Chapter 15

1852 Words

“NOW I know kung bakit tinanggihan mo ako.” Makulimlim ang mukhang bungad sa kanyan ni Elijah. Kalalabas lang ni Aya sa silid at medyo inaantok pa siya. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi dahil sa ginawang pamamasok sa kanya ng binata. Hindi kasi maalis sa isip niya ang mga ginawa nito sa kanya. Lalo na ang mainit na halikang namagitan sa kanila. Hindi pa yata tapos ang panggugulo nito sa kanya kagabi. Kaya ngayon ay itutuloy nito ang paninira ng kanyang mood. Hindi na sana niya ito papansin. Pagkalabas palang kasi niya ay nakita na niya ang bulto nito. Papasok sana ulit siya pero baka isipin nitong natatakot siya rito kaya ipinagpatuloy nalang niya ang paglabas. Diretsong naglakad siya at hindi ito sinulyapan man lang. Pero iyon nga, nagsalita nanaman ito. Nalukot ang mukha ni Aya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD