DALE "Sir, mukhang masaya ka ngayon ah," bati sa akin ni Mario. Napasukan ko kasi itong bagong ligo sa silid na tinutuluyan namin dito sa bahay ni Samantha. "Tingin ko, maganda ang resulta ng lakad mo kagabi at inumaga ka. " Tinawanan ko lang ito bago binuksan ang pintuan ng cabinet kung saan nakalagay ang ilang damit na dala ko. "Dapat sumama na lang ako sa'yo sir para masaya rin sana ako ngayong umaga." Binato ko dito ang na dampot na kahon mula sa loob ng cabinet dahil napakadaldal nito. Kahit kailan talaga ususero itong si Mario. "Ang dami mong alam, d'yan ka na at maliligo muna ako." Iniwan ko ito at pumasok sa banyo. Maging si Mario kasi ay walang alam sa lihim na pagkikita namin ni Sam sa kabilang bahay na pinag-tatakhan ko kung paano siya lumalabas at pumasok doon ng wal