MVA Chapter 7

2574 Words
Kayt's POV Nasasaktan pa rin ako. Mali ang idamay ko ang iba pero kasi, lagi nilang kasama si Sky. Hindi ko ata kakayaning sikmurain na makasama sila lagi. Makikita ko lang siya, at yan ang iniiwasan ko. Hayaan mo silang mag-isip kung anong nangyayari sa akin. Ilang araw na akong hindi umaalis ng palasyo. Sumasabay naman ako sa pagkain pero mas pinipili kong hindi umimik. Sinusulyapan ako palagi ni Cxereb at Xanreb. Mabilis akong kumain. Ako lagi ang nauunang umalis. Nagtataka na nga sila Mommy at Daddy sa akin. Ang nakakatuwa ay hinahayaan lang nila ako. Pumunta na ulit ako sa kwarto ko. Mga ilang minuto lang ang nakalilipas ay may kumakatok na. Pinagbuksan ko naman ito. Nakita ko si Ate Minah. Nagtataka naman ako. "Ate bakit?" tanong ko rito. Kumunot ang noo niya na siyang dapat ako ang gumagawa. "May problema ka ba, little sis?" tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Pagdating sa kanya at Kuya Klyzer ay hindi ko kayang magsinungaling. "Mukhang may problema nga ang baby namin," natatawang ika niya. Sumimangot naman ako. Alam naman niya talaga kung may problema ako. Sa kanya ako palagi nagsusumbong at nag-oopen noon pa man. "Hindi na ako baby ate." "Ikaw pa rin ang baby namin." Niyakap naman niya ako. Maybe I really need someone to talk about my problems. "Oo na, Ate Minah. Pero 'pag nagka-anak kayo, hindi na ako ang baby niyo. Okay lang naman. Bilisan niyo nga magka-anak, ako ang mag-aalaga. Walang magawa sa buhay e. Para may makulit na chikiting naman tayo dito," biro ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Seryoso, gusto ko na talagang magkaroon ng pamangkin. "Kasal muna. Ilang araw na lang naman e," ika niya. "Tulungan mo na lang kami ng Kuya mo mag-asikaso." Excited na nga ako sa kasal nila. Kaso kapartner ko si Sky. Kamusta naman yun? Sige ayos lang. Papakita ko na lang sa kanya na hindi na ako ang Kayt na kilala niya. "Congrats sa inyong dalawa. Excited na ako sa kasal niyo," ika ko. Ngumiti ako pero hindi pa rin ako naniniwala sa Love, na mangyayari ito sa akin. Mas naniniwala ako sa pagiging destined sa isa't-isa. Yun lang! Why? Kasi may mate. Ayokong magkaroon ng mate. Alam kong pwedeng mapalitan ang mate mo. I need to ask Aphrodite about it. At kung paano mabubuhay nang matagal na walang mate. "Thank you. Anyways, ano na nga bang problema? Nararamdaman kong ang bigat nang kinikipkip mo," pagpuna niya. "care to share?" Huminga naman ako nang malalim. Handa naman na akong sabihin sa kanya e. "Eto nagmahal, nasaktan, nag-move on, nagbago, at nagpaganda," sagot ko. Tumawa naman ako para mabawasan ang lungkot. "Nagmahal? Kanino? Kaya pala dati ay para kang laging blooming. Ngayon ang ganda mo lalo pero kitang-kita ang sakit sa mga mata mo," pansin niya. Talaga ba? Halata pala na may dinadala akong problema. Baka si Ate Minah at Mommy lang nakakahalaya kasi sila ang malapit sa akin. "Napaka imposible na mahalin niya rin ako, Ate. Si Sky kasi iyon," pag-amin ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nakabawi naman siya sa reaction niya. Hinimas niya ang aking likod. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Sky para sa iyo, pero malalampasan mo rin ito, Kayt. Kaya mo 'yan," payo niya. Tumango naman ako. Kaya ko naman talaga. Ang hirap lang mag-adjust. "Nagtago ako at sinundan ang kambal. Narinig ko na hindi niya ako gusto. Napipilitan lang siyang alagaan at sundan ako dahil sa parents namin. Ang sakit. Kahit mahal niya ako as cousin, hindi pa rin e," kwento ko. "Pabigat lang ako sa kanya, Ate. Kailangan kong umiwas." Napaluha na naman ako. Pesteng luha 'to. Hindi na ata ako tatantanan. "Nagmana talaga kay tito Night. Huwag kang mag-alala, baka hindi talaga siya ang lalaking para sa iyo. Ipakita mo na lang sa kanya na hindi ka naaapektuhan. Ipakita mong masaya ka. I don't want to see you suffering because of this love," payo niya ulit. Niyakap ko naman siya. Ang swerte ko dahil ate ko siya. Lahat ng payo niya ay para sa ikabubuti ko. "Ang hirap maging masaya sa harap nila. Ang hirap mag-adjust. Paano ko ba sisimulan? Mukha na lang niya ata lagi ang nakikita ko," pag-amin ko. "Gusto mo bang palitan ko ang partner mo sa kasal namin? I can replace Fleir naman. Baka kasi mauna ka pang umiyak sa akin," asar niya. Tumawa naman kami. Nakakaloka naman, hindi ako iiyak nang dahil kay Sky sa araw na iyon. For sure maiiyak ako dahil sa saya. "Hindi na, Ate. Baka isipin niya na siya ang dahilan kung bakit ko sila hindi pinapansin. Magiging matatag ako," pigil ko. "Papakita ko nalang ang bagong ako. I want to be independent." "Masakit para sa mga kaibigan mo na hindi sila pansinin. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari, Kayt. I thought you will change to be a better woman. Baligtad pala. I bet, madi-disappoint ang parents mo kapag nalaman nila ito. Let me help you to become better," pag-disagree niya. Sabagay. Hindi naman sila yung nawalan ng kaibigan. Ako yung magsa-suffer kung itutuloy ko ito. "Tama ka, Ate. Siguro gagawa na lang ako ng paliwanag. Hindi na lang ako sasama minsan sa kanila. Alam mo na, to avoid him na lang din. Kailangan kong kausapin si Aphrodite. Sana at hindi niya sinabi ang tungkol sa nararamdaman ko." "Aphro will not do that. She's maybe a brat pero alam na niya ang mali at tama. Let's trust her na lang," pagsiguro niya. "A'right? I have to go, Kayt. Baka hinahanap na ako. Nandiyan lang ako at Klyzer kung kailangan mo ng payo. Si Cxereb at Xanreb ay nandito lang rin," dagdag niya. Tumango naman ako. Nagpaalam naman na ako sa kanya. Ilang araw na ba akong hindi gumagala? Naisipan ko namang umalis. Nakasalubong ko naman si Tita Miyu. Minsan ko lang siya makita. Hindi kasi ako palagi nadalaw sa kabila. "Hey, Tita Miyu!" bati ko. Ngumiti ako sa kanya. Parang nagulat pa siya noong nakita niya ako. She's with her husband. Ang galing talaga niyang pumili ng lalaki. Or just because they are mate? Ang gwapo talaga ni Tito Silver. Mabait at malakas pa. Buhat-buhat niya ang anak niyang si Blue. Pitong taong gulang na ito. Lagi itong kalaro ni Fleyiel. "Uy, Kayt. Napadaan ka rito? Naggagala ka na naman? Naku itong batang to," ika niya. Tumawa na lang ako at nilaro si Blue habang akay ni Tito Silver. "Nagpapakapanibago po, Tita. Walang love life e," biro ko. "Darating din yang love life mo, Kayt. Kapag nakilala mo na yung lalaking mamahalin mo, masasabi mong siya na talaga ang para sa iyo kung nakikita mo na ang future mo na kasama siya habambuhay," mahabang advice niya. Napatigil naman ako sa sinabi ni Tita. Pinilit kong intindihin ito kahit ayaw pumasok sa utak ko. "Paano kung nagmahal ako pero hindi ko pa nakikita ang future ko sa kanya?" tanong ko. "Siguro ay dahil nagsisimula pa lang papuntang iba't-ibang stage ang pagmamahal mo. Kung alam mo namang hindi ka niya mahal, just stop, okay? Basta darating din ang para sa iyo," sagot niya. Ngumiti ulit ako. Siguro nga ay hindi alam ni Tita Miyu ang nararamdaman ko ngayon, pero minsan sumasakto talaga ang mga sinasabi nila sa nangyayari. "Thank you, Tita Miyu. Mauuna na po ako. Bye, Tito Silver. Bye, Baby Blue!" paalam ko. Hinalikan ko si Blue sa pisngi. Kumaway naman ito sa akin kaya kumaway din ako. Nagsimula na ulit ako maglakad noong nawala na sila sa paningin ko. Sabi nga ni Tita, just stop. Ilang araw na ulit ang nakalilipas. Hindi ko pa ring magawang kausapin ang mga kaibigan ko. Si Aphrodite naman ay hindi ko makita. Kailangan ko na atang pakiusapan si Xanreb. Bukas na rin ang kasal nila Kuya Klyzer at Minah. Mahaba-habang explanation na naman ang sasabihin ko kapag nagkataon. Lumabas naman ako ng aking kwarto. Tumapat ako sa kwarto ni Xanreb. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Halos isang buwan ko na siguro silang hindi kinakausap. Kahit papaano ay may Calendar rin sa MVA. Ipinuwesto ko naman ang kamay ko para kumatok. "Kayt?" tawag sa akin. Napalingon naman ako sa likod. Hindi ko na pala kailangang kumatok. "Aphrodite, we need to talk," ika ko. Kailangan kong magung direct to the point. Mukhang hindi naman siya nagulat. Parang expected pa nga niya. "I think so," malamig na sambit niya. Galit kaya siya sa akin? Pinili ko nalang ding maging seryoso. Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya. Pumunta naman kami sa garden. Mas mabuti rito para kami lang talagang dalawa ang makakarinig nang pag-uusapan namin. "Bakit ka umiiwas sa amin? Nang dahil lang sa hindi ka niya gusto ay pati kami ay idadamay mo?" paninimula niya. Sa kanya na rin nanggaling na hindi ako gusto ni Sky. Confirmed. "Sorry." Yun nalang ang nabanggit ko dahil sumakit na naman ang bandang kaliwang dibdib ko. Nasasaktan na naman ako. Nagbabadya na naman ang aking mga luha. "Naiintindihan ko. Alam kong nasasaktan ka, Kayt. Ang sakit lang din na hindi mo kami pansinin. Huwag mo na ulit gagawin ha?" reklamo niya. Tumango nalang ako. Nakukonsensiya talaga ako na naidamay ko sila. "Basta hindi ko pa ata kayang makasama si Sky," sambit ko. "Nagtataka na nga ang iba dahil ang tagal ka na nilang hindi nakikita. Kahit ang kambal ay pumupunta raw rito pero hindi ka nadadatnan. Nag-aalala na sila," kwento niya. Nabanggit nga sa akin ni Mom. Hindi ko lang alam anong sinasabi niyang palusot. Baka inutos niya lang sa guards. "Ngayon nga lang kita nakita ulit. Alam ko namang araw-araw kang nakikita ni Cxereb at Xanreb pero hindi nila alam kung anong problema mo. Pinili kong manahimik para sa ikabubuti mo," dagdag niya. Nakahinga naman ako nang maluwag noong narinig ko iyon. "Magpapakita rin naman ako sa tamang panahon. May isa lang akong kahilingan sa iyo," pakiusap ko. Kumunot naman ang noo niya. Sana okay lang sa kanya. "Ano naman iyon?" "Ayoko sanang may maging mate. I want to be independent. I want to be alone. I don't need a man," sagot ko. "Gagawin ko ang lahat para maging masaya kahit wala nito." Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Nagsalubong ang dalawang kilay nito. Mukhang hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Anong kalokahan naman iyan, Kayt? Serysoso ka ba sa mga sinasabi mo? You can't live longer if you don't have a mate," inis na sabi niya. "Maaari kang mamatay sa edad na 35 kung wala ka pa ring asawa! We have that rule. Don't act like you are still a kid. You can change your mate by accident, but you cannot change the rule! I don't want to talk about this again. Be matured enough. Huwag pairalin ang kat*ngahan dahil lang sa isang lalaki. Love does exists! If you don't believe, then ask your parents! Sa tingin mo walang love doon? Then what do you call that? A sh*t? I have to go. This is nonsense," dagdag niya. Hindi ako nakapagsalita. Walang luhang pumatak sa mga mata ko. Anger is burning inside my mind and my heart. Tulala lang ako. How I wish na may kakayahan akong gayahin ang magic ni Aphro. Kaya naman kaso natatakot ako na masira ko ang future ng iba. Lumipas ang isang araw. Ngayon na ang kasal nila Ate Minah at Kuya Klyzer. Ngumingiti naman ako kaso pilit. I have to do it kasi favor na rin ni ate. I'm wearing a cream long gown. Kahit ano namang kulay. Pinuyod ko ang buhok ko pero this time ay pang may event talaga. Naglagay din ako ng light make up na natutunan ko sa mga students na galing mundo ng mga tao. Halos kakulay ko na ang gown. Pumila naman kami. Hindi ko alam kung ilalagay ko ang aking kamay sa bisig ni Sky. Everyone's doing that. Napalingon naman ako sa aking likod. Si Blue ang little groom at si Fleyiel naman ang little bride. Ang cute nila. Kinawayan naman ako ng dalawang bata kaya napangiti ako sa kanila. They are adorable. Lumapit sa amin ang organizer. "Hala, Princess Kayt! Ikawit mo po ang kamay mo sa bisig ng kapares mo. Malapit na magsimula. Ganito," turo niya. Kinuha niya ang aking kamay at ikinawit sa bisig ni Sky. Iniwas ko sa malayo ang aking mga mata. Ayokong makita ang reaction ni Sky. Yung dalawang bata lang talaga ang pinapansin ko. Nagsimula nang tumugtog ang mga nasa itaas. Kami na ngayon ni Sky ang susunod na maglalakad. Parang gustong magsalita ni Sky pero hindi ko na lang ulit siya pinansin. Sa gilid ko ay napapansin kong sumusulyap siya sa akin. Naglakad na kami ni Sky. Gustong-gusto ko nang matapos ang paglalakad para makabitaw na ako sa kanya. Halos pigilan ko na ang aking hininga dahil sa kaba. Ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin. Pinipilit ko pa ring ngumiti. Baka isipin nila na ayaw ko kay ate Minah kung sisimangot ako. Natuwa naman ako dahil malapit na akong bumitaw sa kanya. "You looked beautiful tonight," puri niya. Binitaw ko na ang aking kamay. Saglit na napatigil ako. Naglakad naman ako papunta sa upuan ko. Katabi ko si Mommy. Sa kabila naman ay si Tita Rebecca since siya ang tumayong magulang nito. Sinulyapan ko si Sky. Nakafocus ang tingin nito sa likod kung saan naglalakad na ngayon si Ate Minah. Lahat ay namangha sa taglay na kagandahan ni Ate Minah. Napangiti naman ako. Sinulyapan ko si Kuya. Parang maluluha na siya habang nakatayo kasama si Daddy. Katabi naman nila si Sky. Kaya di ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Totoo bang mahal ko na talaga siya o masyado lang akong naghahangad ng pag-ibig? Totoo nga ba ito? Ibinalik ko naman ang atensiyon ko sa kasal. I can see in their eyes that they really want each other. Halos mapaluha na rin si Ate Minah habang naglalakad. Lumingon ulit ako kay Kuya. Hindi sinasadyang mapadako ang mga maya ko kay Sky. Nakatingin na pala ito sa akin. Napahawak naman ako sa aking pisngi. Naluha na pala ako. Siguro dahil sa tuwa. Tama ang hula ni Ate Minah, mas mauuna pa akong maluha. Mommy and Tita Rebecca are crying too, so may palusot naman ako. I'm very happy to witness the wedding of my favorite Kuya and Ate. Noong nag-eexchange na sila ng mga salita ay hindi ko mapigilang hindi mag-isip. Is this worth it? Masaya ba talagang magpakasal? Nang matapos ang kasal ay nasa reception na kami. Sa beach ginanap ang handaan kaya lahat kami ay tumungo doon. Wala pa atang dalawang segundo ay nandoon na ako. Ang iba ay nagpalit na ng kanilang kasuotan. Mas pinili ko pa ring hindi. Lumakad naman ako papuntang dagat. Sobrang ganda dahil gabi ngayon. Kumikinang din ang mga buhangin. Napapikit naman ako para damahin ang simoy ng hangin. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nagmulat naman ako ng aking mata. Nakita ko sa gilid ko si Fleir. Nakatingin lang ito sa malayo habang hawak ang isang baso ng wine. "Anong gusto mong gawin ko para lang mapasaya kita? Lahat ay gagawin ko para maibalik ang mga ngiti mo," ika niya. Natulala naman ako sa kanya. Tumingin ito sa akin na siyang ikinabilis ng t***k ng puso ko. Parang siya lang ang nakikita ko sa aking paningin. This is weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD