Chapter 3

1569 Words
Eviane Elaine's P. O. V. "N-No!" napa-praning kong sambit. "Sino ka ba!? Nasaan yung Garrison na 'yan!? Sino ba 'yon, anak?" naguguluhan na tanong ni Mama sabay lingon sa akin. "H-Hindi ko siya kilala, Ma. Narinig ko lang yung pangalang Garrison pero hindi ko talaga siya kilala--" "Let me formally introduce myself. I am Mr. Garrison Bartolome's personal assistant, my name is Jonathan. Please accept this." Inilapit ni Jonathan ang bouquet sa mukha ko. "Kuhanin mo na, ate!" sigaw ni Donna. "Ako na kukuha para sa 'yo!" May halong saya ang boses ni Victa, parang siya pa ang kinikilig. Mabilis na kinuha ni Victa ang bouquet at ipinasok sa loob ng bahay. "W-Wait, excuse me, Mr. Jonathan. I won't go out for breakfast with a total stranger. I don't know him." Tinaasan ko siya ng kilay. Garrison must be a wealthy man. Halata naman dahil mayroon pa siyang personal assistant at narinig ko ang pangalan niya sa Night Ball Party, siguro ay isa siya sa mga business man doon. "Oo, kilala ko ang anak ko. Hindi sumasama sa mga estranghero 'yan. Baka mamaya kidnap-in niyo pa 'tong anak ko, eh--mukha ka ngang scammer!" sigaw ni Mama. "Ma, hinaan mo boses mo. Maririnig tayo ng mga kapitbahay!" bulong ko kay Mama. "Sandali! Ang niluluto ko!" sabi ni Mama sabay takbo papasok ng bahay. Nilingon ko si Jonathan, "Umalis ka na dahil hindi ako sasama sa Garrison na 'yan. Kahit ano pang gawin mo, I don't do breakfast with a stranger," inirapan ko siya. "You already kissed a stranger, slept with a stranger, then ayaw mo pa ring makipag-breakfast sa strang---" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Jonathan. Nanlaki ang mga mata ko. Ang malaking kahihiyan na ginawa ko, hanggang dito ba naman ay dadalhin ko!? Baka marinig pa ng pamilya ko ang kagagahan na nagawa ko. "T-Tumahimik ka!" Pinanlakihan ko ng mata si Jonathan. Hinawakan ni Jonathan ang kamay kong nakatapal sa bibig niya. Tinanggal niya ito at tumingin sa mga mata ko. "Pareho kayong hindi nagpakilala sa isa't isa. Mr. Garrison wants to meet you tomorrow, exactly 7 am ay nandito na ako." "Paano niyo nakuha ang pangalan ko, address ko at---" "It doesn't matter, Ms. Eviane." "It does matter! This is my personal privacy. Idedemanda ko kayo---" "My boss might also be accused you for s****l harassment." Hindi ako nakapagsalita. Wala akong laban sa kanila. Ako ang unang nagka-atraso. Napakahirap naman ipaglaban ng side ko. Paano ko tatakasan ito? Hindi ako makapaniwala na Garrison ang pangalan ng lalakeng nahalikan ko, what in the world!? "See you tomorrow, Ms. Eviane." Binitawan niya ang kamay ko at agad na lumakad patungo sa katapat na kalsada kung saan may naka-park na isang sasakyan. "Oh, saan na pupunta 'yon? Teka, sa kaniya ang malaking sasakyan na 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ni Mama sabay turo kay Jonathan na nagmaneho palayo sa amin. "O-Oo, Ma." "Mukhang tunay nga, personal assistant siya? Mukhang mayaman ang sinasabi niyang Garrison." Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko kaya lang niya ako hinahanap para pagbayarin sa mga ginawa ko. Hindi pa ba sapat na binigay ko ang katawan ko sa kaniya dahil lasing ako? Pinagsamantalahan din naman niya ako, ha? "Sino yung Garrison na 'yon!" hinawakan ni Mama ang magkabilang balikat ko sabay yugyog sa akin. "Wala 'yon, Ma!" sigaw ko sa sobrang inis. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang takasan ang lahat. Hindi pa nga tapos ang problema ko kay Solomon at Krizhel, hindi pa ako nakakaganti sa panloloko nila sa akin. Tapos ngayon may ganito naman, Garrison! "I-search natin sa internet, ako na bahala. Garrison, ano apilido?" tanong ni Ezekiel. "B-Bartolome daw," sagot ko. Mabilis na nag-search si Ezekiel. Sinilip naman ng mga kapatid ko ang cellphone nito. Bigla kong naalala na regalo namin ni Solomon ang cellphone na 'yon, sa lahat na lang ata ng bagay ay maaalala ko si Solomon. "Heto na!" sigaw ni Ezekiel. "Asan!" "Nasaan!" "Hala! Ang gwapo!" sigaw ni Donna. Napasapo ako sa aking noo. Dapat pala hindi ko na sinabi ang apilido. "Searchable pala siya sa internet?" bulong ko at lumapit sa kanila. "Diyos ko, napakayaman pala ng lalakeng nanliligaw sa 'yo. Sila ang may-ari ng Romero Company, sila ang gumawa ng ating electric fan, gas stove, at---" "Grabe, napakatagal na ng business nila. Alam ko 90's pa lang sikat na ang Romero na brand. Manufacturer sila ng appliances at sasakyan. Tignan mo, ate." Hinarap sa akin ni Ezekiel ang kanigang cellphone. Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Siya ang susunod na tagapagmana ng lahat ng iyon, ganoon kayaman ang kanilang pamilya? "Sagutin mo na kaagad ang manliligaw mong 'yan, anak!" masiglang sabi ni Mama sabay hawak sa aking kanang kamay. "M-Ma!" "Gaganda ang buhay natin kapag nakapangasawa ka ng ganyan kayaman," seryoso ang pagkakabigkas ni Mama. Napalunok ako ng ilang beses. Isa sa ayoko pagdating sa relasyon, ay ang pipili ka ng taong hindi mo mahal at gagamitin mo lang. "Ma, nape-pressure na sa 'yo si ate. Bawal bang kilalanin muna ni ate bago niya asawahin?" ani Victa at hinila ang braso ni Mama dahilan para mapabitaw sa akin si Mama. Napangiti ako kay Victa. "Oo nga, at saka, dadaan pa sa kamay namin ni Stephen 'yon. Hindi ba, Stephen?" ani Ezekiel. "Oo nga! Susuntukin ko sa mukha 'yan. Hindi ka niya pwede paiyakin, baka katulad lang 'yan ni Kuya Solomon. Akala ko mabait sa akin pero iniwan niya tayo!" ani Stephen. Napaawang ang labi ko. Totoong hindi lang ako ang niloko ni Solomon. Buong pamilya kong nagtiwala sa kaniya ang niloko niya. "Huwag niyo na ipilit si ate diyaan sa Garrison na 'yan, mukha pa lang niya mukhang babaero." Pagtataray ni Donna. Hinawakan ni Donna ang braso ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Nandito lang kami, ate. Shot puno na," bulong niya. "Kukuha na ako ng gin sa tindahan ni Mama." Binitawan ni Ezekiel ang kaniyang cellphone at akmang lalabas. "Hoy! Sinong pumayag na mag-inom kayo!" sigaw ni Mama sabay hila sa tenga ni Ezekiel. "Mama naman! Birthday ni Donna!" sigaw ni Ezekiel habang namamalipit sa sakit. Sabay-sabay kaming natawa sa sinapit ni Ezekiel. ********************* Kinabukasan, maaga akong nagising kahit na napuyat kami nila Mama sa paglilinis dahil sa birthday ni Donna. Naging maayos naman ang celebration at naging masaya si Donna. Alas-singko pa lang ay gumayak na ako. "Oh, aga mo naman gumayak. Akala ko ba ayaw mo makipagkita sa Garrison na 'yon?" tanong ni Mama na kakagising lang. Napatigil ako sa pagsisipilyo. "Babalik akong maynila para maghanap ng trabaho, hindi naman po ako makikipagkita kay Garrison." Nagmumog na ako ng tubig galing gripo. "Bakit hindi? Huwag ka nang choosey, anak. Gwapo na, mayaman pa." Kumuha si Mama ng tasa at nagtimpla ng kape sa tabi ko. "Hindi ko po alam ang ugali niya, Ma. Ayoko sa ganoon." "Kung ganoon, kilalanin mo na siya. Makipagkita ka." "Ma, ayoko sa hindi ko mahal." Binalik ko ang aking sipilyo sa lalagyanan. "Tingin mo ba hindi ko napapansin. Naka-stuck ka na diyaan sa Solomon na 'yan. Wala naman na tayong napapala sa kaniya, magnobyo ka na ng iba!" ani Mama at tinalikuran ako. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na siya pinansin at nagtungo ako sa kwarto para magbihis. "Aalis ka na, ate?" tanong ni Victa nang magising ito sa kaniyang alarm clock. "Oo, maghahanap ako ng trabaho." "Ingat ka ate, salamat sa kahapon." Ngumiti ako kay Victa. Habang naglalagay ako ng lotion ay isa-isa na niyang ginising ang mga kapatid ko dahil lahat sila ay may pasok ngayon sa school dahil lunes na. "Inaantok pa ako," reklamo ni Stephen. Agad na dinaganan ni Ezekiel si Stephen nang ayaw pa nito bumangon. Napangiti ako sa kanila. Kaya hindi ko rin sila matiis, mabuti silang lahat. Nagmamahalan kaming lahat na magkakapatid. Kailangan ko makahanap kaagad ng trabaho, hindi ako mabubuhay ng matagal sa fifteen thousand na natitira sa wallet ko. Kinuha ko ang aking sling bag at kinuha ang pabango ko doon. Nagpisik ako sa aking buong katawan. "Ang bango naman niyan, ate," ani Donna. "Gusto mo?" tanong ko. Tumango siya kaya agad kong inabot ito sa kaniya. "Sa akin na lang?" tanong niya. "Oo naman," sagot ko. Napatalon siya sa tuwa. Sa huling sandali ay tinignan ko ang pabango ko. Original Chanel iyon, binili namin ni Solomon noong namili kami ng gamit sa bahay. Naalala ko ayaw ko pa bilhin dahil mahal pero pinush ako ni Solomon na bilhin dahil deserve ko naman daw. Napailing ako, gusto ko na kalimutan lahat. Sana isang pitik ko lang ay hindi na masakit. "Mag-almusal na kayong lima, nakaprito na ako ng hotdog doon. May pandesal din," ani Mama. Nagmano ako kay Mama. "Mauuna na po ako," sabi ko. "Maaga pa, alas-sais pa lang," ani Mama. "Opo, para maaga ako makarating sa Maynila," ani ko. "Bakit hindi ka muna mag-almusal?" tanong ni Mama. Ngumiti ako at pumunta sa lamesa. Kumuha ako ng pandesal at pinalaman ang hotdog doon. Kumain ako ng dalawang piraso. Nakita ko ang bagong timplang kape ni Ezekiel. Masarap magtimpla ng kape 'tong batang 'to, matamis. Kinuha ko ang tasa niya at ininom iyon. "Na-miss mo na naman kape ko," pambubuyo sa akin ni Ezekiel nang makita niya akong ininom ang tinimpla niya. "Syempre, pwede ka na nga magtayo ng coffee shop," biro ko. "Aalis na ako, mag-chat na lang ako sa inyo kung kelan ako ulit uuwi," sabi ko. "Ingat ka, ate!" **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD