“GOOD MORNING,” nakangiting bungad ni Akilah sa kan’ya nang magmulat si Naarah ng mata. “M-morning,” nahihiyang sabi niya. Dahan-dahan siyang naupo at tumalikod dito. Napangiwi siya sa suot niya sabay sapo ng ulo. Tumingin din siya sa labas na sobrang liwanag na. Pagbalik niya ng tingin kay Akilah, titig na titig ito sa kan’ya habang nakahiga ito. Nailang siya bigla. “M-may dumi ba ako sa mukha?” “Nothing. Maganda lang ang panaginip ko kagabi. Alam mo ba ‘yon, Ara?” nakangiting sambit nito. Hindi mapalis-palis kaya pinakatitigan niya ito. Saka lang nag-sync-in sa isipan niya na nakahiga na sila kagabi. Malamang na magkayakap sila habang tulog sila. Wala naman siyang naalalang ginawa nilang iba maliban sa… panaganip? Hinalikan daw siya ni Aki. Naipipilig niya bigla ang ulo dahil