HINDI MAPAKALI SI Naarah nang mga sumunod na araw. Seryoso nga si Mandy na kailangan niyang pumunta, at mas lalong seryoso ito sa sinabing, ito na ang bahala sa susuotin niya. Nag-send na ito ng address na pupuntahan niyang salon. May nakahandang damit na nga rin daw siya na ipapadala sa kan’ya anumang oras. At kaya siya hindi mapakali dahil sa sinend nitong picture ng dress. Isang black halter neck long dress na ang disenyo ay polka. Simple lang para sa kaibigan pero para sa kan’ya hindi. Hindi siya sanay sa ganoong suot. Kitang-kita ang braso niya dahil sleeveless iyon. Tapos naka-high heels pa. Hindi ba puwedeng jeans na lang at t-shirt? Ilang beses pa siyang kumamot sa ulo at nagpabalik-balik sa salamin niya. Iniimagine niya pa lang, nasasagwaan na siya, dagdag pa ang mukha niyang