Chapter 7: Mad Ara

1569 Words
NAGMAMADALING BUMABA SI Naarah matapos makarinig ng sunod-sunod na katok. Alas dose na ng tanghali no’n. Bihira lang siya magkaroon ng bisita ng gano’ng oras sa totoo lang. Kahit hindi pa nagmumog, binuksan niya pa rin ang pintua habang tinatanggal ang muta sa paligid ng kan’yang mga mata. Napaayos siya ng tayo nang mapagsino ang nasa harapan niya na kumakatok kanina sa kan’yang pintuan. “M-Mandy?!” hindi makapaniwalang sambit niya nang makilala ito. Ngumiti ito at tumango kaya agad na niyakap niya ito ng mahigpit sabay pikit ng mga mata. Nagtama ang paningin nila ni Akilah nang mapagtantong nasa likod pala ito ni Mandy at natatakpan lang kanina. Hindi na niya kailangang magtanong kung paano nalaman ni Mandy ang tinitirhan niya. Obvious na si Akilah ang nagsabi dito. “N-Namiss kitang, gaga ka! Sabi mo magpaparamdam ka, pero ni hi at hello, wala akong natanggap! Grabe ka talaga! Pinag-alala mo ako ng sobra!” Napabitaw siya sa kaibigan nang makatanggap ng kurot sa tagiliran. Natatawang tiningnan niya ito. “Sakit no’n, huh! Gan’yan ba ang tamang bungad pagbati?” aniyang natatawa. “Tse! Nakakainis ka! Kulang pa ‘yan!” “Okay, sorry na.” “Sorry ka diyan! Marami ka na sigurong kaibigan kaya kinalimutan mo ako.” Naiiling na hinawakan niya ang kamay nito. “Pasok ka muna. Mainit sa labas, baka mangitim ka. Ang ganda-ganda pa naman na ng kutis mo,” biro niya. “Talagang papasok ako, house raid kaya ‘to!” Bumitiw ito sa kan’ya at binangga siya para makapasok ito sa bahay niya. Napatingin siya kay Akilah na nakangiti pero biglang napalis nang tingnan niya ng masama. Akmang pagsasarhan niya ito ng pintuan nang pigilan nito ng kamay. “Hindi ka allowed sa loob ng pamamahay ko dahil hindi kita kaibigan. Intiendes?” Kasabay niyon ang paglaki ng mata at pag-apak ng paa nito para mawala ang atensyon nito sa pintuan. Napadaing si Akilah kaya sinamantala niya iyon para itulak ito palabas. Wala nagawa si Akilah nang pagsarhan na nga niya ito ng pintuan. “Si Akilah ang nagsabi sa akin kung saan ka nakatira.” “Obvious naman. Nasa likod mo, e. Siya lang din ang unang taong nakakaalam kung nasaan ako.” “I’m sorry, Arah. Pero thankful ako sa kan’ya dahil nahanap ka niya.” “Okay. Nandito naman na tayo, hayaan na natin siya. Kumusta?” “Ayos lang ako. Ikaw?” Prenteng nakaupo ito sa lumang sofa niya habang inililinga ang paningin. “Okay naman. Humihinga pa. Kumakain ng maayos. Pero nabibilang pa rin sa mga mahihirap.” Bahagyang nalukot ang mukha nito. Marahil sa paraan ng sagot niya. “Tama nga si Akilah, ibang-ika na.” “Bakit? Garapal na magsalita?” “H-hindi naman. Nakatatak kasi sa isipan ko ang pagiging malambing mo magsalita. ‘Yon lang kasi ang ini-expect ko sa pagkikita natin.” Sumandal siya sa lumang sofa niya. Ngumiti siya rito. “Gano’n talaga. Maingay din ako, lalo na kapag nagtitinda. Para kang nasa palengke kapag naririnig mo ang boses ko.” Natawa ito. “Talaga? Dati lang, ilang beses pang ipapaulit ni prof ang sagot mo sa sobrang hina, ngayon ‘di na yata kailangan. Pero gusto ko ‘yan. Tumaas na rin ang confidence mo.” “Gano’n yata talaga kapag ganito ang environment. Dito kasi sigawan, para bang lalayo sa isa’t-isa. Kaya heto, nakasanayan.” Saglit na namayani ang katahimikan. Muli kasi nitong iginala ang tingin sa loob ng bahay niya. Malinis naman ang loob kaya hindi nakakahiyang tumanggap ng bisita. Bumalik ang tingin nito sa kan’ya kapagkuwan. “Hay, nakaka-miss ka talaga,” anito. “May kasama ka ba dito? Sabi ni Akilah wala ka pa daw asawa.” ‘Kalalaking tao, chismoso. Paano kaya yan napadpad dito?’ aniya sa sarili. “Wala pa nga. Walang oras para diyan. Saka, wala naman na magkakagusto sa kagaya ko.” Sinalat niya ang pisngi kapagkuwan. “Ano ka ba, maganda ka! Ang mga mata mo, ang ilong maging ang labi, bagay sa hugis ng mukha mo. ‘Yang pilat mo? Hindi ko napapansin sa totoo lang.” “Hay, sige pa. Bulahin mo ako.” Tumayo siya kapagkuwan. “Oo nga!” “Sige, sabi mo, e. Sandali lang pala at ipagluluto kita–” “‘Wag na, Arah. Hindi naman ako magtatagal dahil may lakad ako ngayon.” May hinanap ito sa magarang bag nito at binigay sa kan’ya. “Ano ‘to?” “Invitation para sa engagement party na gaganapin sa Linggo. At gusto kong pumunta ka sa ayaw at sa gusto mo.” Napangiwi siya sa kaibigan. “Hindi ako nababagay dito, Mandy. Babatiin na lang kita–” “Ayoko! Pumunta ka. Magtatampo na talaga ako sa ‘yo!” “P-pero wala akong hilig sa party. Wala rin akong maisusuot. Jusko, bawal naman yata naka-jacket do’n. ‘Yon lang kasi kadalasan kong suot kapag lumalabas ng malayo. Saka, kahit wala naman ako, matutuloy pa rin ang engagement mo, e.” “Arah, kaibigan kita kaya gusto kong kasama ka sa lahat ng masasayang moments ko.” Bahagya pa itong nalungkot. “Dahil ba ‘to kay Akilah? Oo, si Akilah lang ang nagdala sa akin dito, pero hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa ‘yo. Alam niya ‘yan.” Napalabi siya sa narinig. “S-sige, pag-isipan ko.” “Anong pag-iisipan? ‘Wag na, Arah. Ako na magdedesisyon para sa ‘yo, pupunta ka. Ako ang bahala sa lahat. Sa transpo, sa susuotin mo, etc., sagot ko na. Okay? Presensya mo na lang ang kailangan.” “Sabi ko nga, a-attend na ako,” aniyang natatawa sa kaibigan. “Tse! Basta, huh? Kung gusto mong mawala ang tampo ko, pumunta ka. Akala mo nakakalimutan ko ang kasalanan mo, huh! Bumawi ka, kahit dito man lang.” “Okay, panalo ka na nga.” “Hmp!” Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan bago ito nagpaalam sa kan’ya na uuwi na. Hinatid niya ang kaibigan hanggang sa gate nila. May dala itong sa sakyan kaya hindi naman na kailangang ihatid hanggang labasan. Ilang beses pa siyang kumaway sa sasakyan nito habang hinahatid ng tanaw. Ang laki na rin ng pagbabago nito, mas gumanda ito lalo. Wala naman siyang maipipintas dito talaga. Kung sa ugali? Wala rin dahil sa sobrang bait nito sa kan’ya. Kaya hindi na siya nagparamdam sa kaibigan dahil mga nangyari sa kan’ya noon. Hindi lang kasi talaga siya nakakapag-isip masyado noon dahil pakiramdam niya nag-iisa na siya. Na baka balang-araw, iiwan din siya nito. Kaya pinilit niyang mamuhay mag-isa, bagong panimula. Hindi na siya umakyat sa taas para matulog. Nilibang na lang muna niya ang sarili sa sala niya habang hinihintay na maluto ang kanin. May ulam pa naman siya sa ref niya kaya hindi na siya nag-abalang magluto ng panibago. Napatingin siya sa pintuan niya nang may kumatok doon. Agad na pumunta siya doon para pagbuksan. Napailing siya nang bumungad sa kan’ya si Akilah na nakangiti. “H-Hi,” “Anong kailangan mo?” aniya sa masungit na himig. “Ahm, nagluto kasi ako, tapos marami. Gusto ko lang sanang i-share sa ‘yo. Peace offering na rin.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Mukha ba akong nanlilimos na lang ng pagkain at kaya mo ako bibigyan?” “‘To naman si Arah parang hindi tayo–” “Walang tayo, Kuya, kasi hindi kita kilala. Kaya ayusin mo pananalita mo. Kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na.” Isasara niya sana nang pigilan na naman nito ang pintuan niya. Itinaas nito ang dalang tupperware na may lamang pagkain. “Aalis lang ako kapag kinuha mo ‘to.” Inangat pa nito lalo ang pagkain. “Ibigay mo sa kapitbahay mo ‘yan, ‘wag sa akin. Dahil hindi ako tumatanggap ng bigay galing sa hindi ko kilala.” “C’mon, Arah. Kunin mo na ito. Paborito mo itong niluto ko–” “Aki– Kuya! Puwede bang lumayas ka na sa harapan ko kung ayaw mong tumawag ako ng barangay tanod!” “Oh, eskandalo ‘yan, Arah. Walang gan’yanan naman, o. Gusto ko lang naman maghatid ng pagkain, e.” “Talagang eskandalo ang mangyayari! Kaya umalis ka na sa labas ng bahay ko, ngayon din!” Tinuro niya ang gate nilang nakabukas. “Labas! Hindi ko kailangan ang luto mo o kung ano man!” Bumagsak ang balikat nito. “Okay. Aalis na po.” Tatalikod na sana ito nang lingunin ulit siya nito. “Ano? May naiwan ka ba? ‘Yong tulo ng pagkain mo? Punasan mo at dalhin sa bahay mo!” “Ang dami mo namang sinabi.” “Marami talaga kung hindi ka pa aalis sa harapan ko!” “Fine. Pero hindi mo ba talaga ako kakausapin?” “Aki!!” sigaw niya na ikinalingon ng tatlong babaeng dumaan. “Damn! Bakit parang na-miss ko bigla ang tawag na ‘yan, Arah.” Ngumiti pa ito ng nakakaloko. “Aki…” ginaya pa nito ang boses niya kaya lalong kumulo ang dugo niya sa kaharap. Inis na binalibag niya ang pintuan niya na ikinagulat nito. Kita pa niya ang muntikang pagkahulog ng dala nito. “Kakausapin mo rin ako, Arah! Nakikinita ko na!” sigaw nito mula sa labas na ikinagigil niya lalo. “Ang kapal mo!” aniyang siya lang ang nakarinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD