Samantha's POV Maaga akong nagising kahit na madaling araw na ako nakatulog. Ilang ulit akong napa-kurap matapos maramdaman ang mainit na katawan na nakayakap mula likuran ko. Hindi ako maaaring magkamali dahil heto hubad pa rin itong nakayakap ng mahigpit sa akin habang halatang mahimbing na natutulog. "Dale gising," sabi ko habang panay ang tapik sa braso nito. Umungol lang siya at lalo lamang humigpit ang mahigpit na pagkakayakap nito sa akin. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi siya dapat abutin ng tanghali dito dahil sigurado akong mapapahamak kami pareho. Para tuloy kaming mga teenager na hindi pwedeng mahuli ng mga magulang namin na may relasyon. "Dale, gising na," malakas na sabi ko kumpara kanina. "Good morning Sam," pabulong na bati nito sa akin.