Kidnapped

2104 Words
ALDEN: HINDI ko maitago ang sayang nadarama. Kahit nalulungkot ang puso ko na iniwanan si Larah ay kusa namang napapangiti ang mga labi ko at hindi maalis-alis ang paningin sa wedding ring namin na suot-suot ko. Napapalapat ako ng labi para ikubli ang ngiti ko. Mag-isa pa naman akong sakay ng private airplane namin patungong Canada. "Wait for me, honey. Tatapusin ko agad ang problema doon para malaya tayong muli na magkasama," piping usal ko. Napangiti akong marahang hinahaplos ang screen ng phone ko at naka-wallpaper doon ang picture namin ni Larah sa araw mismo ng kasal naming naganap kahapon. Naiiling na lamang ako na halos magdamag kaming nagla-love making ng asawa ko sa lahat ng sulok ng unit kagabi. Sinulit talaga namin ang isa't-isa dahil hindi ko pa alam kung aabutin ako ng ilang linggo o baka nga buwan pa bago matapos ang problema at makabalik ng bansa. Hindi pa man ako nakakarating ng Canada pero. . . sabik na sabik na ako sa Larah ko. Gusto ko ng bumalik ng bansa na nangungulila na kaagad ako sa kanya. Pakiramdam ko au napakabagal ng paglipas ng mga sandali habang magkalayo kami ng asawa ko. Hindi na nga ako makapaghintay matapos ang problema ng Casanova Empire doon para makauwi na ako sa piling ng asawa ko. TPOV: LINGID sa kaalaman ni Alden ay sumunod si Larah sa kanya sa airport at ang hindi naman alam ni Larah ay may nagbabadya na palang panganib sa plano niyang pagsunod kay Alden sa Canada! Habang lulan siya ng taxi na nakasunod sa kotse ni Alden ay may bigbike motor na nakasunod sa kanya. Purong nakaitim ang kasuotan na parang kagagaling lang sa lamay! Napapangisi naman si Andrea. Ngayon na ang tamang panahon para madali niyang madakip si Larah. Wala si Alden sa tabi nito at wala ring mga bantay na nakasunod sa dalaga. Nang mapagawi na sila sa hindi mataong lugar ay nag-overtake ito sa taxi at hinarangan ito! Napa-preno naman ang driver na ikinatili ni Lara na muntikang masubsob sa harapan ng taxi! "Kuya, watch out!" reklamong asik nito sa driver na kakamot-kamot sa panot na ulo. "I'm sorry, Ma'am. May tarantandong--" Nabitin sa ere ang iba pa sanang sasabihin ng matanda na walang kakurap-kurap na nakamata sa harapan. Sunod-sunod na napalunok ng laway si Larah at binundol ng kakaibang takot at kaba. Tumayo ang mga balahibo sa katawan at nanigas sa kinauupuan. Dahan-dahan itong napasunod ng tingin sa harapan na ikinamilog ng mga mata nito. Napatutop ng palad sa labi na parang matatakasan ng ulirat na makita ang isang rider na itim ang lahat ng kasuotan. Nakatayo ito sa nakaharang niyang bigbike ducati motor na itim din. May hawak na caliber 45 na nakatutok sa kanila! "Ma'am, ikaw yata ang habol," nauutal na anas ng driver. Nanginginig ang katawan at dahil sa takot ay napaihi pa sa sariling pantalon ang matanda! "A-ano? B-bakit ako? Tara na, Kuya!" nauutal na sagot ni Larah dito. Akmang kakabigin ng driver ang kambyo para paharurutin na ang taxi nang binaril ng rider ang gulong ng taxi! "Ayt! Oh my God! Have mercy on us!" tili ni Larah na napatakip ng palad sa tainga at napayuko kasabay ang driver. Malutong na napahalakhak si Andrea na makita kung paano natakot ang kamukma na nakasakay sa isang taxi. Iiling-iling itong tumalon sa kanyang motor. Naglakad ng tuwid na pabalyang binuksan ang passenger seat kung saan nakasakay si Larah. "Out." Maawtoridad nitong utos sa kamukha. "No! Get off me!" tili ni Larah nang hatakin niya ito sa braso at pilit hinihila palabas! Panay ang hampas ni Larah sa kamay ng rider na nakapisil ng mariin sa kanyang braso at pilit binabaklas iyon. Pero sadyang malakas ito na parang batong walang pakiramdam! "Help me! Kuya! Help me!" tili ni Larah na humahagulhol at nagpapasaklolo sa driver. Nag-angat ito ng mukha na akmang tutulungan ang dalaga pero mabilis pa sa alaskwatrong pinutukan ito ni Andrea na sinapol sa noo! Tirik ang mga mata na nanigas ang matanda at kaagad nalagutan ng hininga na ikinatitili ni Larah at nagpupumiglas! Takot na takot sa mga sandaling ito na para na siyang matatakasan ng bait! "Behave, my dear. Kung ayaw mong matulad sa kanya," bulong nito. Natigilan si Larah na nangilabot na marinig na boses babae ang rider! May suot kasi itong helmet at naka-leather jacket din kaya hindi mo mapapansin kaagad na babae ito. Dahil sa pagkakatulala ni Larah ay tuluyan na siyang nakuha ni Andrea na isinakay sa kanyang motor palayo sa lugar. Tinawagan nito ang kanyang kanang kamay na si Banjo at pinadispatya ang katawan ng matandang driver at ang taxi nito. Ngiting tagumpay na naiuwi si Larah sa kanilang mansion na walang kahirap-hirap. Walang malay na natangay dahil malakas nitong pinukpok sa sentido ang kamukha gamit ang kanyang baril na ikinawala ng ulirat ni Larah. "Larah!?" bulalas ni Daemon na makita ang dalawa. Nakalaylay ang ulo at mga kamay ni Larah habang karga ito ni Andrea na parang isang sakong bigas na nakasampay sa kanyang balikat! Kaagad itong kinuha ni Daemon mula sa kinakapatid at napahagulhol na mahigpit na niyakap si Larah. Sobrang putla na kasi ng dalaga. Malamig ang katawan na tila hindi na humihinga. Napangisi lang naman si Andrea na nagpatiuna ng pumasok ng mansion. Napasunod naman si Daemon dito na mahigpit na yakap-yakap ang katawan ni Larah. "D-did you killed her?" nauutal na tanong nito. Maingat na inilapag si Larah sa mahabang sofa. Napaluhod sa tabi ng dalaga na marahang hinaplos ito sa pisngi. "Nope. Pinatulog ko lang. Kung papatayin ko na pala siya, bakit ko pa dinala dito? It's my pleasant for you, brother. Bahala kang pagsawaan muna siya, bago ko tuluyan." Walang emosyon nitong sagot sa kinakapatid. Pabalang na napatayo at nagtungo ng kusina. Kumuha ng ilang bote ng beer na dinala sa kanyang kwarto. Nadaanan pa nito si Larah at Daemon sa gawi ng sala. Napapailing na lamang ito sa kinakapatid na may malapad na ngiti habang marahang hinahaplos si Larah sa ulo. Bakas ang tuwa sa kanyang mga mata na nakatitig sa dalaga. Pabagsak itong nahiga ng kama. Nagbukas ng beer at umayos ng upo na isinandal ang katawan sa headboard ng kama nito. Napatungga ito sa kanyang beer na napapangisi at iling. Iniisip kung ano ang sunod na hakbang para malayang makapasok sa mundo ni Larah. Hindi bilang si Andrea kundi. . . bilang si Mariah Larah Mondragon. "I can't wait to see you again, handsome. I'll make sure I'll be better than her," paanas nito na iniisip ang binatang kasintahan ni Larah. Panay ang tungga sa beer nito na may malapad na ngiti sa mga labi. Bakas sa mga mata ang pagkasabik sa gagawing paggaya sa kamukha nito! KINABUKASAN ay dinaanan pa nito si Larah na nahihimbing sa kabilang silid. Sinadya pa nilang ikandado ang kwarto nito dahil panay ang pagtatangkang tumakas. Kahit na imposible naman itong makalabas ng isla nila ay nagdo-double ingat pa rin sila ni Daemon ngayon na hawak na nila si Larah. Napabalikwas ng upo si Larah na marinig ang pagbukas ng pinto! Kinukusot-kusot ang mga matang bagong gising na napatingin sa gawi ng pinto. Napaatras ito sa headboard ng kama na malingunan ang kamukha! Muling bumilis ang kabog ng dibdib na matamang nakatitig ditong palapit sa kanyang gawi. Naupo ito sa gilid ng kama at may ngisi sa mga labing nakamata kay Larah na bakas ang takot. "Sino ka ba talaga?" nauutal nitong tanong sa dalaga. "Who am I?" paanas nitong tanong na hinaplos sa ulo si Larah. Napalunok si Larah na nakamata lang din dito. Kahit saang anggulo talaga ay kamukhang-kamukha niya ang dalaga. Kaya alam niyang may mali. Lalo na at magaan ang loob niya dito na kahit napaka-misteryoso ng pagkatao nitong hindi mabasaan ng emosyon ang mga mata ay dama niya sa kanyang pusong. . . may koneksyon siya sa babaeng ito! Matiim itong napatitig sa mga mata ng dalaga. Kahit sinusubukan niyang mamuhi dito ay hindi niya magawa. Ibang-iba ang bugso ng damdamin niya para dito na parang may malaki itong puwang sa puso at pagkatao nito. Kung titignan niyang maigi ang dalaga ay napaka identical ng itsura at boses nilang dalawa. Possible na. . . kakambal niya ito. Matigas man itong magsalita at kumilos ay hindi no'n kabawasan ang katotohanang. . . iisa lang ang mukha nila ng dalaga. "I am you, Larah. From now on? I am, you." Makahulugang paanas nito sa kanyang mukha. "A-ano?" halos pabulong tanong ni Larah ditong napangising hinaplos ang pisngi nitong napapalunok na walang kakurap-kurap na nakamata kay Andrea. "Ikaw. . . ay ako. Ako. . .ay ikaw. Mahirap bang maunawaan iyon, Larah?" paanas nito sa dalagang natutulala na tila hindi makuha ang ibig nitong ipahiwatig. "Magmula ngayon. . . ako na si Mariah Larah Mondragon. At ikaw naman na. . .si Mariah Andrea. . . Stanford." Anas nito bago tumayo. May ngisi sa mga labing lumabas muli ito ng silid at iniwan si Larah na natutulala sa mga sinaad nito. "Ako siya? Anong ibig niyang sabihing. . . ako siya? At siya ako?" Muling ikinandado ni Andrea ang pinto kung saan naroon si Larah. Napapangisi pa itong pasipol-sipol na bumaba ng sala. "Good morning, brother! Is that for me?" masiglang bungad nito na maaabutan si Daemon na nandidito sa kusina at abalang naghahanda ng agahan. "Nah, don't touch that, my dear sister. Especial 'yan para sa Larah ko. Itong para sa'yo," agap ng binata na ipinalit ang fried rice na may pritong itlog at longanisa na topings. "Ano? Topsilog lang ang akin habang ang Larah na 'yon halos mapuno na ang tray niya ng bacon, ham, sausage at may shrimp soup pa!" bulalas nito na ikinangisi lang ni Daemon dito. "Syempre. Mahal ko 'yon kaya especial ang agahan niyang gawa ko. Kumain ka na lang d'yan, Andrea. Uhm, may natira pa naman ako d'yan. You can have it. Sapat na ito para sa amin ng mahal ko," nakangiting saad ni Daemon dito na napailing lang. "Tsk. As if namang kakainin niyanang mga 'yan," ismid nito na pabalang naupo at nagsimula na ring kumain. "Kakainin niya ang mga ito. Syempre naman. Paborito niya kaya ang mga ito. Tiyak akong. . . hindi niya ako matatanggihan," buong kumpyansang saad ng binata na dinampot na ang tray na puno ng pagkain at umakyat ng silid kung saan nakakulong si Larah. Naiiling na lamang si Andrea na mag-isang kumain sa kusina. MATAPOS nitong kumain ay umakyat muli ng silid nito na naligo at sinubukang ayusin ang sarili. Napapangiwi pa ito na nakailang hilamos na hindi nito magawa-gawang ma-make-up an ang sarili. Hindi naman kasi ito nag-aayos. Na ultimo magguhit sa kanyang kilay ay hindi alam kung paano gawin. Mabuti na lang at napakaganda nitong dalaga na kahit walang kaayos-ayos ay napakaganda niya pa ring tignan. "Damn. Ang hirap naman," bulalas nito na sunod niyang pinag-aaralan kung paano maglakad na mataas ang takong ng sandal! Kung hindi lang siya magaling magbalanse ay kanina pa siya napilayan na natatapilok sa tuwing sinusubukan nitong maglakad na mataas ang heels ng suot na stiletto katulad kung paano pumorma si Larah. "Damn!" Panay ang mura nito na hindi nito mailakad ang mga paa. Parang naglilingkisan ang mga binti nito sa taas ng heels ng suot na paulit-ulit natatapilok at makailang beses napapasubsob. Tumuwid ito ng tayo na napapikit at ilang beses napahinga ng malalim na kinakalma ang puso at sarili. "You can do it, Andrea. Kaya mo siyang gayahin. Kailangan mo siyang magaya para walang maging aberya," usal niyo na pinapatatag ang sarili. Muli itong tumayo. Humingang malalim na kinakalma ang sarili. Pilit ngumiti sa sarili na gimayang muli kung paano maglakad si Larah at kumilos. Kung itsura at boses ay wala itong problema. Ang kilos niya lang talaga dahil napaka classy ni Larah kumilos at magsalita. Parang Maria Clara nga ang datingan nito na hindi makabasag pinggan. Hindi katulad niya na matigas ang pangangatawan lalo na ang kilos nito. Na ultimo paglalakad niya ay dinaig pa ang isang lalake sa siga at tigas nitong maglakad. BUONG maghapon ay nasa silid lang si Andrea. Inaaral kung paano kumilos si Larah. Mahinhin kasi ito kumpara sa kanya na tigasin kung kumilos kaya sobrang hirap din sa kanyang baguhin ang nakasanayan. Pero dahil ito lang ang paraan niya para madaling makapasok sa pamilya Mondragon at sa binatang napupusuan ay lahat handa niyang tiisin. "One step closer, Andrea. Makukuha mo rin. . . ang mga dapat na para sa'yo. Masisingil mo rin. . . ang mga taong malaki ang pagkakautang sa'yo," piping usal nito na naglalaro na sa isipan kung paano niya. . . itutumba ang buong pamilya ni Larah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD