DALE Tahimik na nakikinig ako sa sinasabi ng doktor tungkol sa totoong kondisyon ni Samantha matapos na ipatawag ito sa nagpakilalang si Sebastian. Hindi ko alam kung kaano-ano ito ni Samantha pero nakikita ko na takot at hindi basta nagsasalita si Mauricio Del Valle na tila matindi ang kaba sa kasalukuyang kalagayan ni Samantha ngayon. "Tinahi na namin ang sugat sa ulo ng pasyente. Sa ngayon ligtas na siya at wala na kayong dapat ipag-alala. Hintayin na lang natin na magising siya at sana 'wag magkaroon ng komplekasyon lalo na at risky ang part na nasugatan siya." "Alright, inform me once magkaroon ng changes o kahit anong update kay Samanta," seryosong sabi ni Sebastian sa doktor. "Yes sir." Matapos ang usapan ay umalis na ang doktor na siyang tumitingin kay Sam at naiwan kaming