“Kain na tayo?” I asked him na mukhang medyo busy pa sa ginagawa niya. Ewan ko ano yun. Dali dali nalang akong naglakad patungo sa rack at kumuha na ng dalawang plato at naglapag na sa mesa. Nag ayos na din ako ng baso namin at kumuha ng juice sa fridge na ikiningiti naman niya. I know right. Masaya rin siya kapag nararamdaman niyang pinagsisilbihan siya. Ganun din naman ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagbubuhos ng juice sa baso ng mapansin ko ang biglang pagyakap niya sakin mula sa likuran. Para akong nakuryente sa ginawa niyang yun. Then he suddenly grab me on my waist ay hinila niya ako papalapit sa kanya. Mabuti nalang talaga maingat ako kaya sa mesa ko biglang napatayo ang pitsel, kundi basag yun. “Summer.” Sambit ni Kim. May halong lambing ang boses niya na hindi ko naman mawari kung