Chapter 2

1579 Words
“SIGURADO ka bang okay lang sa tito mo?” nag-aalangan na tanong ni Aya habang nakatingin sa bungalong bahay kung saan nakatira ang kanyang kasintahan. “Aya, huwag kang mag-alala. Mabait naman si Tito Roel. Isa pa, gusto ka din niyang makilala.” Malumanay na wika ni Christian habang hawak ang kanyang kamay. Muling napangiwi ang dalaga. Ang totoo ay hindi niya masyadong gusto ang isiping ipapakilala siya sa tiyuhin nito. Nakita na niya ang mukha ng Tito Roel nito sa isang litrato at hindi niya nagustuhan ang hilatsa ng mukha nito. Iba ang pakiramdam niya. Kaya naman nagtaka siya ng marinig sa nobyo na nais daw nitong makilala siya. At hindi na siya nakatanggi ng yayain siya nito ng hapong iyon. Kagagaling nila sa pamamasyal ng sabihin nitong dumaan daw muna sila sa bahay na iyon dahil nga sa intensiyong kanyang nobyo na magkakilala sila ni Tito Roel. “Puwede bang sa ibang araw nalang? Biglaan naman kasi ang pagyayaya mo.” Halata sa mukha niya na nag-aalangan talaga siya. “Aya, ano bang problema mo? Wala namang masama kung ipapakilala kita ngayon sa nagpaaral sa akin hindi ba?” “Pero kasi --- “ “No buts’ Aya. Lets go.” Putol ni Christian sa iba pa niyang sasabihin at tuluyan ng hinila ang kanyang kamay papasok sa loob ng bakuran ng tirahan nito. Kapapasok palang nila sa gate ay sinalubong na kaagad sila ng tiyuhin nito. Agad na sumama ang pakiramdam niya. “Kumusta ka Aya?” Iyon ang narinig niyang bungad mula sa tiyuhin ni Christian na si Tito Roel. Napansin niya ang kakaibang tingin nito ng magtama ang kanilang mga mata. Na tila ba may ibang sinasabi ang mga mata nito. Kiming nginitian niya ito. “Mukhang mahiyain ang nobya mo Chris.” Komento ng lalaki habang nakatingin pa rin sa kanya. Malumanay naman itongg magsalita at magaan subalit hindi pa rin talaga siya kampante. Ewan niya pero hindi niya maintindihan ang kakaibang kaba habang nakatingin sa kanya si Tito Roel. “Tito, mahiyain lang talaga si Aya pero I assure you, napakabait niyan. Isa siya sa dahilan kung bakit nakatapos ako ng pag-aaral. She’s my inspiration.” Ani Christian na nagniningning ang mga mata habang nakatingin sa kanya at hawak pa rin ang isa niyang kamay. Ginagap nito ang kamay niya subalit hindi iyon nakatulong upang alisin ang hindi magandang pakiramdam sa harap ni Tito Roel. Gayunpaman ay napangiti siya sa tinuran ng kasintahan. Bakas sa mukha nitong mahal na mahal siya. “Sa tingin ko nga ay tama ka pamangkin. Sige, wala akong tutol sa relasyon ninyo. Sabagay ay pareho na kayong nakatapos ng pag-aaral.” Pahayag ni Tito Roel. “Thanks Tito.” Wika ni Chris sabay akbay sa kanya. Muli ay nagsalubong ang paningin niya at ng lalaki subalit mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hanggang sa yayain na sila nito na pumasok sa loob. Bagamat atubili ay nagpahila nalang siya sa kasintahan. “SO, anong masasabi mo sa tito ko?” maliwanag ang mukhang tanong sa kanya ni Christian ng mapagsolo silang dalawa. Nagpaalam ang tiyuhin nito at maghahanda lamang daw ng kanilang hapunan. Kasalukuyan silang nasa maliit na sala ng bahay. Gusto sana niyang sabihin sa kasintahan ang kakaibang nararamdaman subalit pinili niyang huwag nang magsalita tungkol sa bagay na iyon dahil baka mabigyan pa nito iyon ng ibang kahulugan. Isa pa ay malamang hindi rin ito masyadong pagtuunan ng pansin ng nobyo at sabihing napaparanoid lang siya. Siyempre ay maganda ang tingin nito sa tiyuhin. “O-okay naman.” Matipid sagot niya. “Mabait naman siya diba?” “O-oo…” S-siguro… gusto niyang idugtong. Kinuha ng binata ang dalawa niyang kamay at ikinulong sa dalawang palad din nito. “Aya, ngayong pareho na tayong nakatapos, gusto kong makaipon para sa pagpapakasal natin.” Ang wika nito. Iniba na nito ang usapan. Dahil sa sinabi ng kasintahan ay nalimutan niya ang agam-agam sa tiyuhin nito. Agad na nagningning ang kanyang mga mata. “Ganyan din ang naisip ko Christian.” Sang -ayon niya rito. “Magsisikap akong makahanap ng magandang trabaho dahil gusto kong maging maganda ang magiging buhay mo kapag kasal na tayo. Bibigyan kita ng magandang buhay at lahat ng gusto mo ay ibibigay ko.” Pahayag nitong punong-puno ng pangarap ang mga salita. Nagdiwang ang puso niya sa narinig. Lumobo rin iyon at mas lalo pa niyang naramdaman ang pagmamahal para rito. Hindi niya akalaing may plano na pala ang nobyo para sa kanilang hinaharap. Kolehiyo palang sila ng maging magkasintahan. Ilang buwan itong nanligaw sa kanya at dahil may nararamamdam din siya para sa binata ay sinagot niya ito. Naging maganda ang kanilang relasyon hanggang sa makapagtapos na nga sila sa kolehiyo. Pareho silang ulila na sa mga magulang at tanging mga kamag-anak na lamang ang kinalakhang kasama. Kaya ang tiyuhin nito ang nagpa-aral sa kasintahan. Ngayon lang niya nakilala ang lalaki dahil sa ibang bansa ito nagtatrabaho at ngayon lang muling nakauwi sa bansa. Kaya’t nagtaka siya ng sabihin ng nobyo na nais nitong makilala at makita siya. Siya naman ay pinag-aral ng isang balong tiyahin sa probinsiya nila at nang makatapos sa high school ay nagpasyang magputa sa Maynila upang humanap ng pagkakakitaan. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ng matanda. Kaya nagpasya siyang magpunta ng Maynila at tila umayon naman sa kanya ang panahon, nakahanap kaagad siya ng trabaho habang nag-aaral sa gabi. Matalino din siya kaya nakakuha siya ng scholarship sa kanyang kolehiyo at malaki ang naitulong niyon para sa kanyang pag-aaral. Humilig siya rito. “Hindi ko naman hinihiling na magkaroon ng marangyang buhay Christian, masaya na akong kasama kita habambuhay.” Malambing niyang wika dito. Niyakap naman siya nito. “Pero ayaw kong maghirap ka sa piling ko. Gusto kong ang lahat ng naisin mo ay maibibigay ko.” Umalis siya sa pagkakahilig dito at hinaplos ang pisngi nito. “Christian, hindi importante sa akin kung ano ang maibibigay mo sa akin. Ang mahalaga ay ang makasama kita at alam kong mahal natin ang isa’t-isa.” Buong pusong pahayag niya dito. Itinaas nito ang isa niyang kamay at kinintalan ng halik. “I love you, Aya. Lahat ay gagawin ko para sa iyo.” “Mahal na mahal din kita Christian.” Masuyo rin niyang sagot dito. GUSTONG sorpresahin ni Aya ang kasintahan ng hapong iyon dahil sa pagkakatanggap niya ng trabaho bilang admin assistant sa isang malaking kumpanya. Madali siyang nakapasok sa trabaho dahil sa magandang record niya sa pinagtapusang eskwelahan. With flying colors din kasi siya ng magtapos sa kolehiyo at malakas iyon sa naging hatak niya. Bumili siya ng cake na puwede nilang pagsaluhan. Pagkababa niya sa tricycle ay mabilis siyang nagbayad. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi habang pinipindot ang doorbell sa gilid ng gate. Nakakailang doorbell palang siya ng bumukas ang pintuan sa harap. Iniluwa niyon ang tiyuhin ng kasintahan. Unti-unti nabura ang ngiti sa kanyang labi at bigla’y nais niyang umurong. Gusto niyang kumaripas ng takbo kundi lang alam niyang nakita na siya nito. Napansin niya ang suot nitong sando at maikling short na kalahati na ng hita nito ang nakikita habang naglalakad palapit sa kanya. Maliit lang ang lalaki pero malaki ang katawan. Bigotilyo rin ito at medyo mahaba ang buhok. Hindi sa panghuhusga pero madumi itong tingnan kahit na nagtrabaho ito sa abroad at mukhang may pera naman. Ang nakabusangot na mukha ay biglang nangislap ng makita siya - iyon ang napansin niya. Kahit gusto niyang umurong ay hindi na niya nagawa dahil nakalapit na ito ng tuluyan sa kanya. “Aya, nadalaw ka.” Bungad nito sa kanya. Hindi itinago ang pangingislap ng mga mata. Aligaga siyang sumagot. “Ahm…n-nariyan ho ba si Christian?” pinigil niya ang bahagyang pagnginig ng boses. Kumilos itong upang buksan ang gate. “Wala pa siya eh. Hindi pa dumarating. Maaga siyang umalis kanina. Maghahanap daw ng trabaho.” “G-ganoon ho ba? S-sige ho, babalik nalang ako.” Aniyang akmang tatalikod. Subalit naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso upang pigilan siya. Nanigas ang kanyang katawan. “Sandali lang. Pumasok ka na muna dito sa loob, baka parating na rin ang pamangkin kong iyon. Hapon na rin naman.” Ang wika pa nito. Napapalunok na bumakas ang pagkaasiwa sa mukha niya. Binawi niya ang braso rito saka pasimpleng dumistansiya. Masyado kasi itong malapit sa kanya. “H-ho? H-Hindi na ho. May gagawin pa din kasi ako. B-Babalik nalang ho ako mamaya o kaya tatawagan ko nalang siya para magkita kami.” Ayaw niyang pumasok sa loob dahil nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba. Lalong ayaw niya dahil wala si Christian at ang tiyo lang nito ang naroroon. Sumimangot ito sa ginawa niyang pagtanggi. “Naku, baka pagod na iyon kapag dumating. Alam mo naman ang naghahanap ng trabaho. Sige na, pumasok ka na at dito ka na maghintay sa loob.” Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi sa halip ay niluwangan nito ang gate sa pagkakabukas upang makapasok siya. Kahit gusto niyang tumalikod ay hindi na niya nagawa. Hindi siya bastos na tao. At baka isipin nitong bastos siya kapag nilayasan niya ito. Baka kung ano pa ang sabihin nito kay Christian kapag nagkataon. Kahit labag sa loob at may kaba ay wala na siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng bakuran. Inihanda nalang niya ang sarili sakali mang may hindi magandang mangyari. Hindi na niya nakita ang pagtalim ng tingin ni Tito Roel habang nakasunod ito sa kanyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD