Gumaan ang paligid para sa kanila dahil sa mga kalokohan nila. Makakasundo nila ang kaibigan ni Lhian. Mabilis itong maka-adjust sa kanila. Wala rin itong pakialam kahit ubod sila ng guwapo. Feel na feel ni Leo na kabarkada rin sila nito. Biglang tumayo si Leo. "Si Pareng Ben, takot kina Lhian at Mang Alfred, kaya nabulol!" Malakas ang tawa ni Leo nang ikwento ito. "Tapos si Clyde, binugbog ni Lhian! Hahaha." Hindi maampat ang tawa ng binata nang maalala ang nangyari. Sumeryoso naman ang mukha nina Ben at Clyde. Humagalpak ng tawa si Clint. Hindi nito ma-imagine ang nangyari sa mga maton niyang kaibigan. Nakasimangot na pareho ang dalawang lalaki. Nakangisi na naa-amuse si Brent. "Pareng Leo, ang tapang pala ni Lhian, noh? Pati 'yong si Mang Alfred kamo?" "Oo! May dala pang itak si