KAAGAD ang pagsilay ng matamis na ngiti ni Loela nang matanaw ang kaibigan sa pantalan. Kumaway ito sa kinaroroonan nila bagay na tinugunan niya rin ng pagkaway.
"Por dios por santo! Aba'y magdahan-dahan ka, Loela. Para kang hindi dalaga na 'di mapirmi. Baka tumaob itong basnig nang hindi pa tayo nakakadaong sa pantalan," saway ni Suling sa pamangkin. Bakas ang alibadbad sa mukha nito habang ang mga mata’y pinanlilisikan siya ng tingin.
She winced. Ang masayang mukha’y agad napalitan ng hiya. Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang tiyahin. “Sorry po, Tiyang," sagot niya. Na bahagyang ibinaba ang tingin.
"Palagi ka na lang humihingi ng paumanhin, samantalang hindi mo itinatatak diyan sa kukote mo ang mga tagubilin ko sa 'yo. Hindi ka naman na bata para pagsabihan pa!" gagad pa nito na lalong ikinaliit ng dalaga.
"Tama na iyan, Suling. Pirme mo na lang pinapagalitan iyang pamangkin mo. Aba'y sabik lamang siyang makita ang kaibigan niyang si Lupe. At isa pa, minsan mo lang isama iyang si Loela sa bayan. Sino ba ang hindi magagalak?" buwelta ni Mang Ben sa Tiyang Suling niya. Ito ang nagmamaneho ng basnig nila mula Isla Verde patungong bayan.
"Pwede ba, Ben. Mawalang galang na. Hindi ikaw ang nagpapakain sa batang ito. Ako ang halos bumuno ng maraming taon para mapalaki ito ng maayos."
"Alam ko, ang punto ko lang, Suling. Sana naman ay bigyan mo ng kaunting kalayaan iyang pamangkin mo. Minsan lang makaluwas iyan ng bayan. Kaya hindi kataka-taka kung ang isang binibining tulad ni Loela ay pagkaguluhan ng mga lalaki iyan. Kasalanan mo pag nagkataon."
"Ano'ng sabi mo? Wala kang karapatan kung paano ko disiplinahin ang pamangkin ko!”
"Aba'y ayoko na makipag-away sa iyo. Maghanda na kayo at papadaong na tayo." pangungumbabang wika ni Mang Ben. At inalis ang tingin sa kanila. Dahil kahit anong paliwanag nito laban sa Tiya Suling niya’y hindi magpapatalo ang huli.
Kaagad ang paggaan ng dibdib ni Loela nang hindi niya narinig na kumontra pa ang Tiya niya.
Magmula ng mamatay ang Lolo Julio at Lola Panchita niya'y ang Tiya Suling na ang nag-alaga sa kanya. Isa itong biyuda at may isang anak na babae, si Krista. Sa Maynila ito nagtatrabaho at susunduin nila ng Tiya Suling niya sa pantalan. Isa itong Administrative Consultant sa pinapasukan nitong trabaho sa isang kumpanya sa Maynila. Dalawang taon na itong nagtatrabaho at wala pang dalawang buwan ay nakatanggap kaagad ito ng promotion sa malaking kumpanyang pinapasukan nito. Sa likod ng isip niya’y nakatutuwang isipin ang naabot ng pinsan.
Samantalang si Loela ay hindi natapos ang ikatlong taon niya sa kolehiyo. Sa kursong B.A. in Visual Arts and Photography, buhat sa pagkawala ng lolo't lola niya. Ang nais ng kanyang Tiya Suling ay tulungan niya ito sa negosyo nilang pag-aangkat ng mga isda sa bayan. Walang nagawa ang pobreng dalaga kung 'di sundin ang masungit na Tiyahin. Bukod roon ay istrikta rin ito pagdating sa mga lalaking lumalapit sa kanya. Lagi itong nakabakod. May lalapit lang sa kanya para magtanong ay nakamata na kaagad ito at lilitaw sa tabi niya.
Nang sapat na makadaong ang basnig sa pantalan ay inlalayan niya ang tiyahin sa pagbaba hanggang makaapak ang mga paa nila sa pantalan.
Ang excited na mukha ng kaibigan niyang si Lupe ay kaagad na sinalubong sila. "Loela!" natutuwang sambit nito sa pangalan niya. Kaagad niyang sinalubong ng yakap ang kaibigan. Sumilay ang matamis niyang ngiti.
"Long time no see!" natutuwa pa ring litanya ng kaibigan nang kumalas ito ng yakap sa kanya. Pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin. "Naku, napakaganda mo pa rin, Bestie! Tingnan mo ang mga kalalakihan dito sa bayan, sa iyo halos nakatingin," kinikilig na wika nito sa kanya.
Napangiti si Loela sa kaibigan. Nahihiyang inilibot ang paningin sa paligid. Mukhang tama nga ito dahil nakita niyang halos lahat ng mga kalalakihan na dumaraan ay sa kanya halos nakatingin. Kahit ang iba ay may mga bitbit na mga kaban ng isda ay tinatapunan siya ng tingin. She shyly tilted her head. She didn't want to be distracted by the people around her.
"Tingnan mo, Loela, oh! Ikaw ang law of attraction,"dagdag ni Lupe habang kinikilig. "Agaw pansin kasi ng makinis mong balat at kaputian mo, bestie. Lalo na ngayong nakaputi ka pa na bestida. Para kang si Virgin Mary.”
"Ehem!" agaw atensiyon ng Tiyang Suling niya sa kanilang dalawa ni Lupe. Ang abanikong pamaypay nito ay marahas na ipinapaypay sa sarili.
"Lupe! Huwag mong idamay sa pagiging makiri ang pamangkin ko, kung ayaw mong kausapin ko ang Nanay Flora mo!" saway nito sa dalagang si Lupe. Pagkatapos ay patianod itong naglakad sa kanila papuntang waiting shed upang hintayin ang darating na anak na si Kristal.
Paumanhin na tiningnan ni Loela ang kaibigan. "Pagpasensiyahan mo na ang Tiya Suling, Lupe."
"Hay naku, ano pa nga ba? Lagi ko naman pinagpapasensiyahan iyang Tiya Suling mo. Parang laging may buwanang dalaw kung kumausap ng tao. Laging negative ang dala. Sabagay, wala ng nagbibigay ng kulay ng mundo niya kaya ganyan. Sa madaling salita walang dilig," sunod-sunod na birada ng kaibigan habang nakanguso.
Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigang si Lupe sa mga sinabi nito. "Lupe!" saway niya rito ngunit lalo lamang humaba ang nguso nito.
She frowned. Wala na siyang magagawa dahil nasabi na nito ang salitang hindi angkop. "Kaya nga humihingi ako ng pasensiya sa 'yo, Lupe. Intindihin mo na lang si Tiya Suling. At saka malay natin, baka pagdating ni Kristal, eh magbago ang lahat."
Lupe made a face. "Malabo ang gusto mong mangyari, Loela. We can't actually tell that," walang kalatoy-latoy na wika ng matalik na kaibigan. "Alam mo, masamang damo iyang Tiya Suling mo. Kahit ano'ng ipakain mo riyan at kahit ibabad mo pa sa araw na nakatiwarik o ikulong 'yan kasama ang mga wild animals sa Zoo, ay naku! Ganoon at ganoon pa rin ang ugali niyan."
"Ano ka ba, Lupe. Kahit na ganoon ang Tiya Suling, mabait din naman siya. Nang mamatay ang Inang at Tatang ko ay siya na ang tumayong guardian ko. At isa pa, sila na lang ni Kristal ang natitirang pamilya ko," wika niya. Hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan. Mas mananaig sa kanya ang mabuti kaysa sa maling kaisipan.
Umikot ang mga mata ni Lupe sa sinabi niya. "Nagpapasalamat ka kahit tumigil ka sa pag-aaral?"
Doon napatigil si Loela. Dalagita pa lamang siya ay mahilig na siya sa magagandang tanawin kung kaya't nang magkolehiyo ay Visual Arts Photography ang kinuha niya. Alam niyang hindi praktikal ang nakuha niyang kurso pero may taong naniwala sa kanya para ipagpatuloy at sundin ang pangarap.
"Wow!" manghang ulat ng kinse-anyos na dalagitang si Loela nang isa-isang ipinapakita ni Don Eduardo sa kanya ang lahat ng kuhang litrato nito sa Isla Verde. Puno ng mangha at kislap ang mga mata ng batang si Loela sa bawat ipinapakitang litrato ng Don. Hindi niya alam kung paano nagkasya ang dagat at bundok sa maliit na aparato.
"Ano ang tawag rito?" inosenteng tanong ng dalagitang si Loela sa Don.
Tumawa nang malakas si Don Eduardo sa kanyang naging tanong. Nasisiyahan sa pagiging makuryusidad ng bata sa mga bagay-bagay. Ang dalawang matandang Julio at Panchita ay napangingiti na lamang sa kusina.
"Ku, tuwang-tuwa ang apo mo, Julio," nakangiting ani Panchita sa asawa na nagkakayod ng niyog habang ito ay hinuhugasan ang mga gulay sa lababo.
"Mabait talaga iyang si Don Eduardo, hindi natin masisisi kung bakit lahat ng mga taga-bayan ay gusto siyang tumakbo bilang Mayor ng ating kapunuan. Eh kaso ay wala yatang balak. Ang pamilya pa naman nila ang pinakamayaman sa buong San Fernando At hamak na na sa kanila itong isla."
"Ku, huwag nang ipilit ng mga tao na tatakbo pa iyang si Don Eduardo sa darating na halalan. Nagpapasalamat na lang ako dahil kung hindi sa anak natin ay hindi magiging bukas sa atin si Don Eduardo."
"Naku, ano pa nga ba ang masasabi ko? Wala na 'kong mahihiling. Kahit papaano ay naaalala tayo ng Don," sang-ayon ni Julio sa asawa. Pagkatapos ay napangiti na lamang nang muling marinig ang malakas na tawa ng Don mula sa sala.
"Ang tawag dito ay camera," sagot ni Eduardo sa dalagitang si Loela.
"Camera?" bigkas niya. Tumango si Eduardo. "Ano 'yon?" tanong muli ni Loela na siyang ikinatawa na naman ng Don.
Nangunot ang noo ni Loela sa inasal ng Don. Paslit pa lang siya'y ilang beses na itong dumadalaw sa Isla Verde upang makipaglaro sa kanya. Natigil lamang iyon nang lumipad ito ng America at doon ay namalagi ng ilang taon. At pagbalik ay nagulat na lamang ang Tatang Julio niya at Inang Panchita isang araw nang nasa pintuan nila ito. Mula noon ay wala ng palyang pumupunta roon ang Don sa tahanan nila. Nang tanungin niya ito ay, sabi pa ay may naalala raw ito sa katauhan niya. At ng tanungin niya iyon ay isang ngiti lamang ang itinugon.
"Ang ibig sabihin ng camera ay, ito 'yong kapag pumupunta ka sa iba't ibang lugar ay kukuhanan mo ng mga litrato ang magagandang tanawin para maging silbing alala. Katulad nito." Iminuwestra ang camera sa harapan niya pagkatapos ay may pinindot itong button roon.
At namangha na lang siya nang ipakita nito ang kuhang litrato. "Nasa loob ako ng camera!" aniya sa tuwang-tuwang tono.
Dahil doon ay muling tumawa ang Don at napabungisngis na lamang siya. Wala siyang alam sa mga bagay na moderno. Wala niyon sa Isla Verde kaya sa tuwing may nakikita siyang kakaibang bagay ay hindi niya mapigilan ang maging ma-usisa at alamin ang tungkol sa bagay na iyon.
"Gusto ko rin ng kamerang ganyan," wika nito.
Napangiti si Eduardo at pagkatapos ay ginulo ang buhok niya. "I have an extra camera, hija. Pagbalik ko ay ibibigay ko iyon sa 'yo. Sayang itong camera na ito dahil bigay lang sa 'kin ng asawa ko. Hahanapin niya ito 'pag nagkataon," anito. At sa pagbabalik nga nito sa isla verde ay tinupad nito ang ipinangako sa kanya.
Walang mapagsidlan ang tuwa niya ng mga panahong iyon. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa Don upang makapagpasalamat.
Nang maalala iyon sa pagitan nila ni Don Eduardo ay napangiti na lang si Loela. Ilang taon na rin ang nakalipas magmula ng mamatay ang Don. At ang buong bayan ay nagluksa sa pagkawala nito dahil wala ng malalapitan ang mga tao.
Humakbang siya upang sundan ang tiyahin sa waiting shed.
Kaagad siyang sinundan at sinabayan sa paglalakad ni Lupe. "Siya nga pala, nakausap ko si Alvin kaninang umaga bago ka dumating," marahan at mahinang banggit nito na kaagad ikinabigla ng dalaga. Ang tinutukoy ni Lupe ay ang magdadalawang taon na niyang nobyo. Anak ng isang alkalde o mayor ng bayan. Lihim ang pakikipagrelasyon nila ng binata sa Tiya Suling.
"Talaga?" she uttered kasabay ng pagliwanag ng mukha ni Loela.
Tumango si Lupe. "Ang sabi niya ay magkita kayo bukas ng alas-otso ng umaga sa white house. Mayroon siyang nais sabihing mahalaga sa iyo," anito.
"Sige, magpapaalam ako ng maaga kay Tiya Suling nang sa gayon ay hindi ako mapaghalataan na kikitain ko si Alvin kinabukasan," she said stilted. Pagkatapos ay may idinagdag. "Maraming salamat, Lupe. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ko alam kung paano ko makakausap si Alvin," she said soulfully.
Naiilang na ngumiti sa kanya si Lupe. "W-Wala 'yon, ano ka ba. Kaibigan mo ako, Loela. Kailanman ay hindi ko magagawang saktan ka," makahulugang wika nito. Ngumiti ito sa kanya subalit hindi iyon umabot sa mga mata niya. Nakita niya iyon subalit mas piniling isawalang bahala iyon.
"Tara na at baka magalit ang Tiya Suling," wika niya sa kaibigan subalit bigla itong nahilo at muntikan nang mawalan ng panimbang kung hindi niya lang ito kaagad naalalayan.
"Lupe, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan. Sapo-sapo nito ang ulo nang harapin siya. Nakita niyang namumutla ang mukha nito.
"Ayos lang ako, Loela. Napadadalas lang ang pagkahilo ko lalo na sa umaga pero bumubuti rin naman ako pagkalipas ng ilang minuto," wika nito.
Her forehead furrowed. Nakabuo kaagad siya ng konklusyon sa isipan niya subalit mahirap ang mag-isip ng hindi sigurado sa isang bagay. Kailanman wala siyang natatandaang may naging nobyo ito o may naikuwento man lang sa kanya ang matalik na kaibigan.
"Kung magpakonsulta ka kaya sa doktor? Sigurado akong malalaman kaagad ng doktor kung ano man ang nararamdaman mo sa katawan mo," suhestiyon na lamang niya.
Tumango ang kaibigan niya. "T-Tama ka, Loela. Marahil nga sigurong ang doktor lang ang makapagsasabi sa nararamdaman ko," litanya nito saka ngumiti. Pagkatapos ay inaya na siya nitong sundan ang Tiya Suling niya sa waiting shed. Bagaman inalalayan niya pa rin itong maglakad.
Lumipas ang ilang minuto, isang magarang pulang sasakyan ang tumigil sa harapan ng waiting shed. Mula sa pinto niyon ay lumabas ang matangkad at seksing babae sa suot nitong pulang dress na hapit na hapit sa katawan nito. At kung hindi pa nito tinanggal ang shades sa mukha nito ay hindi nila makikilala ng Tiya Suling niya na ang pinsan niya na pa lang si Kristal iyon.
"I'm back, my mother dear and my lovely cousin!" magarbong wika nito sa kanila.
Kaagad ang pagtayo ng Tiya Suling niya sa kinauupuan. "Susmaryosep, Kristal! Ano iyang suot mong babaita ka?" sumukot na ani ng Tiya Suling niya sa pinsan. Tila nakagigimbal at kahiya-hiya ang nakita nitong ayos ng anak.
Si Loela ay napangiwi sa inusal ng Tiya Suling niya. Sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap at beso-beso ng pinsan niyang si Kristal. Ganoon din ang ginawa nito sa kaibigan niyang si Lupe at huli sa ina nitong halos magkasalubong na ang kilay.
"This is the modern style, Ina. At isa pa, marami akong mga pasalubong sa inyo ni Loela. At s'yempre pati na ikaw," confident na sagot nito.
Halos hindi nila makilala si Kristal dahil sa koloreteng inilagay nito sa mukha. Tila naroon pa rin ang pagka-starstruck ng bawat isa. At ang klase ng pananalita nito ay malayong-malayo na sa pagiging mahinhin nito.
Nang bumalik sila sa pantalan hanggang sa sumakay sila sa basnig ay hindi pa rin mawala ang pagkakasalubong ng kilay ng kanyang Tiya Suling. Tila hindi nito matanggap ang buhay na kinasanayan ng anak nito sa Maynila. Hanggang makasalta sila sa Isla Verde ay hindi nagsasalita ang Tiya Suling. Tila mainit ang ulo nang pumasok sa kabahayan.
"Hay naku si Ina! Can't she accept that this is my new look?" diskumpiyadong linya ng pinsang si Kristal.
Ngumiti si Loela sa pinsan. "You look stunning, Kristal. Halos hindi kita makilala sa new look mo. Hayaan mo muna ang Tiya Suling, nasa state of shock pa siya," pampalubag niyang sabi sa pinsan.
Huminga nang malalim si Kristal. "I hope so, Loela," bagot na sagot nito nang biglang may maalala ito at bigla siyang nilapitan. "Siya nga pala, may hihingiin akong favor sa 'yo, Loela," wika nito.
"Ano iyon, Kristal?" she softly asked.
Wala sa antisipasyong ginagap nito ang kamay niya. "Maaari bang sa makalawa ay samahan mo ako sa tahanan ng mga Vera Luna?"
"V-Vera Luna?" ulit na tanong niya na tila iyon lang ang naintindihan niyang sinabi ng pinsan. She had no idea, but it seems like she have heard that before.
Wala sa sariling tumango si Kristal sa kanya. "Boss ko kasi si Ma'am Laura Vera Luna. Bago ako mag-take ng leave, she ordered me to bring the important papers to their house," paliwanag nito sa pormal na tinig.
"G-Ganoon ba? Sige, sasamahan kita," she said lightly as she let out a smile on her.
Kristal's face lit up as she looked at her. "Oh God! Thank you, Loela. Ikaw pa rin talaga ang nakilala kong inosenting bata" wika nito na ganoon na lamang ang pagpapasalamat sa kanya.
Natawa siya, "Wala iyon, Kristal," she answered humbly.
"Oh siya, halika na! Marami akong mga damit na pasalubong sa iyo, my dear cousin," excited na wika nito. Hindi niya alam kung bakit iba na ang personality ng babae na labis na nagpapagulo sa kanyang isipan pero talaga ngang malaki ang ipinagbago nito sa Maynila. Hindi lang sa pananamit kung 'di pati na rin sa pananalita at kilos. Loela smiled as she follows her gaze to Kristal.