MVA Chapter 5

2878 Words
Kayt's POV Eto na naman ako, lumabas na naman ng kwarto gamit ang aking magic. Hilig ko na talagang maggala mag-isa. Mas mabuting maging independent. Hindi na ako masyadong nasama sa kanila. I chose to stay away from Sky. Napapadalas na ang paglabas-labas ko. Maraming pumapasok sa isipan ko kapag mag-isa lamang. Hindi ako nadi-distract kaya mas ramdam ko yung lungkot. Okay na sa akin ito para marealize ang mga mali kong nagawa. Kailangan kong makapag-isip kung ano ang tama at dapat gawin. Feeling ko ay mahal ko na talaga siya. Dapat na hindi ko hayaang mas lumalim ito. Kaya siguro hindi sinabi ni Aphrodite ang tungkol sa nararamdaman ko ay dahil malalaman ko rin ito sa sarili ko. In denial lang ako noon, akala ko ay paghanga lang. Sobrang close naming noon ni Sky noong mga bata pa kami. Magkasama kami nila Luna na lumaki. Hindi ko alam na aabot sa punto na magkakafeelings ako sa kanya. Oo, pwedeng maging kapareha ang pinsan kung kabilang kami sa royal blood pero hindi ibig sabihin noon ay kailangan kong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Kahit siguro kung nasa normal na pamumuhay ako ay mandidiri ako sa sarili ko kung ang mamahalin ko ay sariling kamag-anak. i****t kumbaga ang tawag dito. Ginamit ko naman ang invisible power para hindi ako makita ng mga makakasalubong ko. Mabuti na lang at hindi ako masyadong hinahanap nila Mom. Naiintindihan naman niya ako. Pumunta ako sa Magical Beach. Gusto ko talagang makilala ng mga bagong kaibigan kaso parang takot sila sa akin. Si Kyle lang talaga ang naglakas loob na kausapin ako. Sana ay maraming kasing lakas ng loob niya. As expected, walang lumalapit sa akin. Umupo naman ako sa may buhangin. Tanaw na tanaw ko ang kagandahan ng dagat. Kulay blue ito na may kumikinang na puti at parang silver. Napakaganda. Sa gabi naman ay mas lalong maganda ito. Pati ang mga buhangin ay mistulang kumikinang. Hindi sa kalayuan ay namataan ko si Luna. Naliligo siya sa dagat. Mukhang may kasama siya kaya hindi ko na siya gagambalain. Hindi ko naman inaasahan na si Kyle pala ang kasama niya. Kaya pala hindi ko na masyadong nakakasama ang bestfriend ko. Mukhang may boyfriend na naman. Mahal niya talaga ang lalaking ito ano? Masaya ako na masaya siya. Sana ay totoong mabuti si Kyle. Ayokong makitang nasasaktan si Luna. Pinanood ko lang sila. Masaya talaga sila. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa kalagayan niya. Baka kaya wala akong boyfriend ay hindi ako magaling makitungo sa iba. Napalingon sa gawi ko si Luna. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Namutla siya. Bakit? Akala niya ba ay isusumbong ko sila? Of course not. Masaya ako kapag masaya siya. "Hardheaded," ika ni Sky. Parang namutla rin ako. Nilingon ko naman ang lalaking nagsalita sa likod ko. Ang tigas nang pagkakasabi niya na alam kong may galit. Hindi pala ako ang dahilan kung bakit namutla si Luna. Mas pinili kong manahimik. Kung anong issue ni Sky kay Luna at Kyle ay bahala na siya doon. Ayokong mangielam ng relasyon ng iba. Sky is now standing behind me. Masama ang tingin nito sa dalawa. Napasulyap ito sa akin kaya napalingon ako sa malayo. Bakit siya pa? Sana pala ay sa labas ng gate nalang ulit ako nagpunta. Parang kinausap naman ni Luna si Kyle. Tumakbo siya papalapit sa amin. Parang iiyak. "Kanina pa kita hinahanap," malamig na sabi ni Sky. Kahit ako ay parang kinakabahan para kay Luna. "Sky, sorry. Kasi naman---" "I'm not here to hear your d*mn explanation,” pagputol niya sa sinasabi ni Luna. “Let's go home." Hinila niya si Luna. Napatayo naman ako. I'm good at lying. Kailangan kong tulungan ang kaibigan ko, kahit siya lang. Kita kong nasasaktan si Luna sa higpit nang pagkakahawak ni Sky. "Sky! Kasama ko si Luna at Kyle. Wala namang ginagawang masama ang dalawa ah? At saka, nasasaktan si Luna. Hindi mob a napapansin? Palagi na lang ba yung gusto moa ng valid?" singhal ko sa kanya. Hindi ko na kasi kaya minsan ang ugali niya. "Shut up, Kayt. I followed you,” ika niya. “Learn how to make a good lie." Okay. Bakit naman niya ako susundan? Napairap na lang ako. Ako pa pala ang may kasalanan kung bakit nakita niya si Luna. Paano niya naman ako nasundan? Sa pang-amoy niya? Umupo ulit ako sa buhangin at napabuntong hininga. Hayaan ko na lang yung dalawa. Malaki na sila. Malulutasan din nila yang problema nila. Tumayo ako at humakbang papalayo sa kanila. Hindi pala tama na magstay pa rito. Ayokong makarinig nang pagtatalo pa nila. "Kayt? Where are you going?" sigaw sa akin ni Sky. Hindi pa ba sila aalis? Akala ko bubulyawan niya pa kambal niya e. "Ano bang problema mo? Can't you see? Edi uuwi?" sagot ko. Binitawan niya si Luna. Bigla niya akong binuhat kaya napairit ako. What the hell? Ano ba talagang problema niya? "Nakakahiya, Sky! Put me down! Pinagtitinginan nila tayo!" utos ko. Hindi niya ako pinakinggan. Naglakad siya papunta kay Luna habang buhat ako. "Hindi kita ibababa hanggang hindi ka sumasama sa amin.," banta niya. Bakit ka ganan, Sky? Naiinis na ako sa actions niya. Hindi na siya nakakatuwa. "Ibaba mo na ako! Susunod na ako, mahal na Prinsipe!" ika ko.  It should be mahal kong prinsipe but of course, mukha lang akong t*nga kung ganoon ang sinabi ko. Urgh, Kayt. ‘Yan ka na naman. May mga maling desisyon talagang nangyayari at ngayon ay dahil sa pagpunta ko ditto. Dahan-dahan naman niya akong binaba. Gentleman naman talaga siya. Kasi nga, pinsan ako. Inirapan ko naman siya. Sumosobra na ang pakikitungo niya sa akin. Nagulantang naman ako nang bigla niya akong hinigit. Si Luna naman ay hindi niya hawak. Ako lang talaga? Teka bakit? Ako ba ang may atraso sa kanya? Si Luna dapat yun e kasi baka tumakas. Ah teka, dapat nga masaya ako kasi hawak ni Sky ang kamay ko. Ah ang baliw mo talaga, Kayt. Kinakalimutan mo nga siya. Kailan ba ako tooong matatauhan, palagi nalang bang ganito na isang pansin niya lang ay bumabalik ka na agad sa dati? Nilingon ko si Luna na nakatingin na pala sa akin. Parang ang lungkot niya. Syempre sino ba namang hindi malulungkot kung may humahadlang sa pag-iibigan nila? Yung nakaranas ka nga ng pagmamahal sa lalaking mahal mo pero may humahadlang. I hate Sky for doing this to Luna. Deserve ni Luna na maging masaya at malaya. "Hindi kita bibitawan." Napukaw naman ni Sky ang atensyon ko. Sumulyap ulit ito sa akin gamit ang seryoso niyang aura. Bilis nang t***k ng puso ko. Double meaning ba? "Kasi pasaway ka,” dagdag niya. “You love to disobey the rules." Nanlumo naman ako. Ikaw kasi Kayt, bakit ka umaasa? "Behave na ako, Sky. Sabi ko sa iyo magbabago na ako," depensa ko. Pinilit ko namang alisin ang pagkakahawak niya. "Magbabago pa lang. It means hindi mo pa ginagawa. You can't fool me. I know you," laban niya. Napasimangot naman ako. Yes, kilalang kilala niya ako dahil kaming tatlo lagi ang magkakasama noon. Kaso hindi niya alam na mahal ko siya. Tumigil naman kami sa lugar na kami lang tatlo ang naroroon. Bumaling siya kay Luna. Tumungo naman si Luna. Alam ko na ang mangyayari. "Sinabi ko sa iyong layuan mo na ang lalaking iyon. Hindi kayo bagay," simula na naman niya. Nanlumo naman ako para kay Luna. "Mahal ko siya, Sky! Please naman pabayaan mo na ako," laban ni Luna. Bawat salitang binibitawan ni Luna ay galling talaga sa puso niya. "Wala siyang karapatang lokohin ka, Luna. Kailan mo ba maiintindihan iyon?” pagdiin niya. “Ginagamit ka lang niya!" Nagulat naman ako sa rason ni Sky. Mukhang mabait naman ang binata ah? Anong kalokohan ito? Hindi naman mukhang nanggagamit si Kyle. "Hindi totoo yan! Mahal niya rin ako at kailan mo rin ba maiintindihan yan?" sagot ni Luna. Napailing na lang ako. Hindi ako aware na may ganitong pangyayari. Ganito pala ang paraan nang pagtatalo nila. Tinry kong gumawa ng popcorn. Medyo natawa ako kasi mabuti na lang ay nakatalikod ako sa kanila. Susubo palang ako kaso biglang lumingon sa akin si Sky. Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sobrang kahihiyan. Lumayo ako sa kanila at tinuloy ang pagkain ng pop corn. Gutom ako eh. Nakain naman ako nito. Hindi ako maarte sa pagkain. Kahit papaano ay na-adapt namin ang pamamaraan ng mga magical vampires galing sa mundo ng mga tao. Nasanay sila sa pagkain ng mga tao dahil kailangan nilang makisama. Advantage din sa amin dahil hindi kailangang palaging uminom ng dugo. "Basta sinasabi ko sa iyo, layuan mo siya habang maaga pa. This guy is not good for you. Ayoko lang na masaktan ko. You don't know him. Kahit kailan, hindi mo makukuha ang basbas ko sa lalaking iyon," pagmamatigas ni Sky. Narinig ko naman ang yabag ng paa ni Sky papalapit sa akin. "At ikaw, Kayt---“ lumingon siya sa akin--- “huwag kang magmamahal sa lalaking hindi mo kilala. I don't want you to get hurt. Alam kong masasaktan si Luna. Abangan mo." Sabay agaw niya sa akin noong pop corn. Iniwan niya kaming dalawa. Tinuro ko pa siya. Hindi ako makapaniwala. "Yung pop corn ko," reklamo ko. Bigla namang tumawa si Luna. "Dapat umiiyak na ako ngayon, Kayt kaso nakakatawa talaga ang reaction mo," pansin sa akin. Ano ako clown? Minsan talaga ang sarap sapakin ng kambal. Alam na alam nila kung paano ako inisin. "Ewan ko sayo! Diyan ka na nga," ika ko. Bigla niya akong hinila. Naiirita ako. Talent siguro nila ang manghila? Hindi nila alam may nasasaktan na sila. Kumunot naman ang noo ko noong mapansin kong seryoso na siya. Luna is the girl version of Sky. Parehas ng ugali. "Mahal mo si Sky." Hindi rin ito tanong. Of course, ide-deny ko. She knows nothing. "Syempre! Pinsan e! Mahal din kita ano! Huwag ka ngang magselos diyan," palusot ko. "Hindi iyan. Ibang pagmamahal," paglinaw niya. Ginawa ko naman yung pandidiring reaction. "Paano mo naman nasabi?" kuryosong tanong ko sa kanya. "Ramdam ko. Please don't lie. You are not a good liar, just so you know," lait niya sa akin. "Very very Sky!" biro ko sa kanya. Pilit akong tumatawa para hindi niya maramdaman na seryoso yung nararamdaman ko para sa kambal niya. "Malamang, kambal e. So ano na? I hate liar. You know me," banta niya. "Oo, mahal ko! Kaso alam mo namang ayaw niya," pag-amin ko. Napabuntong hininga rin ito. Hopeless na talaga ako. Pati rin siya ay mukhang hopeless para sa amin. "Huwag kang mag-alala, susuportahan kita. Actually mas okay nga sa akin kung kayo ang magkakatuluyan. At least alam kong mamahalin mo nang buong-buo ang kakambal ko. O siya mauuna na ako ha?" paalam niya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi. "Nandito lang din ako Luna para sa iyo. Susuportahan kita. Naniniwala akong mabuti si Kyle. Kaya mo yan. Malalampasan mo rin ang pagsubok na iyan. Pero huwag mo nang asahan na tatagal yung feelings ko para kay Sky, mawawala yan, I assure you," pagsiguro ko. Tinapik ko naman siya sa balikat. Niyakap niya muna ako bago umalis. Nalungkot ata siya sa huli kong sinabi. Nirerespeto naman niya daw ang desisyon ko. Mabuti nalang at suportado niya ako. Kaya gusting gusto ko si Luna kahit may kalokohan minsan. Nagpasya naman akong gumala ulit. Pumunta ako mismo sa Academy. Namiss ko ang lugar na ito. Hindi ko na kailangang pumasok dito dahil hasa naman na ang magic ko. Kaso nga lang, makulit pa rin ako. Hindi nila naituwid ang landas ko. Ha-ha. Napansin ko namang may babaeng parang naliligaw. I want to be friendly kaya gumana ang utak ko ngayon. Agad ko siyang nilapitan. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko pa siya namumukhaan. Kinulbit ko naman siya. Mukhang nasindak sa akin kasi napatalon siya sa gulat. Nilingon niya ako. Pinigilan ko naman ang tawa ko. Ang ganda niya. Napatulala ako sa kanya. She snapped her fingers. Bumalik naman ako sa realidad. Nadistract ako sa kagandahan niya. Ang tangkad niya at parang nangangausap ang mga mata. "Alam mo ba kung nasaan ang room AB?" tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. Pati ang boses niya ay napakaganda. Nginitian naman niya ako. "Naliligaw kasi ako. Bago lang ako rito. Yun ang classroom ko daw,” kwento niya. “Kanina pa ako palibot-libot kaso sobrang laki ng Academy." Napasinghap ako. She looks so innocent and gorgeous at the same time. Babae ba talaga ako? I like her. "Halika sumunod ka sa akin," utos ko. Tumango naman siya. Hindi ko maalis sa kanya ang tingin ko. "Alam mo bang ikaw ang una kong nakilala? What's your name?" tanong niya. Natuwa naman ako. I want to be her friend. Pag nagkaganoon, una niya akong magiging kaibigan dito. "I'm Princess Kayt. Ikaw?" "Oh? Princess? Dapat pala ginagalang kita. Isa ka pala sa mga naikwento sa akin ng mga nasa parang conference room?” ika niya. “Ikinagagalak kong makilala ka." "Naku! Huwag ganan. I want you to treat me like i'm normal. Mas kumportable akong pantay-pantay lang ang tingin sa lahat. Kayt lang ang itawag mo sa akin," suggest ko. "Thank you, Kayt! I hope we can be friends. Anyways, I'm Janel Patricio. I'm from you know, Earth. Galing akong Singapore," pagpapakilala niya.  Singapore? What's that? Maybe a part of earth? "We are friends already! Eto na nga pala ang room mo. Hope to see you again! This will not be the last. I swear!" nagagalak kong sabi sa kanya. Ngumiti naman siya, pagpapaalam niya, "Thank you, Kayt for bringing me here. It's such an honor to know you. My dorm number is 143. I hope you'll visit me. See you!" Hinalikan niya ako sa pisngi. Napakagalang at formal niya. Kumaway rin ako sa kanya noong kumaway siya bago pumasok ng room nila. Sobrang saya ko ngayon. Suportado si Luna sa akin tapos may bago akong kaibigan na galing sa mundo ng mga tao. She's really beautiful and kind. Kung lalaki ako, magugustuhan ko kaagad siya. Kahit ang simple ng suot niya ay kita mo pa rin na sopistikada siya. Sabi nga nila, tumabi ka sa maganda para baka sakaling mahawaan ka ng kagandahan. Natawa naman ako sa iniisip ko. Naniniwala naman ako na lahat maganda in our own ways. Hindi lang maiiwasan na may ibang judgemental at may standard sa ganda at gwapo. Masayang-masaya ako pagkabalik sa aming palasyo. Kahit na ma tension sa amin nila Sky at Luna kanina, may isang blessing na kaibigan naman akong natanggap. Naabutan ko naman ang parents ko at parents nila Cxereb at Xanreb na parang nagkakatuwaan. Ang hilig nilang magbonding kahit na araw-araw naman silang magkakasama.  Ngiting-ngiti naman ako. Hinawi ko si Cxereb at Xanreb sa couch para pumagitna sa kanila. Hindi pa rin mapawi ang mga ngiti ko. "Ano, Kayt? In love na? Hindi mawala ang ngiti?" biro ni Cxereb? Ngumiti naman ulit ako. Pinakita ko talagang masaya ako. "Baliw na ata yan, Kuya. Check mo," ani Xanreb.  "Bakit ka ba nagkakaganan, Kayt? Kwento naman diyan oh. Sanay akong lagi kang nakabusangot e," kulit ni Cxereb. Tinawanan ko naman siya kaya lalo silang namangha. "Kuya, Cxereb naman," asar ko sa kanya. "Sige na. Kuya na ang itatawag mo sa akin. Mukhang ang galang mo ngayon? Ano bang nakain mo?" tanong niya. Sanay ako na maalaga si Cxereb. Isa rin yan sa nag-aalaga sa akin dati e. "Hindi pa nga ako kumakain, Kuya e." "So, ano na ngang problema?" "Problema? May nakita ka bang may problema tapos nakangiti pa?" singit naman ni Xanreb. Iba talaga mang-asar itong si Xanreb. "Oo, yan si Kayt ang halimbawa kasi walang lovelife," puna sa akin. Sumimangot naman ako. Ako na naman ang ginawang example. Palagi nalang ako ang nakikita ah? "O edi kayo na may lovelife!" tampo ko sa kanila. Akmang tatayo ako pero hinila nila ako para makabalik sa pagkakaupo. "Biro lang. Eto naman," bawi niya. Biro, biro na real talk. Sanay naman ako na ganoon ginagawa sa akin ng mga kaibigan ko. Normal naman kaya hindi ko nalang dinadamdam masyado. "Kasi may nakilala akong bagong Magical Vampire. Galing mundo ng mga tao. Ang saya ko dahil ako ang una niyang naging kaibigan. Ang sarap pala sa pakiramdam. Tapos alam mo yung moment na mapapanganga ka nalang dahil sa sobrang ganda niya? Kasing ganda ko kasi," kwento ko. Naramdaman ko naman ang batok sa akon ni Xanreb.  "Conceited!" "Ano tomboy ka na ba?" dagdag ni Xanreb. "Hindi ano! Nakaka-appreciate lang talaga ako ng ganda. Ang ganda niya talaga. Oy, kayo ha? May girl na kayo sa buhay niyo kaya bawal siya. Basta poprotektahan ko siya. I love her already!" "Maganda yan, Kayt. Natututo ka nang makisalimuha sa iba nating kauri. I'm happy na you're growing up. You're already a woman," puri ni Cxereb. “Masarap pala sa feeling na kaya kong mag-explore pa at matuto ng mga bagong pakikitungo. Hindi pwedeng palagi akong independent. Kailangan din pala na may matatakbuhan tayo minsan,” ika ko. Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi magandang masanay na palagi kang mag-isa. “Tama yan. Prinsesa ka pa kaya kailangan talaga maging magandang role model ka sa kapwa mo,” pagsang-ayon niya. "Thanks, Kuya at Xan! Kain na muna ako." "Sige, sabayan mo na sila Kuya Klyzer at Ate Minah," bilin niya. Iba talaga ang mga in love, ano? Palagi ko na lang silang nadadatnan na masaya at nagkukulitan. "Yoh, little sis. Ang saya mo ata?" ika ni Kuya Klyzer. Gwapo talaga ng kuya ko. Halos kasing edad lang namin kung titingnan. Si ate Minah rin. Hindi talaga nakupas ang itsura naming mga bampira. “Minsan lang, Kuya Klyzer. Pagbigyan mo na,” ika ko. Kumuha na rin ako ng pagkain sa harapan namin. Napansin ko namang nakatingin pa rin sila sa akin.  “May kailangan ka bang ikwento sa amin? Nagiging malihim na ang bunso namin ah?” “Kuya, may bago lang akong kaibigan. Yun lang po, wala ng iba,” paliwanag ko. Napansin ko namang ngumiti si ate Minah sabay tingin kay Kuya Klyzer. "In love na yan!" ika ni Ate Minah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD