Hindi mawala-wala ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko habang nasa harap ko ang kamag-anakan ni Zvonimir. Sobrang kahihiyan na inabot ko lalo na't nilaglag kami ng kambal na anak ni Sarette! Kahit naman nasabi nila sa amin na open minded naman sila ay hindi pa rin mawala-wala ang hiya sa aking sistema! Malaki na lang din ang ipinagsasalamat ko dahil kami-kami lang ang nakakaalam at wala dito ang mga magulang nina Zvonimir pati ang ibang tiyuhin at tiyahin nila.
"Huwag ka mag-alala, hindi naman namin masyado iisipin 'yon." nakangiting wika ni Laisa habang tinapki-tapik ang isang balikat ko. "Hindi na big deal sa amin ang bagay na 'yon."
Nagsialisan ang mga boys. Tanging mga magpipinsan na babae ang nagpaiwan dito sa Kusina. Dinala ng magpipinsan na lalaki ang mga anak ni Sarette, siguro ay para makipaglaro.
"Yeah, right." sang-ayon ni Sarette saka ipinasok niya ang tray na marinated chicken sa oven. She's cooking roasted chicken, I think. "Tingnan mo naman ako, single mother ako sa kambal ko. Ang malala pa doon, ayaw ako panagutan ng tatay nila."
Medyo nagulat ako sa kaniyang naging pahayag. Ang isang Sarette Ho, tinakbuhan ng isang lalaki? Paniguradong nagalit nang husto si Mr. Finlay Ho. Sa pagkakaalam ko kasi, sobrang binibigyan ng importansya ng mga Hochengco ang pamilya. Kapag napahamak ang isa, hindi sila papayag na lumubog ito. Kaya minsan ay natatakot ang ibang kakompetensya nila. So don't ever mess up with this family if you don't want to suffer more than Hell.
"Maya-maya din mag-uumpisa na ang birthday party ni tita Inez." nakangiting segunda pa ni Gayla na may hawak na glasswine na may lamang champagne. Mapait siyang ngumiti. "Naalala namin si tita Inez sa iyo, Lyndy."
Natigilan ako. Tumitig ako sa kanila. "A-anong ibig ninyong sabihin?"
Nagkibit-balikat si Sarette. "Mahirap i-explain. It's not our story to tell. Malalaman mo din siguro kapag nakausap mo at naging close mo na si tita Inez. We have no rights and we respect her past so much." may bahid na kalungkutan sa kaniyang boses nang sambitin niya 'yon.
Tumangu-tango ako saka kumain ng fries.
"But we're more happy for you, nakapagsalita ka na ulit." dagdag pa ni Laisa.
"S-salamat..." natigilan ako nang may napagtanto ako. "N-nasaan pala si Zvonimir?" kanina ko pa siyang hindi nakikita buhat nang nagising ako.
Tumingin silang lahat sa akin. "May inaasikaso lang siya para sa party, ngayong gabi ang celebration but we're planning to go to bar later." si Verity ang sumagot na nakapangalumbaba na hindi mawala ang ngisi.
Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Zvonimir na puro mga party goers ang mga pinsan at mga kapatid niya. Ibig sabihin, kung nasaan ang isa, naroon din ang lahat.
"Sasama ka mamaya, ha? Para naman makabonding ka pa namin." aya ni Sarette na ngayon ay nakapameywang. "Sayang wala sina Rowan at Ciel ngayon, nasa honeymoon. Well, masyadong baliw talaga ang kakambal ko na 'yon sa kaniyang pinakamamahal." saka bumungisngis siya.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko si Sarette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon siya ng dalawang anak. At kambal pa! Wala sa hitsura niya ang maging nanay. Ang sexy pa rin niya at maalaga pa rin siya sa katawan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko agad napansin iyon.
-
Pagkatapos namin mag-usap aya agad kong hinahanap si Zvonimir. Gusto ko sanang tumulong sa kaniya kung sakali. Kahit na medyo hirap ako kumilos dahil masakita ang mga hita ko pero binabalewala ko na 'yon dahil ayokong magkulong sa kuwarto niya. Gusto ko rin naman makihablubilo sa kamag-anakan niya.
Tumigil ako sa paglalakad. Napasapo ako sa aking dibdib nang natanaw ko ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa bench ng garden na ito. Dahil naman totally madilim sa paligid, may mga ilaw pa rin naman kahit papaano kaya naaninag at nakilala ko na kung sino ang nasa bench.
Nagbuntong-hininga ako at nagpasya akong lumapit pa. Umupo ako sa kaniyang tabi. Medyo nagulat siya dahil sa aking presensya. Bumaling ako sa kaniya na may ngiti sa labi. "You alright?" malumanay kong tanong sa kaniya.
Kahit siya ay napabuntong-hininga. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng bench. Tuminagala siya sa kalangitan. "May iniisip lang ako." seryoso niyang sambit.
"Ano naman ang iniisip mo?" nagtataka kong tanong.
"I'm always a loser wayback, then." he said. "Many people around me trying to dragged me down. I'm always ask, being a Hochengco is a good thing? Being born in this family, is a blessings?" mahina siyang tumawa na may panunuya.
"Z-Zvonimir..."
"I have no pride since then. Hinahayaan ko lang ang mga taong tapak-tapakan ako hanggang sa binigyan ko ang gusto nila. Pero may tao na bigla nalang dumating, naging kalaban ko siya, he's also a good friend, though."
Lumapat ang tingin ko sa lupa. "Ang importante lang naman doon ay... Mahal ka ng pamilya mo." kusa nalang lumabas sa aking bibig. Mapait akong ngumiti. "Minsan, dahil sa galit, lungkot at takot, hindi na natin nakikita na may mga tao gusto pang lumapit sa atin at patuloy pa rin tayong minamahal kahit na ilang beses na natin sila pinagtulakan palayo."
"Lyndy..."
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Mas binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Iyon kasi ang ipinamulat sa akin para malagpasan ko ang mga sakuna sa buhay ko. Life is all about fight." nakatitigan kaming dalawa.
"Let me try this one, if I am a genie and asking you what is your wish? What it would be?" he suddenly asked.
Umaawang ang bibig ko. Ramdam ko na parang pinipiga ang puso ko bago ko man sagutin ang tanong niya. "I... I want to sing again... Infront of many people. To recognize me that I'm still here." isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "How about you?"
He smiled. "I want to hear you sing again."
-
Nag-umpisa na ang birthday party. Ipinakilala na din ako ni Zvonimir sa kaniyang mama na si Madame Inez. Hindi ko lang akalain na sobrang bait at malumanay ang kanilang nanay. Ito ang unang beses na makakausap ko siya at ganoon din siya sa akin. Siguro dahil abala siya. Napag-alaman ko din kasi na isa siyang guro dito sa Japan kaya hindi na nakakapagtataka. Pero nakakamangha lang dahil kahit na isang sikat at sobrang yaman ang kaniyang asawa, hindi pa rin siya nagpapatinag na magtrabaho. Naibahagi sa akin ni Madame Inez na lumaki siyang independent and she fall inlove in this country and she used to live here when she's in College. Malaki ding tulong ang bansa na ito para makalimutan ang sakit at pait niya mula sa nakaraan. Pero nagagawa parin daw niyang umuwi sa Pilipinas kaya espesyal na okasyon. Lalo na ang birthday ng unang niyang anak na nangangalang Vivi.
Hindi na ako nag-abala pa na magtanong pa ng mas personal pa dahil nirerespeto ko ang kaniyang nararamdaman.
Ilang saglit pa ay bigla na nagkaayaan ang magpipinsan na lumabas muna at gumala, mabuti nalang ay pinayagan kami. Hindi na ako tumanggi. Kani-kaniya silang dala ng mga sasakyan. Ang akala ko ay club kami tutungo pero sa ibang direksyon dumaan si Zvonimir (nakasakay ako sa kaniyang sasakyan). Nakasunod lang sa amin ang mga pinsan niya. Kung hindi ko pa kinulit si Zvonimir hindi niya sasabihin sa akin kung saan kami pupunta—sa Akihabara!
Nanghuhugis-puso na ang mga mata ko nang makita ko ang mga anime billboards, magkabilaang mga shops sa mga kalsada, maski ang mga magkakatabi na maid cafes!
Pagkalabas namin sa sasakyan mula sa pagpapark ay hindi ko mapigilang magtatalon-talon dahil sa tuwa. Finally! Narito na ako sa anime world! Mabuti nalang, dala ko ang mga cards at mga pera ko! Hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito! Umaandar na naman ang pagiging anime geek ko! Kyaaaah!
Dahil gabi, inaasahan namin na mas maraming tao ang bumibisita dito. Arghhh! Gigil na gigil na ako! At hindi lang 'yon, puros mga anime song ang pinapatugtog sa paligid. Meron ding mga japanese street performer. Mas lalo ako nabubuhayan dahil marami ding nagcocosplay!
"Moe moe kyuuuu!" rinig kong mga matitinis na boses na 'yon at pamilyar sa amin kung ano ang linyahan na 'yon. Lumingon ako. Muli na naman naghugis puso ang mga mata ko dahil nakita ko ang mga nakamaid costume sa labas ng Maid Café!
Marami akong nabilis. Mga action figures, mga manga, pati na din ng mga game consoles! Bumaling ako kay Zvonimir na may dalang paperbag. "Anong binili mo?" usisa ko sa kaniya. Hindi ko siya napansin na bumili siya dahil abala ako sa pamimili ko! Naku!
Bumaling siya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad. "Malalaman mo din." nakangising sagot niya. Natigilan ako dhail bigla din siyang tumigil. Tumingin ako sa harap. Isang japanese band street performers. "What's your personal theme song, siopao?" bigla niyang tanong.
"F-Fight Song." wala sa sarili kong sagot pero nanatili akong nakatingin sa mga performers. Ang gagaling nilang kumanta at tumugtog. Maraming tao na nanonood sa kanila. Pinapalibutan sila. Bakasa mukha ng mga audience na nag-eenjoy sila sa pop rock na kinakanta nila. Kakatapos lang nila kumanta ay binilinan ako ni Zvonimir na huwag akong umalis sa kinakatayuan ko. Magsasalita pa sana ako pero agad niyang nilapitan ang naturang banda na 'yon. Kinausap niya ang mga ito. Kumunot ang noo ko. Parang natural ang pag-uusap nila.
"He knows japanese, Lyndy. Kami lang hindi." biglang sabi ni Verity sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya na nakaawang ang bibig. Hindi ko alam 'yon! Sumulyap siya sa akin na nakangiti. "Maybe my brother want to grant your wish. Ang tanong lang naman d'yan, ready ka na ba?"
Hindi agad ako makapagsalita. Kaya ba... Dito niya ako dinala? Dahil sa hiling kong 'yon? Bigla ako ginapangan ng kaba. Kakayanin ko pa bang kumanta sa harap ng ganito karaming tao? At saka, english ang madalas kong kinakanta... Hindi pa ako bihasa sa nihonggo kahit na sabihin natin na nanonood ako ng mga anime.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Zvonimir na may ngiti sa kaniyang mga labi. "You can sing with them," pahayag niya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "I've already instruct them what song you will sing. Mabuti nalang alam nila ang kanta na 'yon." he draw a smile on his face. "You can do it, Lyndy. You're not fighting alone. I'm here."
Kinagat ko ang aking labi at tumango. Marahil ay tama siya. Huminga ako ng malalim. Humakbang ako palapit sa banda. Ngumiti sila sa akin at binati ako. Binati ko din sila pabalik sa pamamagitan ng pagyuko. Nilapitan ako ng babaeng bokalista at itinuro sa akin ang keyboard. Ibig sabihin, nasabi din niya sa kanila na natugtog ako?
Habang nagsasalita ang babaeng bokalista para ipakilala ang susunod na kakantahin ay hinahanap ng mga mata ko si Zvonimir. Tanaw ko siya sa hindi kalayuan. Ngumiti siya saka tumango. Nababasa ko ang determinado sa kaniyang mukha. Nang matapos na pagsasalita ng babae ay kusang gumalaw ang mga daliri ko. Kinapa ko ang mga keys sa keyboard. Inilapit ko ang aking mga labi sa mikropono kasabay na marahan kong ipinikit ko ang mga mata ko.
"Like a small boat
On the ocean
Sending big waves
Into motion
Like how a single word
Can make a heart open
I might only have one match
But I can make an explosion?"
