Chapter 6

1241 Words
Naghihintay na sana ako ng reply ni Xeno nang biglang pumasok si Kim sa kwarto ko, may dala siyang ilang bote ng vodka, chips and ewan ko may nakalata pa. Lalaking ‘to talaga. Kung kelan may ginagawa ako dun pa mag aayang uminom at maglaro. Hinila ko nalang tuloy siya agad at pinatabi sakin sa kama. He just smiled at me sweetly saka kinuha ang isang white pillow ko at tinakpan ang mukha ko. "Di ka pwedeng uminom. Juice ka lang." Utos ni Kim sakin na siyang ikinatawa ko. Alam niya namang marami akong iniisip di’ba? So we both deserve a shot. Pinilit ko pa ring abutin ang mini-vodka kaso napigilan ito ng kamay niya at nilagyan ito ng isang lata ng pinaapple juice. Sinundan niya pa ito ng paborito kong chips. Well, hayaan na at wala naman akong balak na uminom at baka ano pang mangyari. Tahimik lang akong kumakain ng chips sa tabi niya. Naalala ko pa noon, hindi ako pinapayagan ng mama ko na kumain ng mga junk foods or ano pang may vetsin, sabi niya kasi bawal daw ito sa UTI ko. Yeah. May ganun akong sakit. Pero noong nagdalaga ako mukhang nawala na din. Ibang hapdi na kasi ang nararanasan ko di’ba? Hapdi kapag napasobra. Kumakain parin ako nang napansin ko ang mga titig ni Kim sakin habang nilalagok ang alcoholic beverage na iniinom niya. Tumaas ang kilay ko at tiningnan na lang ang kinakain ko. Tumatawa naman ang loko. Bakit feeling ko adik na adik ‘to sakin? Napailing na lang ako. “Baby, I’m addicted to you.” Sabi ko na may kasama pang hum. Matagal na din akong hindi kumakanta. Simula ata ng nawala si Xeno hindi na ako muli pang kumanta. Bakit? Dahil nawalan ako ng gana. Nakakawala naman kasi ng gana kung kanta ka ng kanta para sa taong mahal mo tapos magugulat ka nalang isang araw wala nang nakikinig sa’yo. Wala ng may gustong making at wala na ang taong dahilan kung bakit ka naiinlove sa mga love songs. Parang nawalan na din ng saysay ang himig mo. Hanggang sa magugulat ka nalang isang araw na nasa utak mo nalang ang lyrics ng mga kanta at wala ng boses na lumalabas sa’yo. Pero okay lang, nagkaroon naman ako ng kasunod na talent pagkatapos nun di’ba? Talent sa pagsasayaw. Sa kwarto ko o sa ibabaw ng lalaking nakakasama ko. Bumaling si Kim sakin. “You’re addicted to me or to him? Paasa ka.” Nakita ko ang pagpupungay ng kanyang mga mata at pamumula ng kanyang pisngi. Mukhang may tama na siya. Ngumiti nalang ako sa kanya saka ko sinabing, “I’m addicted to myself.” Nagkibit balikat siya, "Sinong niloko mo?" Tumawa siya. Ganyan talaga si Kim kung nakainum na, nagiging mabatabas ang dila niya at napapasobra ang kaparangkahan. Pero sanay naman ako. “Niloloko mo lang sarili mo best. Ginagaya mo ako. Sinungaling sa gf ko. Sige ka sabay tayong masusunog sa impyerno niyan.” Tumawa siya saka lumagok na naman ng isang bote. Ang lakas niya na talagang uminom. “Alam mo ba best? Sawang sawa na ako kay Lavender. Haha. Ganun din siya.” Tawang tawa siya sa sinabi niya. “Ikaw ba? Hindi ka nagsasawa sakin?” tumingin siya sakin, kitang kita ko na sa mga mata niya ang kalasingan. “Hindi. Hinding hindi.” Mabilis kong sagot. Ngumiti naman siya. “Ako kasi hinding hindi ako magsasawa sa’yo.” Napakagat ako ng labi ko. "Lasing na talaga ‘to." Bulong ko sa sarili ko. Niyaya ko nalang tuloy siyang matulog sa tabi ko at pinigilan na siya sa pag inom. Yayakapin ko na naman siya para mawala ang kadramahan niya. Alam kong yun lang ang gusto nito. Hindi ko na muna iisipin ang reaksyon ni Xeno. Pero umaasa ako na pagbukas ko ng cellphone ko bukas. May reply siya sa ginawa ko. Sana dumating ang oras na pagmulat ko ng mga mata ko ay nakatakas na ako sa sakit na dinanas ko noon. Oo, pinipilit ko namang kalimutan yun. At nangyayari lang ito kapag kasama ko si Kim, kapag minumulat niya ako sa katangahang ginagawa ko. Pati ang kawalang respeto ko nga sa sarili ko, pinapamukha sakin ng taong 'to. Wait. Napatigil ako sa pagiisip nang pagkapa ko sa kama ko ay wala akong nahagilap na Kim. Pikit pa rin ang mga mata ko dahil sa nasisilaw pa akong magmulat at nakasanayan ko na pagkapa ko sa tabi ko laging may tao sa tabi ko. Minsan naman pag gising ko nakayakap pa rin siya sakin at ang sarap ng tulog niya. Psh. Nagkaroon ata ng kakaibang epekto ang mga nainom niya kagabi. Kinusot kusot ko ang mata ko. Naalala ko kasing may kelangan akong tingnan sa cellphone ko. Mamaya na ako bababa kapag may nakita man lang ako ni isang message na galing kay Xeno. Pagsilip ko sa phone ko may apat na text nga. Dalawa galing kay Xeno at dalawa mula sa network. Napangiti agad ako, sana mapatunayan ko na nga kung may trauma pa rin siya. When I opened the message nakita kong sticker lang ang reply na una ni Xeno and noong binuksan ko ang pangalawa, wala man lang akong nakita dahil blank message lang ang pinadala niya. squint emoticon Napamura ako. Nakikipaglaro din ba siya sakin? O baka gusto niyang personal na akong magpakita sa kanya ng dugo? Wala naman kasing kwenta ang ginawa kong pag send ng picture sa kanya. Parang nagmukha tuloy akong mutanga dahil dun. "Hindi ako susuko Xeno." sabi ko ng may halong paniningkit ng mga mata. Naiinis lang talaga ako sa ginawa ko. Tsaka arrrrrgh. Anong klaseng reply yun? Wala ako sa mood na lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Gusto kong uminom ng tubig dahil mukhang nadrain ako. Pagkarating na pagkarating ko may nakita akong lalaking topless at shorts lang ang suot. Apron niya lamang ang nagtatakip sa katawan nitong mala machete. "Good morning best." masaya nitong bati sakin. Ngumiti naman ako sa kanya saka ko kinuha ang pitsel na may tubig. Umiinom ako pero hindi pa rin maiwasang hindi mapatitig sa ayos ni Kim ngayon. Inaamin ko ang hot niya. Nadagdagan pa ata ito ng mala mais na pawis na tumulo mula sa sintido niya. Parang feeling ko tuloy ang sarap niyang papakin. Ewan ko. Natatawa nga ako kay Kim kapag nagpapasexy siya ng ganyan. Pakiramdam ko kasi nababakla na siya. "Ang lagkit mong tumingin best." puna niya na ikinaiwas naman ng mga mata ko. Napatingin nalang tuloy ako sa hotdog and egg na niluto niya sa mesa. Nilagyan niya pa talaga ng design sa gilid. "Nashock lang ako na hindi sunog ang niluto mo at nakakagulat din ang suot mong apron." tinuro ko ang apron niya. Ngayon ko lang napansin na may print pala itong minions. Tss. Minsan talaga nakakabili ako ng mga bagay na hindi ko naman sinasadyang bilhin. "Wala namang masama dito di'ba?" tinuro niya ang apron niya. "Dito kasi may problema Best." di ako nakaimik nga bigla niyang ituro ang lugar na kinaroroonan ng puso niya. Sabi na nga ba. Konti nalang at makikipag break na siya kay Lavender. Oo, napapagod na siya. Kaya siguro nasasaktan siya. Nagkakasawaan na sila habang ako iniisip pa rin kung paano ko aasarin si Xeno. Kung paano ako magkakaron ng sweet revenge sa lalaking yun. Alam ko prof ko siya pero mahanap ko lang ang address niya ay pupuntahan ko talaga siya. Pupuntahan ko siya para naman malaman ko kung kumusta na ang ang buhay niya at ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD