan niya daw bantayan ang kaniyang kapatid kahit na marami silang maid dito. "Pasensya na talaga. Ay, teka... Kukunin ko lang ang meryenda na pinapahanda ko." saka umalis siya. Hinatid ko lang siya ng tingin pero natigilan ako nang may namataan akong babae na nakasalubong ni Justine. Umaawang ang bibig ko dahil sa kagandahan nitong taglay. Bakit parang nagiging slowmo ang paligid at nagiging blurred? Tanging sa babae lang ang malinaw. Maputi dahil may lahi ding intsik ang pamilya nila. Napansin ko din na namula-mula ang kaniyang magkabilang pisngi kahit hindi na lagyan ng make up o anumang bagay na pampaganda. Habang naglalakad ito ay kumanta-kanta pa ito. Bigla itong lumiko saka umakyat sa hagdan. Hindi niya ako napansin. Napansin ko din kasi na nakasalpak ang earplugs sa tainga nito. Nang marinig ko ang boses niya, hindi ko mapigilang mapangiti nang hindi ko namamalayan. "Oh, pare? Ayos ka lang?" Justine snapped. Parang nabasag ang lahat nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. Tumikhim ako't pomormal sa harap niya. Rinig ko ang paghagalpak niya ng tawa dahil sa inakto ko. Kumunot ang noo ko. "Problema mo?" pagsusungit ko. Nagkibit-balikat siya. "Mukhang may nakita kang magandang bagay dito sa bahay namin." tumigil siya. Binigyan pa niya ako ng isang makahulugang ngisi. "Hindi pala bagay, tao." "H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo." saka nilabas ko ang laptop ko para makapagsimula na sa pag-eedit ng report. "Huwag mo nang itago, pare. Natuwa ka sa kapatid ko, ano?" Natigilan ako. Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. Kapatid niya iyon? Eh teenager na pala ang kapatid niya, eh bakit kailangan pa niyang bantayan? Malaki na iyan, kaya na niyan ang sarili niya! "Ang totoo niyan kasi, pare. Kaya gusto kong dito tayo gumawa ng report para ireto sa iyo ang kapatid ko." malungkot siyang ngumiti. "Dahil alam kong maaalagaan mo siya pagdating ng panahon. I know it's weird, pero sigurado ako sa desisyon ko na ipapaubaya ko si Lyndy sa iyo, balang araw." Dahil sa mga pinagsasabi ni Justine, pinili ko nalang na huwag pansinin. Pero hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Sinabi niya sa akin na kailangan niyang sundan ang lalaki na dumukot sa kapatid niya. Hindi ako nagdalawang-isip na sundan siya. Mabuti nalang ay nakabukas ang GPS niya kaya madali ko siyang masundan. Hindi pupwedeng mapahamak ang siraulong iyon dahil maraming mag-aalala sa kaniya. Tinawagan ko din ang pulis na malapit sa lugar kung nasaan ang kuta ng mga kidnapper ng kapatid ni Justine. Habang nasa kakahuyan ako ay may narinig ako na putok ng baril. Medyo malakas, ibig sabihin, medyo malapit lang dito ang pinangyarihan. Maingat kong sinuyod ang gubat na ito. Hindi rin ako pupuwedeng makita ng mga gagong iyon dahil walang magliligtas sa magkapatid na Yudatco! Sumilip ako habang nasa likod ako ng puno. Umaawang ang bibig ko nang may naaninag akong isang babae at isang lalaki. Nakahawak ang lalaki sa buhok ni Lyndy! "Huli ka ngayon!" rinig ko mula sa kidnapper. Inangat niya ang hawak niyang patalim at balak niyang saksakin ang kawawang babae. Kusang gumalaw ang katawan ko. Mabilis akong kumilos palapit sa lalaki. Mabuti nalang ay hindi pa nawawala ang kaalaman ko pagdating sa martial arts at nagagamit ko ito sa ganitong sitwasyon. Nabitawan niya ang patalim at tumalsik ito sa lupa. Nagawa kong hulihin ang lalaki na sakto na dumating na din ang mga rumespondeng pulis. Nakasunod ang mga magulang ng magkapatid na Yudatco. _ Hindi maalis ang tingin ko sa kapatid ni Justine habang narito kami sa lamay. Umiiyak ang ina at ang nobya na naiwan ng naituring kong kaibigan at kakompetensiya. Gabi-gabi ay hindi ako nawawala sa lamay. Hanggang sa mga huling araw nito. Kahit na pagkatapos na nailibing si Justine ay hindi ako nagdadalawang-isip na bumisita sa bahay para kausapin sana si Lyndy. Pero ang sabi sa akin ni Mrs. Yu ay ayaw lumabas ni Lyndy sa kuwarto nito. Hindi rin daw ito tumatanggap ng bisita. Humingi pa ako ng pahintulot kahit sa mismong tapat lang ng kuwarto nito ay ayos na ako. "When you're gone The pieces of my heart are missin' you When you're gone The face I came to know is missin', too When you're gone The words I need to hear To always get me through the day And make it okay... I miss you..." Yumuko nang marinig ko ang boses niya. Kinuyom ko ang aking kamao, kasabay na piniga ang puso ko nang marinig na basag niyang boses. Rinig ko rin ang pag-iyak niya mula dito sa labas ng kaniyang silid. Gustuhin ko mang sumugod sa loob at bigyan siya ng isang mahigpit na yakap ay hindi ko magawa. Galit ako sa sarili ko. Nagawa ko ngang iligtas ang kapatid ni Justine pero mismo siya, hindi. Hindi ko man lang siya nagawang iligtas noon. Kung nagawa ko pala ang bagay na iyon, paniguradong masaya na sila. Walang poproblemahin. Nakapagtapos ako ng pag-aaral bilang summa c*m laude. Kahit na nakuha ko na ang matagal ko nang inaasam ay pakiramdam ko pa rin ang lungkot. Dapat si Justine ang makatanggap ng gantingpalang ito, hindi ako. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay nakatanggap ako ng balita na hindi na tuluyang nakapagsalita si Lyndy. Kahit isang salita, wala silang marinig. May bumuo sa isipan ko ng mga panahon na iyon. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyon. Pinag-aralan ko ang tungkol sa sakit niya. She has Selective Mutism. Nagtanong ako sa isang Psychiatrist kung papaano ang treatment para doon. Hindi lang 'yon, nanood din ako sa youtube videos tungkol sa mga interview ng mga nanay na ang anak nila ay may ganoong sakit. Kung ano pang mga sintomas. Mas pinalawakan ko pa ang kaalaman ko para maging hands on ako sa kaniya sa oras na gagawin ko ang binabalak ko. Gagawin ko ang lahat para makapagsalita ka lang ulit. Gusto ko ulit marinig ang boses mo. Kahit isang salita lang, masaya na ako. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, makuha ko lang ang tiwala mo at mas lalo kita mamahalin. Alam kong ito ang gusto ni Justine. Kaya gagawin ko ang ipinangako ko sa kaniya bago siya nakuha sa atin. "You're kidding, Zvonimir, don't you?" hindi makapaniwalang sambit ni daddy habang nasa hapag kami. Kahit sina mama at mga kapatid ko ay nabigla din sa naging desisyon ko. "Yes, papa. Please do everything to fix my marriage with Lyndy Yu." may bakas na determinado nang sabihin ko ang mga bagay na iyon. "Iba ang magpapakasal ka dahil sa resposibilidad dahil sa binitawang pangako kaysa magpapakasal ka na may kasamang pagmamahal, anak. Papaano kapag ka magsisisi sa huli?" nag-aalalang tanong ni mama. "Hindi biro na papakasalan mo ang bunsong anak ng mga Yudatco kung sakali." "I know. Kaya kong panindigan ang lahat. Hindi dahil sa pangakong binitawan ko kay Justine." seryoso kong usal. Dahil ipaparamdam ko kay Lyndy na hindi siya nag-iisa. Na sasamahan ko siyang harapin ang lahat ng unos na dadating sa buhay niya. Na narito pa ako. Na handang makinig sa kaniya sa bawat daing, iyak at mga sigaw niya dahil sa sakit. Handa kong ialay sa kaniya ang lahat... Ang buong akala ko, mababalewala ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya nang marinig ko ang unang salita na narinig ko sa loob ng mahabang panahon mula mismo sa kaniyang mga labi, gustong gusto ko siyang halikan dahil sa saya pero nagawa ko pa rin pigilan ang sarili ko dahil ayokong mabigla siya sa lahat ng mga inakto ko. Kaya hahabaan ko pa ang pasensya ko para maging tuloy-tuloy na. Hindi lang 'yon ang ginawa ko. Susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Sa mga gusto niyang marating Ipinangako ko, hinding hindi ako magkukulang sa iyo, Lyndy. I want to be your best husband. "Sigurado ka bang aalis ka na, Bram?" malungkot na tanong ni Lyndy na pareho na kaming nakalabas ng Ospital pagkatapos ng insidente. "Pasaway ba akong amo?" Ngumiti si Bram. "Syempre, hindi po,   young lady." huminga siya ng malalim. "Tingin ko kasi, panahon na para malagay na din ako sa tahimik. At saka, may taong na kaya at handa pang ipagtanggol anumang oras." Naiiyak ang pinakamahal ko. Ang tanging magagawa ko lang ay akbayan siya. Para mabawasan ang lungkot dahil aalis na ang kasa-kasama niyang boydguard. Wala na din naman ang hinayupak na kidnapper. Dead on arrival na din ito dahil na din sa trabaho ni Tilton. Hindi talaga ako nagkamali na kunin siya bilang back-up para sa misyon naming sagipin silang tatlo, iyon nga lang, bigo kaming sagipin ang nag-iisang bestfriend ni Lyndy na si Gela na tingin namin ay masaya na siya kung nasaan man ito ngayon. Masaya na siya dahil makakasama na niya si Justine. "Huwag na huwag mo kaming kakalimutan, Bram." tuluyan na siyang umiyak. "Opo, young lady. Best wishes na din sa inyong dalawa. Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin bilang isa sa mga empleyado ninyo." yumuko siya ng bahagya saka tinalikuran na niya kami/ Hinatid lang namin siya ng tingin. Nakatutok ako sa pakikinig sa harap at nagsasalita. Nasa kalagitnaaan na ako ng meeting. Plans for expansion for new branch. Mga bagong product na ilalabas. Kasama ko dito ang mga kapatid ko sa meeting na ito, maliban sa bunso naming si Verity, busy iyon sa shooting niya sa Cebu. Biglang lumapit sa akin ang sekretarya ko na nakangiwi. "Sir, tawag po mula kay Ma'm Lyndy." wika niya. Tinanggap ko ang cellphone. Sumensyas ako sa kanila na ipagpatuloy nila ang meeting kahit wala ako. I can catch up later after talking to my wife. Tumayo ako saka lumabas muna ng conference room. Idinikit ko ang cellphone sa aking tainga. "Yes, my wife? There's something wrong?" "WAAAAAAAHHHHHHHH! ZVONIMIR! HUHUHUHUHUH!" malakas na iyak niya ang bumungad sa akin sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. "Oh, bakit ka naiyak? Anong nangyari?" medyo taranta kong sabi. "NAG-AWAY SINA LUFFY AT SANJI! TAPOS... TAPOS... TAPOS PINAGTUTOG PA 'YUNG MEMORIES NI MAKI OTSUKI! 'YUNG FIRST ENDING SONG NG ONE PIECE! WAAAAAHHHH, ZVONIMIR! MA HEARTUE... IT'S PAINFUL!" Pumikit ako ng marahan saka napangiti. Umiiling-iling ako. "That was the part of their friendship, my wife. Hindi puwedeng walang away. Iyan pa ang nagpapatibay sa pagkakaibigan nila." paliwanag ko sa kaniya. "MAS MASAKIT NAMAN ITO, MY HUBBY! MAS MASAKIT MAKITA KAYONG MGA LALAKI NA NAG-AAWAY! MAS MASAKIT PA ITO KAYSA NAG-AAWAY TAYO!" sige pa rin ang iyak niya pero mas lumalakas ang boses niya. I can imagine, abot na yata hanggang kapitbahay ng boses niya. Mas nadagdagan ang pagiging iyakin niya dahil sa hormones niya.  "Iba ang pagmamahalan natin, my wife. Please, be careful. Buntis ka pa naman. Uuwi na ako ngayon din." "HUWAG! Okay lang. Okay pa ako. Sorry, naistorbo kita, my hubby. Kasi naman, eh. Wala akong mapagsabihan tungkol sa One Piece." "I love you, my wife. Ayokong umiiyak ka, alam mo naman kung bakit, hindi ba?" masuyo kong sambit. "Yes po, my hubby. Because it tore your heart apart. I love you too." Hinding hindi ako magbabago, Lyndy. Kahit anong mangyari sa buhay mag-asawa natin, hinding hindi kita iiwan. I'm silently loving you in all over these past few years. At walang magbabago pa doon. Hihigit man pero walang pagkukulang. I figured out something before our wedding day. I finally proud to say I deserved to be a Hochengco. With you in my life, you definitely complete me. Your beauty mesmerize me. Your sense of humor puts a smile on my face. Your kindness and compassion fill me with awe. I never thought I would be able to have a relationship with someone as special as you. I love you so much, Lyndy Yudatco-Hochengco. I love you to the point that I would be willing to lay down my life for you. We've made so many amazing memories together. I can't wait to see all that the future has in store for us. T H E  E N D

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD