Wedding

2106 Words
LARAH: NAPAPANGITI ako habang inaayusan ko ang aking sarili dito sa silid namin ni Alden. Hindi ko mapigilan ang kabang nadarama ko dahil ilang minuto na lang ay magiging opisyal na akong misis Di Caprio ni Alden. Halo-halong emosyon ang nadarama ko na lalo kong ikinakakaba. Masaya, natatakot, kinakabahan at napi-pressure na rin. Baka kasi mamaya ay magkaaberya ang kasal namin. Aalis pa naman na ito bukas papuntang Canada at hindi namin alam kung hanggang kailan siya doon. Gusto nitong sumama ako pero kaagad akong tumanggi. Dahil plano kong pasikretong pumunta doon. Hindi ko rin naman kayang malayo sa kanya ng matagal. Baka mabaliw ako dito kakaisip sa kanya. Kumatok ito sa may pinto na ikinalingon ko doon. "Honey? Nandito na si Attorney. Matagal ka pa?" tanong nito. "Just a minute, honey. Malapit na akong matapos," sagot ko na may kalakasan ang boses para malinaw akong marinig nito mula sa labas. Ni-lock ko kasi ang pinto dahil gusto kong mamaya na niya ako makita. Kapag tapos na akong ayusan ang sarili at makapagbihis. "Okay. Take your time, honey. I'll wait for you here," muling saad nito. Napangiting naiiling na lamang ako. Sa tono kasi nito ay bakas doon na tila hindi na ito makapaghintay lumabas ako ng silid. Simple lang ang white long dress na napili ko. Para nga lang akong dadalo ng misa e. Hanggang ibaba ng tuhod ko ang manggas. Sleeveless ito kaya nakalitaw ang mga braso ko. Malalim din ang vline sa harap at likod kaya naman litaw ang likuran at cleavage ko. Maayos kong pinusod ang sariling buhok at nag-iwan ng magkabilaang hibla na kinulot ko sa malapit sa tainga ko. Light make-up lang din ang in-apply ko dahil mas maganda kasi ako kung hindi makapal ang make-up. Kaya nga halos foundation at lipstick lang ang pinapahid ko sa mukha. Napangiti akong tumayo na nagpaikot-ikot sa harapan ng salamin. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay nag-spray na ako ng paborito kong perfume. Ang victoria's secret. "Honey?" muling pagkatok nito. "Coming, honey." Sagot ko. Dinampot ko na ang bouquet ko at may pagmamadaling sinuot ang white stiletto ko bago pinihit ang seradula ng pinto. Natulala naman itong napatitig sa akin na bakas ang kaba sa gwapong mukha. Napaingos naman ako dito na tuluyang lumabas ng silid namin at ipinahawak sa kanya ang bouquet ko. Walang kakurap-kurap itong nakatitig sa akin habang inaayos ko ang necktie nitong hindi maayos ang pagkakabuhol. Maging ang pagkakatupi ng kwelyo ng polo ay hindi pantay. Tsk. Seryoso ba siya? Ako nga todo effort para magpaganda sa araw na ito eh. Pero siya ay hindi manlang naayos ang polo at necktie? Nakakainis din minsan ang lalakeng ito eh. Mabuti na lang at bawing-bawi sa kakisigan at kagwapuhan. "How do I look, honey?" tanong ko na matamis na nakangiti dito. "You look so beautiful in white, honey." Napalapat ako ng labi sa kanyang compliment. Ramdam ko ang sensiridad sa tono nito lalo na't matiim siyang nakatitig. Na tila gandang-ganda ito sa akin. Kahit araw-araw naman niyang sinasabi iyon. Kung gaano ako kaganda sa kanyang paningin ay hindi pa rin masanay-sanay ang puso ko. Kinikilig akong napapairit sa tuwing pinupuri ako nito at sinasambit kung gaano niya ako kamahal. "Tsk. Kanta iyan eh," pag-ingos ko dito. Napahagikhik naman itong hinapit na ako sa baywang at mariing napahalik sa noo ko. Napairap ako dito na yumakap na rin sa kanyang baywang at naglakad sa sala kung saan nakatayo si Attorney na katabi ang isang judge na siyang magkakasal sa amin. "Just a minute, honey. I'll just fix your necktie," saad ko na ipinahawak dito ang bouquet ko. Nangingiti naman itong nagniningning ang mga matang nakatitig sa akin habang marahan kong inaayos ang pagkakabuhol ng necktie nitong bukod sa hindi pantay? Nagkagusot-gusot pa tuloy. Nang maayos ko na ang necktie nito ay napapahid ako sa pawis nitong namumuo sa kanyang noo. Halata nga ditong kabado siya katulad ko. Biglaan ba naman kaming ikasal. Na kahit ang mga magulang namin ay walang kaalam-alam. . . na ikakasal na kami ngayon ni Alden. NAPAPALAPAT ako ng mga labi. Kabado habang magkahawak kamay kami ni Alden. Tuwid na nakatayo sa harapan ng judge habang si Attorney naman ang naging witness ng aming pag-iisang dibdib ni Alden. Dama kong pinagpapawisan na ang kamay ko at nanlalamig dala ng kaba. Marahan naman iyong pinipisil-pisil ni Alden para ibsan ang tension at kaba ko. "Relax, honey." Bulong nito. Pilit akong ngumiti sa naibulong nito. Buong seremonya tuloy ng kasal namin maging ang pagpalitan namin nito ng vows ay nakalutang ako. Na napapasunod lang sa utos at mga sinasabi ng judge. "Ang ganda mong lutang na bride, honey." Namilog ang mga mata ko sa binulong nito habang nakapisil ng marahan sa baba ko at masuyong inangkin ang mga labi ko. Napakurap-kurap ako na pumalakpak sa amin ang judge at si Attorney na binabati kami ni Alden sa aming ganap na pagiging mag-asawa! Tumulo ang luha ko dala ng labis-labis na tuwa sa mga sandaling ito! Pakiramdam ko ay gumaan ang lahat sa akin at nakahinga ng maluwag! Tama pala talaga si Monica sa naikwento nitong karanasan niya noong pasikreto silang nagpakasal ni Aldrich! Nakakagandang lutang ang maikasal sa taong pinakamamahal mo! Nakakainis! Pinaghandaan ko pa naman ng mabuti ito. Pero nakakalutang nga talaga ang maikasal. "I love you so much, wife." Tumulo ang luha na paanas nitong naghahabol hininga sa matagal-tagal naming halikan! Napahikbi ako na niyakap ito at napasubsob sa kanyang dibdib! Hinahalik-halikan naman ako nito sa ulo na hinahagod ang likuran ko. "I love you too. I love you so much, hubby." Matapos ang kasal namin ni Alden ay sinamahan na namin si Attorney at judge na magtungo sa pinakamalapit na exclusive restaurant para mananghalian. At para na rin sa munting celebration ng matagumpay naming kasal ni Alden sa tulong ng mga ito. "Congratulations again, Mr and Mrs Di Caprio." Pormal nilang pagbati sa amin na kinamayan kami ni Alden matapos naming kumain. "Thank you so much, Sir, Attorney" panabay naming pasasalamat nito na kinamayan ang dalawa. Nagkayakapan kami ni Alden na napasunod ng tingin sa sinakyan ng mga itong nilisan na ang restaurant na pinasukan namin. "Let's go, honey?" pilyong bulong nito na marahang napapisil sa punong-braso ko. Napasinghap akong napapisil na rin sa baywang nito dala ng kakaibang init na gumapang sa katawan ko mula sa kamay nito. Napatingala ako ditong nagtataasbaba ng mga kilay at nakaguhit sa mga labi ng pilyong ngiti na mahihimigan mo na lamang ang ibig ipahiwatig! Nag-init ang mukha kong napalapat ng labi. Napahalakhak naman ito na hinagkan ako sa noo bago inakay sa aming kotse. Impit akong napapairit sa isipan ko habang magkahawak-kamay kami nito na bumalik ng Casanova Empire Company nito. Panay ang halik nito sa kamay kong naka-intertwined sa kanyang kamay. Sa laki ng kamay nito ay nagmistula tuloy kamay ng paslit ang kamay ko. Tss. Napatitig ako sa magkapares naming suot-suot na infinity pure white gold wedding ring. Kahit ang simple ng disenyo nito ay hindi naman matutumbasan ang halaga nito katulad sa pagmamahalan namin ni Alden at ang meaning ng disenyo ng singsing na suot-suot naming senyales ng aming kasal. Everlasting love. Katulad ng pagmamahalan namin ni Alden ay walang hanggan ang aming pagmamahal sa isa't-isa. Nangilid ang luha ko na nakamata sa singsing naming dalawa. Pinipisil-pisil naman nito ang kamay ko na mapansing nakatungo ako. Pasimple akong nagpahid ng luha bago nag-angat ng mukha. "What's wrong, honey?" nag-aalalang tanong nito na ipinarada na ang kotse. Umiling ako na napangiti. "I'm just so happy that finally you are mine now, Alden. Para akong nananaginip sa mga sandaling ito. Still can't believe na mag-asawa na tayo," saad ko na namumuong muli ang luha. Ngumiti itong nangilid din ang luha. Napaangat ng kamay sa aking pisngi at marahang pinahid ang luha ko. Kita ang kakaibang pagkinang ng kanyang mga mata habang matiim kaming nakatitig sa isa't-isa. "No worries, honey. Kahit paulit-ulit pa kitang pakasalan after this. Ayusin ko lang ang problema sa kumpanya at muli tayong magpapakasal, okay?" anito na ikinatango-tango kong kusang inabot na ang kanyang mga labi. Napahawak naman ito sa batok ko at mas pinalalim ang halikan namin hanggang sa unti-unti na itong lumipat ng pwesto ko at dahan-dahang ini-slide ang kinauupuan kong front seat ng kotse nito! "I love you so much, honey. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, ha?" habilin ko na nangilid ang luha habang nakatitig ng matiim dito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at gusto na lamang itong yakapin ng mahigpit. May parte sa puso ko ang tumututol na hwag na itong payagang magtungo ng Canada pero. . . ayoko namang maging selfish at childish. Alam kong napakalaking kumpanya ang Casanova Empire sa Canada. Doon ang main branch ng kumpanya nila Alden. Actually ay siya nga ang dating may hawak no'n. Lumipat lang siya dito sa Pilipinas at ipinasa sa nakababatang kapatid ang pagmamahala sa kumpanya nila sa Canada. Kaya ngayong nagkakaproblema sila doon ay si Alden ang inutusan ng Mommy Di nila para umayos sa problema. Si Alden kasi ang mas nakakagamay sa Casanova Empire sa Canada. "Hey, don't cry, honey." Napabalik ang ulirat ko sa malambing anas nito na marahang pinahid ang tumulong luha ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang ngayon pa lang ay nasasabik na ako sa kanya. Matiim ko siyang pinakatitigan sa kanyang mga mata habang marahang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. "Alden, mahal na mahal kita." Salitang kusang lumabas sa bibig kong ikinangiti nitong mariing hinagkan ako sa noo. "Mahal na mahal din kita, Larah. Higit kanino man. Higit pa sa sarili ko." Sagot nito na hinahaplos ako sa ulo. "Hwag ka ng malungkot, honey. Aayusin ko kaagad ang problema doon para nakabalik din ako kaagad. Pagkatapos nitong problema ay muli tayong magpapakasal, hmm? Ibibigay ko sa'yo ang kasal na nararapat sa isang prinsesang katulad mo," anas nito na masuyong pinaghahalikan ako sa buong mukha ko. Napangiti akong napapikit na ninanamnam ang bawat pagdampi ng mainit at malambot niyang mga labi sa balat ko. Hindi ko alam pero. . . gusto ko na lamang siyang yakapin ng gan'to kahigpit. Na ayaw ko na siyang pakawalan pa. Iisipin ko pa lang na magkakalayo na kami ay para akong hindi makahinga sa paninikip ng dibdib ko. Kahit na may plano naman akong sundan siya sa Canada ay hindi ko pa rin maiwasang makadama ng kakaibang lungkot. Pakiramdam ko kasi ay. . . matatagalan ang pagkakalayo naming dalawa. Kung hindi ko lang iniisip ang pagsurpresa ko sa kanya ay magtatapat na lamang ako at sabay na kaming magfa-flight patungong Canada. Maging ito ay kita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin. Na parang may ibang ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Bagay na ikinamimigat lalo ng dibdib ko na niyakap ito at napahikbi sa balikat nitong napalunok na niyakap din ako. "Alden, hwag ka na lang kayang umalis, honey?" saad ko na napapahikbi. Napahinga ito ng malalim na dahan-dahang kumalas sa yakapan namin at marahang pinahid ang luha ko. Pilit itong ngumiti na masuyong pinaghahalikan ako sa buong mukha na pinakatitigan ako sa mga mata ko. "Hindi pwede, honey. Pangako, tatawag ako palagi sa'yo. At sosolusyunan ko kaagad ang mga problema sa kumpanya doon para makabalik din kaagad ng bansa. Maglalaan at maglalaan ako ng oras ko para matawagan ka, hmm? Hwag ka ng umiyak, honey. Ngayon lang ito." Pag-aalo nito na hinahalik-halikan ako sa mukha. Napahaplos ako sa pisngi nito na pinakatitigan siya. Hindi ko rin magpaliwanag ang nadarama ko. Kahit kabisadong-kabisado ko na ang hulma ng mukha nito ay tila may bumubulong sa aking ikabisa pa rin iyon. Lately ay napapansin ko na nga ang ilang mga pagbabago sa sarili ko. Nakakahiligan ko na ba si Alden dahil 24/7 kaming magkasama? O dahil bagong kasal lang kami kaya gan'to ang nadarama ko. Napapansin ko kasing kahit magkasama kami ni Alden ay namimis at hinahanap ko pa rin siya. Gustong-gusto ko ring nagpapaasikaso at pabebe dito. Mabuti na lang at ubod ng kalambingan ito na malugod akong pinagbibigyan. Kahit minsan ay halos wala na itong matapos-tapos na trabaho sa kakaungot ko na naglalambing dito ay wala akong naririnig na reklamo sa kanya. Dama ko rin namang sincere at masaya ito sa ginagawa. Kung paano niya ako alagaan, asikasuhin, pagsilbihan, patawanin, mahalin. . .at paligayahin. "Promise me, huh? Tatawagan mo ako palagi." Nakangusong saad kong ikinangiti nitong napatango-tango. "Yeah, I promise, my wife." Usal nito na yumukong inabot ang mga labi kong napayakap sa batok nito at buong pusong tinugon ang halik. . . ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD