NAPASANDAL SI AKILAH sa dahon ng pintuan nang itulak ito ni Mandy. Napangiwi si Naarah sa nakita pero hindi niya pinakita kay Akilah. Minsan talaga, gano’n si Mandy pagdating sa kan’ya. Kaya nga gustong-gusto niya ang kaibigan, talagang nasa kan’ya ang katapatan. Nakayukong humakbang siya papasok at nilagpasan din si Akilah. Pagdating niya sa sala ay wala namang mga tao, wala rin si Mandy. Mabilis naman kasi talaga itong maglakad minsan. Pero may naririnig siyang ingay. Kung hindi siya nagkakamali sa balcony iyon nanggagaling. Ihahakbang niya sana ang mga paa nang may pumigil sa kan’ya. Seryosong mukha ni Akilah ang nalingunan niya habang pigil nito ang kamay niya. “Puwede ba tayong mag-usap?” “Hindi ikaw ang pinunta ko dito, Akilah, kaya bitawan mo ako,” pagmamatigas niya. Napahil