Samantha's POV Ewan ko pero pakiramdam ko ay kinapos ako ng paghinga matapos na makalayo ng konti sa akin si Captain Santiago. Nakakapagtaka na wala akong narinig na kahit anong masakit na salita mula sa kan'ya kaya napaisip ako na kailangan kong maging maingat sa mga susunod na hakbang ko. Akala ko pa naman effective ang ginawa ko pero mukhang masayang na naman ang effort ko. "Magbihis ka ng maayos na damit baka sipunin ka," sabi lang nito na humakbang palabas na naiwan akong tulala. Nakakainis, anong akala niya sa akin bata. Imbes na nagsasaya ako ngayon mukhang kailangan ko pang mag-isip kung paano ko mabubura ang mga pictures ko na pinost ko. Agad na tumayo ako at nagbihis. Mabilis na hinanap ko ang cellphone ko at naglog-in sa social media account ko para tingnan ang account ni