Chapter 3: Bothered

1646 Words
“MASYADO KA TALAGANG bilib sa sarili mo na matatalo mo si Leon. Ba’t ‘di mo na lang tanggapin na talo ka niya talaga?” “Shut the f*ck up, Sky! Damn! Ang ingay mo! Nag-iisip ako ng panibagong plano kung paano ko siya matatalo sa susunod. Kaya puwede bang umalis ka muna?” Inis na tumayo si Akilah at lumipat sa pang-isahang sofa. “Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Ba’t ‘di kaya ikaw ang umalis?” ani ni Jake na natatawa. “The f*ck, Jake! Kung wala kang matinong sasabihin, get lost, now! Please lang!” sigaw ni Akilah kay Jake. Sabay silang napatingin ni Jake sa kusina nang marinig ang pagbasag ng gamit. Hindi niya mahulaan kung baso ba o pinggan. “Puwede bang manahimik kayo! Kanina pa kayo, hindi ako maka-pokus sa ginagawa ko. As if bahay niyo ito! Damn it! That’s why I hate intruders!” Napatawa si Jake nang marinig ang boses ni Grecco sa kusina nito. Gigil na gigil na nga. Nagluluto lang naman ito, e. Bahay naman kasi talaga ni Greco ang kinaroroonan nila. Wala kasi siya matambayan kaya pumunta siya dito. Hindi niya alam na nandito din pala si Jake, kaya ito ang resulta. Sabagay, Linggo kasi ngayon kaya hindi ito abala sa ospital. Umakyat lang siya sa bakod ng bahay ni Grecco para makapasok. Ayaw na kasi siya talaga papasukin nito sa bahay nito dahil sa babae nito. Ewan niya kay Jake kung paano ito nakapasok dito. Lagi naman silang nandito kapag may free time. Marami pala siyang free time ngayon dahil kakatapos lang ng misyon niya. Isa na lang ang pinoproblema niya ang Magda na ‘yon. Mahuhuli din niya ‘yon sa mga susunod na araw. Naisahan lang siya nito. Pero hindi siya makakapayag din na hindi ito makita at maparusahan. Pakiramdam niya rin kasi nakikipag-duelo siya dito nang mga sandaling iyon. Pero mas triggered si Supremo dahil sa nakuha nitong file sa database nila. Dahil siya ang nando’n sa security room ng mga sandaling ‘yon, sa kan’ya nakaatang ang problemang ito. Sa tinik at bilis niya, imposibleng hindi niya agad ma-locate ang kinaroroonan ng Magda na ‘yon. May iniwan na siya sa kasamahan nila para makatulong sa pag-locate dito. Napakuyom tuloy siya ng kamao. Matitikman nito ang kamandag niya oras na makaharap ito. Pero ang totoo niyan, hindi talaga siya mapakali dahil natalo siya ni Leon sa duelo nila kahapon lang. Hindi sa ring kung hindi tungkol din sa cybersecurity. Kagaya din kay Magda ang nangyari, pero hindi sa mismong website ng AO, kung hindi sa ginagawa niyang website. Gano’n sila sa headquarters kagulo kapag wala si Supremo. Hindi naman siya regular sa headquarters partikular na sa IT Security room pero kapag nando’n siya, doon lagi ang tambayan niya. Punong-puno kasi ang isip niya ng curiosity kaya pinag-aralan niya rin ang field ng IT, lalo na sa cybersecurity at network administration. Kaya may panama siya kay Leon kahit na graduate talaga ito sa kursong iyon. Ang isa sa natapos niya ay criminology. Kaya nga nasabi ng Supremo nila na full package daw siya. Isa rin kasi siya sa sniper nito. He's good at long-range shooting. Kaya mas pinili ng Supremo nila na sa field siya i-assign dahil sa kaalaman niya rin. He is also good at cooking, just like Grecco. “I think it’s time to escapo na,” aniyang natatawa. Tiniklop niya rin ng mabilis ang laptop. Palapapit na kasi si Grecco sa kanila ni Jake na may hawak na kutsilyo. Hindi na maganda ang tingin nito sa kanila. Mas sanay siyang nagbibiro ito kaysa nagsusungit. “Yeah. Mukhang kailangan kong dumalaw sa bahay. Let’s go, Snake!” Sabay hila ni Jake ng damit niya. Binilisan ni Grecco ang mga lakad nito kaya gano’n din sila ni Jake. Dinig din ang mga tawa nila at mura ni Grecco. Tawa sila nang tawa ni Jake nang nakarating sa labas. Isang malutong na mura pa ang natanggap nila kay Grecco bago nito isinara ang main door. Naghiwalay sila ng landas ni Jake nang makalabas ng bakuran ng bahay ng kaibigan. Hindi pa man sila nakakasakay parehas sa sasakyan nila nang may dumating. Sabay silang napatingin ni Jake sa bagong dating na sasakyan. Kakaiba ang tinginan nila ni Jake nang makilala ang nagmamaneho. Binuksan kasi nito ang bintana at nag-hi sa kanila. Sabi na. Kaya pala gusto silang paalisin ni Grecco kasi may babaeng dadalaw. Hindi naman sila basta-basta papaalisin kung walang dadalaw nga. Kaagad na iginiya niya ang sasakyan pauwi. Madilim na condo ang bumungad sa kan’ya. Ang lungkot din. Wala kasi si Beatrice sa bansa ngayon dahil sa panibagong shoot nito sa endorsement. Hindi na nito pinursue ang pagiging police, pagmomodelo ang pinili nito kaya ‘yon ang pinagkakaabalahan nito. Sabi nga nito sa kan’ya baka pasukin din ng nobya ang acting pero tinutulan niya iyon. Napaka-possessive niya pagdating sa mga pag-aari. May makita nga lang siyang nakahawak dito, nagagalit na siya. Napabuntonghininga siya matapos ang isiping iyon. Lalo lang tuloy siya nalungkot. Iginiya niya ang sarili sa silid kapagkuwan matapos na ilapag ang laptop sa sofa. Nahiga siya at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matulog nang matulog kapag nandito sa bahay niya dahil masyadong nakakalungkot ang ambiance. Ramdam niya ang pagiging solo sa buhay. May magulang siya, pero wala rito sa Pilipinas. Tanging ang nobya at kaibigan lang niya ang kasakasama sa loob ng ilang taong pananatili dito. Nasa kasarapan siya ng tulog nang makarinig ng sunod-sunod na tawag sa cellphone niya maging sa telepono niya. Umaga na pala. Kita niya ang liwanag na nagmumula sa labas. “Sh!t!” Mabilis na tumalima siya pababa ng higaan at kinuha ang telepono. Kakatigil lang ng cellphone niya mag-ring. “F*ck you, Leon!” agad na mura niya sa kabilang linya nang mabosesan ito. Hindi pa humuhupa ang inis niya rito kaya gano’n na lang ito kainit sa kan’ya ngayon. “It’s about, Magda, dude.” Natigilan siya sa saglit nang marinig ang sinabi nito. “Okay. What about her?” “Her? So, babae talaga siya?” “I don’t know. Ano bang tungkol sa kan’ya?” “We already have her location.” “Damn! Send me her location, please!” “I will.” Napangiti siya matapos ang pag-uusap nila ni Leon. It’s pay back time, Magda! Sa kabilang banda… “KAPE NGA, ALING SINANG .” Naupo si Naarah sa may upuan habang ngabibilang ng pera na pambayad. “Puwede ko po bang haluan ng pisong tig-25 cents?” “Sige. Basta piso hanggang dos lang. Mabigat masyado ang barya, e.” Napangiti siya sa sinabi nito. Marami pa naman siyang tig-25 cents. Loko kasi ‘tong mga customer niya. Hindi lang niya mahindian kasi ayaw niya ng gulo. “Alin ba? ‘Yong stick o twin pack?” “Stick na lang po.” Nilapag niya ang pambayad na barya sa tindahan nito. “Parang kailangan kong tumapang yata ngayon,” aniya kapagkuwan. “Naku, Ara. ‘Wag mo kasi pinagpapatulan mga damuho na ‘yon.” Ang tinutukoy nito, ‘yong laging inaaway niya na grupo. Ang hilig kasi mangutang tapos hindi naman babayaran. Sila din ‘yong mahilig magbayad ng madaming coins na tig-25 cents. “Naghahanap lang po ako ng butas sa kanila para mai-reklamo ko. Sobra na kasi sila. Hindi nakakatulong sa negosyo ko. Gusto yata nilang malugi ako. Hindi ako papayag doon.” Nagtitinda siya ng inihaw sa hapon hanggang gabi. “Aba’y dapat lang. Kaya nga tayo nagnegosyo, e. O, kape mo.” “Salamat po.” Ngumiti muna siya bago kinuha ang binili. Dumaan din siya sa bakery para bumili ng malunggay pandesal. “Bente nga po na pandesal.” Nilapag niya ang sampu, sumunod ang pitong tigpipiso at tres na tig-bente singko sintimo. Kilala na siya ng tindero kaya hindi na ito nagrereklamo. Isa pa, hindi lang siya ang may gano’ng barya, marami din. Pagbalik niya sa bahay niya, hindi niya maiwasang kumunot ang noo nang makita si Efren na may hawak na laptop. Pamilyar sa kan’ya kaya mabilis ang naging lakad niya para lapitan ito. “Efren!” “Nandiyan ka na pala, Arah. Hiniram–” Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang hablutin niya ang laptop niya. “Hindi porket bahay niyo ang tinitirhan ko, e basta-basta ka na lang makikiaalam ng gamit ko!” Mabilis na tiningnan niya ang laptop. “s**t ka, Efren! Na-trace na tayo!” Familiar siya sa malware na nag-notify kaya agad na shinutdown ang laptop. “Ilang minuto nang nakabukas ‘to?” “Two or three?” “Tang’na mo talaga, Efren! Magtago ka na dahil baka ilang sandali lang nandito na sila!” Kumunot ang noo nito. “Sinong sila? Sandali, Ara! Ara!” Hindi na niya nilingon si Efren. Mabilis ang naging kilos niya papasok ng silid at kinuha ang bag. Naka-ready na siya kung tutuusin. Ilang araw na siyang bothered. Tatlong Linggo na ang nakakalipas bago nila i-hack ang website na iyon. Naging vigilant siya nitong nakaraan dahil napag-alaman niyang hindi talaga biro ang pinasok niya. Kasalanan ito ni Efren! “Hoy, Arah! Ano bang sinasabi mo?” Tumingin ito sa bag niya. “Teka, saan ka pupunta?” “Obvious ba? Aalis na dahil mukhang hahauntingin na tayo ng organisasyong ‘yon.” Sunod-sunod ang lunok ni Efren matapos marinig ang sinabi niya. “T-teka, paano ang pamilya ko? Paano-” “May alam ba sila sa pinagawa mo sa akin?” “Wala.” “Mabuti. I suggest na lumayo ka muna din dito. Bumalik ka kapag nakita nilang wala dito ang hinahanap nilang laptop. Nasa akin pero damay ka. Kaya umalis ka muna, Mamasyal ka muna kung saan. Tutal malaki naman ang kinita mo.” Dinaanan niya ang pandesal at wallet na nasa sofa niya bago tuluyang lumabas ng inuupahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD