MVA Chapter 4

2890 Words
Kayt's POV So totoo ngang dadalaw sa akin yung dalawa? Akala ko ay nagbibiruan lang sila. Bahala nga sila sa buhay nila. Paano ba naman kasi, laging tumatambay dito. Mabuti nalang sumasama minsan si Luna. Ang awkward kung yung dalawa lang ang palaging nandito. Mas gugustuhin ko pang umalis na lang para hindi sila palaging nakatambay dito. Tumagos naman ako sa pader palabas ng aking kwarto. Kailan ko lang din ito natutunan. Mabilis naman akong nakalayo. Naisipan ko namang umalis ngayon para hindi nila ako maabutan. Lalo ko lang nagugustuhan si Sky kung ganoon siya ka-gentle. Sabi niya, bumabawi raw siya. Pinsan pa naman daw niya ako, tapos minsan ko na lang makausap. Nagbago siya dahil kay Eira. Mas naging cold ang pakikitungon ni Sky sa lahat. Napatago naman ako sa gilid ng puno noong makita ko si Sky. Papunta ata sa amin. Saktong nakita ko rin sila Eira at Cxereb. Tumingin ito sa dalawa. Parang ang lungkot ng reaction niya? Hindi naman ganito ang pinapakita niya kapag magkakasama kami. Kahit ako naman ay mas gugustuhin kong sa sarili na lang ang sakit na nararamdaman. As much as possible, hindi ko na kailangang i-share sa iba hanggang kaya ko pa. May pride din naman ako sa ganitong bagay. Mas mahalaga ang privacy. Naiintindihan ko si Sky kung ayaw niyang mag-open sa amin. Nilingon ko ulit sila Eira at Cxereb na parang walang ibang nakikita kundi ang isa’t-isa lamang. Hindi nila napansin ang kambal. Kulang na lang sa kanila ay kasal sa sobrang sweet nila. Palagi na rin kasi silang magkasama, may sariling mundo kumbaga. Si Luna naman ay nasa likuran niya kaya hindi niya nakikita ang reaction nito. Hindi naman nila napansin ang isa’t-isa dahil nakatungo si Luna, si Sky naman ay dire-diretso lang. Mahal niya pa kaya si Eira? Napatigil naman ako sa tanong ko. Bakit palagi na lang may tanong nabumubuo sa isipan ko? Kung mahal man niya, wala na akong karapatang question-in yon. Hindi madaling maka-move on. Kumirot ang puso ko. Mahal pa nga ata niya. Wala na talaga akong puwang sa puso niya. Hanggang pinsan lang. Eto na naman ako. Kailan ba ako titigil sa mga iniisip ko na ikakasakit ng puso ko? Bakit naman kasi kay Sky pa ako mahuhulog, ang dami namang iba na nandiyan. Kaso may isang nakatakda lang para sa akin. Alam kong darating siya sa tamang panahon. I need to remind myself everyday na hindi si Sky ang para sa akin. Hindi na siguro kailangan i-maintain ang pagiging royal blood. Kami nalang nila Sky at Luna ang ganoon. Ang mahalaga ay magmahal sa tamang lalaki, yung hindi mo kailangang manglimos ng pagmamahal dahil kusa niya itong ipaparamdam sa iyo. Hindi ako umalis sa aking pwesto. Hinayaan ko munang mawala si Sky sa paningin ko. Nagpalipas ako ng ilang minuto. Noong nawala na sila sa paningin ko ay nagsimula akong maglakad.  Naisipan ko ulit lumabas ng gate. Magandang ma-explore ko ang labas para kung sakaling kailangan kong maging katulad ni Fleir at Tita Fairy na kukuha ng magical vampires ay kabisado ko na ang lahat ng lugar dito. Mukhang mapapadalas ako rito para makapag isip-isip. Mas gusto ko sa tahimik na lugar. Tanging huni lang ng mga ibon at kiskisan ng mga dahon ang maririnig ko. Sobrang nakakarelax talaga. Sa layo nang nilakad ko ay may napansin akong malaking lawa. Sobrang ganda nito. Mas maganda ito sa lawa na nasa palasyo. Sobrang linaw ng tubig. Sa may malalim na part lang medyo madilim ang kulay. Halos parang beach na ang itsura niya, mayroon lang na maliit na twin falls. Inilibot ko naman ang paningin ko. So far, eto ang pinakamagandang lugar na nakita ko. Kahit sino ay matutuwa kapag nakita ito. Napangiti naman ako dahil may mga isda dito. Kakaiba pa nga kasi colorful sila. Ang sarap nilang panoorin. May mga lumapit naman sa akin na para bang nangingilala sila. Inilapat ko naman ang dalawang kamay ko sa tubig. Naglapitan naman sila dahil gumawa ako ng pagkain na pwede para sa kanila. May kakaiba akong narinig sa gilid ng mukha ko. As in sobrang lapit sa akin. Nanigas ako sa pagkakaupo ko. Dahan-dahan ko itong tiningnan. Halos mapairit naman ako. Mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko dahil baka may makarinig sa akin. Paano nagkaroon ng deer dito? Parang ngumiti siya. Gumaan naman ang pakiramdam ko. Nakabawi naman ako sa pagkagulat. Hinimas himas ko ito. Siya namang dila niya sa aking kanang pisngi. Animals are sometimes better than people and vampires. They are more friendly and kind. Nang umalis siya ay na-tempt naman akong maligo. Tinanggal ko naman ang aking suot na pants at t-shirt. Naka undies lang ako pero ayos lang, ako lang naman ang nandito. Confident naman ako sa aking sarili. Kung may mambabastos naman ay mananagot sila. Pagkalusong ko ay nagsimula na akong lumangoy. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakarelax ang lamig ng tubig. Nakakawala ng pagod. Araw-araw na siguro akong pupunta rito. Mag-eexplore rin ako. Hindi naman siguro ako mapapagalitan. Kung tutuusin, pwede rin akong sumundo ng mga magical vampires sa mundo ng mga tao lalo na kapag na-master ko na ang magic ko para doon. Pinikit ko ang aking mga mata. Parang minamasahe ako ng mga maliliit na isda dito. May malaking bato naman na nakaharang sa akin kaya kung may sino man na mapadpad dito ay hindi agad ako makikita unless sasadyaing pumunta sa pwesto ko. Napamulat ako ng aking mga mata nang makarinig ako ng pagaspas ng mga ibon. Nanlaki naman ang mga mata ko noong nilipad ng mga ibon ang kasuotan ko. Tinangay nila ang damit at pants ko. Hindi ko na nahabol dahil bigla nalang silang nawala. Ibinabad ko nalang ang aking sarili sa lawa. Pati ba naman mga ibon ang daming kalokohan. Damit ko pa ang napagdiskitahan. Kung hindi siguro uso ang magic, kanina pa ako balisa dito. Kaya ko namang gumawa ng susuotin ko dahil kaya ko ang lahat ng majica. Naisip ko, kaya ko rin namang basahin ang iniisip ni Sky kaso baka malaman niya. Alam ko rin naman na everyone needs a privacy. Mabilis ko matutunan ang mga magic lalo na kung napapanood ko ito sa iba. Kaya ko rin gumawa ng portal katulad ng kay Fire kaso hindi ko pa napag-aaralan. Makapagpaturo nga sa kanya minsan. The next place I want to explore is the earth. Kung ayaw niya akong turuan, lihim ko nalang siyang papanoorin. May nakita akong kasama ni Tita Fairy. Nagtago naman ako sa may water lily. Nilibog ko ang sarili ko hanggang bibig. Lagot ako pag nakita ako rito. Bawal pa naman ang lumabas. Dati ay hindi siya nagpapakita sa mga ito. Isang maliit na tutubi lang siya, ngayon ay normal na height. Kinakausap niya na rin ang mga bagong salta sa MVA. May katulong na kasi siya kaya may time na siyang mag-explain. Kailangan ko ring matuto kung paano makikitungo sa iba. Hindi pwedeng masungit ako, baka magkaconflict pa sa dalawang mundo. May bago na namang magical vampire. Halos araw-araw naman ata ay may nadadagdag. Hindi lang ako masyadong nakikihalubilo sa kanila. I have the time to know them, but I chose not to. Yes, sobrang laki nang pinagkaiba namin ni Mommy. She's too friendly and kind. Hindi ako mabait sa iba at lalong hindi ako friendly. Mapili lang ako sa mga kaibigan. Noong nawala na sila tita Fai sa paningin ko ay umahon na ako. Tinuyo ko ang sarili ko gamit ang fire magic. Basta na lang akong gumawa ng damit ko. Halos mapamura ako noong dress na pala ang suot ko. Hindi na ako nag-isip ng itsura nang isusuot kong damit. I'm wearing white dress. Hindi ako sanay sa mga girly outfits. I find it uncomfortable. Wala na akong choice. Nakayapak din ako. Gumawa naman ako ng sandals na puti rin. Hindi naman maputik kaya okay lang. Naisipan ko namang bumalik na. Hinahagod ko ang buhok ko dahil magulo ito. Sanay din akong nakapuyod. Hinayaan ko lang itong nakalugay. Pagkauwi ko ay hindi ko inaasahang nandito silang lahat kasama si Cloud at Kyle. So, welcome na ba sila sa barkadahan? Well, I don't even care. Napairap naman ako sa kawalan dahil lahat sila ay parang gulat na gulat sa akin. "Nice, ate kayt. Ganda talaga!" biro ni Xanreb. I want to thank him kaso baka sabihin nila hindi ako humble. "Ang baluga ko nga," natatawang ika ko naman. Pasimple akong sumulyap kay Sky. Nakatingin din sa akin ito. As usual, walang emosyon. "You should wear dress often," suggest ni Fleir.  Napangiti naman ako sa kanya. He loves to compliment me. Sanay na ako sa kanya. "Hindi ko naman alam na ito kalalabasan ng magic ko. Tinangay ng mga ibon ang suot ko,” paliwanag ko. “Naisipan ko kasing maglangoy." Kumunot naman ang noo nila. Sheez, muntik ko nang masabing lumabas ako. "Galing ka sa magical beach? ‘Di mo man lang kami sinama? Nakakapanibago," puna naman ni Storm. Napangiwi naman ako. Lying is my talent. "Yes, galing ako doon. Gusto kong mapag-isa e. Bagong buhay," biro ko naman. Seryosong nakatingin sa akin si Aphrodite. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Bigla itong lumapit sa akin. Hinila niya ako. "Guys, wait may pag-uusapan lang kami ni Kayt," ika niya. Nagtaka naman ako. Ano na naman bang trip ng babaeng ito? Siya ata ang pinakamagulo at makulit sa amin. Noong makalayu-layo na kami ay tumigil siya sa paglalakad. Ngumuso naman siya sa akin. Parang may hindi magandang sasabihin. "May gusto ka kay Sky," panimula niya. Hindi iyon tanong. Statement ito. Napakagat nalang ako ng aking labi. Lying right now is not a good idea. "Unfortunately, tama ka," pag-amin ko. Lumungkot ang aking mukha. I know ayaw sa akin ni Sky. "I can't read Sky. Pero ikaw alam na alam ko dahil halatang halata. Mag-ingat ka sa susunod. Si Sky lang ata may kayang i-block ang kakayahan ko. Alam kong sobra kang nasasaktan. Nandito lang ako para sa iyo. May nararamdaman akong may maling mangyayari, kaya please, take care of yourself. Don't overthink,” payo niya. “Kahit anong mangyari, kailangan mong maging matatag at maging masaya."  Kinabahan ako sa sinabi niya. Napatulala ako. Anong masamang mangyayari? Aphrodite can predict too. Lalo na sa nature. Lalong nakumbinsi ako na hindi si Sky ang para sa akin. "Thank you, Aphro. Tatandaan ko yang sinabi mo," pagsang-ayon ko. Niyakap ko naman siya. Mabuti nalang niremind niya ako. "Limang puso ang masasaktan sa nakatakdang panahon," ika niya. Hindi ko siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Umiling si Aphro. "Hindi ko rin alam. Bigla nalang lumabas sa bibig ko. Alam kong mangyayari ito dahil wala pang nagkakamali sa mga bigla kong nasasabi," ika niya. Alam ko iyon. Sinabi niya na isang puso ang masasaktan dahil sa isang relasyon. Then after that, Sky and Eira broke up. I guess, si Sky ang nasaktan. Eira loves Cxereb. Akala ni Eira ay kaya niyang mahalin si Sky. Akala niya ay wala siyang pag-asa kay Cxereb kaya sinagot niya si Sky. ‘Yan ay yung panahong hinahangaan ko pa lang si Sky kaya okay lang sa akin. Then it turned out na gustong-gusto ko na pala si Sky. "Teka," pigil ko. Hinila ko naman pabalik si Aphrodite. I need to ask something. "Ano iyon, Kayt?" "Mahal ko na ba si Sky?" Parang nagulat naman siya sa aking tanong. Napakamot siya ng kanyang ulo. "Oo," sagot niya. Nanlumo naman ako sa oo niya na kayang ikinunot ng noo. "Paano ko siya makakalimutan? Alam kong ayaw niya sa akin. Tulungan mo ako, Aphrodite,” pakiusap ko. “Ayokong lagi akong nasasaktan." Timapik naman niya ang aking balikat. "Tandaan mo, hindi lang si Sky ang lalaki. May ibang nagmamahal sa iyo," paalala niya. Nagpaalam at iniwan na niya ako. Hindi ko maintindihan ang payo niya. May nagmamahal naman talaga sa akin, family and friends. Sinundan ko nalang siya. Iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Hindi talaga nagbibigay ng full details si Aphrodite. Ayaw daw niya ng spoiler. Nirerespeto ko naman iyon. Hindi magandang malaman namin ang future mate o kung ano mang nakikita niya. Possible kasi na magbago ito. Nadatnan ko naman silang nagtatawanan. Hindi naman ako makangiti. Hindi naman ako plastic minsan. Minsan ay mahirap talagang ma-control ang emosyon. "May problema ba?" Tumabi sa akin si Sky. Safe naman mag-isip dahil hindi niya binabasa ang iniisip ko. Ikaw ang problema, Sky. "Wala naman" pagsisinungaling ko. Alangang sabihin ko na siya? Bigla niya akong inakbayan. Lalo akong naestatwa sa kinakatayuan ko. Iginala ko na lang ang aking mga mata. Saktong napatigil ito kay Fleir na parang ang sama nang tingin kay Sky. I don't know what's wrong with these men. Labas na ako sa gulo nila. Umiling na lang ako. Tiningnan ko si Luna na nakatingin na pala sa akin na parang may inoobserbahan. Hindi na lang ako nagpahalata na nate-tense ako. Bahala sila. Hindi rin naman nababasa ni Luna ang naiisip ko dahil hindi naman niya namana ang kakayahan na iyon. "Ang lalim nang iniisip mo," puna ni Sky. Napanguso naman ako. "Iniisip ko lang kung paano ako magiging mabait sa iba," palusot ko. Hindi ko tinitingnan ang reaction niya. Ang iba naman ay busy sa pagkukwentuhan. "Huwag na," ika niya. Napalingon naman ako dito dahil sa sobrang pagtataka ko. Nakatingin na rin pala ito sa akin. "Bakit naman?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Syempre palusot ko lang yung pagiging mabait sa iba. Ayokong isipin niya na may ibang dahilan. Baka malaman pa niya na gusto ko siya. "Ayokong mapalapit ka sa iba, lalo na sa mga lalaki. I want to protect you," paliwanag niya. Because I'm your cousin. Your favorite line! "I can protect myself. I just want to know them,” pagkontra ko. “Malay mo isa pala sa kanila ang makakatuluyan ko?" Sinubukan kong tumawa. Well, malay mo nga naman? Wala namang masamang makatuluyan ang mga normal na magical vampires. Parang yung mga tita ko lang. "I'm not setting my standard because, we can't really find our destiny if we keep on looking at it," sagsag ko. Hindi naman siya sumagot. Naku, tama siguro ako. 'Di ko rin alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko. "My eyes will focus on you," pagsisiguro niya. Hindi ko maiwasang hindi umasa sa mga pinagsasabi niya. "I'm treating you like my sister," dugsong niya. Okay! Bagong linya na ba iyan, Sky? Nagsawa ka na ba sa dahilang pinsan mo ako? Fine! "Thanks," sabi ko. Maya-maya ay nagpaalam na sila. Lutang lang ako habang magkakausap sila. Ang dami kong iniisip. Napabuntong hininga nalang ako. Pati ba naman ang pinsan ko ay pinoproblema ko? Hindi ba pwede na ang problemahin ko lang ay paano ako babait? Nasisiraan na nga ata ako ng bait. May tumikhim sa gilid io. "Oh, Fleir? Hindi ka pa naalis? Papatayin mo ako sa gulat!" singhal ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako. "Naisip ko lang na mas masarap tumambay dito kaysa doon sa kabilang palasyo,” ika niya. “Pwede bang dito nalang ako tumira?" "Loko ka talaga. Siyempre," sagot ko. Nagtawanan naman kami. Isa talaga si Fleir sa nagpapagaan ng loob ko. Lahat sila ay sa kabilang palasyo nakatira, maliban kay Cxereb at Xanreb. Dito sila nakatira gawa ni Minah. Ginusto rin ni Mommy na may makasama sa kanila kaya pumayag ang mga ito. Minsan ko lang din naman makausap ang magkapatid na laging umaalis para puntahan ang mahal nila. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. "May problema ka talaga, ano?" tanong naman niya sa akin. Sumimangot naman ako. Kilalang-kilala na niya talaga ako. Simula bata pa lang, lagi na ako nitong inaasar. Sinasamahan at inaalagaan. Baby girl niya raw kasi ako. Nawala yung atensyon niya sa akin noong naging sila ni Jewel. Okay lang naman sa akin. Karapatan niya iyon. Ngayon sa akin na naman ang atensyon niya. "Oo, may problema e. Paano ba maging mabait?" tanong ko. Tumawa ako para maniwala siya. "Nasa puso yan. Kung willing ka eh,” sagot niya. “Ang lamig. Payakap nga." Hindi naman ako tumanggi. Madalas na talaga niya akong niyayakap. Napangiti naman ako. Hindi ko ata kaya kapag nawala si Fleir sa buhay ko. Malaki na ang parte niya sa buhay ko. Matagal ang naging yakap niya sa akin. Masarap siyang yumakap. Mainit ang katawan nito. Malamang ginagamit niya ang fire magic. Niyakap ko naman din siya pabalik. Damang-dama ko ang tigas ng katawan niya. Isa na siya sa maswerteng nilalang na nabigyan ng magandang katawan. "Ang ganda ganda mo talaga, Kayt. Pero kahit na mag t-shirt, pants, eye-glasses, at nakapuyod ka ay maganda ka pa rin sa aking paningin," puri niya. "Alam ko ‘yan! Parang magkapatid na nga tayo e," dagdag ko. Naramdaman kong kumalas siya sa yakap. Nginitian niya ako pero parang may lungkot sa kaniyang mga mata niya. "Biro lang. Kaunti na nga lang ano e," bawi ko. "Kaunti nalang na ano?" tanong niya. "Kaunti nalang ay iisipin kong may gusto ka sa akin," biro ko. Napatigil naman ako sa pagtawa noong mapansin kong wala akong naririnig mula sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin. Parang hindi makapaniwala? Napailing naman siya. “Eh paano kung mayroon nga? Maniniwala ka ba?” tanong niya. “Biro lang. Para kang namutla ah. Nakakasura ba na magkagusto sa iyo? Yung reaction mo diyan parang ayaw mo ha?” biro pa nito sa akin. “Uy, hindi ah! Isang tulad mo magkakagusto sa akin? Hindi ata mangyayari yon. Para rin akong lalaki sa paningin mo e,” depensa ko. “Litte bro nga pala kita,” ika niya. Ginulo naman niya ang aking buhok kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Huwag mong iisiping walang magkakagusto sa iyo. Hindi mo masasabing mahal ka dahil sa quality na nakikita sa iyo. Mamahalin ka ng isang lalaki kung sino ka man. Hindi basehan ang magandang ugali at aspeto, kailangang balancse ang maganda at hindi maganda. Tanggap ka dapat sa parehas na iyan,” leksiyon niya. Natuwa naman ako sa sinabi ni Fleir. Sana ay ganan nga ang lalaking makakatuluyan ko. "Uuna na ako ah? Baka hinahanap na ako," paalam niya. Kakaway sana ako sa kanya kaso bigla niya akong hinalikan sa pisngi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD