Garrison's P. O. V.
"Sa ganitong paraan mo ba ako ginagantihan?!" pasigaw niyang sabi sabay hawak sa magkabila niyang beywang.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at tinitigan lang siya. She's cute, and this is the first I am seeing her mad.
"Nope, I'll never take revenge on you." Ngumiti ako sa kaniya.
"Fine, I'm really sorry for kissing you. It's just a mistake. Tinatanggap ko namang mali ako, pero don't you think this is too far? Did you lure me here?" seryoso niyang tanong sabay lakad papalapit sa akin.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Knowing she's really a strong and confident woman. Pakiramdam ko ay mas lalo ko siyang nagugustuhan.
"I did."
"Why!? Hindi pa ba sapat ang gabing 'yon na kabayaran ng lahat ng ginawa ko sa 'yo?" Bigla niyang hinampas ang lamesa ko. Kitang-kita ko ang pagkiskis ng mga ngipin niya sa sobrang inis nito.
Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Did she think that we had s*x that night? Is that the reason why she left?
"A-Anong nakakatawa, ha!? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko!? May nangyare ba sa atin nung gabing 'yon!?" sigaw niyang muli.
Ang lakas pala ng boses niya, hindi halata noong gabing umiiyak siya sa harapan ko.
"What do you think?" Tumayo ako at nilapit ang mukha ko sa kaniya.
Her eyes widened and she slowly sat down on the floor. Para siyang bata na inagawan ng candy.
"S-Sabi ko na e, napakatanga ko." Napayuko siya.
Lumakad ako papalapit sa kaniya. Nakita ko ang sugat niyang gumagaling na, wala itong takip kahit band aid man lang. I slowly bend down para hawakan ang binti nito to check the cuts. Isang segundo pa lang nagdidikit ang mga balat namin ay bigla niya akong sinipa sa binti dahilan para ma-out of balance ako. Agad ko namang nahawakan ang sahig at umayos ng upo.
"Bastos ka! Hindi porket mayaman ka, may pangalan ka at gwapo ka e' tatratuhin mo 'ko ng ganito! Pinagsamantalahan mo na nga ako tapos---"
"We never had s*x."
"W-What..."
"For your peace of mind. Never kitang binastos, I took you to the hospital after you passed out. Also, the reason of your unconsciousness is..." Tumayo ako at tumingin sa kaniya. "The man who gave you the wine, he put a drug in your wine that can make you sleepy. You broke the glass beside my feet and I saw the powder that hasn't dissolved yet. The doctor said that your body is fine, after they cured your wound, I bought you in my penthouse because I don't know anything about you."
"G-Ginawa mo 'yon? Pero bakit puting polo yung suot ko paggising ko?" tanong niya at tumayo rin.
Kitang-kita ko sa mga mata niya na interesado siyang malaman ang lahat.
"Well, after I took a shower. I was shocked when you took off your dress. You said that the dress makes you feel itchy. Sorry, I don't have any comfortable sleep wear and I only have white polo since that is my everyday clothes and---"
"W-Wait---" napahawak siya sa dibdib ko.
"N-Naghubad ako sa harapan mo!? I don't believe you!" sigaw niya.
"Well..." Ipinasok ko sa bulsa ng pants ko ang kamay ko at lumakad patungo sa aking laptop. Sumunod naman sa akin si Eviane.
I held the mouse and went to my CCTV footages. Pinlay ko ang video na kung saan kakalabas ko lang ng walk in closet. Kitang-kita sa video ang paghuhubad ni Eviane. Mas inilapit pa ni Eviane ang mukha niya sa aking laptop at tila ba hindi makapaniwala sa ginawa ko sa kaniya. Kitang-kita pa na kinumutan ko pa siya.
"That's everything." Hininto ko ang video.
"S-Sorry, mali yung hinala ko. P-Pero gago yung lalakeng 'yon. Akala ko mabait siya kaya ko tinanggap yung wine. Sarap niya ipa-blotter sa baranggay!" aniya.
"Don't worry, I already took care of everything." Sumandal ako sa table at hinarap siya.
"T-Talaga? Kilala mo 'yong lalake? Sabagay, mayayaman kayo." Na-cross arms ito.
"I took care of you and make sure you are safe, yet you abused my kindness. You left me in my own penthouse and you kissed me without my permission," seryoso kong sambit upang takutin siya.
Nanlaki ang mga mata niya at nabalisa. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.
"S-Sorry, s-sabi ko naman sa 'yo nagkamali lang ako---"
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Hindi siya nakapalag, na-estatwa siya sa kinatatayuan niya at napatitig lamang sa akin.
"Sorry, just a mistake too." Napangisi ako at naupo sa aking swivel chair.
"Bwisit! Siguro naman quits na tayo. Nagantihan mo na ako, okay ka na!?" irita niyang sabi sabay lakad patungo sa folder niyang nahulog niya kanina.
"I told you, it wasn't my intention. I just want you to realize that you are wrong and have a taste of your own medicine," sabi ko at pinanood siyang mainis.
"So? Para saan pa yung pagpunta ng P.A mo! Paano mo nalaman ang address ko, alam mo na ba lahat sa akin at nagpadala ka pa ng bulaklak. Niloloko mo ako!" sigaw niya.
"Eviane Elaine Dizon, twenty-four years old. Plaridel, Bulacan is your hometown. You went to Bulacan State University, graduate of Business Administration. You have four siblings---"
"Gago ka ba!?" sigaw niya at hinampas muli ang lamesa ko.
"What? Kahit naman hindi ko agad malaman 'yon, it was written on your resume."
"Stalker!"
"Kisser." Napatigil siya, "A good kisser." Napangisi ako.
Napaawang ang labi niya.
"Goodbye!" sigaw niya.
"Whom did you learn that kiss? From Solomon?" bigla siyang napatigil sa tanong ko.
"Don't you even mention his name."
"Why not? I am one of his investors and I know his company."
"I don't care, I'm leaving---"
"You're not, you work for me."
"I don't take this job anymore. Kailangan ko pa ba ng resignation letter!?" sarcastic niyang sabi.
"I'll never accept a resignation letter."
"Pwede ba, Garrison? Tigilan mo na ako. Thank you sa lahat ng nagawa mo at sorry sa atraso ko, pwede bang quits na tayo?" pagmamakaawa niya.
Kumuha ako ng thirty-thousand cash sa aking drawer. Nilapag ko iyon sa lamesa. Napatitig si Eviane sa pera. Ayoko sanang daanin siya sa ganito, but I can't let her leave.
"Take this as an advance p*****t. Be my secretary."
Lumapit si Eviane at hinawakan ang pera. Binaba niya itong muli sa lamesa ko.
"Porket mayaman ka, tingin mo madadaan mo 'ko sa pera?"
"Ms. Eviane, I am trying to help you. I heard that it's been a month since you lost your job. You have four siblings to support and---" mabilis niyang kinuha ang pera sa lamesa ko.
"Fine, tatanggapin ko 'to. Siguro naman pwedeng bukas na ako magsimula? I-aabsorb ko muna lahat ng nangyayare," aniya sabay lagay ng pera sa kaniyang bag.
"I'll see you tomorrow at exactly 6 am."
"6 am!? Napaka-aga naman!" reklamo niya.
"You're my secretary, kung anong oras ako pumapasok, dapat ganoon ka rin."
Napakagat siya sa kaniyang labi. Tila ba gusto niya pang sumagot dala ng inis nito pero wala siyang nagawa. Umatras na lamang ito at lumabas ng aking opisina.
"Finally."
*****************