CHAPTER VI

2070 Words
CHAPTER SIX The Bad News               “DAD, I got a perfect score,” masayang turan ni Alexandra sa kararating pa lamang niyang Daddy habang hawak-hawak ang isang test paper na may perfect score. Imbes na kausapin ang anak ay nilagpasan lang nito si Alexandra na tila isang hangin.             Dumiretso ito kay Sophia imbes sa nauna. Sinundan na lamang niya ng tingin ang kanyang Daddy at napayuko dahil sa hiya.             “Hello, Daddy!”             “How’s your day, my princess? Did you enjoy your day?” tanong ng kanyang daddy sa nakababata niyang kapatid na puno ng galak n ani minsan ay hindi niya Nakita sa mga mata ng kanyang daddy sa tuwing siya ang kausap.             “Okay lang po, Daddy. Nagdo-draw po ako ngayon ng family natin,” saad nito habang patuloy sa pagkukulay gamit ang mga crayola-ng nakakalat sa mesa.             Nakaramdam naman bigla ng inggit nang mga sandaling iyon si Alexandra. Pakiramdam niya ay walang paki sa kanya ang kanyang Daddy dahil nakatuon lagi ang atensyon nito kay Sophia. Masakit para sa kanya na makitang hindi siya napagtutuunan ng pansin ng kanyang Daddy.             Dahil sa sobrang inis ay nilukot niya ang papel na hawak. Iniisip niya na sinasakal niya ang kanyang Daddy nang mga oras na iyon. Pinipigilan niya ang maluha dahil ayaw niyang ipakita na mahina siya. Kailangan niyang maging matapang.             “Ate, look oh! I also draw you. Magkatabi tayo sa drawing! Ako ‘yong naka-pink tapos ikaw ‘yong naka-blue kasi favorite mo ‘yon, ‘di ba?” nakangiting sabi sa kanya ni Sophia at itinaas ang ginawang drawing upang makita niya.             Pinilit niyang gumuhit ng ngiti kahit na sa loob-loob niya ay gusto niyang magwala. Napansin naman niya ang walang emosyon na mata ng kanyang Daddy sa kanya na lalo pa niyang ikinainis. Malamig ang mga tingin nito na hindi kakikitaan ng kahit ano.             “Nandito ka na pala, Hon,” bungad na saad ng kanyang mommy sa kanilang daddy na may hawak ng isang tray ng cookies. Hinalikan nito sa labi ang asawa at saka inilapag ang tray. “Patingin nga n’yan. Wow! Ang ganda naman ng drawing mo, Sophia. Mana ka talaga sa akin. Hindi lang maganda, maganda rin mag-drawing,” papuri nito sa anak at saka natawa sa turan.             Kung titingnan, mukha silang masayang pamilya. Pero si Alexandra, hindi. Sa kanila lang umiikot ang tinatawag na pamilya. Kumbaga siya, saling-pusa lang sa pamilya. Isa lamang siyang extra sa mundong ginagalawan nila. kahit na mawala siya sa litrato ay hindi nila alintana.             Lalong nakaramdam ng kirot sa dibdib si Alexandra. Nagagalit siya sa kanyang mga magulang dahil kahit anong gawin niya ay hindi man lang siya nakatatanggap ng papuri samantalang ang nakakabata niyang kapatid, kahit na maliit na bagay ay puring-puri. Ganoon niya kung ilarawan ang pagitan ng atensyong natatanggap nila.             Wala naman siyang nararamdaman na galit sa kanyang kapatid kahit na nakukuha nito ang atensyon na dapat ay sa kanilang dalawa. Sa tingin niya ay hindi naman kasalanan ng kanyang kapatid kung bakit ganoon ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang.             Siguro ay dahil anak siya mula sa naunang asawa ng kanyang Mommy kaya walang amor sa kanya ang kanyang Daddy. Galit din kasi ang Mommy niya sa tunay niyang ama dahil iniwan sila nito nang siya ay nasa tiyan pa lamang. Kaya imbes na sa kanyang tunay na ama magalit ang kanyang Mommy ay sa kanya naibunton ang galit nito.             Nanginginig siya habang kagat-kagat ang ibabang labi. Pinipilit niyang saktan ang sarili upang hindi makapandamay ng iba.             “Ate, do you want some cookies? ‘Di ba favorite mo rin ‘to?” pag-aalok sa kanya ni Sophia.             Natagpuan naman niyang nakatingin sa kanya nang masama ang mga magulang niya. Animo’y tinutunaw siya ng mga ito sa titig at pinapaalis. Nagsasabing, umalis na siya sa kanilang mga harapan.             Umiling na lang siya at gumuhit ulit ng pekeng ngiti. “Salamat na lang, Sophia. Ubusin mo na ‘yan para maging Mabuti ka paglaki. Sige, aakyat na muna ako sa kwarto ko,” aniya bago pa bumuhos ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadyang bumuhos.             Patakbo siyang umakyat sa kanyang kwarto at padabog na isinara ang pinto. Bata pa lang siya pero ramdam na niya kaagad ang sakit na mayroon ang mundo. Hindi niya napigilan ang sumigaw nang sumigaw habang inginungudngod ang mukha sa kama upang hindi ganoon kalakas ang ingay.             Nasa bahay siya ngunit walang tahanang maituturing – pamilyang sana ay tutulong sa kanya tuwing siya ay nadarapa. Ngunit iba ang naging Sistema, pinalaki siyang may galit sa puso ng mga taong dapat ay dadamay sa kanya.             Halos masira naman ang punda ng kanyang kama dahil sa kanyang galit – galit na namuo dahil sa pagkamuhi sa kanyang mga magulang, poot na dahil sa pagturing ng kanyang pamilya na iisa lang ang maaaring maging anak at hindi siya ‘yon.             “Sobrang sakit…” naiiyak niyang sabi. Musmos siya ngunit may pakiramdam. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang malamig na pagtrato ng mga magulang.             Napansin niya ang isang gunting na nakapatong sa side table. Pakiramdam niya ay nang-aakit ang gunting na iyon at gusto nitong lumapat sa kanyang murang balat. Hindi naman siya nagdalawang-isip at agad na kinuha ang gunting.             Patuloy lang sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang unti-unti ay lumalapat sa kanyang balat ang matalas na dulo ng gunting. Unti-unti niyang ibinaon ‘yon sa bandang pulso. Napapangiwi siya sa sakit habang pinupunit ang kanyang laman.             Walang-wala ang sakit na iyon sa kanyang nararamdaman ngayon. Tila kagat lang ng langgam ang sugat na nilikha ng gunting. Katiting lang na hapdi kumpara sa imyernong buhay na mayroon siya ngayon na magpapatuloy hanggang sa kanyang pagtanda.             Sobrang dami ng dugo ang umaagos ngayon mula sa kanyang pulso. Matapos ang pagbaon ay isang mabilis na wasiwas ng gunting ang ginawa niya. Halos maghiwalay ang kanyang kamay mula sa braso dahil sa laki ng hiwa. Nanginginig siyang napaupo at agad na nabitawan ang gunting.             Pero nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya maramdaman ang sakit, bagkus mas nagustuhan niya pa ito. Naaaliw siya habang nakikita ang napakaraming dugo na umaagos. May parte ng kanyang utak na gusto pang makakita ng dugo. Tila nasasabik siyang makakita ng dugo kasabay ang palahaw na pagsigaw ng mga nasasaktan.   ***               “MOMMY!” bulalas ni Stef pagkababa nito sa school bus mula sa school. Nakangiti naman itong sinalubong ni Jess na abala sa pagluluto ng merienda nang mga sandalling ‘yun. Hinalikan niya sa noo ang anak at kinuha ang bag nito upang makapagpahinga.             “Mommy, may star ulit ako,” saad ni Stef habang ipinapakita ang marka ng bituin na nakatatak sa kanyang kamay.             Ngumiti si Jess bago nagsalita. “Ang galing talaga ng baby ko. The best ka talaga sa school,” saad nito at saka hinalikan ang anak sa pisngi. Ginulo pa ni Jess ang buhok ng anak sa sobrang tuwa. “Oh, magbihis ka na muna para makapag-merienda ka na. Masarap itong niluto ko,” utos ni Jess sa anak.             Tumango naman si Stef dahil sa tuwa.             “Yes, mommy!” Mabilis na pumanaog pataas si Stef habang ipinagpatuloy naman ni Jess ang naudlot na pagluluto. Kasabay ng pag-akyat ni Stef ay ang pagpasok ng kanyang Daddy na si Luke.             “Nakauwi na ako,” bungad ni Luke. Lumapit naman ito sa asawa at binigyan ng halik.             “Sakto lang pala ang pagdating mo. Kararating lang din ni Stef. Nag-merienda ka na ba? Hintayin mo na lang ito dahil malapit na rin ako matapos sa niluluto ko,” aniya sa asawa.             “Hon, wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni Luke sa abalang si Jess at ipinatong ang suot na coat sa upuan.             Umiling naman si Jess. “Hindi ‘ata ako kailangan ni Direk doon ngayon. Saka nagsabi na rin naman ako na hindi ako papasok ngayon. Wala rin naman kasing gagawin kaya hindi na rin ako nagbalak pumasok,” paliwanag niya.             “Ganoon ba?” anito at saka inilapag ang bag sa sofa. “Oo nga pala. Sino pala ‘yong gaganap sa isinulat mo? Usap-usapan kasi ‘yan ngayon sa showbiz.”             Humarap si Jess sa asawa bago sinagot ang tanong. “Sa pagkakaalam ko si Alex Farr. In demand kasi siya ngayon kaya siya ang napili. Saka magaling din kasi ang pagganap niya sa Red Tape 1 kaya siya talaga ang inaasahan na gaganap ulit sa Red Tape 2,” kwento niya.             Lumapit si Luke sa asawa. “Pero siya ‘yong pumalit kay Celine, ‘di ba?”             Natigilan si Jess nang mga oras na iyon. Sa tuwing mababanggit kasi ang sinuman sa kanyang mga kaibigan ay parang bumabalik din ang bangungot niya, mahigit isang taon na ang nakararaan matapos mamatay nina Sam at Celine. Malaking sugat kasi ang naiwan ng kanyang nakaraan na ngayon ay pilit pa rin niyang ginagamot.             Nangunot naman ng noo si Luke dahil sa pagtataka. “May problema ba? May nasabi ba akong mali?”             “W-wala. Wala ito. Ikaw talaga,” pagsisinungaling niya at saka iniiwas ang mata. “Tapos na pala itong niluluto ko. Magbihis ka na muna para makakain. Ihahanda ko na rin ito.”             “Sige. Gutom na rin ako, e.” Sumunod naman si Luke at kinuha ang bag para dalhin sa kanilang kwarto.             Habang inaayos ang hapag, narinig ni Jess na tumunog ang kanyang cellphone. Mula ang tawag na iyon kay Cassie. Nagtaka naman siya kung bakit tumatawag sa kanya ang kaibigan. Agad niyang kinuha ang cellphone at saka sinagot.             “Hello, Cassie,” bungad niya. Ramdam niya ang panginginig ng boses ni Cassie mula sa kabilang linya. Naramdaman niyang may hindi magandang sasabihin ang kaibigan. “A-anong mayroon? Ayos ka lang ba?”             “J-jess. P-pinatay s-si R-Rick. Patay na siya. W-wala na siya, Jess,” nanginginig nitong turan na tila anumang oras ay maluluha.             Naiyukom ni Jess ang kanyang mga kamay at pilit binubuka ang bibig para makapagsalita. Maging siya kasi ay nagulat sa natanggap na balita. “S-sigurado ka ba? Paano mo nalaman?”             “Oo, sigurado ako. Nalaman ko sa balita kamakailan lang,” sagot nito.             Panandaliang tumahimik ang kanilang pag-uusap. Kapwa sila nakikipagramdaman. Wala ni isa sa kanila ang gustong sabihin ang nasa isip nila. Ayaw nilang takutin ang kanilang mga sarili sa mga posibilidad na kaakibat nang pagkamatay ni Rick.             Ilang saglit lang, si Cassie na ang bumasag ng katahimikang iyon nang biglang magsalita. “Sa tingin mo ba, walang kinalaman ‘to sa nakaraan natin?” tanong nito. Hindi pa rin maitatanggi ang takot na kanilang nararamdaman. Parang bumabalik na naman ang nakaraan.             Bahagya siyang tumawa upang pakalmahin ang sarili. “H-hindi ko alam. Baka hindi. Baka nagkataon lang ang lahat. S-saka isang taon na ang nakalilipas. Paniguradong iba ang dahilan kung bakit pinatay si Rick, hindi ba?” pagpupumilit ni Jess upang paniwalain ang kanyang sarili.              Kahit na gusto niyang paniwalaan na nagkataon lang ang lahat, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan na si Rick ‘yon na naging parte ng kanilang nakaraan. Ang taong naging kaugnay ng dati nilang kaibigan.             Hindi niya namalayang naluha na pala siya dahil sa takot. “Pero kailangan pa rin nating mag-ingat. Hindi pa rin natin masasabi kahit na alam nating patay na si Sarah… mayroon pa ring mga tao ang maaaring gumawa nito para sa kanya,” babala ni Cassie sa kaibigan.             Tila nawasak ang masasayang araw ni Jess. Ang akala niya na ligtas na siya ay hindi pa pala. Kailangan niya muling mag-ingat dahil maaaring bukas ay siya ring huling araw niya. Tila nagsisimula na naman sila. Isang bangungot na naman ang nabubuo at sa bangungot na ‘yun, hindi nila alam kung sila pa ang bida.             “Mag-iingat ka rin, Cassie. Tatawagan kita kung may napansin akong kakaiba,” paalala niya. Matapos ‘yon ay ibinaba na niya ang cellphone. Natulala siya nang ilang saglit at minabuting isipin ang magiging mga hakbang.             “Hindi pa namin alam kung may kinalaman kami roon. Hindi pa dapat ako magpaapekto. Baka naman tinakot ko na lang ang sarili ko para sa wala,” saad niya sa sarili.             Pinilit niyang gumuhit ng ngiti sa labi at isinaayos ang sarili upang hindi mapansin ng kanyang asawa’t anak. Kailangan niyang maging matatag sa mga ganitong sitwasyon. Sa tingin niya, nakaya niya noon kaya’t makakaya niya ulit sa pagkakataong ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD