Garrison's P. O. V.
"WHAT!? FIND HER!" sigaw ko sa aking telepono.
Padabog kong binagsak ang landline. Napahawak ako sa aking sentido. Umaasa akong magkikita kami ngayon ni Eviane. That woman, sinasadya niyang taguan ako.
Tumayo ako mula sa aking swivel chair at napatingin ako sa paligid ng aking opisina. Tahimik ang apat na sulok, wala akong ibang maisip kundi si Eviane. Buong gabi akong hindi makatulog dahil sa kaniya. I feel excited for our breakfast today but she ran away.
"Her mother feels like she likes me, based on what Jonathan said but---Eviane seems disgusted. F*ck it," I whispered.
"Sir Garrison?" Biglang bumukas ang pinto ng aking office.
"Can't you knock first!?" sigaw ko dahil na rin sa pagkainis.
"S-Sorry, Sir." Napayuko ang aking Chief of Staff. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin para i-abot ang ipad nito.
"Ito po ang information ng lalakeng nagbigay ng drinks kay Ms. Eviane."
Binasa ko ang nasa ipad niya, buong detalye ay naroon kasama ang pictures. May video din from the CCTV how he approached Eviane. Kitang-kita ko ang paglayo ni Eviane sa kaniya, maybe she's uncomfortable.
"Vincent Ocampo, you'll regret what you've done."
His business was launched 2 years ago, it was a car wash business. Seeing that he has twenty three branches from different regions.
"Sir, some of his branches are illegal. He has connections from the mayor of a city."
"Call my lawyer, get all the evidence and get him down."
"P-Po?"
"Lahat ng matitira sa kaniya, tell my lawyer that I will buy his business. Shall I buy him too and make him my slave?" I smirk.
Nakita ko ang takot sa mga mata ng aking Chief of staff. Binalik ko sa kaniya ang ipad nito at kinuha ang aking cellphone. Muli kong minessage si Jonathan for any updates.
"Sir, ipinatatanong din po ni Chef kung ipaghahanda na ang breakfast niyo," aniya.
"Tell him that I'll eat outside," sabi ko at bumalik na sa aking swivel chair.
"Noted po, Sir. Mauna na po ako." Lumakad na siya palabas ng aking office.
Muli kong tinignan ang aking cellphone, wala pa ring reply si Jonathan. Hindi na ako mapakali. Hindi ko maintindihan si Eviane. She kissed me that night, now she's running away from me. Maybe she's back in her apartment, since 6 am siya umalis sa kanila based sa sinabi ng mother nito. Her estimated arrival here in manila is 7'oclock am to 7:30 am.
"It's already 7:30 am."
Hindi ko kayang maghintay lang dito at walang gawin. Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan, iniwan ko ang aking trabaho sa aking lamesa. Mabilis akong lumabas ng office. Ang lahat ng makakasalubong ko ay bumabati sa akin. Sanay na ako at kadalasan ay hindi ko na sila pinapansin. Hindi ko pwedeng ubusin ang oras ko kababati sa kanilang lahat pabalik.
Tumayo ako sa harapan ng elevator at ang mga taong naghihintay rin ng elevator ay napaatras dahil sa akin.
"Good morning po, Sir." Tumango ako sa kanila.
Nang bumukas ang elevator ay pumasok ako room. Pinindot ko kaagad ang ground floor. Walang sumasabay sa akin na kahit sino sa elevator maliban sa aking mga kaibigan na business man din at kay Jonathan o sa aking Chief of Staff.
"The f*ck, Jonathan. Why aren't you replying to my messages?" inis kong sambit sabay kuha ng aking cellphone sa bulsa.
Kahit seen ay wala. Nasaan na kaya siya? Nagmamaneho pa ba ito pabalik ng Manila? Nahanap niya na kaya si Eviane? I want to know that Eviane is safe right now. Pupuntahan ko siya sa apartment niya.
Bumukas ang elevator. Nakita ako ng aking mga body guards kaya agad silang pumaligid sa akin. Mula sa entrance ng building, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang pamilyar na babae. She is wearing a blue blouse and a black skirt. She is holding a folder and with a sling bag hanging in her shoulder.
"Eviane?" bulong ko.
Akmang hahabulin ko ito pero bigla siyang tumakbo patungo sa information desk, ang staff naman sa information desk ay tinuro ang isang silid. Kumaripas ng takbo si Eviane papasok sa silid na 'yon. Mabilis akong naglakad patungo doon nang bigla akong harangin ni Maxine, ang aking Chief of staff.
"Sir, nakausap ko na po si Attorney---"
"What room is that?" tanong ko sa kaniya.
"Room po para sa mga interviewees."
"What position?"
"Production teams po, Sir."
Lumakad ako at sumunod naman siya. Mula sa glass na pinto ay kitang-kita ko si Eviane na nakaupo sa isang upuan, marami itong katabing babae at lalake na mukhang mag-a-apply rin. Hindi ako nakikita ni Eviane sapagkat nakatalikod ito sa akin.
"Go inside. Tell the manager to hire the woman wearing that blue blouse and a black skirt." Tinuro ko si Eviane.
"Sige po, Sir."
"Tell her that I'll give her a higher position, Chief of Staff. Double your salary," seryoso kong sabi.
"S-Sir, am I fired?" may halong lungkot sa boses ni Maxine.
Napakunot ang noo ko sa kaniya.
"No, that woman wearing a blue blouse is Eviane Elaine." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Gets ko na po, Sir!" akmang papasok na siya sa silid pero hinawakan ko ang braso niya.
"After she accepts the position, tell her she should meet me in my office for a final interview. Make sure that she will come. I'll go back to my office and wait there."
"O-Okay po, Sir."
Tumango ako at tumalikod na. Nakangiti akong naglalakad pabalik sa elevator. It might take a few minutes but she'll definitely meet me soon.
Pagkasakay ko ng elevator ay isang message ang natanggap ko mula kay Jonathan, saying that he hasn't seen Eviane yet. So, I replied that I already caught her off guard.
"Finally, you'll never get out here again, Eviane. I won't let you run away."
Muli kong tinignan ang profile ni Eviane sa mga social media accounts nito. Isa-isa kong sinave ang mga litrato nito sa aking phone. I just can't help but admire her beauty, her sweet smile. I never saw her smile like this in person but I am longing to see her smile like this to me. I'll definitely won't let her go again.
Nakarating ako sa palapag kung nasaan ang aking office. Naglakad akong may ngiti sa labi, at nang makarating ako sa aking opisina ay para bang lumilipad ako sa ulap. Knowing Eviane is near me. I will get to see her face again.
I stopped smiling when I saw my reflection in the glass wall. I touched my cheeks and sighed.
What have you done to me, Evaine? I never smiled like that before. I hate smiling, I have never smiled since my mother passed away. I never felt this happiness ever again.
"F*ck, I am already loosing my patience in waiting for you, Eviane," bulong ko at naupo sa aking swivel chair.
Inikot ko ang aking upuan at hinarap sa mga katabi kong buildings, ang mga sasakyan na nagmistulang langgam. Ang ganda ng araw ngayon, asul na asul ang langit.
Lumipas ang ilang minuto, isang katok sa pinto ang aking narinig. Kasabay nito ang pagbukas ng pintuan. Parang may kung anong kidlat ang tumama sa puso ko nang marinig ko ang boses ni Evaine.
"S-Sir, magandang umaga po."
You're like a drug, Eviane. You f*vking make me feel high.
I slowly turned my chair in front of her.
"Long time no see, Ms. Eviane."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako nito at nabitawan ang hawak niyang folder.
*********************