Nasa kahabaan na sila ng Edsa nang magsalita si Clyde. "Pare, sa tingin mo, magugustuhan nina Lhian at Evitte ang mga pinamili natin?" Napangiti si Leo nang balingan nito si Clyde. "Sobra, pare! Mababaw lang ang kaligayahan ng mga 'yon. Salamat sobra." Hindi maipaliwanag ng binata ang nararamdaman. Saya sa mga pagbabagong magaganap at pagod sa rami ng pinamili nila. Nawiwili ring tumingin sa labas ang lalaki, bihira siyang mamasyal. Bahay-eskwela at karinderya lamang ang routine niya. "Pero, Pareng Clyde," binalingan niya ang katabi. "Napagod ako ro'n sa ginawa natin," napatawa pa ang lalaki. "Grabe kayong gumastos." "Naku! Pare, kulang pa yan," nakangising saad ni Clyde. Halos tatlong oras ang ginugol nila sa pamimili. Alas-kuwatro na ng hapon sila natapos. Napalingon si Clyde kay Leo