Chapter 2

1567 Words
Three years later. . . "HEY!" ani Steven na napatabing bigla sa tuloy-tuloy na naglalakad at nakasimangot na si Shally. Kung hindi umiwas ang lalaki ay tiyak na magkakabungguan ang dalawa. Nagtatakang sinundan ng tingin ni Steven ang socialite model patungo sa itaas ng upper deck ng yate kung saan naroroon ang mga kilala at piling panauhin na pawang nabibilang sa alta sosyodad. It was Laura's twenty-fourth birthday at ginanap ang selebrasyon sa yate ni Azzaro. Nang mawala sa paningin ni Steven si Shally ay iiling-iling at nakalolokong sinulyapan nito ang matalik na kaibigang nakatalikod na nasa railings at nakatanaw sa malawak na karagatan. Sa kamay nito ay hawak ang kopita na may lamang white wine. Steven took a step to the upper deck, kung saan naroroon ang dalawang stainless lounging chair at isang mesa na yari sa fiberglass. Sa ibabaw niyon ay ang bote ng Chardonnay. Sinalinan nito ng alak ang walang laman na kopita. "Having a terrible day for your sister's birthday, huh," sulot ni Steven sa kaibigan. Nagpakawala ng malalim na hininga si Azzaro. At mula sa mesa ay inabot niya ang vaporizer cigarette. Pagkabalik niya sa railings, he began sniffing the device before letting out a cloud of smoke. "Alam ba ni Antonia na hindi ka pa tumitigil sa paninigarilyo?" Ang tinutukoy nito ay ang nobya niyang Amerikanang nasa Greece para dumalo sa isang Neurology Seminar. "Alam mo naman iyon, masyadong conservative pagdating sa 'yo. Daig pa ang Tita Violeta sa pag-alalala sa 'yo." "Nah... Antonia was powerless to stop me from doing whatever I wanted. But she has the potential to be my superior in bed." His mouth suddenly curved in a crafty smile and then puffed the cigarette vape to blow the smoke heavenward. "But seriously, even my mother could do nothing to stop me." "But, what was that all about? Ano iyong nakita ko kanina lang? And can we have a reconciliation bago tayo dumaong sa Maynila, pare. Tama akong isa na naman sa anak ni eva ang pinaiyak mo," interesadong patuloy ni Steven. Tahimik na natawa ang lalaking si Azzaro. Sinuklay ang buhok patalikod. Ang tinutukoy nito ay ang babae kaninang si Shally. "Yeah, a desperately one. Gusto niyang i-anunsiyo ko ang engagement namin sa mga bisita ngayon... " "I expected that too and Antonia will be angry with you riyan sa ginawa mo, pare. Pinagsasabay mo ang dalawang babae. At hindi ko rin kaila na ipinamalita ni Laura sa lahat na pinag-usapan na ninyo ang kasal ni Shally. At kung hindi tayo matalik na magkaibigan ay hindi ako maniniwala sa 'yo," his voice sounded amuse. The corner of his mouth upward in a sarcastic smile. "Those women are just demanding. Lumalagpas na sila sa pinagkasunduan namin na 'No String Attached'. That it's just for pleasure, we enjoy and give to each other." "You really get all the women on their knees, Azzaro. You truly is a ladies' man, pare," hindi makapaniwalang litanya nito pagkatapos ay nagpatuloy. "Bakit hindi ka na lang kaya talaga mag-asawa? Panindigan mo na kung wala naman pala sa dalawang babae ang makakasama mo habang buhay," wika nito. Ang amusement sa mukha ni Azzaro ay biglang naging seryoso. Biglang lumitaw sa isip niya ang magandang dalaga na nakilala niya nang makausap niya ang dalawang matanda sa Isla Verde tatlong taon na ang nakalilipas. Hinding-hindi niya makalilimutan ang magandang mukha ng babaeng iyon na siyang tumatak na marahil sa isip niya. The innocent face, the young body, her smile, and her long wavy hair. Oh God! He cannot forget her. Para itong panaginip na tumutuligsa sa isipan niya tuwing gabi. Bagay na hindi maalis at mawaglit sa isipan ni Azzaro sa ilang mga taon na dumaan. Lihim niya itong hinahangaan. Bagaman kaakibat roon ang matinding galit niya, dahil ito ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila. In animosity, his jaw clenched. Steven smirked. "Hindi mo na ako sinagot?" wika nito nang mapansing malalim ang iniisip niya. "Ano'ng pumapasok sa isip mo? Mayro'n ka na bang naisip kung sino ang babaeng maaari mong mapangasawa?" muling tanong nito. Muntikan nang matawa si Azzaro. "Hindi ganoon kadaling maghanap ng babaeng mapapangasawa, Steven." "Why not? Maraming babae ang nagkakandarapa sa isang Azzaro Vera Luna. Isang tanyag na businessman man, mayaman, at kinahuhumalingan ng lahat ng mga babae," pagmamalaking litanya nito. Napailing-iling si Azzaro sa inasal ng matalik na kaibigan, wala sa antisipasyong inubos niya ang laman ng kopita pagkatapos ay tinanaw ang malawak at madilim na karagatan. Sa dako roon ay parang mga alitaptap ang mga ilaw. Hindi sila nagpakalayo sa Subic shore. Pagkatapos ay seryoso niyang tiningnan ang kaibigan. Blangkong ekspresyon ang ibinigay niya rito. "Wala akong balak mag-asawa, Steven. Sa panahon ngayon, mahirap nang makakilala ng matinong babae. At tulad din ng ibang babae na nakilala ko, it was obvious that they wanted to marry me just for my money." "Eh, ang magkaanak? Hindi ba pumasok sa isipan mo iyon? Hindi tayo nagkaka-edad nang paurong, pare. You are already thirty and you should find a woman that looks presentable and simple." "Teka, bakit parang..." Steven smiled sheepishly. "Alam mo, pare. Bago ko makilala si Jolie, biglang nagbago ang buhay ko. Hindi na ako tumitingin sa ibang babae sa tuwing may mga sexy at magaganda na lumalapit sa 'kin." "Because you're under." "Hindi naman sa ganoon, pare. It is because I love her with all my heart. Parte na si Jolie ng buhay ko na ayokong mawala," he said soulfully. Kislap sa mga mata ang nakita ni Azzaro sa matalik na kaibigan. "Corny mo," he uttered. Nahihiwagaan sa pinagsasabi ng matalik na kaibigan. "Wala akong problema kay Antonia o 'di kaya kay Shally, pare. Pero kung kayamanan lang din, you have more than enough. Galing sa maalwan na ang dalawang babae. Hindi mababawasan ang pera mo kung saka-sakali. You wouldn't know na pera lang ang habol ng dalawang babae sa 'yo." "Well, I could be so sure about that too," he abruptly said. Napailing si Steven. "Maraming babae ang nakakarandapa sa 'yo at-" "Well, that could be a big joke. I am allowed to marry a woman of my choice..." wika niya sa nanunuyang tono, dinidistansiya ang bawat salita. "Kailangan kong panatilihin ang tradisyon ng mga Vera Luna, and that woman must be a virgin. Na kahit galing man sa mahirap na pamilya ay galing naman siya sa mabuti at matinong pamilya." "Good, matutuwa ang Papa Eduardo mo sa itaas." Suportadong tinapik siya nito sa balikat. Ang mukha ni Azzaro ay tumiim. "Which made me a complete fool!" he said sarcastically. Ang mga panga ay nagtagis sa umusbong na galit sa ama. "Why? Hindi ba dapat ay pasalamatan mo ang papa mo sa pagtutol sa lahat ng naging karelasyon mo noon? Napatunayan mong hindi sila ang babaeng para sa 'yo." Hindi siya makasagot at pinagmasdan lamang siya ng kaibigan. He is thirty years old, dalawang taon ang agwat sa kanya. So imposing and so handsome. Ang Hawaiian shirt nito na nakabukas lahat ang butones ay inililipad ng hangin, showing a pectoral muscled chest. Ganoon din ang alon-alon at maiitim nitong buhok na umaabot na sa collar ng shirt. And he wasn't just a good-looking man, but also, very rich. "Hindi ko maintindihan kung sumpa ba or suwerte ang pagpapala ng kayamanang tinatamasa ko, pare," wika niya sa nanunuyang tono makalipas ang ilang segundo. "Huwag mong hayaan ang masamang karanasan mo sa babae ang maging dahilan upang hindi ka lumigaya," wika nito kasabay ng pagbuntong hininga. "Mukhang may man to man talk na nangyayari, ah." Mula sa likuran nila ay nilingon ng dalawang lalaki ang babaeng si Jolie. Kaagad kumislap ang mukha ni Steven nang makita ang girlfriend. Agad ang pagsalubong nito. Si Azzaro naman ay tipid na tinanguan ang nakangiting babaeng palapit sa kanila. "Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" "Nothing, sweetie. Binibigyan ko lang ng payo ang matalik kong kaibigan," wika ni Steven habang nakatingin sa malamig na mukha ng lalaki. Tumango naman si Jolie na tila naiintindihan ang sinasabi ng nobyo. Pagkatapos ay hinarap si Azzaro. "By the way, Azzaro. Tama ba akong ikakasal na kayo ni Shally?" tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo. "I thought Antonia was your current girlfriend?" Ang dalawang lalaki ay muntikan nang matawa sa naging tanong ng babae dahilan para mainis si Jolie. Natatawang hinarap ni Steven ang nobya. "That was fake news, sweetheart. Alam mo naman iyan si Azzaro, para lang nagpapalit ng damit kung magpalit ng babae. Matinik iyan sa mga babae," makahulugang litanya nito. Jolie was amazed at what was coming out of her boyfriend's mouth. "At iyon ba ang pinag-uusapan ninyo? Tungkol na naman sa babae?" nameywang si Jolie. Naningkit ang mga mata sa nobyo. Pagkatapos ay walang salitang tumalikod. "Hey babe, I can explain,” nagsusumanong hinabol ni Steven ang nobya na papasok sa loob ng yate. Naiwang mag-isang tumatawa at napailing-iling si Azzaro. Tinanaw ang madilim na karagatan. Muling lumitaw sa isip niya ang inosente at magandang dalaga na nasilayan niya lamang tatlong taon na ang nakalipas. His eyes narrowed as he leaned his arms against the railings and looked out over the dark and vast ocean. Then, he let out a soft breath. Ilang taon na rin ang nakalipas magmula nang makausap niya ang dalawang matanda sa Isla Verde. Their agreement cannot be abruptly broken. He was already sealing that woman to him. "Loela Robles. . ." pagkakatanda niya sa pangalan nito nang makilala ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD