EPISODE 34 PREGNANT GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Gabriella, sorry talaga kung hindi ako makapunta diyan sa house niyo, ah? Pinagbawalan kasi talaga ako ni Mommy na pumunta riyan kaya wala akong magawa,” malungkot na sabi ni Sabrina habang kausap ko siya sa cellphone. Pagkatapos nang palitan ng salita namin ni Mommy ay nawalan na ako ng gana na lumabas sa aking kwarto at pumasok sa paaralan. Hindi rin naman ako pinilit ng mga magulang ko at dinadalhan lang ako ng akin pagkain dito sa aking kwarto. Pwede naman ako mag kulong ko kailan ko gusto dahil kompleto naman dito sa loob ng kwarto ko at may stocks ako ng pagkain, hindi ako magugutom kung maghahanap man ako ng pagkain na kakainin. “Okay lang, Sabrina. Ayos na sa akin na makausap kita rito kahit sa cellphone lang,” mahina kong sabi.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books