Chapter 1

1583 Words
"MAHABANG panahon na ang ibinigay sa inyo ni Eduardo Vera Luna, Mr. and Mrs. Robles," mahinahong wika ni Azzaro. Bagaman seryoso at malamig ang pakikitungo sa dalawang matandang kaharap ay hindi maalis sa isip kung bakit personal siyang dumalaw sa mga ito. Maaari namang sa isang abogado na lang niya ipinagkatiwala ang tungkol sa naiwang mga legal matters ng ama, subalit naroon siya dahil personal na naisin. Kung 'di dahil sa sinabi ng kanyang ina na naririto ang mistress ng kanyang yumaong ama. At apo iyon ng dalawang matandang nakatira sa naturang isla. Kung dito man itinatago ni Don Eduardo ang kabit nito ay sisiguruhin ni Azzaro na hindi na muling makatutungtong pa ito sa isla. Labis na ang paghihinagpis ng kanyang ina na si Señora Violeta. At nais ni Azzaro na bumawi sa kanyang ina na puksain ang mga taong sanhi ng pagluluksa nito. "Why are you crying, Mama?" takang tanong ni Azzaro nang minsang dumating siya galing sa trabaho at nadatnan itong umiiyak habang nagpapakalulong sa alak. "This is so heartbreaking, hijo. Your father is cheating on us. Nambabae siya ng hindi ko nalalaman no'ng nabubuhay pa siya." "What do you mean? And please. Too much wine isn't good for you, mama. Give me that. You're already drunk." aniya. Inagaw sa ina ang hawak na kopita nito at inilapag sa mesa. "I'm getting drunk because of your sinful father. Labis ang pamimighati ko sa pagkamatay niya pero heto binigyan niya lang ako ng sakit sa puso. May the Lord forgive me for what I say. Pero ang kawalang hiyaang ginawa niya'y dapat lang na mamatay siya. Halos apo o anak na niya ang kabit niya. I can't believe na magagawa ito sa akin ni Eduardo. He has no heart. Kung hindi ko pa tiningnan isa-isa ang album niya sa office ay hindi ko makikita ang pagmumukha ng kabit ng papa mo," nagdadalamhating iyak ni Señora Violeta. Mula sa mesa ng sala ay kinuha nito ang litrato sa album, at ibinigay sa kanya. Inisa-isa iyon ni Azzaro. Nakikita niya'y isang dalagitang kasama ang sariling ama. Maamo ang mukha ng babae. But behind her innocent face, he could sense na hindi na ito ganoon. Halos kasing edad ito ng kapatid niyang si Julia. At sa tingin niya'y nabihag ng ganda nito ang ama dahil sa galing nitong pumikot at mang-akit. Azzaro's jaw clenched. Hindi maisip ang ginawang kahangalan ng ama sa kanyang ina. "Batid kong itinatago ng iyong papa ang babaeng iyan sa isla verde, hijo. And I want you to go to that island and get rid of that wh*re!" Naalalang sabi ng ina. Sariwa pa ang pinag-usapan nila at ang mga iilang litratong ipinakita nito sa kanya. However, he isn't even aware of how beautiful the island is. The beach were broad and magnificent. Purong puti at pinong-pino ang buhangin. Kulay bughaw at mala-crystal ang dagat dahil sa tumatamang araw niyon sa tubig. At hindi na naitanong ni Azzaro sa ama kung bakit sa kanya ipinamana ang buong isla verde. Namatay si Eduardo Vera Luna, na kanyang ama, sa edad na singkuwenta'y singko sa sakit nitong prostate cancer. Nasa Canada siya nang mangyari iyon dahil may importante siyang iko-close na deal sa bagong negotiation between their company to another. At pagkatapos lamang ng dalawang araw ay inasikaso na niya kaagad ang pag-uwi sa Pilipinas. "At hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng aking ama ay napagbigyan niya kayo, Mr. and Mrs. Robles. Ngayon din ay kailangang magbayad na kayo," patuloy niya sa nanggigipit na paraan. Nagkatinginan ang dalawang matandang mag-asawang sina Julio at Panchita. Natatakot sila sa panganay na anak ni Eduardo Vera Luna. Dumating ito kanina sakay ang yate nito. Marami itong dalang mga tauhan na nagkalat sa paligid ng kanilang kabahayan hanggang bakuran. Mukhang mga professional ang mga lalaking nakapalibot ngayon sa kanilang tahanan dahil sa suot ng mga ito na formal suit. Malalaki rin ang mga katawang tila bouncer sa club, at may mga nakalagay na earpiece sa tenga na konektado sa bawat isa. Ngunit mas nanaig ang takot ng dalawang matanda sa nakikita nilang katauhan sa binatang kaharap nila ngayon sa sala. Malayong-malayo sa kilos at pag-uugali ng ama nitong si Eduardo Vera Luna. Mabait, matulungin, at may prinsipyo ang matandang Vera Luna at maraming beses ng napatunayan nito iyon sa dalawang matandang si Julio at Panchita. Bagaman ang binatang Vera Luna na nasa harapan nila ngayon ay isang tuso at simpatiko. "M-Mister Vera Luna, hindi sapat ang perang hawak namin ngayon para makapagbayad," sagot ng matandang si Julio. Ginagap nito ang palad ng asawang si Panchita. Kumunot ang noo ni Azzaro. "Kung ganoon, kukunin ko na ang isla na ito. Tutal-" Gulat na napataas ng tingin ang dalawang matanda. Unang sumagot si Panchita. "Pero kahit hindi namin pag-aari ang Isla Verde, Mister Vera Luna. ay hindi makapapayag ang aking apo. Ang kalahating porsiyento ng isla na ito ay ibinigay ng iyong ama sa apo ko sa oras na tumuntong ito ng disiotso anyos at naroroon iyon sa testamento ng iyong ama." matapang na litanya nito. "Panchita . . ." pigil na wika ni Julio sa asawa na hinawakan sa magkabilang braso. "Where is she?" biglang bulalas ni Azzaro. Hindi pinansin ang testamentong tinutukoy ng mga ito. Hindi iyon nabanggit sa kanya ng abogado. He silently cursed, umusbong ang galit sa yumaong ama sa hindi mawaring kadahilanan. Lalong humigpit ang yakap ng dalawang matanda nang makitang nagdilim ang anyo ng binatang si Azzaro na tila anumang oras ay mananakmal ito ng tao. Masasabi niya na ang apo ng mga ito ang tinutukoy na kabit ng kanyang ama. Mariing pumikit si Azzaro saka huminga ng malalim upang mawala ang galit na umusbong sa ama. Sa dalawang segundo'y muli niyang iminulat ang mga mata sa dalawang matanda. Batid niyang malapit nang maubos ang kanyang pasensya sa mga ito. Matalim na tiningnan ni Azzaro ang dalawang matanda sa kanyang harapan. "Ipaaalam ko lang sa inyo, Mr. and Mrs. Robles na kailanman ay walang kung sino man ang nagmamay-ari sa isla na ito. Tanging ang ama kong si Eduardo Vera Luna lang at ngayon ay nasa ilalim na ng aking pangangalaga!" pagbigay babala niya sa mga ito at nagpatuloy muli. "When my father died a month ago, he bequeathed the Isla Verde to me. I am his eldest son. At lingid sa aking kaalaman na mayroon pa palang nagmamay-ari sa islang ito bukod sa akin," he remarked. "Ngunit may patunay kami na nagsasabi kami ng totoo ng aking asawa, Mister Vera Luna," paglalaban ni Panchita sa karapatan. Lalong kumunot ang noo ni Azzaro. Kanina pa siya naroroon pero wala naman siyang nakikitang apo na tinutukoy ng mga ito. "Nais kong makilala ang apong sinasabi ninyo. Bakit hindi ko siya nakikita ngayon dito?" nagdududang inikot ng paningin ni Azzaro ang loob ng kabahayan. Mga lumang kagamitan lamang ang naroroon, lumang radyo at T.V. Naningkit ang mga mata ng binata. Tila lazer na sinasaliksik ang bawat daanan ng paningin nito. Nasaan ang sinasabi nitong apo? Bakit hindi niya pa ito nakikita? Akmang sasagot si Julio nang mula sa pinto ay pumasok ang isang maganda at balingkinitang dalaga. Masaya itong pumasok bitbit ang digital camera na Canon at tila may isang magandang balitang ibabahagi sa dalawang matanda. Naglandas ang tingin ni Azzaro sa kabuuan ng dalagang dumating. Basa ang suot nitong cotton na bestida, dahilan para humakab ang napakagandang hubog ng katawan nito. Mahaba at basa ang olandeng buhok na aabot sa baywang nito. Nakasisilaw rin ang ganda ng mga ngiti nito. "Nanang! Tatang! May bisita po tayo?" tanong ng kinse anyos na dalagitang si na nagtataka dahil pagpasok pa lang niya sa entrada ay may mga unipormadong mga lalaki ang naabutan niya sa kanilang bahay papuntang loob, kaya walang paligoy-ligoy na dagli siyang pumasok sa loob ng kabahayan. Inosenteng hinarap ng dalagang si Loela ang lalaking si Azzaro na matiim na nakatitig sa kanya. Ang dalawang mag-asawang matanda ay nagkaroon ng pangamba para sa kanilang mahal na apo. Nakita nila ang interes sa mga mata ng binatang Vera Luna sa kaisa-isang apo na parang may hindi magandang mangyayari. Unang nagsalita si Panchita. "Siya si Mr. Azzaro Vera Luna, hija. Anak ni Don Eduardo Vera Luna," pagpapakilala ng matandang si Panchita sa dalaga na ngayon ay hindi maalis ang tingin ng binata sa dalaga. Nang malaman iyon ay namangha at nagalak si Loela. Kapagkuwan ay marahang lumapit kay Azzaro. Iniabot ang malambot na kamay ng lalaki. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Mr. Vera Luna," bati ni Loela sa lalaki. Nang hindi nito tanggapin ang nakalahad niyang mga palad ay nahihiyang ibinalik ang kamay. Alam niyang naglakbay ang paningin nito sa kabuoan niya and she was not a fool para hindi iyon mapansin. Ang klase ng pagkakatitig sa kanya nito ay tila nanunuya na may kasamang galit. Gayon din ang inasal niya sa binatang si Azzaro. Hinagod rin niya ang kabuoan ng lalaki. Walang pagdududang magandang lalaki ang anak ni Don Eduardo Vera Luna. He's wearing a light blue long sleeved polo shirt and soft khaki short. At nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa ng binata ay hindi malaman ni Loela kung ano nga ba ang mararamdaman. His eyes were dark, vacant, and clouded. Ang buhok nitong maingat na nakasuklay mula sa noo patungo sa likod ay bahagyang nagulo. At sa tingin ng dalaga ay maraming babae na itong pinaiyak sa labis na kakisigan ng binata. Sa halip naman na salapi ang singilin ni Azzaro sa pamilyang Robles. Napalitan iyon ng magandang dilag na nasa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD