SAMANTHA Dahil may kasama akong old fashioned na pulis kaya ang resulta maaga kaming umuwi. Ayaw daw niyang abutin ako ng madaling araw sa labas kaya mabuting lumabas na kami ng bar. Hindi ko nga alam kung anong ipinakain niya sa akin at pumayag ako. Well, mabuti na rin naman na inaya na niya ako kasi panay lang naman siya landi sa akin sa loob ng vip room na kinuha ko. Daig pa niya ang ahas na laging naka-lingkis sa katawan ko. Baka nga iisa na ang amoy ng katawan namin kasi mukhang may baon na glue na gusto ay laging nakadikit sa akin. Along our way home ay may biglang tumawag sa cellphone nito at sinabing may emergency umano sa station nito. Saka ko lang naunawaan kung ano iyon ng tumigil ang sasakyan nito sa harap ng police station kung saan niya ako dati ikinulong. "Anong gagawi