Napadpad kami sa isang kubo na nasa pusod ng kagubatan. Tinulak-tulak ako habang papasok doon. Rinig ko ang ilang tawanan ng mga lalaki mula sa loob. Sa pagpasok ko nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa amin ang dalawang lalaki at si Gela na nakatali sa katre na yari sa kawayan. Napasinghap ako dahil kaawa-awa ang kaniyang histura. Agad ko siyang dinaluhan.
"Gela..." humihikbi kong tawag sa kaniya.
"L-Lyndy..." pinaghalong taranta at takot sa kaniyang mukha. "N-natatakot ako... Natatakot ako..." naiiyak niyang sabi.
Dahil sa hindi ko siya mahawakan ay inilapat ko ang aking ulo sa kaniyang balikat saka pumikit ng mariin. Sa pamamagitan nito, macomfort ko naman siya. Sige ang iyak naming dalawa. Kaming dalawa nalang ang magtutulungan dito. Wala pa naman sina mama at papa ngayon... Hindi ko alam kung maaabutan pa nila ako bago man sila makauwi dito sa Pilipinas.
"Papaano 'yan? Eh di mas malaking ransom ang makukuha natin dahil mula sa magkaibang pamilya nanggaling ang dalawang ito. Mayayaman pa!" bulalas ng isa nilang kasamahan. "Tiba-tiba tayo dito!"
Biglang nagbukas ang pinto ng kubong ito. Napaawang ang bibig ko nang may tatlo pang lalaki na pumasok dito. Ang isa sa kanila ay kilala ko-tumutulo ang dugo mula sa sentido at nanghihina. "B-Bram..."
Bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya. Patapon siyang hinagis sa sahig. Lumiyad at dumaing sa sakit si Bram sabay sapo sa kaniyang tagiliran. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya kahit na nakagapos ang mga kamay ko.
"Y-young lady..." nanghihinang tawag niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Iniisip ko kung papaano nakapasok sa bahay nag kidnapper ko. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko. Ibig sabihin, nakabantay na talaga sila sa bahay? Bago man makarating ang isa sa kanila sa kuwarto ko, nagawa nilang umatake kay Bram na nagbabantay sa akin ng mga oras na 'yon?! May plano na talaga sila!
Tumayo ako at humarap ako sa kanila. "Ano bang kasalanan ko sa inyo? Lalo na sa iyo?!" hindi ko mapigilang sumigaw. "Ano bang kailangan ninyo sa akin pati ang mga taong malalapit sa akin, dinadamay ninyo?!" kahit na nangingibabaw ang takot sa aking sistema ay pilit kong labanan iyon.
Seryosong lumapit ang dating voice coach ko. Inangat niya ang isang paa niya at walang sabi na tinadyakan niya ako. Nauntog ang likod ko sa pader na yari sa kahoy. Napangiwi ako dahil sa sakit.
"Young lady!"
"Lyndy!"
"Tarantado ka!" akmang susugurin sana ni Bram ang lalaking nasa harap namin pero natigilan siya dahil biglang itninutok sa kaniya ang hawak nitong baril.
"Dahil hinding hindi ko makakalimutan kung anong ginawa sa akin ng tatay mo, babae!" bulyaw niya sa akin. Lumapit ang isa niyang kasamahan at itinutok ang hawak nitong baril kay Bram. "Isa lang naman akong simpleng empleyado ng kumpanya ninyo... Kahit anong gawin ko para pag-igihan ang trabaho ko, nagawa pa rin akong tanggalin ng gago mong ama!"
Natigilan ako. I-ibig sabihin... Hindi lang dahil sa pera ang dahilan kung bakit nagawa niya akong i-kidnap noon?
"Iniwan ako ng asawa ko at sumama sa ibang lalaki. Ang anak ko ang nagtrabaho kahit nag-aaral pa na dapat ay ako ang gumagawa n'on! Na dapat ako, ang magtutustos ng pangangailangan niya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral!" mas naging matigas ang pagpahayag niya. Ramdam na ramdam ko ang galit para sa tatay ko. "Ano ang mararamdaman mo na bigla mo nalang mabalitaan na namatay ang anak mo habang pauwi ng bahay, ha?! Alam mo ang pakiramdam na wala akong magawa para iligtas ang sarili kong anak, ha?!"
Sige pa rin ang iyak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung papaano siya magawang pakalmahin.
"Kung hindi lang ako tinanggal ng hinayupak mong ama, eh di sana... Maayos pa ang buhay ko! Eh di sana, hanggang ngayon kasama ko pa ang anak ko!" bigla niyang akong sinampal. Napasubsob ako sa sahig. "Kaya gumawa ako ng paraan para makaganti sa pamilya mo. At isa ang ginawa kong alas. Tang ina lang dahil nakaligtas ka pa ng mga panahon na iyon!"
Pilit kong bumangon kahit na basang-basa ng luha ang mukha ko. Basa na din ng pawis ang buong katawan ko. Tumingala ako sa kaniya. "P-patawarin mo kami... Pa-patawarin mo si papa... P-pangako ko, sa-sasabihin ko na... Ibalik kayo sa trabaho... K-kakalimutan ko ang lahat... Kakalimutan natin ang lahat..." pagmamakaawa ko.
Tumawa siya na may panunuya. Tumingala siya't hindi matigil sa tawa niya na mala-demonyo. Napasinghap ako nang bigla ulit niya itinutok ang baril niya sa akin. "Tanga ka rin, ano? Huwag na huwag mo akong gagaguhin. Wala akong pakialam kung bibigyan mo ako ng trabaho o ibabalik mo ako doon. Ang gusto ko ngayon, pera na kulang nalang gagapang na kayo sa hirap!" tumigil siya saglit. Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "Balato ko na sa inyo ang babaeng iyan, gawin ninyo kung anong gusto ninyo."
Nanlalaki ang mga mata ko. "A-anong gagawin ninyo? H-huwag... Huwag ninyong gagalawin ang kaibigan ko!"
"L-Lyndy..." muli bumuhay ang takot nang tawagin ni Gela ang pangalan ko. Halos isiksik na niya ang kaniyang sarili sa isang sulok habang nilalapitan na siya ng mga lalaking kidnapper. "Tulungan mo ako, Lyndy..."
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako. Panay hiyaw ko na huwag na huwag nilang gagalawin si Gela. Ganoon din si Bram pero bigla kaming piniringan. Bumuhos na naman ang mga luha ko dahil naririnig ko ang hiyaw ni Gela. Pinaghalong pagmamakaawa, takot, at galit.
"H-huwag... Huwag... Nakikiusap ako... Huwag..." mga katagang naririnig ko kay Gela. Paulit-ulit man iyon ang dahilan para sumiklab ang galit sa puso ko. "Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!"
"Gago, sariwa pa ang isang ito, panigurado!" rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan nila.
Napayuko ako. Umiiling-iling ako kahit na walang tigil ang hagulhol ko. Rinig ko si Bram sa tabi ko na umiiyak na din. Hindi man namin nakikita kung anong ginagawa kay Gela, alam namin kung anong kababuyan na gagawin sa kaniya. Kami ang nasasaktan para sa kaniya. Sabay na kaming nagmamakaawa ni Bram na tigilan nila ang pinangaggawa nila sa kaibigan ko.
"Puta, ang kinis, pare. Papaano pa kaya kapag ipinasok ko na ito sa kaniya?" saka humalakhak sila.
"Ang sarap ng hapunan natin, ah." dagdag ng isa pa.
"Tama naaaaa!!!"
Naputol ang kasiyahan nila nang biglang may narinig akong daing at kalabog. Natigilan ako. Anong ingay na iyon?
"Sino ka?!" rinig kong isa sa mga kumidnap sa amin.
Ibig sabihin, may dumating para sagipin kami?! S-sinong...
Bago man sagutin ang katanungan na 'yon ay natanggal ang piring. Napaawang ang bibig ko at gumuhit ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa aking mukha. "Z-Zvonimir..." mahinang tawag ko sa kaniya, kasabay na tumulo na naman ang ilang butil ng luha at umaagos iyon sa aking pisngi.
"Nandito na ako. Para iligtas ka pati ng mga kaibigan mo." hinalikan niya ang aking noo. May pinindot siya sa kaniyang tainga. "Rowan, Helm, nakawala ang dalawa, kasama ang mastermind nila. Kayo na muna ang maghanap. Nagawa ni Tilton ang trabaho niya sa iba." sunod ay bumaling siya kay Bram. "Kaya mo pang tumayo?" may inilabas siyang patalim na dahilan para makawala kami sa pagkatali.
"K-kaya pa..." wika ni Bram at pilit tumayo.
Agad kong dinaluhan si Gela na ngayon ay mas lalo siya nanginginig sa takot. Yakap-yakap niya ang kaniyang sarili. Wlaang tigil ang pag-iyak niya. Inakay ko siya. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi iya tuluyang ginalaw ng mga hayop na ito na ngayon ay nakahandusay na sahig at naliligo na mga sarili nitong dugo.
Nagmamadali kaming umalis sa kubo. Akay naman ni Zvonimir si Bram. Nakasunod lang kami sa kaniya. Alam kong alam niya ang daan palabas sa kakahuyan na ito.
"Kaunti nalang, Gela... Makakaalis na tayo dito..." nag-aalalang pahayag ko sa kaibigan ko.
Tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang labi. Alam kong mahirap para sa kaniya na muntikan na siyang galawin ng mga demonyo na iyon. Pero ipinapanalangin ko din sana na maging maayos na ang lahat. Na sana ay mahuli na ang lalaking iyon.
"Papunta na din ang mga pulis dito. Lalo na si tito Harris." seryosong sambit ni Zvonimir. "I hired Titlon as my sniper. Mabuti nalang ay nagawa niyang pasabugin ang mga bungo na gustong gumalaw sa kaibigan mo."
Sa gitna ng pagtatakbo namin ay natagilan kami nang biglang may nagpaputok ng baril nang dalawang beses. Balak pa sana ulit namin tumakbo pero biglang natumba si Gela sa lupa. Napasinghap ako nang makita ko umaagos na ang dugo niya sa lupa. "G-Gela..." natatarantang tawag ko sa kaniya. Lumingon ako. Ang isa pang kasamahan ng dating voice coach ko ang bumaril kay Gela! Balak pa niya kaming barili nito nang naunahan siya. May bumaril sa kaniya. Natumba ito sa lupa.
"L-Lyndy..." halos malagutan siya ng hininga nang tawagin niya ang pangalan ko.
Natataranta na lalo ako. "D-Dadalhin ka na namin sa Ospital!" itatayo ko sana siya nang bigla niyang hinawakan niya ang isang kamay ko, na para bang pinipigilan niya ako. Na may pagtatanggi. "Gela!" suway ko sa kaniya.
Dahan-dahan umagos ang dugo mula sa kaniyang bibig. "K-kailangan mong... Mabuhay, L-Lyndy..."
"Anong pinagsasabi mo? Hindi mo pa oras, okay? Kailangan na natin umalis dito at dadalhin kita sa Ospital." I tried to be calm, at least. Tumingala ako. "Kuya, huwag muna... Huwag mong kunin si Gela, please!"
Umiling siya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "H-hindi na ako... Ako makakaabot pa... I-iwan ninyo nalang ako dito..." pilit niyang abutin ang pisngi ko. "N-nagawa ko nang... Protektahan ka... Tulad ng pangako ko kay... Clay." nang mabanggit niya ang pangalan ng kapatid ko, doon naman tumulo ang luha niya. "T-tumakbo ka na, Lyndy... Save your life... H-huwag kang... Mag-alala... H-hindi ako galit sa iyo.. H-huwag ka magalit sa sarili mo..." dahan-dahan na din niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Gela... Gela..." niyugyog ko pa siya ng kaunti pero hindi na siya dumidilat pa. Mas lalo lumakas ang iyak ko. Pumikit ako ng mariin at isinandal ko ang aking noo sa kaniyang sentido. Mas lalo lumakas ang iyak ko. Sa pangalawang pagkakataon, nawalan na naman ako ng taong pinakamamahal ko sa buhay. Naninikip ang dibdib ko. Ayaw matanggap ng sistema ko na wala na ang bestfriend ko. Ang babaeng pinakamamahal ni kuya.
"I'm sorry, Lyndy. N-nahuli ako." malungkot na wika ng isa sa mga pinsan ni Zvonimir.
Huminga ako ng malalim. Pilit kong tumayo. Bumaling ako sa kaniya. "W-wala kang kasalanan..." sabi ko at pilit ngumiti.
Tumango siya. Siya ang nagbuhat kay Gela. Sabay na kaming umalis. Dahil patay na ang lalaking pumatay kay Gela ay nag-iisa nalang. Sana matagpuan na siya ng mga kasamahan ni Zvonimir at mahuli na.
Natatanaw na namin ang mga nakahilerang sasakyan. Naghihintay ang ibang pinsan na lalaki ni Zvonimir doon na dahilan para ikagulat ko. B-bakit at papaanong...
"Dalhin ninyo sila sa Ospital. This man got a severe physical injury while the one is critical!" malakas na utos niya sa mga pinsan niya.
Natatarantang ipasok sina Bram at Gela sa sasakyan. Humarurot na ito ng takbo papalayo. Tanging kami nalang ni Zvonimir ang naiwan. Bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan para pasakayin ako nang biglang may sumigaw.
"LYNDY YUDATCOOOOOOOOOO!" boses ng kidnapper ko! "HULING GABI MO NAAAAAA! HAHAHAHAHAHA!"
Napatingin kami sa direksyon kung nasaan siya. Parang nagslowmo ang paligid ko sa hindi ko malaman na dahilan. He gritted his teeth. Inangat niya ang hawak niyang baril. Nakatutok iyon sa mismong direksyon ko habang papalapit siya sa amin. Kinalabit niya ang gatilyo. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Ni hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. M-mamatay na ako... Oras ko na ba...?
Biglang may yumakap sa akin. Hinarang niya ang kaniyang sarili.
"Ugh!" rinig ko mula kay Zvonimir.
Hindi lang isa, apat na putok ng baril ang narinig ko. Tila nanumbalik ang ulirat ko nang ibinaba ko ang aking tingin. Nanlalaki ang mga mata ko na matagpuan ko si Zvonimir na nakahandusay na sa lupa! "Zvonimir! Zvonimir!" malakas na tawag ko sa kaniya.
Hindi siya dumidilat. Napatingin ako sa direksyon ng kidnapper na balak akong patayin. Nakahandusay na siya sa lupa. Tumakbo palapit sa amin ang isang lalaki na may hawak na shot gun. Humingi ako ng tulong sa kaniya.
"Nabaril siya! Dalhin natin siya sa Ospital!" malakas kong sabi.
"We will." malamig niyang usal. Kinapa niya ang katawan ni Zvonimir para hanapin ang susi ng sasakyan nito.
Tinulungan niya akong maisakay si Zvonimir sasakyan at siya ang magmamaneho. Nasa backseat kami ni Zvonimir. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Huwag mo akong iiwan. Hindi mo ako puwedeng iwan." matigas kong bulong sa kaniya. "Kumapit ka... Please." sabi ko, walang tigil ang pag-agos ng aking luha.
-
Pagdating namin ng Ospital, kasama ako sa pagtutulak ng stretcher habang sinusugod namin si Zvonimir sa Emergency Room. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mas bumibilis ang kabog ng puso ko dahil sa takot. Takot na malagay sa alanganin ang buhay ng lalaking mapapangasawa ko... Ang pinakamamahal ko. Ang lalaking nagsilbing lakas ko para lumaban sa buhay. Sinasamahan niya akong harapin ang bagong umaga na sasalubong sa akin sa tuwing gigising ako.
My light from my dark and lonely world.
"Hanggang dito nalang po kayo." wika sa amin ng nurse.
"Please do everything to save him!" malakas kong sabi sa kanila.
Wala akong makuhang sagot sa kanila. Imbis ay kurtina na ng Ospital ang nasa harap ko ngayon. Napasapo ako sa aking bibig. I choose to stepback. I decided to wait.
Hindi ako mapakali. Kahit anong gawin ko para pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Umaapaw ang pag-aalala ko para kay Zvonimir. Si Vladan na ang tumatawag sa kanilang magulang at mga kamag-anakan. Si Vander naman ay kusang umupo sa aking tabi.
"Kasalukuyang ginagamot na ang bodyguard mo." malungkot niyang sabi. Nakatulala lang ako. "Dead on arrival daw ang kaibigan mong si Angela Jung, I'm sorry."
Kinuyom ko ang aking kamao. Kahit anong pigil ko na huwag umiyak at bigo pa rin ako. Kinagat ko ang aking labi at yumuko. Ang akala ko, tanggap ko na mawawala na siya sa akin, hindi pa pala... Mas bumigat ang pakiramdam ko. Mas inaalala ko, si Zvonimir. Ilang beses na akong nagdadasal sa isipan ko na sana lumaban pa ni Zvonimir. Na huwag siyang kunin sa akin...
"Sa pangalawang pagkakataon, iniligtas ka na naman niya."
Natigilan ako. Bumaling ako kay Vander na pagtataka sa aking mukha. Anong ibig niyang sabihin?
"Siya ang nagligtas sa iyo bago ka man saksakin ng kidnapper mo, ten years ago." dagdag pa niya. Seryoso siyang bumaling sa akin.
Kumunot ang noo ko. "H-hindi ko maitindihan..."
"Hindi Clay ang tawag ni Zvonimir sa kapatid mo. He called your brother Justin. Clay Justin Yudatco, right?"
Naguguluhan na ako.
"Malapit na kaibigan ni Zvonimir ang kapatid mo. At ang binilin niya, si Zvonimir na ang bahala sa iyo bakasakaling mawala siya."
Parang kakapusin ako ng hangin sa mga narinig ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinasabi ni Zvonimir bago man mangyari ang mga bagay na ito.
Ito ba ang gusto mong sabihin, Zvonimir? Kung bakit pumayag ka sa engagement nating dalawa? Dahil tulad ni Gela, ginagawa mo din ang pangako mo sa kapatid ko? Lalo na't magkaibigan pala kayong dalawa...