Sumabay na ang ibang instrumento sa kinakapa kong musika.
"And all those things I didn't say
Wrecking balls inside my brain
I will scream them loud tonight
Can you hear my voice this time?"
Kahit na gusto nang sumabog ang puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot ay pilit ko iyon labanan. Pilit kong inaalala ang mga bilin sa akin ni Clay noong buhay pa siya. Pati na din ang mga sinasabi ni Zvonimir. Alam ko, gusto niya harapin ko nang tuluyan ang mga laban na hinaharap ko ngayon. Lalo na ang sitwasyon na ito. Na gusto kong iparating sa lahat na narito pa ako... Nawalan man ako ng boses sa haba ng panahon pero hindi ko susuko. Na kaya ko. I can lift up myself infront of them. That anyone can notice me... My voice and my feelings.
"This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me..."
Idinilat ko ang mga mata ko sa mata. Napangiti ako nang makatanggap ako ng mga positibong reaksyon sa mga mukha ng mga manonood. Tahimik sila nakikinig sa akin. Matagal ko nang hindi naramdaman ito. Ang gaan ng pakiramdam na matagal ko nang ibinaon noon. Na natutuwa ako sa tuwing tumatapak ako sa entablado dahil ito ang siguro ang sinasabi na passion. Na ito talaga ang gusto mo. Ang bagay na hinding hindi mo susukuan.
"Losing friends and I'm chasing sleep
Everybody's worried about me
Into deep
Say I'm into deep
It's been two years I miss my home
But there's a fire burning in my bones
Still believes
Yeah, I still believe..."
Doon ko napagtanto ko na kani-kaniya na silang labas ng cellphone saka itinutok na nila sa akin iyon. I don't mind. Ang akin lang, I want this night to be remembered. This feeling that everytime I played, ti gives me chill.
"And all those things I didn't say
Wrecking balls inside my brain
I will scream them loud tonight
Can you hear my voice this time?"
Nang kantahin ko na ang chorus ay medyo nagulat ako nang biglang itinaas ng magpipinsan ang kanila-kanilang mga kamay habang nakakuyom ng palad. That really give me encourage and motivation while singing. Kita ko na naluluha ang magpipinsan na babae especially Verity, Laisa and Vesna. I can see their smiles are very genuine and happy for me. Hindi lang 'yon, pati na din ang audience, nagtaasan din ng kamay habang nakakuyom din ng palad na parang concert ang ganap dito. Napagtanto ko ko na mas dumami ang mga nanonood. Tumindig ang balahibo ko sa aking nakita na para bang naiitindihan talaga nila ang kinakanta ko.
"This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me..."
I feel overwhelmed. Ramdam ko ang mga namumuo kong mga luha sa aking mga mata.
Clay, naririnig mo ba ito?
Ito na... Nararamdaman ko na ang dating ako. Unti-unti nang bumabalik. Malapit ko nang malagpasan ang lahat.... Though I am failed to get in the spotlight, malabanan ko lang ang mga kinakatakutan ko. Na kaya kong isaboses ang mga nararamdaman ko.
"Know I've still got a lot of fight left in me..." pagwawakas ko sa kanta kasabay na pinindot ko ang huling key. Nag-bow ako sa harap nila at nagpasalamat sa mga nanood.
Malalakas na palakpakan at hiyawan ang ibinigay nila sa akin. Doon ko na kumawala na mga luha. Nilapitan ako ng babaeng bokalista. Kinamayan niya ako. Tinatanong niya ako kung ayos lang ako sa salitang Ingles. Dahil sa hindi ako makapagsalita ng ayos ngayon ay tango lang ang naisagot ko. Lumapit sa akin ang isa sa mga myembro nila saka inalukan ako ng isang bote ng tubig Tinanggap ko iyon. Nagpasalamat din ako sa kanila bago ako bumalik sa direksyon nina Zvonimir.
He smiled while he extended his arms. Naghalf-run ako palapit sa kaniya. Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Doon na ako naiyak nang todo. Wala na akong pakialam sa paligid ko. "Thank you, Zvonimir... Thank you." garagal kong sambit.
Ginantihan niya ako ng yakap. Hinalikan niya ang buhok ko. "You finally caught up, my wife. You finally grant my wish. Thank you and I love you."