KATAHIMIKAN ANG NAMAYANI sa kanila makalipas ang ilang sandali. Biglang bumuhos na naman kasi ang ulan, mas malakas kumpara kanina. Ang buong akala pa naman niya, tapos ng umiyak ang langit. Nagpahinga lang pala. Kahit wala siyang makita sa labas, doon pa rin ang tingin niya. Hindi man lang siya humaharap kay Akilah. Naiilang siya dahil silang dalawa lang. Dagdag din na wala itong suot na pang-itaas. Pero nang maalala ang kuneho niya ay agad na napabaling siya sa kinauupuan nito. Doon niya lang kasi iniwan kanina ang bagong alaga. “Oh my!” Biglang iwas siya nang makitang naghuhubad si Akilah ng pantalon. “Magpantalon ka nga, Akilah!” aniya dito. “I-I can’t, Arah. I-I’m cold,” bahagyang nanginginig ang boses nito. Napatayo siya dahil sa sinabi nito at dere-deretsong kinapa ang noo nit