Chapter 4 — Knight And Shinning Armor

2452 Words
"SASAMA ka ba sa kapatid mo pag-uwi, Azzaro?" "Hindi, Mama. Tutuloy ako sa Isla Verde." sagot niya sa kabilang linya. Pagdaong nila kaninang ala siyete sa batangas port ay sumakay ang lalaki sa yate. Balak mag sailing ng solo sa paligid ng isla. "At ano naman ang gagawin mo riyan, hijo? Maraming masangsang na babae riyan at baka matulad ka sa iyong ama-" "Hindi mangyayari iyon, Mama." bigay lubag niya sa nararamdaman ng ina. "Hay, hijo. Pasensiya ka na kung bakit ako nagkakaganito. I just miss you so much. You haven't been home for two months after your business trip to Washington." "But we talk over the phone, Mama." "Yeah, but it's not enough that I can only talk to you on the phone rather than being able to see and hug you, hijo. Ikaw ang panganay kong anak na lalaki at gusto kong lagi kitang nakikita at nakakasama." Azzaro scratched his forehead. At the age of thirty, his mother was still babysitting him. Kung minsan ay gusto niyang pagsabihan ang ina na wala dapat itong ipag-alala sa mga ginagawa niya. "I'm good, Mama. Nariyan naman si Laura, Luis Vladimir at si Julia." "There are busy, hijo. Si Laura ay minsan ko na lang nakakasama dahil nasa maynila siya't busy sa mga kaibigan at pamamalakad ng bagong pinatayong sariling negosyo. Si Julia naman ay laging may proyekto sa pag-aaral niya. At si Luis Vladimir ay isang napakalaking sakit sa ulo ko. Naturingan na pangalawang anak na lalaki ay puro bisyo lamang ang hinangad. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya, hijo." "Don't worry, Mama. Pag-uwi ko ay kakausapin ko si Luis Vladimir," "Hay, mabuti pa nga. Gusto ko na siyang tumino na at pag-aaral na lang ang atupagin. Ako ang nag-aalala para sa kinabukasan ng kapatid mo." wika nito na kaagad rin binago ang paksa. "Siya nga pala. Napaunlakan ako ni Mr. at Mrs. Guzman na dumalaw sa kanilang tahanan para pag-usapan ang tungkol sa inyong dalawa ni Shally." hayag nito na ikinakunot ng noo ni Azzaro. "Stop talking to the Guzman family, Mama." "At bakit naman, hijo? Hindi ba't kayo ay nagkakamabutihan na ni Shally? Another thing is that I want her for you. Bukod kay Antonia na busy sa pagiging doktor nito." Hindi pinansin ni Azzaro ang sinabi ng ina. Wala ang diwa tungkol sa dalawang babaeng nabanggit. Nang hinayon ng tingin ang dagat ay natanaw na niya ang isla. "Ibababa ko na ang linya, Mama. Pawala na rin naman ang signal. Let's just talk when I come back, okay?" aniya. Tutol man na sumang-ayon ang ina ay hindi na pinahaba pa ni Azzaro ang usapin at kaagad na ibinaba ang cellphone. At gamit ang maliit na teleskopyo ay ginawa niyang panghayon iyon para makita sa mas malapitan ang isla. Sa itaas ng burol ay natanaw niya ang isang malaking lighthouse. Doon nagkaroon ng interest ang binata. Iyon ang nais unang puntahan sa pagkakataong makadaong ang yateng sinasakyan. Nang huling punta niya roon ay tatlong taon na ang nakalilipas. And he will never forget what was the reason he went there. While the telescope was pointed at the top of the lighthouse, a woman came out. Mahaba ang buhok at tanging bulaklakin na kulay dilaw na duster ang suot nito. Ngunit hindi masiyadong makita ang mukha nang nakitang babae. Pero sa hinuha ay may hinihintay ito roong dumating. A beautiful smile flashed on his lips. Is she waiting for her lover? Uso pa ba sa panahon ngayon ang patagong pagtatagpo ng dalawang taong nag-iibigan? Well, kung sino man ang hadlang sa relasyon ng mga ito ay sana'y matuldukan na. Sa pagkakatunghay niya sa babae mula sa itaas ng lighthouse ay yakap mula sa likod ang umagaw sa atensiyon ni Azzaro. "Hi, babe!" "Shally?" aniya nang makilala ang babae. She wears a black triangle bikini topped with a white loose skirt. His eyebrows furrowed as he faces the woman "Ano'ng ginagawa mo rito?" Natawa si Shally sa naging reaksyon ng lalaki. Pumaloob ito sa bisig niya. "Bakit? Ayaw mo bang makasama ako? I can entertain you here. At saka, alam mo bang kanina pa ako naghihintay sa silid ng yate mo, hmm?" malanding wika nito. Gamit ang hintuturo. Pinagapang ni Shally iyon sa matipuno at mabalahibong dibdib ng lalaki pababa sa tiyan. Sabay simsim sa dala nitong alak sa wine glass habang ang mga mata ay malagkit na tumitig sa lalaki na hindi kakabakasan ng tuwa. The woman smiled. She really likes the man's grumpiness. Her mouth rose close to his ear and whispered softly. "I know what you feel right now, Azzaro. After rejecting me on your sister's birthday. Alam kong hindi mo pa rin kayang labanan ang isang tuksong tulad ko sa iyo." Shally kissed the man's cheek down to his neck while gently rubbing his chest. Azzaro breathed heavily. Pinipilit tumino ang katinuan. Alam niyang inaakit siya ni Shally ng mga oras na iyon. At habang naroon ito ay sinisira nito ang momentum niya na sana'y makapag-isip-isip tungkol sa pinag-usapan nila ng matalik na kaibigang si Steven. Pero dahil sa wala na siyang amor na makipag-ugnayan pa sa babaeng si Shally ay wala sa antisipasyon na inalis niya ang kamay ng dalaga at pagkaka-akbay rito ngunit hindi ito nagpapigil. He sighed patiently. "Bakit mo ba ako sinusundan hanggang dito, Shally?" hindi mapigilang tanong ni Azzaro. "Hindi ba't tinapos ko na ang anumang namamagitan sa atin?" The woman pouted. "I know, at hindi ako makakapayag. Naanunsiyo ko na sa mga tao kagabi sa kaarawan ni Laura at kay Tita Violeta ang tungkol sa pagpapakasal natin." "Inagawan mo ng spotlight kagabi si Laura sa kaarawan niya. And I'm not condoning that. Nakausap ko na ang iilang bisita roon at sinabi kong hindi totoo ang mga pinapakalap mong balita." "I know, but Laura also wants me to be part of your family and that is to be your wife, Azzaro. And I know you'll need me on your voyage. At sa nakikita ko sa 'yo ngayon, you cannot deny that you wanted me as hot as hell," she continued in a seductive way. While her hand rubs his neck to tease the man. Hinapit ni Azzaro ang babae sa bewang. He could not refuse her. Whatever he does to avoid temptation. He still needs her to fill his intense heat. "You're such a naughty b***h," he said. Shally let out a soft giggle. "Am I?" Tumango ang lalaki na ikinatawa lalo ng babae. "Hmm, it's because. . . I am just the only one who can give you what you need, Azzaro?" Kasabay ang pag-angat nito ng labi na sinalubong naman ni Azzaro ng marubdob na halik. Sa isip ni Azzaro, ayaw niyang saktan ang damdamin at paasahin pa ang babae subalit mahirap tanggihan ang binhi na lumalapit sa manok. BUMUNTONG HININGA si Loela nang lagpas alas-otso na ay hindi pa rin dumadating ang nobyo niyang si Alvin sa tagpuan nila sa lighthouse. Wala siyang kahit na anong relo para tingnan ang oras. Tinantiya lang niya ang pag-alis sa bahay at ang biyahe mula roon. At tingin niya'y saktong oras lamang ang kanyang pagdating. Muling napabuntong hininga si Loela. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya iyon ginawa. Nababagot na itinukod na lang ng dalaga ang braso sa railings at hinayon ang karagatan. Hindi kalayuan ay may natanaw siya na isang sailboat yacht na mabagal ang takbo. Tingin niya'y turista lamang iyon na naligaw. Sa katunayan ay tago ang isla at walang masiyadong dumadalaw na turista. It was a hidden gem paradise. Kaunti lang ang nakakaalam at karamihan ay mga karatig bayan lang nagtutungo roon. Sa kanyang lunod na paghayon sa karagatan. Halik sa leeg at yakap mula sa kanyang likuran ang ikinagulat niya. "Hinihintay mo ba ako?" Kaagad na lumayo si Loela nang mapagsino ang boses na iyon. "Dindo?" Ngumisi ang lalaki. "Ako nga, pero bakit tila ka nakakita riyan ng multo? Hindi mo ba ako inaasahan na darating?" tanong nito. Loela stared at him in confusion. "N-nasaan si Alvin? Siya ang inaasahan kong darating ngayon para makausap." aniya sa lalaki. Ito ang kapatid ni Alvin at hindi ito ang inaasahan niyang darating doon. Matagal na siyang sinabihan ng nobyo na lumayo sa lalaking ito na kanyang sinusunod. "Wala na si Alvin kaya kalimutan mo na siya." Nabigla ang dalaga sa winika ng lalaki. Lalong kumunot ang gatla sa noo. "Ano ang ibig mong sabihin, Dindo?" "Hindi mo pa ba alam? Buntis ang kaibigan mong si Lupe at ang ama ay walang iba kundi ang magaling kong kapatid na si Alvin. Hindi siya makakapunta ngayon dahil nasa tahanan siya nila Aling Flora upang mamanhikan para pag-usapan ang tungkol sa kasal." pagsasalaysay nito na ikinalambot ng tuhod niya dahil sa mga nalaman. Bagaman kung hindi kaagad siya nakakapit sa railings ay tiyak na mawawalan siya ng panimbang. "Kalimutan mo na si Alvin, Loela. Narito naman ako." wika ng lalaki na may pagnanasang pinasadahan ang kabuoan niya. Sa panggigil ay hinawakan nito ang kanayang balikat at marahang pinisil na mabilis niyang ikinalayo. Napalunok si Loela. Kaagad na-alerto sa nakakagambalang katauhan ni Dindo. Kitang-kita sa malalim na mga mata nito ang pagnanasang hangarin siya. Kaysa isipin at lunurin ang sakit sa nalaman tungkol sa nobyo at kay Lupe ay nangibabaw ang takot at pangamba niya ngayon sa kanyang dibdib. She calm herself. Pinilit maging matapang sa paningin ng lalaki. Pagkatapos ay walang salitang nilagpasan ito ng lakad. Ngunit bigla rin ang pagharang ng lalaki sa daraanan niya. Marahas na hinawakan nito ang kanyang braso at walang sabi-sabing hinalikan ang leeg niya. "Dindo, ano ba!" puno ng panghihilakbot na singhal ni Loela. Pilit inilalayo ang mukha dahil sa mabahong sigarilyo at alak na naamoy mula sa hininga nito. "Puwede ba, Loela. Pagbigyan mo na ko. Matagal na kitang gustong tikman. Kaso laging nakaantabay ang matanda mong tiyahin o' 'di kaya ang magaling kong kapatid na si Alvin na sinayang ang tulad mong masarap na putahe. Kaya itigil mo ang pagpapanggap na birhen dahil alam kong magugustuhan mo naman ang gagawin natin." Inabot ng lalaki ang labi niya ngunit dahil sa naiwas niya ang mukha ay sa leeg niya tumama ang labi nito. Doon ay nagpakasasa si Dindo. Sa pandidiring nararamdaman at panghahabas na pagsamantalahan siya'y kaagad niyang iniangat ang paa upang sipain ang gitna sa pagitan nito. Napaigik ang lalaki sa sakit dahilan para lumuwag ang hawak nito sa kanya. Kaagad tinakbo ni Loela ang palabas ng lighthouse. Sa mataas na pabilog na hagdan ay madaling bumaba ang dalaga. She was halfway there when she heard footsteps from upstairs. Sanhi na nasa maayos na kalagayan ang lalaking si Dindo. "Tumakbo ka man ay hindi mo ako matatakasan, Loela!" sigaw nito na nag-echo sa loob ng lighthouse. Sa nararamdamang kaba at matinding hingal ay binilisan pa niya ang pagbaba hanggang sa makalabas. Ngunit sa paglabas niya'y iyon rin ang pagharang ng isang lalaki. Nang umiwas siya rito'y may dalawa pang malaking lalaki ang lumabas sa ibayo ang nagpatigil sa kanya. Pinagpasa-pasahan siya ng mga ito. Tulad ni Dindo ay may panghahangad rin ang mga tingin nito sa kanya. Kasabay ang pagbaba ng lalaking si Dindo sa bukana ng lighthouse. Galit na lumapit ito sa dalaga at marahas na dinaklot ang buhok niya. Nasaktan siya sa ginawa nito. "Akala mo ba ay matatakasan mo 'ko, Loela? Hinding-hindi mangyayari iyon dahil ngayon ay pagsasawaan namin ng mga kaibigan ko iyang katawan mo. Papatayin ka namin sa sarap, gusto mo ba iyon?" he said with a silly smile on his lips na ikinatawa ng mga alipores nito. "Mga bastos kayo!" matapang niyang sabi sabay kagat sa kamay ng isa sa mga humawak sa kanya. Namilipit ang taong iyon sa ginawa niya at galit siyang pinakatitigan. "You shameless woman!" Itinaas nito ang kamay upang saktan siya nang pigilan ito ni Dindo. "Huwag, Fidel. Mas maganda kung nagmamatapang siya may excitement. At siguradong mae-enjoy nating lahat ang nobya ng magaling kong kapatid." Hinawi ni Dindo ang hibla ng mga buhok na tumabing sa mukha niya. "Pakawalan ninyo ako!" she ordered sternly while holding back her tears. "Shhh . . . huwag ka munang umiyak, baby girl. Pakakawalan ka rin namin kapag natapos na kami sa 'yo. Sa ngayon ako muna ang mauunang magpakasasa sa 'yo." wika nito at muli nitong hinagkan ang leeg niya. "Huwag, pakiusap!" piglas niya. "Huwag ka ng mapumiglas, kami ang bahala sa 'yo." Ngunit nanatili siyang nanlaban. Hanggang sa kaya niyang lumaban ay lalaban siya hanggang mamatay. Hindi niya gustong masaksihan ang pambababoy ng mga ito sa kanyang katawan. Malakas napaigik si Loela nang isang solid na suntok sa tiyan ang ibinigay sa kanya ni Dindo. Tuluyan nanghina ang dalaga at bumagsak sa lupa. Napatitig siya sa kalangitan nang walang kalaban-laban. Malabong may tumulong sa kanya sa lugar na iyon, ngunit nanampalataya pa rin siya. Naalala ang sinabi noon ng kanyang Nanang Panchita. Na ang impossible ay magiging posible basta't manalangin lamang sa diyos ay kanyang ibibigay. Gumapang ang isang kamay ni Dindo sa buo niyang katawan at naramdaman ang dila nito na pumasada sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata niya. Babae siya't mga demonyo ang nakapaligid sa kanya. Malabong makatakas siya. Umaasa na lamang na may magliligtas sa kanya sa ganoong kalagayan. Dahil sa duster lamang ang suot ay malayang pumaloob ang magaspang na kamay ni Dindo sa makinis niyang binti paakyat. At bago pa maisakatuparan ng lalaki ang hangarin ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa islang iyon. "Naku, nalintikan na tayo, Dindo!" wika ng kaibigan ng lalaki na tinanaw ang pinagmulan ng putok ng baril. "Mukhang nanggagaling iyon sa papadaong na yate. At hindi tayo makakalaban kung wala tayong kahit anong armas." "Punyemas, kung minamalas ka nga naman?" anas ni Dindo na umalis sa nanghihinang katauhan ng dalaga. Nang magpaputok muli ng baril ang taong nasa sailboat na ngayo'y nakadaong na sa dalampasigan ay saka gumalaw ang mga kasama ni Dindo para tumakas. Natatakot sa anumang mangyayari. "Dindo, halika na! Iwan mo na ang babaeng iyan." Tumango si Dindo. Pagkatapos ay binalingan ang kawawang babae. "Babalikan kita, Loela. Huwag na huwag ka lang magsusumbong sa mga awtoridad. Lalo na sa kapatid kong si Alvin. Siguradong may mangyayaring masama sa pamilya mo." banta nito. Nang tawagin muli ito ng mga kasamahan ay kaagad na itong tumalilis ng takbo paalis. Sa tagpong iyon walang ideya ang dalaga kung ano ang nangyayari. Nanghihinang nakatitig lamang siya sa kalangitan habang dahan-dahang sumasara ang talukap ng kanyang mata. At sa nanlalabong paningin, isang lalaki ang dinaluhan siya. Hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit batid niyang iyon ang nagligtas sa kanya. "Miss!" rinig niyang tawag nito sa kanya bago siya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD