MVA Chapter 6

2944 Words
Kayt's POV Nagbabad naman ako sa bathtub. Naalala ko na naman yung sinabi ni Sky. Alam kaya ni Mommy ang tungkol dito? Kausapin ko na lang sila Mom at Dad mamaya. Gusto kong ipaalam sa kanila na hindi na ako kailangang bantayan ni Sky. Kaya ko ang sarili ko. Naiinis ako sa thought na napipilitan lang siya. Akala ko special ang turing niya sa akin kahit bilang pinsan. Nagkakamali lang pala ako. Maaga pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili. I'm too excited to see my new friend. Basta lang ako kumuha ng maisusuot sa closet. Pare-parehas lang din naman ang mga sinusuot ko. Ipinuyod ko naman ang aking buhok. Pagkapunta ko sa hapagkainan ay ako na lang ang kulang. Sabay-sabay kaming kumain. "Kamusta naman ang pag-eensayo ninyo?" tanong ni Mom. "Okay naman kami ni Kuya Cxereb, Tita. Master na namin ang magic naming," ika ni Xanreb. Mabuti pa sila, ako ay marami pang kailangang i-explore. "Ikaw, Anak?" "Hasa na ako sa iba, Mom. Marami lang talaga akong kailangan pang i-explore. May mga natututunan naman ako palagi na bagong magic," sagot ko. "Mom, may bago po akong kaibigan. Dadalawin at kakamustahin ko lang po siya. Bago lang din siya dito," excited na sabi ko sa kanya. "That's good, Kayt. Natututo ka nang makipaghalubilo sa iba. Paano mo naman siya nakilala?" "Nakabungguan ko lang. Naliligaw kasi siya. Hinahanap po yung room niya, then wala pang kumakausap sa kanya. Mabuti na lang talaga at ako ang una niyang nakilala. Sobrang ganda niya rin," kwento ko. May inilagay naman si Mommy sa isang bag na mga pagkain. "Babae pala. Mas okay yan. Turuan mo sa maganda at mabuting paraan. Etong mga pagkain ay dalhin mo sa kanya. Alam kong bago palang siya kaya wala pa siyang gaanong imbak na pagkain," ika niya. "Mas mabuting mayroon kang dala." Tumango naman ako. "Maraming salamat, Mom. Masusunod po." "Mag-iingat ka pa rin, Kayt. Hindi pwedeng magtiwala agad sa bagong nakikilala. Kilatisin mo muna at kilalaning mabuti," paalala niya. "Yes, Mom! Masusunod," ika ko. Hinalikan ko naman ang kanyang pisngi at nagpaalam na. Masaya naman akong lumabas ng palasyo. Hindi na kinakailangan tumagos sa kwarto ko dahil nakapagpaalam naman ako. May rason na rin ako para makalabas-labas. Napakunot naman ang noo ko noong makita ko na naman si Fleir, Sky at Luna. Tamang tama, ipapakilala ko sa kanila si Janel. "Hi!" bati ko. Lumingon naman sila sa akin. Nagbeso kami ni Luna. Hinalikan naman ako ni Fleir sa noo. Again, sanay na ako. "Samahan niyo ako!" utos ko. "May ipapakilala ako sa inyo." Kumunot naman ang noo ni Luna. Sana hindi siya magselos kung malaman niyang may bago akong kaibigan. "Sino naman?" tanong ni Fleir. "Basta, tara na!" Hinila ko naman si Luna. Aba nahawa ata ako sa talent nilang paghila. Sumunod naman ang dalawa. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi. Alam kong walang pasok ngayon si Janel dahil rest day ngayon. Wala na silang nagawa sa pagsama ko sa kanila. Mabilis naman kaming nakarating sa dorms. Hinanap ko naman ang 143. Nasa unang palapag ito. Matataas na rin ang dorm ngayon. Nag-iimprove naman palagi ang Magical Vampire World. Pagkakita ko sa room 143 ay nag-door bell ako. "Coming!" sigaw ni Janel. Sana ay magustuhan nila si Janel. She's very kind. "Sino siya?" tanong ni Luna. "Bagong kaibigan ko," sagot ko. Nakita ko naman siyang sumimangot. "Ikaw pa rin ang best friend ko. I want you guys to know her," ika ko. "I'm sure magugustuhan niyo siya." Tumango na lang sila. Sana talaga ay magustuhan nila si Janel. Napalingon naman ako sa pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Janel. She's wearing T-shirt and pants. Ang ganda pa rin! Parehas kami ng taste kaya mas nagustuhan ko siya. Simple lang talaga siyang manamit. Nilingon ko naman ang tatlo. Parang gulat na gulat sila. "Hi guys, she's Janel Patricio from earth. Ngayon ay taga MVA na. Janel, ito si Fleir, Luna, at Sky," pagpapakilala ko kay Janel. Ngumiti si Janel sa kanila. Naglahad ito ng kamay sa tatlo. Si Sky ang huli nitong nilahadan ng kamay. Tiningnan muna ito ni Sky bago tanggapin. Nagsusungit na naman siya. Porke normal lang siya? Si Sky dapat ang turuan kung paano maging friendly. "It's nice to see you, Princesses and Princes," paggalang niya. Nginitian naman si niya Luna at Fleir. "You are beautiful Janel. May boyfriend ka ba?" tanong ni Fleir. Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Baka lumalandi na ang mokong. Malilintikan siya sa akin. Napansin ko namang nalungkot si Janel. Tumungo ito na parang maiiyak. Siguro ay may naiwan itong special someone sa kabila. Hindi ko naman siya masisisi kung may halong inis o galit ang pagdating niya dito. Pinapasok naman niya kami sa room niya. Pagkaupo namin ay napansin kong nagpawi siya ng luha. Parang ang bigat ng mga pinagdadaanan niya. "Yes, I have. Iniwan ko siya sa Pilipinas dahil ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Pagkagising ko noong isang araw ay nasa Singapore na ako. Nilagyan nila ng kung ano ang pagkain ko. Inilayo nila ako sa boyfriend ko. Alam kong galit na galit siya sa akin ngayon. Lalo na at hindi na kami muling magkikita. Magkabilang mundo na ang ginagalawan namin. Mahal na mahal ko siya," kwento niya. "Ipinaglaban ko naman." Gusto ko ring umiyak para sa kanya. Niyakap ko naman siya. Mahirap para kay Janel na walang closure. Nagkukwento siya ng past niya. Matagal na niya siguro itong kinikimkim. "Kaso, wala. Hindi talaga kami pinagbigyan ng tadhana," dagdag niya. "Kaya mo yan, Janel. Nandito lang kami para sa iyo. Malay mo itinatama lang ng tadhana ang deserve mong buhay," pag-assure ko. Ngumiti naman siya sa akin. Paano niya nakakayang ngumiti kahit nasasaktan? She's so strong. "Isa pa, Prinsipe siya. Normal lang ako," ika niya. Nagulat naman ako. Alam kong may mga Princesses at Princes din sa mundo ng mga tao. Hindi ko lang sukat akalain na Prinsipe ang naging nobyo nito. Ganito pala kahirap makarelasyon ang hindi mo kalevel sa antas. So what if you are a Prince? Hindi na nga lang maiiwasan na hindi pantay-pantay, ganoon na talaga ngayon. Mas mahalaga ay may respeto at malasakit ka sa iba. "Princes are made only for Princesses," singit ni Sky. Nanlumo naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin! Anong klaseng payo 'yan? Hindi na ba mababago ang pananaw niya? Kaya ba ayaw niya kay Kyle at Luna? "Sky!" saway ko. "I know right? Hindi niya deserve ang isang babaeng katulad ko. Ano nga naman ang mapapala niya sa tulad ko? Hindi ako kasing yaman at kahing husay niya. Pero isa lang ang masasabi ko, ang pagmamahal ko ay totoo," ika niya. Pinawi niya ang kanyang mga luha at tumingin nang masama kay Sky. Mukhang may makakatapat si Sky. I felt sorry for Janel. Hindi ko sukat akalain na may ganitong side si Sky. "Huwag kang mag-alala, Prince Sky, I will not let myself to fall again with a Prince. It will just give me pain," pagsisiguro niya. Ngumiti ito nang papilit. Nakatingin lamang ang dalawa sa isa't-isa. Paano ko ba sila pagkakasunduin? "Okay." Yun lamang ang binitawang salita ni Sky. Naisipan naman naming igala si Janel. Mukhang nag-eenjoy siya. Walang imik ang dalawang prinsipe. Kami naman ni Luna ay walang sawang kinakausap si Janel. Nakasalubong namin si Aphrodite. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatingin siya kay Sky na parang may nalamang kakaiba. Umiling ito at nilagpasan kami. Nakapagtataka naman. Baka kasi alam niyang wala talaga akong pag-asa dito. "Ilang araw mo na ba siyang naiwan?" tanong naman ni Luna. Mukhang tanggap na tanggap niya si Janel para maging kaibigan. "Isang taon na. Alam kong hindi niya na ako tinuturing na girlfriend. Pero siguro ay baka sisihin siya dahil sa pagkawala ko," ika niya. Possible nga ito. Kahit sa mga magulang at mga kaibigan niya ay hindi siya nakapagpaalam. Isa siguro si Janel sa napiling ipanganak na maging magical vampire kahit normal na mga bampira ang mga magulang niya. Ito yung masakit na part para sa mga magical vampires na bigla nalang mapupunta dito. No proper closure. "Huwag kang mag-alala, for sure naman ay magiging maayos din sila doon. Let me correct something," payo ko. Napansin ko namang sumusulyap si Fleir sa aming tatlo. "Ano?" tanong nila Luna. "Magical Vampires are made only for magical vampires.l," pagtama ko. Hindi umimik si Sky. Masyado kasing insensitive sa mga ganitong sitwasyon. Gusto kong ipaalam na hindi sa lahat ng oras ay tama ang pananaw niya. Kung ang mga prinsipe at prinsesa lang ang para sa isa't-isa, bakit ang mga tito namin ay nagpakasal sa hindi kabilang sa royal family? Kung sabagay, wala namang ibang royal blood noon kundi si Mommy at Tita Light. "Ang galing mo doon, Kayt ha?" natatawang ika ni Fleir. "Tatawa-tawa ka diyan, Fleir. Mamaya ma-in love ka na pala kay Janel," biro naman ni Luna. Napasimangot naman ako. Pero bahala siya kung kanino siya ma-iinlove. Huwag niya lang sasaktan si Janel. "May nagmamay-ari na ng puso ko, Luna. Hindi na iyon magbabago. Siya lang talaga," he said, sighing. Ako na lang ata talaga ang walang lovelife. Nga lang, medyo masakit ang kay Janel dahil hindi niya na ito makikita. "Pero, Janel, may mate kasi na tinatawag. May lalaking nakatakda talaga sa iyo," paliwanag ni Luna. "Hindi mo lang alam kung kailan siya darating, pero sigurado ako na doon mo mararamdaman ang totong pag-ibig." "Ako rin e, may nagmamay-ari na ng puso ko. Hindi niya lang alam," biro naman ni Fleir. Sky tsked. Bakit kaya? Kilala niya kaya kung sino yung tinutukoy ni Fleir? "I will not fall in love with a prince. Never!" ika ni Janel. "Taga mo pa sa bato." Tumawa naman sila. Hindi ko alam kung tatawa ba ako? Masakit yun para kay Janel. Lalo na at nakilala niya pa ang Prinsipe dito. Si Sky at Fleir lang ang prinsipe dahil panay prinsesa na. "Huwag magsalita ng tapos," bara ni Sky. Naiinis na naman ako kay Sky. Kanina parang ayaw niya ang relationship ng normal at prinsesa o prinsipe pero bakit ganito siya magsalita? Minsan naiisip ko na napakasama niya. "Sure!" asar ni Janel. "Mukhang nakakilala ka ng katapat, my dear twin," biro naman ni Luna. "Let's see," ika ni Sky. Tumingin naman siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Lagi namang ganoon. Sinubukan ko siyang ngitian pero binaliwala niya lang ako. Kailan ko ba makikita ang mga ngiti niya sa akin? Lagi nalang bang ganito? Maya-maya ay hinatid na namin si Janel. Tuwang-tuwa si Luna. Inanyayahan namin siya na sa amin na siya tumira kaso tinanggihan niya. Mas gusto niya daw mag-isa. She's 20 years old. Mas matanda lang si Luna at Sky ng buwan. Nagpaalam na rin ako sa tatlo noong pagkahatid nila sa akin. May naisip na naman akong kalokohan. I hid myself. Sinundan ko ang kambal. Hindi nila ako mapapansin dahil hindi naman ako makikita ng kahit sino. Wala rin naman akong pabango o kung ano dahil nadala na ako last time na nasundan ako ni Sky. "Ang sama nang pakikitungo mo kay Janel. Hindi ka nakakatuwa. Ang bait niya tapos ganan ka?" singhal ni Luna. "I don't like her," sagot ni Sky. Gusto kong magpakita at ipagtanggol si Janel. Wala naman itong ginagawa sa kanya. "Kahit na! Masyado kang mapangmababa!" inis na sabi ni Luna. Sobrang na-turn off ako sa ugaling pinakita ni Sky kanina. Hindi naman siya ganito dati. Bakit ba siya nagkakaganan? Ano bang rason kung bakit siya nagbago? Si Eira lang ang tangi kong naiisip. Bitter ba siya para sabihin na ang princes ay para sa princesses lang? Naging sila nga ni Eira e. Ewan ko na sa iyo, Sky. "You're too kind. That's why." "I hate your attitude," maktol niya. Same, Luna. Same. "I know," ika ni Sky. Ganito pala talaga magtalo ang magkapatid. Magkaiba kami ni Kuya Klyzer. Napakamaalaga nito at supportive sa akin. Iba pala talaga pag kakambal mo. Parang si Daddy at Tito Night lang dati. Pero si Mommy at Tita Layt ay sobrang close sa isa't-isa. "May tanong ako sa iyo," pukaw ni Luna. Napatutok naman lalo ang mga mata ko sa kanila. Mukhang importante e. Hindi ko gawaing maging chismosa pero parang may kutob ako na tungkol ito sa akin. "Hm?" Walang ganang sagot nito. "Gusto mo ba si Kayt? Kasi sobrang protective mo sa kanya. Lagi ka ring nakasunod at nakatingin sa kanya. Gusto mo ba siya dahil siya si Kayt? Hindi dahil pinsan mo siya? May pag-asa bang maging kayo?" sunud-sunod na tanong nito. Napakadirect to the point ni Luna. Umaasa ako na maganda ang isasagot ni Sky. "You're asking too much, Luna." "Sagutin mo na lang. I want to know. Please let me know," pakiusap niya. Umiling naman si Sky. Pumunta naman ako sa unahan nila para makita ko ang reaction nila. Napawi ang mga ngiti ko noong nakita kong nakakunot ang noo ni Sky. "Kayt is our cousin," sagot ni Sky. Expected ko na ito pero ang sakit pa ring marinig mula sa kanya. "Royal blood tayo. It is okay to love your own cousin," kontra ni Luna. "Hindi ko gusto si Kayt bilang Kayt. Nandiyan lang ako para sa kanya dahil pinsan ko siya at dahil pakiusap na rin ng Daddy natin at Daddy niya na bantayan at alagaan siya. Hindi ko naman ginusto ang pagsunod sa kanya. Sakit sa ulo ang babaeng iyan. Hindi ako yung tipong magkakagusto sa kanya. Ibang-iba ang tipo ko sa babae, at wala sa kanya yon," pilit na sagot niya. Hinayaan kong lampasan nila ako. Ang sakit. Hindi ko alam na nautusan lang pala siya ng Daddy namin. Hindi bukal sa loob niya ang pagbabantay sa akin. Kusang pumatak ang mga luha ko. Sobrang sakit talaga. Napatigil sa pagsasalita si Luna. Iniwan siya ni Sky. Umiiyak ito. Pasensya na Luna kung pati ikaw ay nadadadamay pa sa ganitong sitwasyon. Nakakalungkot lang talaga. Tumakbo naman ako papunta sa labas ng MVA. Ibinabad ko ang sarili ko sa lawa. Kailan ba titigil ang mga luha ko. Sana walang makarinig sa hikbi ko. Umiyak ako nang umiyak. Ganito na ba kasama ang ugali ko? Never niya akong nagustuhan kahit as cousin lang. Napilitan lang siya dahil sa parents namin. Dahil pinsan niya ako! Ilang beses yang pinaulit-ulit ng isipan ko. Sinabunutan ko ang aking sarili dahil na rin sa frustration. Hindi ako makapaniwala na isang Prinsesa ang makararanas ng ganitong sakit. Isa ba ako sa limang masasaktan? I guess! It freakin' hurts. Sometimes, I want to get my heart out of my body. It's not functioning. Kakaiba talaga ang puso ko, sa pinsan at maling lalaki pa nahulog. Ang hirap pigilan pero kinakailangan. Lumapit naman ang mga isda sa akin. Parang minamassage nila ang katawan ko. Lumublob ako kahit nakapantalon ako. Wala akong pakialam. Sobrang sakit nitong nararamdaman ko. Hindi ko pa nararanasan ang mahalin ng isang lalaki pero naranasan ko na agad ang masaktan. Ganito pala ang idudulot ng pagmamahal. Sakit ang kapalit ng pagmamahal. Ayoko na. Ayoko nang magmahal. Lesson na rin ito sa akin na walang maidudulot na maganda ang pagmamahal. Dapat thankful ako na wala akong naging boyfriend. F*ck those relationships! Pain in the ass! Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin magawang patahanin ang aking sarili. Sobrang sakit. Siguro nga, love is not for me. Love is a curse. It is okay to hate, not love. Isinusumpa ko ang pagmamahal! Hinding hindi na ulit ako magmamahal ng lalaki. Sisiguraduhin kong mawawala itong nararamdaman ko para sa kanya. Wala na akong pakialam kung magtaka siya sa inaasta ko. Huwag nila akong subukan. Hindi pa nila nakikita kung paano ako magalit. I'm killing Sky on my mind. Gusto ko siyang tirisin dahil minahal ko ang isang katulad niya. Agad naman akong umahon. Pinatuyo ko ang sarili ko. I changed my clothes. Pinaltan ko ito ng dress na fit na fit sa akin. It defined the shape of my body. Tinanggal ko ang pagkakapuyod ng aking buhok. Let them fall. I don't care. Hello, new Kayt. Break their heart! Para naman maranasan nila kung paano masaktan. Kung ano ang nararamdaman ko. Inayos ko naman ang straight kong buhok. Nagsuot rin ako ng wedge para bumagay sa suot ko. Goodbye shirt, pants, eyeglasses, and rubber shoes. Wala namang masama sa suot ko dahil ako lang ata ang babae na nagpapakapangit. Some girls are also wearing that kind of clothes pero kitang kita pa rin ang kagandahan nila. Natutunan kong magsalamin dahil para na rin hindi makilala ng iba. Things were changed. Naglakad ako malapit sa tambayan namin. Nandoon naman silang lahat. Nilagpasan ko lang sila. Hindi ako kumibo. Nakita ko sa mga mata ni Luna ang sakit lalo na sa mga mata ni Aphrodite. Tinawag nila ako pero mas pinili kong hindi sila lingunin. Napansin kong nakakunot kanina ang noo ni Sky. Hindi ko na hahayaang makalapit siya sa akin. F*ck your beliefs. Napansin ko namang sumusunod sa akin si Fleir. "Don't follow me. I'm warning you." Matalim ko siyang tinitigan. Halatang gulat na gulat siya. Nalungkot siya. So? "You've changed," ika niya. "Wala kang pakialam," malamig kong sabi sa kanya. Iniwan ko siya doon na gulong-gulo. Ngumiti naman ako nang mapait. They can't betray me. Love can't betray me, I promise myself. Love is the definition of pain. Love for a special someone is just an imagination. It is not true. This is just a word. It does not exist. I hate these tears in my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD