Chapter 5

1545 Words
Malinaw pa sa memorya ko kung paano ko unang nakilala si Xeno. Sa isang gabing maulan, malamig at madilim. Hindi ko alam na magkakagusto ako sa isang uhuging lalaking katulad niya! Para kasi siyang totoy noon at napakapatpatin pa. Sa mga oras na 'yun ay Foundation Day namin at member ako ng student council! As far as I know matagal ko ng kilala si Xeno pero hanggang pangalan lang. Tahimik siya. Saka lang siya nagsasalita o nag-iingay kapag kelangan. Sabi nila ganun daw talaga siya, pero mabait naman. Namatayan daw kasi siya ng mommy when he was 5 years old. Nag commit ito ng suicide sa harapan pa mismo ng anak niya. Binaril ang sarili sa sintido. Masayahing bata daw si Xeno hanggang sa nagbago siya dahil sa nangyari. Nagkaroon siya ng phobia sa dugo at sa mga bagay na mukhang related sa ginawa ng mommy niya. Yun ang dahilan kaya iniiwas din siya ng mga teacher ng school sa mga ganun. Minsan daw kasi nagwala na siya dahil sa nakakita ng dugo ng isang patay na pusa sa desk niya. Nakakaawa siya. Btw, siya ang vice-president ng council namin nun. Ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya sa mga oras na 'yun. tahimik lang kasi siyang nakaupo sa isang tabi habang nag memeryenda. Sa unang tingin hindi mo iisiping ganun ang naranasan niya. Ang maiisip mo lang..may kakaiba talaga sa kanya. And ako naman, I don't know but I feel like there is something in him that I can't defy. Parang gusto kong makipagkaibigan sa kanya and to help him with his trauma. Saka ko lang narealize kung ano yung nararamdaman ko sa kanya pagkatapos ko siyang lapitan. Sabi ko pa sa sarili ko may kakaiba nga talaga. Hindi niya ako iniwasan when I offered my hand to him. Ngumiti pa siya sakin at nagsabing hello tapos nakipag shake hands. Alam niyo kung anong naramdaman ko nun? Para akong nakarating ng Cloud 9, kasi iba ang expectation ko sa lumabas reality. Tahimik pala siya pero hindi snob. Siya pala yung tipo ng taong nagaantay lang na pansinin mo para magsalita. In a friendly manner. Mabait pala siya at hindi nakakatakot. "Friends na tayo ha Kuya." yan nalang ang nasabi ko bago ako umalis sa tabi niya. Baka kasi kung mapatagal pa ang upo ko hanapin na ako ng mga kasama namin sa stage. Pero ang totoo gustong gusto ko pa siyang makausap sa time na yun. Hindi ko inakala pero sa kasunod na araw nun habang bumababa ako sa tricycle. Nakita ko siyang kakababa lang sa kotse ng Dad niya. Ang yaman talaga nila, yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko. Kumpara sakin na naka sanayan sumakay sa itaas ng tricycle para lang makatipid sa pamasahe. Tatalon na sana ako pababa when I saw him. He handed his hand. Then I saw him smile. "Mag ingat ka." tapos ayun nakababa nga ako pero hindi ko pa rin nabibitawan ang kamay niya. Tinanggal ko na din at naglakad na kami. His face was light for me at that time. Para sakin nakita ko na ang forever ko. "Simula sa araw na'to hatid suno na kita sa bahay niyo. Sabay tayong papasok. Okay ba? Ano ngang pangalan mo?" tama. hindi niya nga pala natanong ang pangalan ko last time. "Summer." tipid kong sagot. “Summer Sandoval.” Ngumiti naman siya. Ewan ko bakit. “Xeno Fierro at your service.” Sumibol ang mas malapad pang ngiti sa manipis niyang labi. Simula noon, nagustuhan ko na si Xeno. Si Xeno na kung gaano kaganda ang ugali, ganon din ka gwapo ang mukha. Habang tumatagal, lalo siyang gumugwapo. Pero sobrang gwapo niya na talaga at siya ang tipo ng lalaking hindi mahirapan mahalin. Kaya simula sa araw na yun nangako ako sa sarili ko na papasayahin ko siya. ---------------- Nakatulog na ako sa pag iisip kagabi. Baliw na talaga ako ano? Hindi man lang ako nakakakain ng dinner dahil doon. Napagalitan pa tuloy ako ni Kim dahil daw nag tiis siya sa yogurt and fruits. Kaya ito hinatid niya nalang ako papasok ng univ. Naiisip ko lang, hindi ko nga pala siya magiging teacher sa araw na ito kaya wala ding kwenta ang araw ko. Bukas pa kasi ang subject ko sa kanya. After ng klase ko as usual sa cafeteria na naman ako pumunta. Kakain ako pampatanggal ng stress. "Hi Ms. Sandoval." napalingon ako when someone greet me. Then I saw a familiar face. It's him. Umupo pa siya sa harapan ko. Napalingon lingon na din ako at nakita kong wala na palang bakanteng upuan kundi ito nalang at wala din siyang kasama. Kaya pala dito siya naupo. NO CHOICE. "Kumusta ka kagabi?" May malungkot na ngiti sa mga labi niyang pinkish. "Sinadya mo ba yun?" "None of your business." I said with conclusiveness. Tiningnan niya ako saglit tapos muling bumaling ng tingin sa pagkain niya. Ayyy s**t! What the hell. I looked around me and I saw all of them looking at me. Napatingin ako sa mga tao at nagulat ako nung makita ko si Xeno na nasa tabi ko na at nakangiti siya. Ako naman I feel damn! Kasi awkward sakin ang ganitong set up pero chance na'to di'ba? That smiled reminds me of the past. The past, I wish to bury. He's a gentleman. Iba siya. Kung ang iba galawang breezy at pa-astig, siya hindi. Masaya na siyang maging taga bitbit ng bag, tagahugas ng lunch box ko tuwing tanghali at maging hatid sundo ko araw araw. Wala siyang reklamo sa halos isang taong ginagawa niya. Naalala ko pa noong niyaya niya akong kumain ng ice cream, akala ko sa mga oras na yun ay dadalhin niya ako sa isang ice cream parlor. Pero alam niyo ba kung san kami kumain? Sa isang parke at nakuntento na siya sa dirty ice cream. Oo, simple lang talaga ang gusto niya kahit isa siyang anak mayaman. Kung saan siya mas komportable dun siya. Lumipas pa ang ilang buwan at nagumpisa na siyang manligaw sakin. Noong umpisa akala ko biro niya lang ang sinabi niyang gusto niya ako. Ewan ko ba. Hindi ko inasahan na ang isang tahimik na lalaking tulad niya ay magkakagusto sa tulad ko. Ang alam ko lang dahil masaya akong magkasama kami, ay pumayag na ako. Doon nag umpisang mas mahulog ang loob ko sa kanya hanggang sa di nagtagal naging kami na. Sinagot ko siya dahil alam ko namang karapat dapat siya. Naging open na din kami sa papa niya nun at sa mga magulang ko. Okay naman sa kanila basta mag ingat lang daw kami sa puppy love na ito. Nagkakatinginan kami kapag naririnig namin yun, para samin hindi ito simpleng puppy love. Seryosong seryoso kami sa lagay na'to. One time habang may inaayos kami para sa isang event aksidente kong nasugat ang sarili ko. Mali kasing cutter pa ang ginamit kong pantabas sa ribbon kaya nagkahiwa ang kamay ko na di nagtagal at dumugo na. Naiyak ako sa sakit. "Xen!" napahikbi ako. Nasa tabi ko lang naman siya pero nagulat ako nang mapatingin siya sa kamay ko. At imbes na tulungan ako ay lumayo siya. Hinabol ko pa nga siya kasi akala ko kukuha siya ng gamot kaso nawala siya sa paningin ko. Akala ko gagamutin niya ang sugat ko kaso hindi eh. Umalis siya. Doon ko naalala ang phobia niya sa dugo. Na ayaw niya nga palang makakita nun at sa tinagal tagal namin magkasama unang beses niya lang kasing makitang nasugatan ako. Unlike dati na ginagamot ko muna ang sarili ko bago ako magpakita sa kanya. Sobra nga talaga ang takot niya, kaya siguro iniwan niya ako at umuwi bigla. Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko. Nakuwi nalang ako ng bahay, si Xeno pa rin ang laman ng isip ko. Mas nadagdagan tuloy ang mga tanong na bumabagabag sakin. "Sa tingin mo best nawala na kaya ang takot niyang yun?" pasubali kong tanong kay Kim na nasa tabi ko at busy sa pagplaplano ng CC nila. Nagkibit balikat lang siya sakin. Binatukan ko naman. "Hindi naman agad mawawala yun. Mama niya ang dahilan kaya nagkaganun siya, ang taong pinakamamahal niya. Kaya hindi agad mawawala yun." napaisip ako sa sinabing yun ni Kim. "At hindi impossibleng hanggang ngayon takot pa rin siya sa dugo. Malay mo dati natakot din siya sa dugong lumabas sayo." nadagdagan ang mga tanong ko sa mga sinabi niya. "Pero sabi mo nga ugali niya na ang mangiwan kaya hindi din impossibleng nagsawa lang talaga siya sayo." dagdag pa niya. Napangiti nalang ako. Siguro nga may point si Kim. Baka isa sa mga sinabi niya ang rason. Hindi na ako umimik pa at umalis na sa kwarto nito para magkulong sa kwarto ko. Gabi na din at kelangan ko munang ipahinga ang sarili ko. "Ano ba talagang dahilan Xeno?" mahinang bulong ko. Napahawak na din ako sa cellphone ko at kasalukuyang hinahagilap ang number niya. Tatawagan ko na sana siya ng may pumasok sa isipan ko. Naghanap ako ng picture sa internet. Kahit ano basta may dugo. Nakita ko ang picture ng isang brasong may laslas tapos pormang love. Kung ito nalang kaya? Sige. Sinave ko ang picture. Susubukan ko lang naman kung anong reaksyon niya. Isesend ko to sa kanya mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD