“HUWAG PAKIUSAP!” umiiyak na nagising sa malalim na panaginip si Loela. She was violently gasping for breath while her forehead was sweating profusely. Napanaginipan niya ang karahasan na ginawa sa kanya sa kamay ni Dindo at mga kaibigan nito. Na hanggang sa kanyang panaginip ay hindi siya nito tinitigilan. Bumangon ang trauma niya nang maalala iyon. Nanatili ang matinding takot sa dibdib. Wala siyang nagawa kundi yakapin ang sarili. But she was stunned when she realize where she was. Inikot niya ang paningin sa paligid. She was in a cabin suit alone. Elegante at moderno ang mga kagamitan. Ang kulay sa wall, floor at ceiling ay bistre brown and white. Mula sa harapan niya’y nalipat ang tingin niya sa isang comfy chaise lounge na ang kulay ay caramel, katabi ang isang night stand at mini