Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nasa harap ako ng laptop ko. Nililipat-lipat ko ang mga litrato noong nasa Japan kami. Bago man kami nakaalis doon ay hindi napako ang pangako sa akin ni Zvonimir. Nakabisita kami mismo sa Thousand Sunny ng One Piece! Dahil umaandar na naman ang pagiging anime geek ko, panay pa-picture ko sa bawat sulok ng barko. Ang fiancé ko pa ang ginawa ko talagang photographer. Pagkatapos ay naghahanap kami ng Ramen House. Nababasa ko kasi na hindi ka puwedeng umalis ng Japan hangga't hindi mo pa natitikman ang ramen. Naalala ko tuloy si Naruto, dahil favorite food niya 'yon.
Pagtiklop ko ng laptop ay nagpasya akong umalis muna. Gusto kong tumambay sa Coffee Shop kung saan ako madalas ako nagpupunta. Nagleave ako ng message kay Bram na aalis ako. Umalis sina mama ngayon, nasa Shang Hai sila ngayon para sa business proposal nila. Panatag naman sila dahil maraming nagbabantay sa akin dito. Hindi lang ang mga bodyguard na na-hired nina mama, kahit ang side ng mga Hochengco ay nababantayan na din ako. Ang hindi ko lang inaasahan ay nagiging mas malapit ang pamilya ko sa kanila. Malaki ang tiwala ng parents ko sa kanila.
Naligo at nagbihis ako. Isang floral dress at doll shoes na nabili ko sa Shibuya ang isinuot ko. Kadalasan, ang mga maid ang nag-aayos sa akin sa tuwing lalabas ako, pero ngayon, nagpasya ako na ako na. Kaya ko naman, eh. Nasanay lang siguro sila na mala-prinsesa ang trato nila sa akin kahit hindi naman dapat.
Nang inilapag ko ang make up brush sa dress ay sunod ko naman kinuha ang cellphone. Ngumiti ako dahil ang wallpaper ko ay ang picture naming dalawa ni Zvonimir at ang background namin ay ang mismong Thousand Sunny. Inilapat ako ang mga labi ko. Nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya dahil alam ko, nasa meeting siya ng ganitong oras. Ayoko naman maka-istorbo sa kaniyang trabaho.
AKO : Zvonimir, lalabas lang ako, ha? Pupunta ako sa Coffee Shop. Nabobored ako dito sa bahay. Tinext ko na din si Gela na samahan ako. Kasama namin si Bram.
Then I hit send. Tumayo na ako mula sa harpa ng dresser. Dinaluhan ko ang aking bag na nakapatong sa aking kama. Isinublit ko na 'yon sa aking balikat. Dumiretso na ako sa aking kuwarto saka pinihit ang doorknob hanggang sa tagumpay akong nakalabas.
"Good afternoon po, manang!" masiglang bati ko nang nakasalubong ko si Laida dito sa Hallway ng bahay namin.
"Magandang hapon din, anak. Teka, saan ang tungo mo? Kumain ka na muna bago umalis..."
Lumapad ang ngiti ko. "Tatambay po muna ako sa Coffee Shop. Magkikita din po kami ni Gela ngayon, eh." tugon ko.
"Ah ganoon ba? Kung ganoon, magtitira nalang ako ng ulam para sa iyo."
"Salamat po, manang!" niyakap ko siya. Ginantihan niya din ako ng yakap. Nang kumalas na ako ay muli pa ako nagpaalam sa kaniya hanggang sa nakababa na ako sa hagdan. Nasa entrahda si Bram, nakatayo at inaabangan ako. "Bram!" tawag ko sa kaniya.
"Y-young lady..." para siyang natataranta sa harap ko sa hindi ko malaman na dahilan. Nang nasa harap ko na siya at mas naging pormal ang kaniyang kinikilos. "Nakahanda na po ang masasakyan ninyo." nilahad niya ang kaniyang palad sa direksyon kung nasaan ang sasakyan na gagamitin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Masaya akong pumasok sa backseat ng sasakyan. Pinagsarahan na niya ako ng pinto. Nagmamadali siyang pumasok sa frontseat na nasa tabi lang ng driver. Doon ay umusad na din ang sasakyan. Muli ko sinilip ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng reply mula kay Zvonimir.
ZVONIMIR :
Alright, siopao. Please take care. After my work, I'll pay some visit for you later. I love you.
Pagkabasa ko ng mensahe niya ay awtomatikong nag-init ang magbilang pisngi ko. Grabe, ganito talaga ang impact o epekto kapag isang Zvonimir Hochengco ang mapapangasawa mo. Kahit hindi naman kayo magkasama pero nagagawa pa rin niyang maging sweet!
Kinagat ko ang aking labi. Muli ako nagtipa ng sasabihin.
AKO : Opo, mag-iingat po ako. I love you din.
Muli ko pinindot ang send. Pinipigilan ko ang sarili kong mapatili. Lalo na't ang driver at si Bram ang kasama ko, baka magtaka sila sa kinikilos ko nito.
-
Sa isa sa mga paborito kong Coffee Shop dito sa Binondo ako tumambay. Abala din ako sa pagbabasa ng english novel habang hinihintay ko si Gela. Mas lalo nagiging cosy ang pakiramdam ko dahil cosy music din ang pinapatugtog dito Mas gumagaan ang pakiramdam ko. Binilinan ko si Bram na kumain muna sila ng driver, ako ang nag-aalala sa kanila kasi masyado nilang sineseryoso ang trabaho nila't nalilipasan na sila ng gutom. Palaging ganoon.
"Lyndy!"
Tumigil ako sa pagbabasa nang marinig ko ang boses ni Gela. Inangat ko ang aking tingin sabay baling sa kaniyang direksyon. Ngumiti siya habang papalapit. Umupo siya sa tapat ko sabay lapag niya ng kaniyang bag sa ibabaw ng mesa. "Grabe, naabutan ako ng traffic. Sorry kung natagalan ako." saka hinawi niya ang kaniyang buhok. Hindi naman siya haggard sa paningin ko.
"Okay lang," nakangiting sabi ko. "Mukhang gutom ka na, kumain muna tayo, treat ko."
Mahina siyang tumawa. "Ikaw talaga. Pero sige, alam mo naman ako."
Isang slice ng blueberry cheese cake, at frappe ang naorder ko. Habang kumakain siya, nagpakwento siya sa akin tungkol sa experience ko noong nasa Japan ni Zvonimir. Naikwento ko naman, maliban nalang sa rated SPG at nilaglag ako ng mga anak ni Sarette. Dahil paniguradong pagtatawanan din ako ng isang ito kapag naishare ko pa.
"Oh my, ibig sabihin, hindi talaga nagkakamali ang mga mata ko nang makita ko ang video!" bulalas niya pagkatapos lumunok.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Video?" ulit ko pa.
Tumango siya. Nagmamadali niyang inilabas ang kaniyang cellphone pagkatapos ay kinukulikot niya iyon. "Na nakapagperform ka sa Japan..." wika niya sabay inabot nia sa akin ang kaniyang telepono. Umaawang ang bibig ko nang napanood ko ang video. "Kung alam lang nila kung ano ang dahilan kung bakit iyan ang kinanta mo, paniguradong magiging trending ka."
Imbis na mainis ako dahil bigla lang ako navideohan ay hindi. Ngumiti ako saka ibinalik ko sa kaniya ang cellphone. "Hindi naman kailangan na maging trending ako. Ang gusto ko lang, ilabas ang ang nararamdaman ko."
Tumigil siya sa pagkain. Inabot niya ang isang kamay ko. "Masaya ako para sa iyo, Lyndy. Dahil unti-unti mo nang nalalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay mo. Ipinapanalangin ko na tuluyan ka nang maging maayos." ngumiti siya. "Kung nasaan man si Clay, paniguradong masaya na siya. Dahil bumabalik na ang dating ikaw, na kinahihiligan na kumanta."
"Dahil nand'yan kayo, hindi ninyo ako pinapabayaan."
Bigla siyang suminghot. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. "Ano ba 'yan, naiiyak na naman ako." sabi niya. "Oh siya, gumala nalang tayo sa Lucky Chinatown. Shopping tayo!"
-
Nasa likuran lang namin si Bram habang naglalakad-lakad kami ni Gela dito sa Mall. Nakapulupot ang kaniyang mga braso niya sa braso ko. Pero ang mas napapansin ko ay hindi magkasundo itong sinsa Gela at Bram. Kapag nagbibigay ng opinyon ang isa sa kanila, babarahin naman ng isa. Natatawa nalang ako sa nakikita ko. Bigla din sumagi sa isipan ko na mabuti na siguro ang ganito, mukhang may chemistry din silang dalawa. Well, I don't mind. Para sa akin, oras na din siguro na magkaroon ng bagong pag-ibig si Gela. Mabait naman ang parents niya, hindi naman sila tumitingin sa estado kung sinuman ang mamahalin si Gela.
Iyon din ang gusto ni Clay. Alam ko na ayaw niyang maging malungkot ang pinakakamahal niyang si Gela panghabambuhay.
"Bagay kayong dalawa," kumento ko bigla.
Pareho silang natigilan. Nanlalaki ang mga mata ni Gela, samantalang si Bram naman ay umaawang ang bibig at napatulala. Natawa ako sa kanilang reaksyon. Ang sarap pala asarin ang dalawang ito.
"No way!" si Gela.
"Imposible," ani Bram.
Nagkibit-balikat ako pero binigyan ko sila ng nangunguhulugang ngiti. "Baka malay ninyo... Ang sabi, nag-uumpisa daw ang love story sa isang simpleng asaran."
"Hay naku, Lyndy. Hinding hindi mangyayari iyon." umirap siya't nauna nang naglakad palayo sa amin.
Sumunod ako sa kaniya. Bago man ako tuluyang makalapit kay Gela ay may nakabangga akong lalaki. "Sorry po!" I said. Wala akong makuhang sagot mula sa lalaking nakabangga ko. Taka ko siyang sinundan ng tingin. Puros itim ang suot nito. Nakasumbrero pa. Patuloy itong naglalakad palayo habang nakapamulsa. Kumunot ang noo ko dahil parang umiba ang pakiramdam ko. Parang... Hindi maganda. Llao na't nasilayan ko ang mukha niya kahit na nakasumbrero siya.
"Young lady?" Bram snapped.
Tila nanumbalik ang ulirat ko nang tawagin ako ni Bram. Bumaling ako sa kaniya na nakaawang ang bibig.
"Ayos lang po ba kayo?" nagtatakang tanong niya.
Isang mapait na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Tumango ako. "A-ayos lang ako."
-
Pagkabalik ko ng bahay ay inaasahan ko na naroon na si Zvonimir. Isang matamis na ngiti niya ang tumambad sa akin pagkapasok ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mapangiti na din. Agad ko siyang nilapitan.
"Kanina ka pa ba? Sorry, ngayon lang ako nakauwi. Naglalambing kasi si Gela, pinagbigyan ko lang din siya." sambit ko na may halong panlalambing.
Bago man siya nagsalita ay niyakap niya ako at hinalikan ang aking buhok. "Kakarating ko lang din naman, no worries." masuyo niyang sabi.
Kumalas ako ng yakap sa kaniya. Marahan ko siyang hinila at sabay kaming umupo sa sofa. Tinawag ko din si Bram. Alam kong nagtataka sila sa kinikilos ko. Ang totoo kasi niyan ay hindi mawala ang kaba habang pauwi na kami dito sa bahay.
"What's the matter, Lyndy?" naging seryoso ang bpses ni Zvonimir.
Nagbuntong-hininga ako. "I feel... I... I was in danger." pag-amin ko.
"Anong ibig ninyong sabihin, young lady?" kahit si Bram ay nagiging seryoso na.
Lumunok ako. "N-nagbalik siya.... N-nakita ko ang mukha niya kahit na... Nagkasumbrero siya." kinagat ko ang aking labi ng ilang segundo. "Ang lalaking nagkidnap sa akin noon." sa huli ay napatulala ako. Sinisink in ko pa ang lahat.
Rinig ko ang matigas at galit na pagmura nina Zvonimir at Bram. "I'm sorry, my dear wife, you have to stay here. Hindi ka muna pupuwedeng lumabas ng bahay hangga't maayos ko ang lahat. Pupunta ako kung saan siya nakulong noon, titingnan ko ang records niya." tumingin siya kay Bram. "Doblehin mo ang pagbabantay sa kaniya."
"Hindi mo na kailangan pang sabihin iyan." pagsusungit ni Bram.
"Tss, I'm just reminding you. Lumayas ka na at ako na ang maghahatid sa kaniya sa kaniyang kuwarto." nagsusungit na rin si Zvonimir. Napakamot ng ulo si Bram, wala siyang magawa kungdi umalis na.
Sabay kaming umakyat hanggang sa narating na namin ang aking kuwarto. Siya ang nagbukas n'on at pinauna niya akong pumasok. Pinaupo niya ako sa single couch na nasa tabi lang ng aking kama. Hindi mawala-wala pinaghalong kaba at takot sa aking sistema. Pakiramdam ko ay nagkabuhol-buhol ang utak ko. Kusang tumigil ang paghihisterikal ko nang maramdaman ko ang mga mainit na palad ni Zvonimir. Hinawakan niya ang mga kamay ko, nakaluhod siya sa harap ko, nagtama ang mga mata namin... Sa mga tingin niyang iyon ay nako-comfort niya ako.
"Hinding hindi ako makakapayag na mababalewala ang lahat ng paghihirap ko para bumalik ka sa dati, Lyndy." masuyo niyang sabi.
"Z-Zvonimir..." garagal tawag ko sa kaniyang pangalan.
"May dahilan ako kung bakit pumayag ako sa engagement nating ito. Malalaman mo din sa tamang panahon tungkol sa bagay na iyon sa oras na magiging maayos na ang lahat." hinalikan niya ang likod ng aking palad. "I'm gonna make everything okay and take you away from this nightmare. If anyone touches you, I swear to God, I'll step out of the shadows and I would end them up in jail for hundred years. Kung hindi lang masama na patayin sila..."
Kahit ganoon ay nagawa ko pa rin ngumiti.
-
Sa gitna ng pagtulog ko, pakiramdam ko ay parang may gumagapang sa ibabaw ko. Umiiling-iling ako. Umaakyat ang bagay na iyon. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang ng kinakatakutan ko ang bumungad sa akin. Bago man ako sumigaw at itinutok sa panga ko ang dulo ng hawak nitong baril.
Papaano siyang nakapasok dito sa kuwarto ko?!
"Sumigaw ka lang at sasabog ang bungo mo." mariin at mahina niyang sabi.
Parang nawalan ako ng boses ng mga oras na ito. Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa takot at kaba. Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Humigpit ang pagkahawak ko sa kumot.
"Nasa kamay ko ang kaibigan mo. Kung hindi ako nagkakamali, Angela Jung ang pangalan niya." saka ngumisi siya na mala-demonyo. Ang ekspresyon sa kaniyang mukha na iyon ang hinding hindi ko makakalimutan. "Hindi pa ako tapos sa iyo. Kung hindi lang ako nahuli at nabugbog ng binatang iyon, tang ina eh di sana mayaman na ako."
Sabay sinabunutan niya ako't nakaalis ako sa ibabaw ng aking kama. Itinali niya ang mga kamay ko at tinakpan ang aking bibig. Ni hindi ko magawang umangal. Parang nabablangko ako...
"Huwag na huwag kang mag-iingay kung gusto mo pang mabuhay sa mundong ibabaw." matigas niyang bulong sa akin.
Kusang sumunod ang katawan ko sa nais niya. Maingat niyang binuksan ang pinto ng aking kuwarto. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Handa nang kumawala ang mga luha ko anumang oras.
Hanggang sa tahimik kaming nakalabas ng bahay. Ni hindi man lang kami natunugan ni Bram. Nasaan na ba siya?!
Tagumpay niya akong naipasok sa loob ng kotse. Pumikit ako ng mariin kasabay na marahas na tumulo ang mga luha na gustong gusto nang kumawala. Lumingon ako na nakaukit ang pagmamakaawa sa aking mukha.
Zvonimir... Tulungan mo ako...