ALDEN:
NAPABALIKWAS ako sa pagkakahimbing na maramdamang napadaing si Larah at napaupo ng kama.
"What's wrong, honey?" pupungas-pungas kong tanong.
Napahaplos ito sa leeg. Napabusangot na napatitig sa akin.
"N-nothing, honey. Let's go back to sleep. Nangalay lang ang leeg ko," lambing nito na yumakap at nahiga na kasama ko.
"You want water, honey?" tanong ko na hinagkan ito sa noo.
"No, I want your kiss," ungot nitong ikinatawa kong siniil ito sa mga labi.
"You want more?" tudyo kong ikinahagikhik nitong napailing.
"Yeah. Matulog na tayo, honey. Antok na antok pa ako." Mahinang sagot nitong ikinangiti kong hinila ang kumot naming itinabing sa aming katawan.
Pinaunan ko ito sa braso ko. Tumagilid kami paharap sa isa't-isa at muling nagpatangay sa antok. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw pa lamang. Ilang oras pa lang ang tulog namin.
KINABUKASAN ay mas nauna akong nagising dito. Napakasarap pa rin ng tulog nito na bakas ang pagod sa maamong mukha. Nangingiti akong maingat na pinaghahalikan siya sa kanyang mukha at napapahagikhik na hindi manlang ako nito maramdaman.
"Good morning, sleepyhead."
Napahaplos ako sa pisngi nito. Inayos ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Aksidente namang nahagip ng paningin ko ang leeg nitong may mahabang kalmot?
Nangunotnoo ako na nahaplos iyon. Hindi kaya nakalmot ko siya kagabi habang nagla-love making kami? Napatingin ako sa mga kuko ko. Hindi naman mahahaba ang kuko ko kaya napaka-imposible naman yata na nakalmot ko siya.
Inabot ko iyon na marahang hinagkan. Maingat na bumangon at inayos ang kumot nito bago nagtungo ng banyo para makaligo at maihanda na ang agahan namin.
Napapangiti na lamang ako habang naglilinis ng katawan at kita sa kaharap kong salamin ang mga kissmark ko sa leeg at dibdib na kagagawan ng mahal ko. Nakakahiligan na nitong naglalagay ng kissmark sa akin lalo na sa leeg at dibdib ko. Na gustong-gusto ko rin naman at maging ito ay minamarkahan ko kung saan-saan.
Habang lumilipas kasi ang mga araw na nagsasama kami ni Larah ay walang kapantay ang sayang aming nadarama. Nakausap na rin namin sina Mommy Dianne at Daddy Dionne patungkol sa pagsasama namin. Wala namang problema sa kanila dahil kilala nila ng lubos si Larah. Higit sa lahat ay matatalik na magkaibigan ang pamilya ni Larah at pamilya ko. Kaya walang tutol sa aming pamilya sa naging desisyon namin nito.
HABANG nagluluto ng agahan ay napapasipol ako. Bigla namang bumukas ang pinto na niluwal no'n si Allen. Ang nakababatang kapatid ko.
"Good morning, dude!" masiglang bati ko dahilan para mapalingon ito sa gawi ko.
Napangiti at iling itong napapakamot sa batok na lumapit. Nakapang-business suit na ito habang ako ay naka-boxer brief lang at apron.
Naupo ito sa silya na sinenyasan pa akong igawa ng kape. Naiiling na lamang akong lumapit ng pantry at pinagtimpla ito.
"What brings you here, Allen?" tanong ko na mailapag ang kape nito sa kanyang harapan.
Napasimsim naman ito doon na napangiti.
"I have bad news and good news for you, Kuya," anito.
Nangunotnoo ako na hininaan ang apoy ng niluluto kong shrimp soup with corn at naupo sa kaharap nitong silya.
"Anong uunahin ko?" tanong pa nito na nilabas ang laptop sa kanyang bag.
Napahinga ako ng malalim. "The bad one, first."
"Okay," kiming sagot nitong binuksan ang laptop. "The bad news is. . .medyo bumagsak ang sales ng Casanova Empire sa Canada this past few weeks, Kuya," malungkot nitong saad.
Natameme ako saglit dahil sa pagkakatanda ko ay mataas naman ang sales ng kumpanya bago ko ipasa ang pagiging CEO dito ilang linggo na ang nakakalipas.
"How did that happened?" kunot ang noong tanong ko.
Napabuga ito ng hangin na iniharap sa akin ang laptop. Kita ko nga doon ang bahagyang pagbaba ng sales stocks ng kumpanya na nagsimula sa kanyang pag-upo. Napasapo ako sa noo.
Hindi pwedeng bumagsak ang sales ng kumpanya lalo na sa main branch nito! Fvck.
Napapahilot ako ng sentido na nakakagat ang ibabang labi. Napapahinga ng malalim.
"What is the good news?" muling tanong ko.
"The good news is. . .? Pinapabalik ka ni Mommy sa Canada. Ikaw daw ang aayos sa problema. Sinabi ko naman sa inyo noong una pa lang. Hindi ko kayang hawakan ang gano'ng kalaking kumpanya. Ayaw niyong maniwala eh. Kita niyo na? Ilang linggo pa lang ako doon pero 15% na ng sales stocks natin ang bumaba," saad nitong bakas ang diskumpyado sa tono para sa sarili.
Naiiling itong napahilamos ng palad sa mukha.
"Hindi ako pwedeng bumalik ng Canada. Damn. Paano naman ako? Dito namin gustong manirahan ni Larah malapit sa pamilya namin. At nagpaplano na kaming magpakasal next month," problemadong saad ko.
Mariin akong napapikit na nahilot ang sentido ko. Ayoko ng ma-pospond pa ang pagpapakasal namin ni Larah. Malas daw pag gano'n. Pero. . . paano ang kumpanya? Nakakainis naman eh!
"Baka naman kasi nagpapabaya ka doon? Puro ka siguro pa-pogi points sa mga investors at employer's mo kaya bumagsak ang kumpanya," panenermon ko.
"What the heck, Kuya. Bakit ko naman hahayaang bumagsak iyon. Eh halos mapisat nga ang mga itlog ko sa kakakurot ni Mommy kanina na malaman ang problema doon eh. Kaya pinapunta niya ako dito para kausapin ka. Bumalik ka daw doon. Ayusin mo muna ang problema. . . bago ka bumalik dito. Utos 'yon ng dragona nating reyna, Kuya. And you can't say no once na si Mommy Di na ang nagsalita," saad nito.
Marahas akong napahinga ng malalim na tampal ang noo. Nakakainis naman eh.
"Hindi ba pwedeng si Aldrich na lang? Damn, hindi ako pwede. May pinaghahandaan din naman ako," ingos ko. Napakibit-balikat naman ito.
"Ikaw ang may hawak sa kumpanya natin doon, Kuya."
MATAPOS naming makapag-usap ng masinsinan ni Allen ay nagpaalam na rin ito. Babalik pa kasi ito sa Canada para hanapan ng solusyon ang problema habang nandidito pa ako.
Nakakainis lang na wala akong pamimilian. Mas gamay ko kasi kung paano patakbuhin ang Casanova Empire sa Canada. Dahil ako ang nakatutok doon ilang taon na. Iyon ang unang kumpanya naming hinawakan ko pagkatapos ko sa pag-aaral.
"Good morning, honey!"
Napabalik ang naglalakbay kong diwa sa malambing pagbati ng mahal ko na bagong gising. Napangiti ako na matamang pinapanood itong nakangiting lumapit sa akin. Kahit tanging ang long sleeve white polo ko lang ang suot nito na maluwag sa kanya na umabot hanggang gitnang hita niya ang manggas ay napakaganda niya pa ring tignan. Wala pa siyang kolorete sa mukha at sabog-sabog pa ang buhok but damn! She's so hot, sexy and beautiful in my eyes.
"Good morning too, honey. Tamang-tama, breakfast is ready," nakangiting saad kong yumapos sa baywang nito na siniil siya sa mga labing napapairit na yumakap sa batok ko at tinugon ako.
"Uhmm. . . tama na. Ikaw talaga. Kakain tayo. Hindi ako ang gawin mong agahan mo," natatawang saad nito na napisil pa ang ilong ko.
Napahagikhik akong paulit-ulit na pinaghahalikan ito sa buong mukhang nangingiti lang naman na hinayaan ako.
"Pwede rin naman, honey. Kung papayagan mo akong. . . ikaw na muna ang gawin kong agahan ko," pilyong saad kong ikinamula ng pisngi nitong nakurot ako sa braso na napahagikhik.
"Puro ka kalokohan. Kumain na nga lang tayo," ingos nito na inalalayan kong maupo ng silya.
Habang kumakain kami ng magkaharap ni Larah ay hindi ko maiwasang matulala. Napapansin naman nito na malalim ang iniisip ko. Hanggang natapos kaming kumain ay nalulutang ako sa problema ng kumpanya sa Canada.
"What's wrong, honey? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Kasalukuyan nitong inaayos ang necktie ko habang nakayapos naman ako sa kanyang baywang.
Hindi ako sumagot bagkus ay kinabig ko ito at mahigpit na niyakap. Napayapos naman ito sa batok ko na hinahagod-hagod ng isang kamay ang likod ko. Sumubsob ako sa kanyang balikat na napapikit.
"Honey, are you okay?" tanong nito na sumapo sa magkabilaang pisngi ko.
Pilit pinagtatama ang aming mga mata. Napahinga ako ng malalim na napatitig dito ang malamlam kong mga mata. Nag-aalala naman itong bakas sa mukha ang pangamba.
"I'm okay, honey."
"No. I can see it in your eyes, Alden. C'mon, what's wrong, hmm?" tanong nito ma matiim akong tinititigan sa mga mata ko.
"I'm going back to Canada next week, honey. May problemang kinakaharap ang kumpanya namin doon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maayos ang problema. Maka ma-pospond ang kasal natin next month eh," pagtatapat ko.
Natigilan ito na dumaan ang sakit sa mga mata na kaagad pinalis at pilit ngumiti na napailing.
"It's okay, honey. Pwede naman nating i-resched ang kasal. Total tayo pa lang naman ang nakakaalam eh," anito.
Umiling ako na niyakap ito. "Ayoko. Gustong-gusto na kitang pakasalan, Larah."
Napahagikhik naman itong mahina akong nakurot.
"Ayusin muna natin ang problema, honey. Makakapaghintay ang kasal. Pero 'yong problema doon? Baka pag pinatagal mo ay lalong lalala," anito.
Napatitig ako dito na nakabusangot. Ngumiti naman itong hinaplos ako pisngi. Napatingkayad na inabot hinagkan ang noo ko.
"Paano naman tayo?"
"Gusto mo bang magpakasal muna tayo bago ka magtungo ng Canada?" suhestyon nito.
Natigilan akong napalunok na napatitig dito. Bakas ang kaseryosohan sa mga mata na nakatitig sa akin.
"P-pwede ba?"
"Oo naman. Kung doon mapapanatag ang loob mo. Para makapag-focus ka sa pagresolba sa problema doon. Magpakasal na muna tayo. What do you think, honey?" paglalambing nitong yumapos sa batok ko.
"Thank you, honey!" masiglang bulalas ko na napayakap dito.
Maluha-luha akong sumubsob sa balikat nito na napapahagikhik at hinahalik-halikan ako sa pisngi.
MATAPOS naming napagkasunduan ni Larah ang agarang pagpapakasal ngayong linggo ay inayos ko na ang mga papeles na dadalhin ko sa Canada. Pinaayos ko na rin sa lawyer namin ang mga papeles namin ni Larah para sa aming pag-iisang dibdib.
Civil wedding na muna. Kung saan kaming dalawa pa lamang ang nakakaalam. Kapag naayos na ang problema ng kumpanya sa Canada ay saka kami muling magpapakasal sa simbahan.
Parang lalabas ang puso ko sa ribcage nito sa sobrang lakas ng kabog. Nababagalan ako sa pag-usad ng oras habang papalapit ang araw ng kasal namin ni Lara. Na dito mismo sa opisina ko magaganap.
Napapasimsim ako sa hawak kong baso na naglalaman ng alak habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall at nakamata sa paligid. Hatinggabi na at nahihimbing na si Larah sa silid namin habang ako naman ay hindi dalawin ng antok.
Para kasing may nagpaparamdam sa akin na masamang mangyayari sa aming pagkakalayo. Gusto ko sana itong kasama sa Canada pero tumanggi ito. Mas makakapagtrabaho daw ako ng maayos kapag mag-isa akong pupunta doon dahil ang kumpanya ang matututukan ko lang.
Tumunog ang telephone ko na ikinalingon ko sa mesa ko. Malalaki ang hakbang na tinungo iyon at sinagot.
"Casanova Empire Company, hello?" pormal kong sagot.
"Alden Di Caprio. Good evening," tila sarkastikong saad ng baritonong boses mula sa kabilang linya.
Nangunotnoo ako na napatitig saglit sa telephone ko.
"Yes, speaking. May I know who is this?" aniko.
Napahalakhak ito sa kabilang linya. Tila nahihibang ang tono ng pagtawa.
"No need to introduce myself, man. I just called to say this things to you. Sulitin mo na ang nalalabing minuto mo na kasama si Larah. Sooner or later? Matatapos na ang maliligayang araw mo, mark my words." May kariinang pagbabanta nito.
Nanigas ako sa kinatatayuan at napababa sa telephone na napatakbo sa kinaroroonan ni Larah!
Para akong nabunutan ng tinik na maabutan ko itong nahihimbing pa rin sa aming kama.
"Fvck! Who is he!?"
BUONG magdamag akong walang tulog. Binabantayan si Larah na nahihimbing sa bisig ko. Hindi rin ako dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip sa mysterious caller na 'yon. Hindi ko maiwasang mag-over think sa mga bagay-bagay. The way kung paano siya magbanta ay parang kumpyansadong-kumpyasado siyang makukuha niya sa akin si Larah.
Napahilot ako sa sentido kong kumikirot na dala ng puyat. Magliliwanag na rin pero heto at dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Napahaplos ako sa pisngi ni Larah na napangiti.
"Don't worry, honey. I'll protect you. No one can harm you as long as I'm here. . . beside you," bulong ko na napahalik sa kanyang noo.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Para siyang anghel na nahihimbing sa bisig ko. Hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukhang ito hanggang sa pagtanda ko.
Paulit-ulit na siya at siya ang pipiliin kong makasama sa habang buhay. Muli ko itong hinagkan sa mga labi na mahinang natawang hindi manlang ako naramdaman sa sobrang himbing niya.
Mahigpit ko siyang niyakap na ikinaungol nitong mas nagsumiksik sa aking dibdib. Napangiti akong pinaghahalikan ito sa ulo bago pumikit na rin at pilit nagpatangay sa antok kong napakailap.
Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay naramdaman kong gumalaw at dahan-dahan itong kumalas sa bisig ko. Nanatili akong nakapikit na pinapakiramdaman ito kahit dama ko na ang antok ko.
"Good morning, handsome. Ang gwapo naman talaga ng mahal kong iyan," dinig kong bulong nito na napapahagikhik habang panaka-nakang hinahagkan ako sa buong mukha at mga labi.
Bago pa ako tuluyang nakaidlip ay narinig ko pa ang sinaad nitong ikinangiti ko sa isip-isip.
"I love you so much, Alden. I can't wait to live my life with you. I promise you, honey. . . hinding-hindi mo pagsisisihan na ako ang magdadala ng apelyedo at mga anak mo. Mga anak natin, mahal ko."