Chapter 6: Request Granted

1355 Words
HINDI MAIWASANG HAPLUSIN ni Naarah ang pisnging may peklat pa rin. Ngayon lang niya ulit napagtuonan ang peklat na ito. Ngayon lang din siya ulit nagsalamin para titigan lang ang mukha makalipas ang ilang taon. Nagsasalamin din naman siya pero binabaliwala niya iyon dahil normal naman ang pakikitungo ng mga tao dito sa kan’ya. Kaya nga nagustuhan niya ang lugar na ito dahil maganda ang pakitungo ng mga taong nakapaligid sa kan’ya. Pakiramdam niya, walang peklat sa mukha niya. Pero ngayong nagkita ulit sila ni Akilah, pinapaalala nito kung saan siya puwedeng lumugar. Kagaya na lang sa sukli kanina, pinapaalam nito kung saang estado siya nababagay. Hindi niya maiwasang maalala ang naging buhay niya matapos mawalan ng ina. At hindi niya maikakailang malaki ang naitulong ng binayad sa kan’ya ni Efren. Nakakain na siya ng tatlong beses sa isang araw. May miryenda pa. Hindi kagaya noon na kailangan niyang tipirin ang pera para pagkasyahin sa isang araw. Pinilit niyang higitan ang buhay niyang iyon pero ngayon, parang bumalik lang ang lahat sa nakaraan dahil sa mga taong kagaya ni Akilah na namantala ng kalagayan niya. Pinalipas nga niya ang ilang minuto. Sumilip siya sa labas para tingnan, nagbabalot na si Jacob ng oder ni Akilah. Saan kaya ito nakatira? At paano ito napunta sa gano’ng lugar? Pero nakapambahay lang ito kanina. Baka nasa paligid lang ito. Baka na-bankrupt na ang pamilya ng mga ito? Sa pagkakaalam niya mayaman ito dahil may lahing banyaga nga. At kaya nga ito nakapasok sa unibersidad na iyon. Pilit na inignora niya ang naging pagkikita nila ni Akilah. Bumalik siya sa labas na nakangiti. Buti na lang hindi niya alam kung saan ito umuuwi. Bandang alas otso na ng gabi nang maihatid niya ang order na marami sa kabilang barangay. Napilitan siyang kunin ang order dahil madami at para mabilis na rin maubos ang paninda niya. Pero maliban diyan, meron pang may order sa kan’ya ang isang bar na kasalukuyang binabantayan ni Jacob. Dahil nilakad niya lang, medyo natagalan siya sa pagbalik. Kaya ngayon, nagmamadali siyang naglakad papunta sa suki niyang bar. Buti nakapagbihis siya. Masayadong mahahalay kasi sa bar na pupuntahan niya. Mas mabuting hindi mag-cause ng scene ang suot niya. Sabagay, maayos naman siya manamit. Hindi kita ang mga singit. Para kasi sa kan’ya wala siyang K magsuot niyon. Napakunot siya ng noo nang maramdamang may sumusunod sa kan’ya. May mga nakakasalubong at nakakasabay naman siya pero mabilis ang mga ito maglakad at abala. Pero itong pakiramdam niya ngayon, may kasamang takot at kaba. Dahan-dahan siyang lumingon pero wala namang kahina-hinala. Pero kakaiba pa rin kaya nagmadali siyang naglakad. Pagdating niya sa bar ay agad siyang pinapasok ng guard. Ihahatid niya lang sa isang tauhan ng bar. “Hay, salamat, makakain na rin, dear!” dinig niyang sambit ni Sophia. Isa itong transwoman. Ito ang suki niya sa bar na ito. “Sorry, na-late ng kaunti.” Inilinga niya ang paningin, marami ng customer ang bar at may kani-kaniya ng katabing mag babae ang mga kalalakihan. Pipitsuging bar lang ito pero may mga may kaya siyang napapansin. Matagal na. Mas kaunti daw ang issue sa ganito kaysa sa high end na bar sabi nga dati ni Sophia, kaya mas pinipili daw ng mga customers ng mga ito na dito tumambay. In-short, walang gaanong koneksyon ang mga naritong nakakakita kaya dito nagkakalat ang mga ito. Hindi pa man siya nakakalayo sa bar nang muling maramdamang may sumusunod ulit sa kan’ya. Nagdahan-dahan siya sa paglalakad para kung sakali, maabutan niay kung nagtatago ang sumusunod sa kan’ya. At gano’n nga ang nangyari, naabutan niya kung sino ang akmang pagtago ng sumusunod sa kan’ya. Umusok tuloy ang ilong niya sa inis. “Bakit mo ako sinusundan, ha?” aniyang nakapameywang kay Akilah na kakamot-kamot. “Gusto ko lang namang ligtas kang makauwi. Kasi sabi ni Jacob malayo ang umorder ng paninda mo.” Napatas siya ng kilay. “Wow. I’m touched, Kuya,” may pagka-sarkastikong sabi niya. “Pero salamat, huh, pinakaba akong yawa ka!” Sabay talikod dito. “Ara, wait!” Hindi niya pinansin ang tawag nito, nagmadali na siya pabalik ng puwesto niya. Akala pa naman niya nasa panganib siya, ‘yon pala dahil lang dito. “Sorry na, Ara. Hindi na mauulit. Nag-alala lang ako nang sabihin ni Jacob na malayo dito ang pupuntahan mo.” Nagbingi-bingihan siya hanggang makarating sa ihawan niya. Ubos na nag ang paninda nila at nagliligpit na si Jacob. Tumulong din si Akilah pero hindi niya ito pinapansin. Hindi rin niya ito pinapapasok sa bahay niya. Kinukuha niya ang mga hawak nito kapag sa loob ng bahay niya iyon dadalhin. Bago umuwi si Jacob ay binigay na niya ang sahod nito sa araw na iyon. Masyado niyang naabala ito dahil kay Akilah kaya dinagdagan niya ang perang nauwi nito. Akmang isasara niya ang pintuan ng bahay niya nang makita si Akilah na kumaway sa kan’ya at ngumiti. Parang good lang sila? Malakas ang pagkakasara niya ng pintuan niya kaya alam niyang dinig nito. Mukhang sa malapit nga lang ito nakatira. Hanggang makaakyat kasi siya sa silid niya, nasa labas pa rin ito ng bahay niya nakaupo at abala sa telepono nito. May naitabi siyang isaw kaya ‘yon na lang ang inulam niya. Pagkatapos niyon ay naglinis na siya ng sarili niya para matulog. Magigising pa siya ng alas dos dahil iyon ang sabi sa kan’ya na schedule ng deliver dahil may mga kasabay daw kasi siya na maraming order. Kinse minuto lang siyang nagpababa ng kinain at nahiga na. Pero bago iyon ay nagset siya ng alarm sa cellphone niya. Sanay na siya sa paputol-putol ang tulog niya, ilang taon ng ganito siya. NAPASILIP SI AKILAH sa kabilang bahay nang marinig na naman ang maingay na tugtugin sa bahay ni Naarah. Hindi niya akalaing ito pala ang kapitbahay niya. Nakonsensya siya dahil ginawang pagsaway dito kanina, ‘yong pagtapon niya ng bato na may lamang mensahe niya. Pakiramdam niya tuloy alam ni Ara na siya ang kapitbahay nito dahil sa reply nito sa sulat niya na binato din nito. Nasapol lang naman ni Ara ang isang monitor niya. ‘Yon lang kasi ang nakabukas nang mga sandaling iyon. Kaagad na nagpapadala siya ng monitor nang makitang nabasag iyon. Tatlo ang monitor niya dahil ang dalawa ay sa school banda. Ang isa ay sa labas ng bahay niya. Wala siyang ginawa kung hindi bantayan iyon. Wala siyang gaanong misyon ngayon na mabigat dahil alam ni Supremo na ito ang tinutukan niya. Napangiti siya nang maalala ang kalagayan ni Ara. Wala pa pala itong asawa at masayaw raw ito sa buhay sabi naman ni Jacob. Buti na lang. Nga lang, sa hapon at gabi lang ito nakikita ng mga kapitbahay dahil sa oras ng bukas nito ng negosyo nito. Mukhang naka-move-on na sa nangyari sa ina nito. Sa kan’ya? Ramdam niyang hindi pa, dahil hindi man lang siya tinitingnan nito. Parang hindi din sila magkakilala dahil kung maka-Kuya, wagas. Natigilan siya nang maalala si Mandy. Siguradong matutuwa ito kapag nakita nito si Ara kaya agad siyang nagpadala ng address ng kaibigan nito. Siguradong masosorpresa din ito kapag nakita nito si Mandy. Bukas ang ilaw sa silid ni Ara nang sumilip ulit siya kaya nakaisip na naman siya kung paano nito mapansin. Kumuha siya ng papel at sinulatan iyon na kung puwedeng papalitan ng love song ang tugtog nito para makatulog siya. Bago iyon, sinara niya ang sa opisina niya at binuksan ang bintana ng kuwarto. Baka mag-reply na naman at mabato nito ang monitor niya. Hindi nga nagtagal ay may nabasag na salamin naman. “s**t!” aniya. Mukhang malakas ang impact base sa pagkabasag ng salamin. Hindi kan’ya ang salaming iyon, sa may-ari. Mukhang may papalitan na naman siya bukas. Kinuha niya ang papel at tiningnan ang reply nito. Napangiti siya nang mabasa iyon, masusunod daw. Napapitalg siya bigla nang lumakas ang tunog na nangmumula sa bahay ni Ara. Hindi love song ang nakasalang! Heavy metal! Napahilot siya sintido. Mukhang magdamag siyang gising dahil sa uri ng tugtog na pinili ni Ara. Ang lakas na mang-asar. Ibang-iba na nga sa kilala niyang mahinhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD