"CAN WE TALK?" dinig niyang sabi ni Akilah nang lagpasan niya
Akmang bubuksan niya ang tarangkahan nila nang pigilan nito ang kamay niya.
"Please?" pagmamakaawa nito nang lingunin niya.
Hindi ito titigil hangga't hindi siya nakakausap. Ilang beses na itong nagtangka sa school nila, pero dineadma niya lang ito.
"Sumunod ka." Iniwan niya ang gate nila na bukas para makapasok ito.
Rinig niya ang mga foot steps nito ng tumungtong ito sa apat na baytang ng hagdan paakyat sa pintuan nila.
Yes, gawa sa kahoy ang buong bahay nila. Luma na ang bahay nila. At 'yon na lang ang napapag-iwanang luma sa lugar na iyon.
Dumeretso siya sa silid niya at nagbihis. Iniwan niya saglit ang dating nobyo sa kahoy na sofa.
Pagbalik niya, nakaupo pa rin ito pero hawak-hawak nito ang telepono. Nag-angat ito ng tingin nang maramdaman nitong nasa paligid na siya. Ngumiti ito sa kan'ya.
Sana lahat kayang ngumiti na parang wala lang. Siya kasi, wala namang rason para ngumiti.
Sinundan lang siya nito ng tingin hanggang sa makaupo.
Ilang minuto din silang nagtitigan, ayaw nitong magsalita. Namumungay na ang bughaw na mga mata nito. Hindi niya alam kung antok ba 'yon, o hindi.
Nakatitig lang din ito sa kan'ya. Wala itong nababasang emosyon sa mukha niya. Pero siya, nakikita niya sa mata nito ang awa.
Para kanino? Sa kan'ya? F*ck! Hindi niya kailangan!
Tumingin siya sa labas ng bahay nila. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Sinulyapan niya din ang kandila at gasera niya.
"Ilang minuto na tayong nagtitigan, Aki. Spill it. Akala ko ba gusto mo akong makausap." Sumandal siya sa kahoy na headrest at nakipagtitigan ulit sa guwapong binata. Ito ang unang bumawi dahil sa paraan ng titig niya. Naka-angat din ang isang kilay niya kasi.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "I-I'm sorry..."
Umangat ang kilay niya.
'Yon lang? Oh, hell! Sayo na ang sorry mo! Parang gusto niyang isigaw.
"I'm so sorry for everything. It was all a lie... from the start. Lahat-lahat planado. Ikaw, ang unang pagkikita natin, at panliligaw ko. Parte lamang ng laro naming magkakaibigan. I'm not in love with you. Gustong-gusto kong manalo dahil babaeng mahal ko ang nakataya dito. Si Beatrice, siya talaga ang mahal ko, simula pa noon. Nakita mo na kaming magkasama, 'di ba? At siya ang price kapag napa-ibig kita sa loob ng dalawang buwan. Sasagutin niya ako... I'm sorry, Arah. Sana mapatawad mo ako. Kaya ako naririto dahil kinukuyog ako ng konsens’ya. Tingin ko hindi ako matatahimik kapag hindi ko nasabi sa’yo. Naging mabait, matiyaga at mabuting nobya ka sa akin sa loob ng ilang buwan. Pero si Bea talaga ang mahal ko. Patawad..."
Huminto na ito sa pagsasalita pero nanatili lang siyang nakatitig sa binata. Gusto niyang i-digest lahat ng sinabi nito pero pinipigilan niya ang sarili. Baka umiyak lang siya sa harapan nito. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan sa kahit sino man, lalo na kay Akilah. Ito ang pangalawang taong nanakit sa kan'ya ng sobra. At, nahihirapan siyang tanggapin.
Ayaw niyang magkomento. "Tapos ka na?" walang emosyon niyang tanong. Tumingin pa siya sa paligid para kunyari wala siyang pakiaalam sa mga sinasabi nito.
Madilim na. Kailangan na niyang magsindi ng ilaw. Tumayo siya habang hinihintay ang sagot nito. Kinuha niya ang posporo na nasa ibabaw ng altar nila, at sinindihan ang gasera na nasa mesa. Kandila naman sa harap ng altar.
Nakakunot ang noo nito ng balingan niya.
"W-walang kuryente ang buong bahay niyo?"
"May sira yata ang linya, o baka may sunog," palusot niya. "Tapos ka na ba sa mga sintimiyento mo? Puwede ka ng umalis, marami pa akong gagawin. Nangyari na ang nangyari. Salamat sa pagiging honest mo, pero huli na. Hindi ko pa maibibigay ang kapatawaran na hinihingi mo sa ngayon, maybe time can heal. Good luck and goodbye, Akilah Russo." Parang gustong pumiyok ng boses niya. Buti na lang napigilan niya. Kunwa'y pinatay pa niya ang lamok kahit wala naman.
Nakitaan niya ng lungkot ang binata sa sinabi niya. "Sana dumating ang araw na mapatawad mo ako," humina ang boses nito. "Ahm, gawin ko ang linya mo para-"
"'Wag na. Darating din naman mamaya ang mag-aayos niyan. Nai-report ko na 'yan," palusot niya.
Ang totoo niyan, naputulan na siya ng kuryente. Mahigit isang buwan na. Kukulangin ang pera niya kapag binayaran pa niya ang kuryente. Ibig sabihin, may utang pa siya sa kuryente hanggang ngayon. ‘Pag nagkapera na lang siguro siya. Wala naman na siyang balak ipakabit kung sakaling mabayaran. Dahil ilang araw na lang, aalis na siya rito. May penalty fee pa yata kaya hindi na siya nag-abala. Isa pa, sanay na siya sa gasera at kandila.
Tumango ang binata at tumayo. Tinungo nito ang pinto kapagkuwan. Akmang bubuksan nito ang pintuan ng lingunin ulit siya nito.
"Again, I'm sorry. Condolence din pala sa pagkamatay ni Tita. Huli na nang mabalitaan ko."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Pakisara ng pinto pagkalabas mo," aniya imbes na magkomento sa mga sinabi nito. Pumasok siya sa kuwarto na bitbit ang gasera.
Nanghihinang sumandal siya sa dahon ng pinto, pagkasara niya. Napasalampak siya sa sahig na hawak ang gasera.
Narinig niya ang paglangitngit ng gate nila. Katunayan na lumabas na si Akilah sa bakuran nila. Na umalis na din ito sa bahay nila, maging sa buhay niya.
Kinapa niya ang damdamin. Masakit. First love, first heartache.
Tinampal-tampal niya pagkuwa'y ang dibdib at pinakalma. Pero ramdam pa rin niya ang sakit ng mga panloloko nito. Pinaglaruan lang siya ni Akilah.
Ang galing-galing niya sa klase pero pagdating sa pag-ibig, ang bobo niya.
Apat na beses pa niyang inuntog-untog ang ulo sa dahon ng pinto bago huminto.
Ngayon, alam na niya. Kaya pala parang wala itong ka-amor-amor sa kan'ya kapag sila lang. Tanging sa school lang ito malambing. 'Yon ay dahil para ipakita sa mga kalaro nito o kaibigan nito pati kay Beatrice. Siya naman si tanga na paniwalang-paniwala. Sigurado siyang pinagtatawanan siya ng mga kaibigan nito at ni Beatrice.
At kaya pala hindi ito sumisipot tuwing monthsary nila ay dahil wala naman itong nararamdaman sa kan'ya. Wala itong balak i-celebrate ang monthsary nila. Siguro, kung siya si Beatrice, oo.
Ni hindi nga siya nito nahalikan sa labi. Hanggang pisngi lang!
Siguro, diring-diri din ito sa pilat niya.
God! Ilang buwan siyang nagmukhang tanga. Ilang buwan niyang sinayang ang atensyon sa walang kuwentang lalaking iyon, na dapat sa ina na lang niya tinuon.
Napapikit siya ng maramdaman ang pagkirot sa dibdib niya. Akala niya naka-move-on na siya. Hindi pa pala! Lalo lamang bumigat ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya nakadagan sa kan'ya ang mundo.
Nang mahimasmasan, lumabas siya at pinatay ang kandila sa altar saka bumalik sa loob ng silid.
Hindi rin siya kakain dahil busog pa naman siya sa kinain nilang fried noodles ng kaibigan.
Inaayos niya ang sarili at nahiga na sa manipis niyang kama. Bukas na lang siya mag-aayos ng mga gamit. Mukhang napagod siya sa pagbisita ni Akilah sa kan'ya. Inubos nito ang lakas niya.
Nagising siya kinabukasan ng maaga. Ang haba ng tulog niya. Pagkahilamos at toothbrush niya ay lumabas siya. Pumunta siya sa parke. Maraming mga nagtitinda doon kahit ganito kaaga. Mga mura at masasarap pa.
Simula ng mamuhay siya mag-isa, doon na siya kumakain. Sa halagang bente singko pesos may almusal na siya. Kasama na ang kape. Minsan, kinse lang nagagastos niya kapag alam niyang magigipit siya. Minsan may bitbit siyang stick ng kape, bali mainit lang ang binibili niya.
May thermos naman sa bahay nila, kaso walang gasul. Minsan naman, uling gamit niya pero ang tagal uminit. Minsan pa naman nagmamadali siyang pumasok. At nagrereklamo din ang ibang kapitbahay kapag sobrang usok naman dahil sa uling.
"Pansit at tinapay nga po, Mang kanor." Naupo siya sa sementong upuan habang hinihintay ang ise-serve nito.
"Birthday ko ngayon, Arah. Kaya libre na ito. May kape na din." Ngumiti ito at binigay sa kan'ya ang plato na may lamang pansit at tinapay.
"Wow. E 'di nakatipid pala ako ngayong umaga, Manong?"
"Oo. Pero 'wag kang maingay, ikaw lang nilibre ko," nakangiting sambit nito.
"Aww... Nakaka-touch naman po, ako lang. Napaka-special ko naman pala kung gano'n. Sige po, hindi ko sasabihin. God bless! Salamat po ulit!" Tinaas pa niya ang plato.
Sinunod na dalhin ng matanda sa kan'ya, ang kape niya. Hindi niya mapigilang ngumiti. 3 in 1 kasi iyon. Talagang nakatipid nga siya.
Nakipagkuwentuhan siya saglit sa matanda bago umuwi. Nabanggit niya dito na aalis na siya. Nalungkot ito dahil naging suki na siya nito tuwing umaga. Ang dami nitong pabaon na mga pangaral na paniguradong madadala niya sa kahit saan man.
Pag-uwi, malungkot na inilibot niya ang paningin sa buong bahay nila. Mami-miss niya ng sobra ang bahay na ito.
Dito siya pinanganak at nagkaisip. Maraming memories ang bahay na ito sa kan'ya. Mapait at masasaya.
Hinaplos niya ang pilat sa mukha niya kapagkuwan.
Namalayan na lang niya ang sariling nagpupunas na ng luha. Ang ina lang naman talaga niya ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang mag-moved-on.
Sa Caloocan siya nakakuha ng murang mauupahan. Doon niya balak magsimula. Bagong environment, bagong buhay.