EPISODE 32 SACRIFICE SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “Magkikita pa tayo ulit diba?” tanong ni Gabriella sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya upang mahalikan ang kanyang labi. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tumango. “Magkikita pa tayo, Langga,” malambing kong sabi sa kanya. Bago kami umuwi sa aming mga sariling tahanan ay nagyakapan muna kami. Ayaw na niyang ihatid ko siya dahil baka makita kami ng kanyang mga magulang kaya uuwi na lang din ako dahil alam kong nagtataka na iyon sila Lolo at Lola kung bakit hindi ako nakauwi kagabi. Habang pauwi ako sa aming bahay ay hindi maalis sa aking mukha ang matamis na ngiti. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa isla kasama si Gabriella. Mahal na mahal ko si Gab at kung ano man ang magiging resulta sa nagawa namin